Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kha Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
w Dec 2016
26
Ilang oras na akong nagsusulat
Ilang tinta at papel na ang nasayang
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso
Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay
Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba
Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi
Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya
Ano pa ba ang dapat gawin?
Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo?
Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin
Hindi ko alam kung ano at paano
Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan?
Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit?
Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa
Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na
Wala ng dahilan para magpatuloy
Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat
Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan
Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo
Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon
Hayaan ang sariling humilom
Hindi ko alam kung gaano katagal
Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito
Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya
Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya
Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
JK Cabresos Jul 2016
Oo. Totoo.
Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
na aakyat pa sa rurok ng bundok
para isigaw ang pangalan ko,
at ipahayag ang nilalaman
ng damdaming nagsisidhi,
sapat na sa akin
ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan
na nais kong marinig
mula sa mapang-akit **** mga labi.

Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo
sa sinasabi ng ibang tao,
dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon
para umibig nang wagas
o hanggang sa dulo ng mundo,
hindi sila ang dumidekta
sa kung sino man ang ititibok nitong puso,
hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.
Hindi.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako
na sa lahat ng date na ating mapuntahan
ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo,
o libo-libong litrato ang ipo-post mo,
dahil ayaw ko lang mawala
ang pagiging pribado ng ating relasyon,
sapat na sa akin
ang itago mo ang mga litratong ‘yan,
at titigan pauli-ulit
kapag miss na natin ang isat-isa.

Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba,
hindi ko sila papatulan,
hindi ko sila papansinin,
hindi kita niligawan
nang mahigit isang taon para saktan lang,
wala akong **** sa kanila,
ikaw ang mahal ko,
oo, mahal kita,
at tanggap ko kung sino ka,
kung anong mayro’n at wala sa’yo,
dahil mahal kita.
Mahal na mahal,
hindi mo kailangang ma-insecure.
Hindi.    

Lahat ng bagay, ay aking gagawin,
dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”  
sa bawat letra ng mga salitang
namumutawi sa aking bibig,
hindi ito isang antigong alahas  
na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
pagkatapos ay itatago sa kahon,
at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon,
mamahalin kita kahit sa ano mang panahon:
tirik man ang araw sa pagtawa
o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.
Mahal kita.
Mahal na mahal,
at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”
sa mahal lang kita,
kukunin ko ang mga agiw sa ‘yong mga lumang gunita,
pilit kong wasakin ang mga pader
na nakaharang sa ating dalawa.    

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili
sa ‘yong presensya at pagkandili,
sapat na sa akin ang pag-intindi mo
sa mga kamaliang pilit **** binabayo,
mga pagkukulang na pilit **** pinupunan,
at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap
ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay
at hindi mo ito binitawan.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak,
nang mabatid mo ang mga nakasulat,
nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
ililibot kita,
sa aking nakaraan,
sa aking ngayon
at sa aking bukas,
ilalahad ang pag-aasam na makatakas
sa mga kabiguang natanaw.
Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso,
dito matatagpuan ang pag-ibig
na kailanman hindi mabubura,
hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
hindi na kailangan,
dahil alam ko, d’yan sa puso mo,
nakaukit rin ang pangalan ko,
at ang pag-iibigan nating dalawa,
hindi mo na kailangan ipagsigawan pa
dahil alam kong mahal mo rin ako.
Mahal mo ako.  
Mahal na mahal.
Copyright © 2016
Patawad.
Sa mga salitang sinabi ko,
mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko
mga salitang hindi sigurado ng puso ko

sinabi kong magiging malakas ako,
sinabi kong ayos na ko,
pero hindi ako ganun kalakas
di ako ganun ka ayos
at nalaman ko,
nalaman ko na,
hindi pala naghihilom ang sugat ko

Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo
nagpupuno ng pagkukulang ko,
Sino ako?
Sino ako para humarang sa kasiyahan mo.
Hindi ako hahadlang sayo.
Alam kong kabaliwan ito,
sana pagkatiwalaan mo
kung ito ang dapat
akoy maglalaho.

Kung tama na ang nararamdaman,
gawin mo ang yong gusto
Dahil hindi ko isisi sayo
na ang pinili mo ay hindi ako

Mahal masakit pa
Pero kung meron ng ibang nagpapasaya
pinupunan nag pagkukulang ko ng iba
Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ?
Kung ito man ang aking nadarama,
hindi mo na ito problema
dahil kung meron ng ibang nagpapasaya
Hindi ako papagitna.

Kung may pagkakataong may magtanong
kung sino ka.
sasagutin ko.
Dating Kakilala.
030317

Oo, totoo --
Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako,
Na aakyat pa sa tuktok ng bundok
Para isigaw ang pangalan ko,
At doo'y ihayag ang nilalaman
Ng damdaming nagsisidhi,
Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan.

Mahal kita --
Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas
Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro
Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan.

Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig,
Hindi ko alam kung matatapos ba
Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita"
Pagkat hindi ito isang antigong alahas
Na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
Pagkatapos ay itatago sa kahon,
At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon.

