Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Louie Clamor Mar 2016
Kaibigan

Isang salita.
Dalawang paraan ng pagbigkas.
Magkaibang kahulugan.
Madalas magkamali at mapagkamalan.

Kaibigan o Kaibigan?

Sinabi mo sa akin sa isang Liham
Malakas ko itong binasa,
"Salamat at ika'y aking kaibigan"
Mali.
Kaibigan pala.
Napaisip ako,
Mas magandang pakinggan
Ang salitang kaibigan
Kumpara sa salitang
Kaibigan.

Tayo

Isang salita.
Dalawang paraan ng pagbigkas.
Magkaibang kahulugan.
Madalas magkamali at mapagkamalan.

Tayo o Tayo?

Sa iyong mensahe, aking natanggap
"Tayo na."
Mali.
Tayo na.
Ako naman tong si tanga,
Padalos dalos sa emosyon
Naniniwala nanaman sa mga ilusyon.

Ngunit sa aking mga guni-guni
Minsan mas nakakatuwang pakinggan
Ang ibang salita
Na ang pinagkaiba lamang ang munting pagbigkas.
Hawke Feb 2019
Ayoko mag mahal sa totoo lang
hinihintay ko ang tamang panahon ng tamang pag mamahal
hinihintay ang taong makakasama
sa pang habang buhay
ngunit dumating ka
pinakita ang pagmamahal na hindi nakita sa iba
hindi ko alam kung masaya ba ako sa aking nararamdaman o hindi lang ako handa
wag kang magkamali.. mahal kita..
ngunit.. iniingatan ko ang aking puso..
ayokong masaktan
takot ako magmahal.
lalo na takot akong mahalin.
sa lahat ng taong nagpakita ng interes o pagmamahal sa akin
pag ibig mo ang pinaka dalisay
sinasabi **** ako na nga.. at wala ng iba
ngunit mahal... masyado kang maaga nag bitaw ng salita..
salita na balang araw masisira
pangarap na balang araw... hindi matutupad
ayoko magmahal.. ng taong sa tingin ko hindi ko din naman mapapasaya
mahal... balang araw may mahahanap ka din
na iba. taong para sa iyo
taong magmamahal higit sa akin
taong mapapasaya ka.
sa ngayon aking nanam namin muna ang pag ibig nating dalawa
hihintayin nalang na dumating ang araw na mawawala kadin sa aking piling..
Jose Remillan May 2017
Marahan niyang pinitas ang
Huling gumamela sa hardin.
Kasama ang liham at lihim
Ng puso, inialay sa paralumang

Matagal-tagal ding itinangi,
Itinangis sa tadhana, ng walang
Hanggang paghilom at pag-asa.
Anuman ang mangyari, patuloy na

Idadako ang paningin sa pagtingin,
Hindi sa hapóng damdamin, hindi
Sa mga lamat ng puso, bagkus
Sa alamat ng bagong pagsuyo,

Paulit-ulit mang danasin ang guho.
madrid Oct 2015
GISING!*
mainit na kape
natutumbang mga mata
nanghihinang katawan
isip ko'y nawawala
isang tinik ng ingay
agad ng napatingin
sa gawing banda roon
anong takot sa dilim
balik tayo sa mga salitang
mala-linya na ang ukit
sa utak kong sabaw
lahat sa paningin na'y marikit
maski nag-iisang ilaw
nagmumukha ng tutubi
pagkat sa pagdating ng bukas
bawal ang magkamali
ilang pahina nalang
kaya't konti pang tiis
minimithing tagumpay
aking makakamit
kaya't higop pa ng kape
puta*, dila ko pa'y nasunog
dasal na lamang ang katapat
maliban sa luha at uhog
kakayanin, kakayanin
hindi nais magtagal
habang sila'y nagsasaya
narito kang nag-aaral
kung ayaw **** maiwan
sa kwartong maputi
kasama ng demonyo
gisingin ang sarili
walang alay na magaganap
hindi maaaring ipabahala
bawal tayong magtawag
diyos-diyosan dito sa lupa
itong mga matang
bumibitaw, bumibitaw
sa gabing ito, walang susuko
maski budhi ko na'y sabaw
For the hell that is upon us.
Crissel Famorcan Oct 2017
Lumaki ako sa paniniwalang ang buhay ay isang kompetisyon,
Na dapat angat ka sa lahat sa anumang sitwasyon  
At sa anumang pagkakataon
Pagkat yun ang sukatan ng tinatawag na tagumpay
Isang bagay na hindi naman sa iyo habangbuhay
Pinalaki ako sa paniniwalang masama ang magkamali
Sa paniniwalang Hindi lahat ng  bagay dapat minamadali
Kaya magpahanggang ngayon ang mundong ginagalawan ko
Malaki ang pagkakaiba sa mundong mayroon kayo
Pagkat nabubuhay ako sa takot
Takot sa pagkakamaling maari Kong magawa
Takot na baka isang araw, mahila ako pababa
Takot na isang araw,  lahat ng meron ako,  Bigla na lang mawala
Na baka isang araw, magising na lang akong nakatulala
Hindi ko na alam ang gagawin  
Lakbayin ko ba'y makakaya ko pang tapusin?
Sa labing anim na taon ng aking  pamumuhay
Ang pinakamahirap kong ginawa: sa mundo'y makibagay
Pagkat sa bawat pagbabagong aking  nasasaksihan  
Kaakibat ang panibagong bigat sa kalooban  
Dahil takot akong bitiwan ang nakasanayang paniniwala
At ang takot na'to ang nagsisilbi kong tanikala
Tanikalang pumipigil sa aking paglago
At sa pag-angat ko'y pilit na nagpapahinto.
Alam kong balang araw,darating ang oras Mahahanap ko ang natatanging lunas
Para sa nagtatagong takot sa loob ko
At darating ang araw na makakalag ko rin ang tanikalang 'to!
Kape tayo.

