Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magkatagpo" poems
Hahabi ng mga bagong tugma para sa bagong libro Sa mga bagong pahina nito,may pag-ibig na kayang mabubuo? O mga kasawian na naman ang tanging isusulat ko? Kalungkutan na naman ba ang uubos sa tinta ng aking pluma? O sa malinis nitong papel,may pag-ibig nang magmamarka? Maisulat ko kaya ang kuwentong inaasam At sa matayog **** isipan,magawa ko itong ipaalam? Posible kayang mapansin mo ang iaalay kong regalo Kahit na ba di mo pa alam ang pangalan ko? Wala naman kasi akong balak na magpakilala sa iyo! Kahit madalas man tayong magkatagpo— Magkakasya nalang sa mga nakaw na tingin Sa mga simpleng sulyap na ginagawa ng palihim Patuloy akong magmamasid mula sa malayo— Malayo sa iyong tabi, Pagtatagpi-tagpiin ang mga tugmang kapares ng iyong ngiti Hindi ako lalapit at patuloy lang na magkukubli, Pagkat alam kong kapag ika'y nakaramdam— Wala akong magagawa kundi humulmang muli ng paalam.
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:11 PM UTC
"Unang Tula para sa Bagong Inspirasyon"
Noon gumagawa ng tula Tungkol sayo at saking pangungulila Sabi ko, andito ako at hihintayin kita Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita Parepareho lang ang tema Laging tungkol doon ang nalalathala Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa Ngayon sabi ko, Tama na muna siguro Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako Yung isip ko lalo lang gumugulo Siya pa rin naman ang hawak mo Tapos satin wala namang nagbabago Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo" Bukas, malay mo magkatagpo na naman Dito, doon o saanman Malay mo baka pwede nang muling simulan Yung naputol na pagmamahalan Kung kaya nang ipaglaban Kung kaya nang panindigan Kung kaya nang kalimutan Yung masasakit na nagdaan Kung nanaisin nang muling balikan Saka na lang ulit natin pagbiyan Mahal, gusto ko lang sabihin Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin Habambuhay nang nakatatak sa paningin Ngunit akin munang palalayain Sa malayo na lang kita hihintayin Sa malayo na lang muna kita mamahalin Hindi na muna kita pipilitin Hayaan na lang muna natin Kung saan tayo dalhin ng hangin Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
0
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 9:27 AM UTC
12:30 am thoughts
Ilang taon na rin ang nakalipas, Mula noong una kong masilayan; Ang kislap ng iyong mga mata, Nangingibabaw sa mga ilaw sa daan. Naaalala ko pa lahat - Puno ng kaligayahan, kapayapaan. At ngayon, ikaw at ako. Tila hindi na magkatagpo. Sana hindi matangay ng pagbugso, Itong dinadala ng aking puso.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 2:48 PM UTC
Session Road.