Sabi sa kanta,
"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga"
Pero ang sabi ko nama'y
Tirik man ang araw sa pagtawa
O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak,
Hindi ako mauubusan ng dahilan
Para mas mahalin ka pa.
Mahal, kaya ka pala mahalaga
At kaya pala mahalaga --
Ngayon, ngayo'y alam mo na.

Kukunin ko ang mga agiw
Sayong mga lumang gunita,
Pilit kong wawasakin ang mga pader
Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa.

Sa paulit-ulit **** pagsambit,
Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito
Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo
Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay --
Masanay sa bawat pagbigkas mo
Kahit pa sabi ko noo'y ayoko
Kahit pa gusto kong itanggi
Kahit pa gusto kong limutin.

Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo
Sapat na sakin ang pag-intindi mo
Minsa'y di ko maintindihan sa telepono,
Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko
Pero alam ng puso ko:
Narinig ko.

Sa mga kamaliang pilit nating binabayo,
Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan,
At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap,
Doon ko nakitang kaya pala --
Kaya pala nating magpatuloy
Sa paghawak sa kamay ng bawat isa
At kahit pa malayo sa isa't isa'y
Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta.

Minsan di'y nagtanong ako,
Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo?
Bakit kailangang hintayin pa kita?
Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal?
Ba't nga ba minamahal kita?

Mapupuno ako ng bakit
Pero itatapon ko ang mga ito,
Ayoko nang malunod sa pangambang
Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho
O baka malimot ng isa sa atin
Ang iniingatang "mahal kita"
Tatalon ako sa walang kasiguraduhan
Tatalon ako --
Oo, alam kong nahuhulog ako
Nahuhulog sa walang katapusang
"Mahal kita."

Hindi ko gamay ang misteryo nito
Hindi ko mabatid ang mga nakasulat,
Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
Pero ililibot kita,
Sa aking nakaraan,
Sa aking ngayon
At sa aking bukas --
Pagkat hindi tayo nabigo
Ayokong biguin ka.

Kailanman hindi mabubura,
Hindi maglalaho
Para sa nag-iisang ikaw.
Sana magkusa ang araw sa pagbangon,
At bukas makalawa'y maririnig ko na
Ang hinihintay kong "Mahal kita."
Prince Allival Mar 2021
Oo. Totoo.
Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,na aakyat pa sa rurok ng bundok
para isigaw ang pangalan ko,at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi,
sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig
mula sa mapang-akit **** mga labi.

Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao,dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo,
hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.Hindi.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako
na sa lahat ng date na ating mapuntahan
ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo,
o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawalanang pagiging pribado ng ating relasyon,sapat na sa akin nang itago mo ang mga litratong ‘yan,at titigan pauli-ulit
kapag miss na natin ang isat-isa.

Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba,
hindi ko sila papatulan,hindi ko sila papansinin,
hindi kita minahal nang mahabang panahon
para saktan lang, wala akong pake sa kanila,
ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita,
at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo,dahil mahal kita.Mahal na mahal,
hindi mo kailangang ma-insecure.Hindi.    

Lahat ng bagay, ay aking gagawin,
dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”  sa bawat letra ng mga salitang
namumutawi sa aking bibig,hindi ito isang antigong alahas  na susuotin lamang sa mga piling okasyon,pagkatapos ay itatago sa kahon,
at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon,
mamahalin kita kahit sa ano mang panahon:
tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.Mahal kita.Mahal na mahal,
at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”
sa mahal lang kita,kukunin ko ang mga agiw sa iyong mga lumang gunita,pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa.    

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili
sa ‘yong presensya at pagkandili,sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit binabayo,mga pagkukulang na pilit pinupunan,
at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap
ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak,
nang mabatid mo ang mga nakasulat,
nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
ililibot kita, sa aking nakaraan,sa aking ngayon
at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw.
Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso,
dito matatagpuan ang pag-ibig
na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo,nakaukit rin ang pangalan ko,at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako.Mahal mo ako. Mahal na mahal.Sana Nga'y mahal mo pa ako!  Mahal mo talaga ako.
aL Nov 2018
Kulang ang mahabang gabi
Para sa pagidlip ng isipang puno ng pagkalito
Kahit naman makatulog ay
Sa paggising utak pa rin ay pagod
Dala-dala maging sa panibagong araw
Ang mga gumagambalang pighati
Utak siguro ay puno ng bagabag
Napakasikip na ng kokote, problema pa ay padagdag
Tila ang mga pangarap ay tuluyan nang lumisan
Init ng aking damdamin tuluyang lumigamgam
Pag-asa ay naiwan sa mga kahapon
Wala na bang ibang mararating?
Sa mga kalyeng nalakaran na
Ipagpapatuloy pa rin ang paglaboy
Mas makabubuti pa sigurong makatulog
Baka sa panaginip lahat ito ay maglalaho
Antok sa mundo, ako po ay dapuan mo
no rhymes
no
no
Marlo Cabrera Aug 2015
Siya ay parang ulan
Kay tagal **** hinintay
Sa panahon ng tag init,
Na sa pag dating nito
Ay maiibsan ang sakit

Na dala ng sunog
Sa iyong katawan.

