Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpakagago" poems
Kita kita bilang isang kaibigan Bilang isang kakwentuhan Laging kasama sa lahat ng mga kalokohan Kita kita, kaibigan. Sana kaibigan ay kita mo rin ako, Kita mo rin ako bukod sa pagiging kakwentuhan mo Bukod sa laging kasama sa lahat ng kalokohan mo Sana kita mo rin ako. Di ko alam kung ano ang dapat maramdaman Kapag tinatawag mo ako bilang kaibigan Kahit minsan kitang kayakapan Tuwing namomoblema sa mga problemang dapat lampasan. Ngunit alam kong hindi ako Hindi ako ang gusto mo Mahal mo, hindi ako. Oo. Matagal ko ng alam ito ngunit pinili kong magpakagago At bulagin ang sarili sa sa'yo. Bakit? Kasi ikaw ang gusto ko! Kasi ikaw ang mahal ko! Pero, hindi mo kita ang isang tulad ko. Minsan, ayaw ko ng isipin ang mga problema ko Lahat ng problemang bumabalot at sumisira sa mundo ko Wala! Wala ng luhang lalabas sa mga mata ko Wala ng tubig ang aagos sa mukha ko. Kung kaya't hinihiling ko na sana Takpan na lang ang aking mga mata At tsaka ako bulungan sa tenga, "Magiging maayos rin ang lahat kaya magpahinga ka muna. Tumigil ka muna sa pagpapakatanga sa taong nakatingin naman sa iba. Huwag kang mag-alala, ilalayo kita sayong mga problema. Pipigilan ko ang luha mula sa'yong mga mata. Hindi ko hahayaan na may tubig na muling umagos sa iyong mukha. Dahil gusto kita. Mahal kita. Kita na kita."
0
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 3:59 AM UTC
Kita na Kita
naalala mo pa ang mga masayang araw? na sa bahay niyo'y lagi kitang dinadalaw Oo suot suot ko yung damit ko na dilaw na tumeterno sa sa inyong ilaw nakakatawang isipin dahil sa mga masasayang kwentuhan natin kalaliman na ng gabi kung tayo'y abutin pero ang sabi mo ang gabi'y atin ng sulitin mga tawa mong walang humpay kasabay ng paghampas ng iyong kamay yun lang naman ang aking hinihintay ang mga tawa't ngiti mo na hindi nakakaumay pero tila lahat ay naglaho ika'y biglang umiwas at nagbago hindi ko alam kung bakit at papaano ako'y iniwan ng walang abiso puso ko'y parang binugbog na sinalang sa apoy at sinunog mundo ko'y binasag at dinurog na tanging natira nalamang ay bubog pero ang lahat ay nagbabago sa rehas ng nakaraan ayokong mabilanggo iiwasan ng magpakagago sa minahal ko't ako'y itinago
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 12:13 AM UTC
Rehas ng Nakaraan