Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magkunwaring" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Masaya ka ba? Masaya ka nga bang talaga? O itinatago mo lang ang lungkot na nadarama? Siguro Itinatago **** talaga Itinatago mo dahil sa takot Sa pangamba Na mahusgahan ka Na masaktan ka Ng kanilang mga salita Mga salitang Mas matalas Mas masakit At mas mahapdi pa Sa baon ng isang kutsilyo Natakot ka na siguro Sa paulit ulit nilang pagtapak sa buo **** pagkatao Napagod ka na siguro Sa walang katapusang sakit na nararamdaman mo Kaya sumuko ka na Oo Sumuko ka na Sumuko ka nang magkunwari Magkunwaring kaya mo pa kahit hindi na talaga Hindi na at hirap ka na Tumigil ka na Oo Tumigil ka na Tumigil ka nang magtiis Magtiis sa sakit na ang tagal **** ininda Kaya kung nasasaktan ka, Umiyak ka Umiyak ka kung may yumao sa pamilya mo Umiyak ka kung hirap ka na sa mga leksyong inaaral niyo Umiyak ka kung naghiwalay ang mga magulang mo Umiyak ka kung iniwan ka ng dapat sana'y sasakyan mo Umiyak ka kung nagkagalit kayo ng kaibigan mo Umiyak ka kung pinagalitan ka ng nanay o tatay mo Umiyak ka kung hinusgahan ka na naman ng kapitbahay niyo Umiyak ka lang Umiyak ka lang kung nasasaktan ang puso mo Umiyak ka sa mga balikat ko Umiyak ka hanggang maubos ang mga luha mo Umiyak ka hanggang mapagod ang mga mata mo Umiyak ka nang mailabas ang lahat ng nararamdaman mo Dahil bilib ako sayo Oo Bilib ako Bilib akong nakakaya **** itago lahat ng 'yan sa likod ng mga ngiti mo Bilib akong nakakaya **** magkunwaring ayos lang ang buhay mo Bilib akong nakakaya **** tiisin lahat ng nakakasakit sa puso mo Bilib akong nakakaya **** mabuhay araw araw sa mundong ito Kaya kahanga hanga ka Oo Kahanga hanga Dahil hindi lahat may tapang na tumagal sa mundong ibabaw Hindi lahat nakakayang tiisin ang mga taong mababaw Kaya kung ako sayo.. Magpakasaya ka dahil ang buhay ay iisa Huwag kang matakot sa mga taong tinatapakan ka Magpahinga ka kung pagod ka na Pero patuloy na bumangon upang lumaban pa Huwag matakot sabihin na nahihirapan ka Muli lang tumayo kapag nadapa ka Tumigil ka kung ayaw mo na Ituloy mo kung gusto mo pa Umiyak ka kapag nasasaktan ka Tumahan ka kapag tanggap mo na Ngumiti ka kapag handa ka na Handang salubungin ang bawat simula Basta tatandaan mo.. Bilib ako sayo kaya huwag kang susuko
0
May 31, 2018
May 31, 2018 at 11:54 AM UTC
Hindi ito kwentong pag-ibig

71
Kay tagal kong nag aantay Bakit ang puso tila'y tumatamlay Sa bawat pag patak ng oras ikaw ay inaantay. Umaasa na ako ay maalala Sa tuwing nalulungkot balinabalikan na lang ang mga matatamis na ala-ala Hindi pa ba sapat ang mga sugat na dinadala Saan ang sinasabi **** sandigan Sa panahon na umuulan ng problema tila'y walang mapag silungan Nasaan ang mga pangako mo na hindi ko naramdaman Kailan kaya titigil masaktan ang puso na duguan Kailan mag papahinga ang isip na puno ng katanungan Sadyang manhid na ba ako dahil sa patuloy akong pinaglalaruan Sinusubukan kong lumaban nang wala ka Pero ang aking isipan ay nag sasabing tama na Hindi pa ba sapat na magkunwaring masaya Napaniwala ang mga tao sa paligid na ok lang sya. Sa mga mapagkunwari **** ngiti, sila ay naniwala Wala ba silang karapatan malaman ang katotohanan Sa bawat pag bitaw mo ng mga salita Ninanais ko ang iyong pag-unawa Ang sakit na aking nadarama, tila'y binabaliwala Ang marka na iniwan mo sa aking puso ay sariwang sariwa Hindi ako manhid o pusong bato Pinipilit ko lamang itago Ang mga sakit na alam kong makakapag pabago sa isang tulad kong nabibigo. Pinipilit makalimot Sa mundong ito na ang buhay ay masalimuot Sa pusong punong puno ng poot Na ikaw mismo ang nag dulot Hindi ko labis maintindihan Sugat at pait ba nag dulot sa akin Na puno ng galit. Hindi ko rin labis maintindihan ang mga sinabi **** nararapat na dahilan. Sa bigla **** paglisan At ako'y nandito lamang naiwan sa kawalan.
0
May 22, 2018
May 22, 2018 at 8:14 AM UTC
Unknown