Na dala ng init
Na nang gagaling sa kaniyang mga halik.

Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib
Pero siya padin ang iyong hinihimig.

Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo.
Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan.
Umaasang na siya'y iyong mahahawakan.
Pero wag kang magpaka tanga.

Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya.

Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan

Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari,

Siya ay pangpataba ng lupa.
Wag kang maging hadlang,
Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan.

Pero wag kang magalala.

Hindi ko ba nasabi sa iyo
Na ikay isang puno,
Na paparating na ang tag sibon.
At ngayon mo lang mapagtatanto
Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga,

"Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho"

"Halika tayo'y muling mag simula."
Ang ulan ay para sa mga halaman na atin ng nakalimutan, at inakalang patay na, pero mayroong pang tutubong bunga. Parang puno ng kalachuchi.
alvin guanlao Nov 2010
gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na

kalungkutan ko'y nasasabik
gustong magbago at umagos sa pisngi
at hinding hindi maabutan ng bagsik
ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi

tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan
o hangin wag mo akong hipan
baka di ko kayanin dala **** ginaw
lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw

ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo
walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako
magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo
aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako?

sa isang buntong hininga madarama ang tinik
sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik
tinatanong ang sarili kung saan nagkasala
maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala?

gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na
akin ito
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay
Pero di pa ganoon kabihasa,
Di gaya Mo.

Posibleng maiguhit ko ang langit
Pero paiba-iba ang istilo nito
Nagbabagong bihis ang ulap
Pagkat hinihihipan siya ng hangin.

Kukuha ako ng litrato
Para lamang makuha ang detalyadong anyo
At saka ko titingnang muli
Unang tingin, pangalawa, pangatlo
Ako'y nabibighani.

Maaaring magaya ko ang mukha
Pero pag ako'y titingala't sisilip
Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit.

Itatapon ko ang lahat
Maging mga mamahaling kagamitan
Pagkat hindi abot-langit
Itong istilong tila pangmakasarili
Hindi pasado sa panlasa ****
Panglangit din ang batayan.

Ako'y bilib Sayo
Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y
Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit
Panibago araw-araw,
Mula ulo hanggang paa nito.
Walang kupas, walang katulad
Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining.

Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa
Ihahain ang palad
Hanggang sa kalyo na ang mga ito
Pagkat ginagamit Mo na,
Gamit na gamit Mo.

Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay
May lungkot at saya ang timpla
Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay,
Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi.
At markado Mo ang araw,
Saulado Mo ang lahat,
Pagkat Ikaw ang Tagalikha
Oo, Ikaw, Ama.

Gusto kong magmana Sayo,
Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha,
Sa istilo **** walang katulad,
Pagkat iba ang Iyong paningin,
Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay,
Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin.
At ako'y isang hanging bula,
Maglalaho't liliparin ng bukas,
Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo,
Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
M e l l o Jul 2019
noong bata ako
mahilig ako maglaro
nang taguan
sa ilalim ng buwan
sa harap ng bahay
nagkakasama kami'ng
magkakaibigan
pagpipilian
kung sino ang matataya
magbibilang ng sampu
hanggang sa lahat
ay nagsipagtago
at sa bawat laro  
may madayang
biglang maglalaho
pero sa taguan
kung sino yung
maunang makita
ay siya ang matataya
kaya naman
kung sino yung nangdaya
tiyak sa susunod
na kabilugan ng
buwan
ay hindi na kabilang
Poem of the day.
aL Nov 2018
Sa kalyeng punong puno ng dukha
Kamalayan ko'y nabubuksan na
Sikip at init ng mundong ibabaw
Dama lahat nitong pusong naligaw

Kahirpan talaga'y dapat maranasan
Bigat ng aking daigdig napapasan
Sakripisyo sa buhay, aking puhunan
Nang kasalatan nama'y mabawasan

Makita nawa ng iyong mga mata
Lahat ay may kanyakanyang suliranin
Minsa'y humihingi rin naman ng awa
Ang iyong nang hihinang mga alipin

Maglalaho sa mundo lahat ng hirap
Banggit ng mga kataastaasan,
Ngunit sa ngayon, ang tanging problema'y; aking kabuhayan.

11:57pm 11-14-18
Walang asenso....kasi maraming typo xD pasensya
Danica Oct 2019
Isang halimbawa ng magandang asal
Mumunting dasal kanyang inuusal
Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal
Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal

Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga?
Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga
Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya
Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa

Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag
Laban sa tanghali upang isip ay malinangan
Kanyang ituturo talagang kaabang abang
Ito’y magagamit bilang pananggalang

Bilang anak at estudyante ako ay humahanga
Isa kang modelo, isang tunay na dakila
Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula
Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula

Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa
Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa
Umalis man o mawala kasama ka sa gunita
Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
Tula para sa mga ****,  pagbibigay karangalan sa kanilang ambag sa ating lipunan, kung wala ang mga ito mararating ba ng bawat kabataan kung nasaan sila ngayon?  Tayo'y sumaludo sa ating mga ****.
032217

Ang bilis namang kumupas ng lahat
Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y
Kinain na ng alikabok,
Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta
Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan
Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko
Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito.

Ang bilis namang maglaho ng lahat
Pumikit lang ako, naiglip lang ako
Parang nagbago na rin ang mundo mo
Iba na ang istilo, iba na ang galaw
Iba na ang sambit, iba na --
Hindi ko na mabasa pa
Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo."

Ang bilis namang huminto't sumuko
Na sabi mo'y hindi ka magsasawa
Pero parang kapeng katitimpla lang,
Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa
Iba na ang nagtimpla,
Ayoko na sana.

Ang bilis naman ng lahat,
Sabi ko pa naman,
"Higitan natin ang tatlong araw"
Oo, sinubukan natin
Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan."

Pasensya, hindi ko kasi matanggap
Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko
Siguro nga ganoon talaga,
Sa huli't huli'y susuko rin ang isa
Bibitaw din at maglalaho ang "tayo."

Pasensya talaga,
Ang hirap tanggapin
Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa
Ayoko na ring manguna pa
Ayoko na ring ayusin pa
Ayoko na ring bigyang kahulugan pa.

Hindi ko alam kung paano ako uuwi
Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo
O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli
Maghihintay at papara ng iba.

Hindi ko alam kung paano na
Paano na yung mga plano natin
Mga planong napako kahit maaga pa lang
Hindi man lamang umabot sa ninais natin.

Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito
Na minsan, nangarap ako
At ikaw pa ang pinangarap ko.
Nandyan ka man, ang layo mo pa rin.

Kaya siguro, siguro itigil n natin
At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo
Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit
Tama na siguro, ayoko na magsulat
Tama na, sumusuko na ako sayo.
Kagaya ng tubig, aagos ang pag-ibig.
Ang tubig na inihasik mo sa dagat
Ay aanurin din papalayo sayo --
Papalayo ngunit sana'y papalapit ang takbo.

Ilang beses ka mang magtaya
Ay hindi mo matatantiya ang panahon
At ang pagkakataong nasa kamay mo na,
Ayan, biglang maglalaho at bubusina
Ng "paalam, pagsinta."

Ilang beses ka mang magtapon ng barya
Aagos pa rin ang tubig
At hahampas ng paulit-ulit sa sagradong buhangin.
Mananatili sa ilalim ang bawat **** hiling
Ang hiling na sana'y hindi ang alat ng dagat
Ang dumampi sa nilihang lalamunan.

Kumanlong ako sa mga butil ng buhangin
Nang muli kong mapagmasdan
Ang ilog, ang sapa, ang talon at ang dagat
Na nasa iisang garapon.
Uminom ako, at doon naglaho ang istorya
Ako'y napukaw ng buhanging pambara.
JK Cabresos Feb 2016
Isang minuto,
kahit isang minuto lang,
para matitigan ko pa ang kislap
ng iyong mga mata,
isang minuto
para marinig ko pa ang boses
mula sa mapang-akit **** mga labi,
isang minuto,
isang minuto lang
para maramdaman ko pa
ang pintig ng iyong pusong
sumisigaw ng mahal mo ako.

Oo, mahal kita,
susulitin ko ang bawat minutong
hawak-hawak ko
ang iyong mga kamay,
sa mga panahong
nanatili ka pa ring matatag
sa di natin napagkakasunduang
mga bagay-bagay,
mahal kita,
at patuloy kitang mamahalin
hanggang sa maubos man ang tinig
o ang ating himig,
basta pangako,
kailanma'y di maglalaho
itong aking pag-ibig.

Isang minuto,
isang minuto lang bago ako umuwi,
isang minuto para masabi sa'yo
ang bawat katagang nakaukit
sa pinakakasulok ng aking puso,
mga katagang nais maipabatid
itong nagsisidhing damdamin,
mga emosyong mahirap ipaliwanag,
at bawat bugso ng gunitang
nasa bahaging ang meron lang
ay ikaw at ako,
tayo,
at wala ng iba,
di natin kailangan ng kanilang opinyon,
para lumigaya.

Mahal kita,
at patuloy kitang mamahalin sinta,
dito sa mundong walang kasiguraduhan,
nakakasiguro kang minamahal kita,
di kita bibitawan,
di kita pababayaan,
sasamahan kita
maging sa gitna man ng ulan,
isang minuto lang,
oo, isang minuto pa,
at pagkatapos nito'y mas mahal na kita.
Copyright © 2016
Pipin Oct 2017
Ngayon...
Habang magkahawak ang kamay na tatalon
Tayo'y magpapaalam sa panahon
Kasabay ng mga alon
Ay itataya ang pagkakataon
Para sa pag-asang sa muli nating pag-ahon
Ay maglalaho na ang ilusyon

Imahinasyon.
Huling Gabi
082021

Mas malalim pa ang gabi
Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta.
Ang mga kulisap at kuliglig
Ay nagtatagisan ng mga boses
At sabay-sabay na nakikipagtalastasan
Kung kanino ba papanig
Ang buwang hugis pamato sa larong kalye.

Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib
Noong panahon pa ng mga Hapones.
Kaya’t nagbakasali akong
Kaya ko silang paniwalaan
Pagkat ni minsa’y hindi naman ako
Nakapagpantig ng mga salitang
Nakakahon sa iisang pangungusap.

Natatandaan ko pa ngang
Sa tuwing tumatanghod ako
Sa aming bintana sa umaga’y
Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho
At nambabato ng dyaryo
Patungo sa aming pintuan.

Si Inay ay gagayak para sa bagong balita,
Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong
At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas.

Habang sya’y papalapit
Ay kusang malalagas
Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas
At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw
Sa pabrika ng kanyang kaklase noon
Na anak-mayaman.

Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin
Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan
At bigyang buhay ang mga papel
At baka sakaling,
Maging bihasa rin ako gaya ng iba.

Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin
Ay kusang maglalaho
Kasabay ng aking mga panagip.
Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy
Ay maya-maya ring magpapalamon
At magpapaubaya
Sa kadilimang bunsod ng panahong
May paulit-ulit na panimula’t katapusan.

Sabagay, ang lahat nama’y
Magmimistulang pandagdag lasa na lamang
Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam.

Naubos na ang bawat pahina
Ngunit di ko man lamang nagawang simulan
Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay.
Saan nga ba ang aming magiging tagpuan?
Saan at kailan nga ba ang hangin
Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
Jasper Jul 2019
tol kung ako tatanungin, pa'no masasabing eto na 'yon?
kase diba 'pag nagmamahal ka dapat nasa tamang panahon?
pa'no nga ba masasabing tama na 'yon?
mahal mo, mahal ka

tol kagaya rin noong una
pero 'di ka naiiba kase lahat ng 'yan sa umpisa talaga
pero 'pag nagtagal na tol dun na magsisimulang magbago
lahat ng kamustahan magbabago

lahat ng pag-iintindihan sa isa't-isa, maglalaho
lahat ng lambingan, o pangako, napapako
pero tol ano nga bang dahilan?
ang tanong, anong magiging dahilan?
nakakatuwang isipin na ako pa din
ang 'yong sinisinta sa bawat oras na pumapatak
ang 'yong naiisip sa bawat awit na mariringgan
ang 'yong pampakalma sa tuwing lugmok na lugmok ka na

nakakatuwa isipin na tayo pa din
ang nais **** dala sa bawat tagumpay mo
ang nais **** makamtan kahit tila maglalaho na ang lahat
ang nais **** marinig sa bawat galaw at tibok ng 'yong puso

nakakatuwa isipin na ikaw pa din
ang kasama ko matapos ng masasamang nangyari
ang kasama ko sa bawat halakhak at pag hubog ng ngiti sa aking labi
ang kasama ko sa tuwing akong mag kakaroon ng panibagong biyaya

nakakatuwa nga talaga......
alalahanin ang masasaya nating memorya
humiling sa itaas na sana hanggang ngayo'y ganon parin
nakakatuwang isipin na hanggang ngayon eto ako
humihiling parin
Akvpoems Sep 2019
Kailan mo kaya mapapansin
Ang isang katulad ko
Parati na lang hanggang tingin
Ang abot kaya ko

Makausap ka'y di ko magawa sapagkat nahihiya
Maraming tao ang nakapaligid sayo
Isang tingin, isang iglap
Ika'y maglalaho
#crush
Yan Jun 2014
(Continue reading for English translation)


Ang pagiging tao
Ay hindi nasusukat
Ng mga makamundong salik
Na maglalaho lamang;
Sapagkat nagiging tao ang tao
Sa pamamagitan
Ng pagpapakatao.

Ang pagiging mahusay na tao
Ay ang taos-pusong pakikipagkapwa
Sapagkat mabubuo lamang ang tao
Bilang tao
Sa pamamagitan
Ng pagyakap sa kapwa
Na pagyakap din
Sa sarili--

Dahil ang dalisay na pakikipagkapwa
Ay ang paglampas
Sa karaniwan
Sa limitasyon
Sa sarili.

Sa bawat paglampas
Ang tao ay pinapanganak muli.

---

One's personhood
Is not measured
By worldly factors
That will only fade away;
Because a person becomes truly himself
By being
His fullest self.

To be an excellent person
Is to whole-heartedly reach out to others
For man can only be whole
As a person
Through
Embracing others
Which is also an act of embracing
Oneself--

Because being a sincere person for others
Is going beyond
The ordinary
One's limits
Oneself.

In each going beyond
Man is reborn.
Not an accurate English translation as some words just don't have direct counterparts [eg. pagpapakatao].
---
What I learned in Philosophy 101&102 under sir Strebel.
Fr. Ferriols and Meron forevs!
Ang bawat salitang bibitawa’y
Mistulang mga butil ng ulan.
Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming
Hindi mawari kung saan nga ba lulugar.

At unti-unting magtatago at maglalaho,
Gaya ng mga imahe sa panaginip
Na minsa’y nagigising na lamang --
Kupas na ang mga alaala.

Naglaho at nagbago,
Tulad ng gabing mapanlinlang.
Tulad ng pag-aalinlangan
Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan
O mananatili’t makapaghihintay
Kung sino ang taya; kung sino ang handa na.

Hindi ko lubos maisip
Na ang tadhana pala ay may katapusan,
At ito’y matagal nang dumaong
Sa kawalan ng tiwala.

At gaya ng mapanuksong dahong
Sumasalo sa luha ng langit,
Siya rin pala'y bibigay at mapapagod --
Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako.

Naubusan ang bawat katauhan
Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala.
Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan
Para likumin ang minsang mga butil
Na ngayo'y karagatan na.

Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas
Pero minsan din naman nilang sinambit,
Na “ako’y handa na."
Nagtuturuan at nagtutulakan,
Kung sino ba ang may sala.
Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka.

Humahampas ang agos ng nakaraan
Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay.
Marahil, napagod nga sila
O talagang naubos na ang alas
Sa kani-kanilang mga baraha.

Naulit nga lang ba ang nakaraan?
O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan?
Pagkat minsan na ring nalumbay
Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila
Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,”
Hindi na nila nagawang sumabay.

Ang bigat na kargo ng isa’y
Hindi na kinayang pasanin ng isa pa.
At sa sabay na pagtalikod
Ay namutawi ang poot at tampo.

Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula”
Ay naging hangganan na.
At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay.
Sabay nga silang nangarap,
Ngunit sabay din silang naubos.
MarieDee Nov 2019
Bakit kaya nagkaganito
Tila ako'y gulong-gulo
Sa nangyayari ngayon sa barkada
Tila pagsasamaha'y mawawala

Ngayo'y hindi nagkaintindihan
Sama ng loob ay naglabasan
Tila ako'y mapapatungayaw
Sa kakaiba nilang kilos at galaw

Pagkakaibigan na ating inukit
Ngayo'y tila damit na gulanit
Bigla na lang bang maglalaho
At pagsasamaha'y mahinto?

Sana muling magbalik
Ang samahan na dati'y kay tamis
Sana hindi ninyo malimutan
Ang ating pagkakaibigan
Eugene Mar 2018
Mahigit dalawang taong nawala
at inuna ang kapakananng pamilya.
Sa halos dalawang taong pag-iisa,
akala ko ang hiling ko ay makukumpleto na.

Nawala ang ningning sa aking mga mata,
napalitan ng lungkot ang mukha kong dati ay kay sigla.
Nang mapagtanto kong ako ay mag-isa pa rin pala
na nilalabanan ang sariling mahalin ka nang tama!

Malalim ang sugat kung sisisirin ko,
ni hindi ko nga maarok ang pinagmulan nito.
Ngunit sa bawat hapding dulot ng mga ito,
ay may nangungulilang isang pusong sabik na bumangon sa harapan mo.

Ngiting walang bukas kung ako ay tumawa.
Siglang walang katapusan kung ako ay iyong makakasama.
Hindi ba at kailangan kong ibalik ang dating sarili ko ay masaya
at bigyang puwang din ang kasiyahang mayroon ako noong una.

Sana sa pagsisimula ng pagbaong kong ito,
maramdaman kong muli ang sayang nagmumula sa kaibuturan ng aking puso.
Kakaibang siglang hindi na kailanman maglalaho pa
at bigyang laya na ang isipan sa mga darating pang unos at delubyo sa buhay ko.
Katryna May 2018
Paikutin mo ako,

Sa iyong palad,
Sa iyong mundong walang ibang alam kung hindi ang itago ako
Hindi para maging yaman,
Kung hindi itago ako sa salitang "akin ka lang".

Akin ka lang,
pero ikaw kahit kelan hindi naging akin lang.
Pero ako, sayo lang.


Paikutin mo ako,

Sa iyong mga salita,
Sa iyong mga ginagawa.
Ikulong mo ako, sa rehas ng pag-ibig na
Hindi pwedeng maging tama,

Sabihin mo,
nasaan ang susi na magpapalaya sa matagal mo ng kinukubli?

Mga pakiramdam na hindi masabi-sabi,
Tinago mo ng matagal,
Hindi mo sina alang-alang

Saan mo sinisilid ang iyong nararamdaman?

Sa kanya?
Sa kanya.

Nasa kanya ang susi ng iyong kalayaan
Ngunit nasa akin
ang susi ng iyong kaligayahan.

Na sa dilim mo lang nahahawakan.
Nasisilayan.
Nalalasap.

Sa dilim lang pwedeng magtama ang mga pinaniniwalaan nating tama.

Sa dilim na kapag pinasukan ng ilaw,

Maglalaho ng parang bula.

At ang salitang ikaw, ako

ay tuluyan ng mawawala.
mica Feb 2018
Halika't samahan mo ko
Sa pagbalik sa nakaraan
Kung saan ikaw pa ay aking gusto
At ako ay iyong kaibigan

Nang makita kita
Ako'y namangha
Sa iyong talentong ipinakita
Sa buong eskwela

Di ko aakalain
Na ika'y gugustuhin
At ang panahon ay palipasin
Nangangarap na ika'y mapasaakin

Ngunit heto na tayo
Sa kahuli-hulihang pahina
Ng ating kwento
At ng ating pagkikita

Oo, hindi na kita gusto
Sapagkat ang paglipas ng oras
ay masyado kong sineryoso
at ang pahina ng aking mga damdamin at dahan-dahan kong pinilas

Ngunit, bakit?
Bakit kung kailan ilang buwan nalang?
Bakit kung kailan nasa huli nang hakbang?
Bakit kung kailan ika'y maglalaho na?
Bakit kung kailan huli na?
Bakit?

Kailangan pa ba na ako ang umamin ng hindi kayang aminin?
Kailangan pa ba na ako ang lumapit upang masabi ang gustong sabihin?
Kailangan pa ba na ako ang magsimula ng gusto **** simulan?
Kailangan pa ba na ako ang gumawa ng paraan para sa'yo?
Sa tingin ko, hindi ko na kailangan

Pasensya na
Sapagkat huli na ang lahat
Ako'y nakadaan na sa iyong pinagdadaanan ngayon
Ngunit hindi tayo nagtagpo

Pasensya na,
Dahil huli na ang lahat.

Hindi na kita kailangan.
052120

Ito ang gabing
Ako mismo ang sisira sa pangako ko —
Sa pangako kong ililibing ko ang sandaling
Mistulang nabihag ang buo kong pagkatao
Natapos ang mga petsang hindi ko na mabilang pa.

Panaginip —
Ika-11 ng gabi, naggising akong muli
Nasilayan kita
Nasilayan ko syang humahakbang papalapit sayo
Natakot ako, siguro nga
Wala naman kasing nagbago.

Natatakot pa rin akong hindi tayo magtagpo
Sa aking paghihintay sayo.
Ni hindi ko maitali ang sarili sa pagsambit ko ng “oo.”
Siguro nga, nag-aabang pa rin ako gaya ng dati —
Siguro nga isa na lamang akong
Gamu-gamong alaala ng kahapon
Na sa paupos na kandila’y
Tuluyan na ring maglalaho.
Pag-ibig kong tunay, sayo inialay
                                             o irog kong mahal    
                                             na siyang aking buhay pag-ibig ko
                                             Sayo ay di maglalaho sapagkat
                                             minamahal kitang totoo.
                                             Ngunit bakit mo ako sinaktan ng lubos
kulang ba ang pag-ibig na ibinuhos?
Ngunit bakit kailangan mo aking iwanan,
Saan nagkulang at ika'y nagkaganyan?
Puso ko'y nagdurusa at umiiyak
Dahil sa sakit na aking kaakibat
Nasan ka na upang punasan ang luha,
Na tumutulo dahil sa sakit na nadarama
Nais kong ibalik lumipas na taon
Upang hilumin ang sugat ng kahapon
ngunit maibaalik pa ba ang noon
Kung baon na sa limit ngayon?
tanglaw Feb 2021
#2
Dalawang beses kong narinig ang pangalan mo,
paulit-ulit na lang
paikot-ikot sa utak ko.
Kinukumbinsi ang sariling balewalain nalang ang alaala mo
at isiping wala ang lahat ng ito,
na panandalian lang ang nararamdaman at kalaunay maglalaho.
Pero paano kung nahulog na pala sa'yo?
Dapat bang pagbigyan ang nararamdaman kong 'to?
Isang Daang Tula Para Sa'yo
Sa isang saglit ako'y tila nasa ulap
at pa lutang lutang habang ako'y dumadaan
Sa gaan ng aking pakiramdam
at sa munting ligayang di inaasahan

Kahit sa isang maigsing sandali, ako'y puno ng buhay
na tila bang lahat ng problema'y naglaho
Sa isang saglit ako'y nakaramdam ng pagmamahal
mula sa isang taong akala ko'y mapapaakin

Ngunit ito'y isang panaginip na laging babagabag sa aking damdamin
Isang saglit lamang ito
Isang araw ay maglalaho na parang bula
Hinding hindi kita mapapaakin

Siguro hindi tayo itinakda ng tadhana
Siguro hanggang dito na lang talaga tayo
Hindi mo kayang ibigay ng buo ang pagmamahal na kailangan ko
Hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig na binibigay ko

Buong puso ko nilaan sa lahat ng aking sulatin
Sa lahat ng tula, pagkanta, pagsayaw
Nandoon ang buong puso kong nagmamahal sayo
Ngunit kahit anong pulit, hanggang dito na lang talaga

Pero ayos lang iyon
Kahit sa isang munting saglit naibuhos ko ang puso ko
Kahit sa isang saglit naramdaman kong magmahal
Walang bagay sa mundo ang kayang pumalit doon

Ikaw ay nagsilbing ilaw sa mundo kong madilim
Kahit walang pag-asa, lagi kitang tatanggapin
Bukas ang aking kamay at puso para sayo
Ngunit hindi na kitang kayang mahalin ng tulad ng dati

Kailangan kong umusad sa aking panaginip
Hinding hindi na maibabalik
Salamat sa lahat ng pag-ibig na aking naramdaman
Isa ka sa taong nasa puso ko lagi

Siguro ito ay isang pagsara ng parte ng buhay ko
Salamat sa lahat ng natutunan ko sayo
JL Nov 2020
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!!
By: Lovely Joy / September 2020

Ilang araw at buwan na rin ang dumaan
Mga araw na pinagdaanan at naranasan
Na nagbigay ng aral, pasakit, kalungkutan
Pero nangibabaw pa rin ang kasiyahan
Salamat sa alaala at nakaraan, kaibigan.

Kalahati ng aking tula'y naabot na rin
Ilang piyesa, ilang titik, ilang salita na ang nabitawan
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng letra
Pero handa naman akong maubusan
Kung ang paglalaanan ng aking pagiging makata ay IKAW.

Naalala mo pa noong huling tinanong kita ng "Ayaw mo na maayos?"
Ni isang salita wala akong narinig mula sa'yo.
Sabi natin noon, laban lang tayo hanggang dulo
Siguro nga eto na yung dulo.
Siguro oras na... oras na...
Susubukan kong kalimutan ka na
Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka.
Bibitawan ko na ang natitirang "sana"
At pakakawalan ko na ang paniniwalang "baka.”

Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa
Sabi nga sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi itinadhana
Natatagpuan pero nakatakda ring umalis.
Merong babalik, at meron din na maglalaho na lang.
Oo nga't mahal kita..... mahal...pa... kita...
Mahal kita, pero siguro tama na.
Love your self. ♥♥♥
Chloe works Oct 2017
Patawarin mo sana kung akin pa ring pinagpipilitan,
Nagbabakasakaling maibalik pa ang tamis ng ating pagmamahalan,
Hindi naman siguro masamang mangarap,
Kahit na sintaas pa ito ng mga ulap.

Pilit inuunawa, may pagkukulang ba o sadyang nagsawa ka na lang talaga.
May mali bang nagawa o may nakahanap ka na ng mas maganda.
Mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
Ninanais na sana ito na'y matuldukan.

Hinayaan ang sariling magpakatanga,
Umasa na ang nakaraa'y maibabalik pa,
Mga alaalang ubod ng saya,
Tila ba hindi na masusundan pa.

Mga pangakong pilit na pinanghahawakan,
Kahit na nagkabuhul-buhol na ang hawakan,
Mistulang kamay mo na unti-unting bumibitaw,
Pumipiglas kahit na pilit hinahawakan.

Matatapos din ang lahat, kailangan lang ng pagtyatyaga.
Maglalaho ang pag-asang magkakabalikan pa.
Pagmamahalang paglilipasan din ng panahon,
Mga mumunting alaala'y tinangay na ng alon.
JOJO C PINCA Nov 2017
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga,
pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan.
magdidilim ang iyong paligid
magsasarado ang iyong mga mata
at hindi kana kailanman gagalaw.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
mabubura ang lahat ng iyong ala-ala,
mabuti man o masama lahat mawawala.
kahit ang panaghoy ng naglalamay
na saiyo'y nagmamahal hindi mo na
madidinig lahat maglalaho.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
maganda man o panget ang iyong
mukha't katawan sa bandang huli
kakainin lang ito ng mga bulate.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas
pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng
tapakan ka rin mababaon.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang singaw sa ibabaw ng lupa,
isang bulalakaw sa kalawakan
isang bula na nakalutang sa sabaw
at isang kisapmata sa libong pangitain.
Taltoy Aug 2019
SKK
Pagitan ng ikaw at ako,
Sabi ni google 620 na kilometro,
Ilang araw ba yan sa barko?
Ilang oras ba yan sa eroplano?

Nakalulungkot isipin na malayo,
Mahirap magtagpo,
Ngunit pag-asa'y di maglalaho,
Isang nais na sana'y di mapako.

Sana'y ako ay nandyan,
Kahit sandali lang,
Ilang oras lang, pwede na yan,
Gusto ko lang makipagkulitan.

Haaaays,
Parating naaalala tuwing nag-iisa,
Iniisip, sinasabi tatlong salita,
Sana'y kasama kita.

— The End —