Ano ba ang gusto **** timpla?

Yung naka 3-in-1 nga ba?
Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa?
Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa
kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba?

Pwede rin yung sweet,
Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit
pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit.

O kaya, yung purong-puro din?
Yung matapang na at kaya kang gisingin
sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin?

Ano nga ba talaga gusto **** timpla?

Eto, kape, asukal at iba pa.
Ikaw na ang bahalang magtimpla.
Dahan-dahan lang at 'wag madaliin,
Bawat patak ay iyong lasapin.
At sa tamang oras ay makukuha mo rin
ang inaasam-asam ng iyung damdamin.

Kahit matatagalan man ay ayos lang
Kahit magkamali ay okay pa din naman,
basta't makukuha mo yung lasang
matagal mo nang inaasam-asam.

At sa tamang panahon,
yung mga tamis at paet ng kahapon
ay hamak na magiging leksyon
sa pagtimpla
ng perpektong lasa.

So ano,
Tara kape?
Taltoy Apr 2017
Bakit nga ba hindi?
Bakit nga ba hindi at hindi oo?
Bakit nga ba hindi ang naging sagot ko?
Bakit nga ba hindi kahit gusto ko?

Bakit nga ba hindi kahit nagbabakasakali?
Bakit nga ba hindi? pwede namang siguro?
Bakit nga ba hindi ang naging kasagutan?
Bakit nga ba hindi? di ko rin maintindihan.

Sa relasyon, maraming maaaring mangyari,
Pagkat ang nais ko'y iyong ikabubuti,
Kahit man masakit, yung ang pinili,
Piniling kasaguta'y maging hindi.

Pinairal ang utak bago damdamin,
Pinag-isipan ang gagawin,
Kahit na naging labag sa'king saloobin,
Pagkat sa kasalukuyan, ito'y aanhin?

Oo nga may kasiyahan,
Makasama ang hinahangaan,
Ngunit ano ang susunod?
Pagpatak ng luha? pagkapagod?

Ito'y ninanais, ngunit hindi pangangailangan,
Di biro, di pangkaraniwan,
Di sa lahat ng oras, tamis at saya ang dala,
Baka magkamali't ika'y masaktan pa.

Kahit na ikay mahal ko na,
Kahit na "tayo" ay ninanais na,
Kahit na ako'y may tyansa,
Pagkat di kailangan, wag muna.

Dahil ang lahat ng bagay ay may takdang panahon,
Takdang panahong inilaan ng Panginoon,
Dahil kung ikaw nga talaga at ako,
Hahayaan ko nalang na ang panahon at tadhana ang bumuo.
matagal nang naisulat ngayon lang isinawalat
JOJO C PINCA Nov 2017
“Wake up and live”
― Bob Marley

Mga mukhang tao pero ugaling hayup,
hindi naman aso pero laging kumakahol.
Mga bastos magsalita,
mas salaula pa sa baboy ang mga putang-ina.
Matataas ang kanilang pinag-aralan
pero bagsak ang grado pagdating sa kagandahang asal.
Sa maiksing salita mga MAL-EDUKADO sila.

Ayaw nila nang sinasagot sila kahit nambabastos sila.
Gusto nila na galangin sila pero wala silang galang sa kapwa nila.
Masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili
kaya sobrang baba kung ituring nila ang iba.
In short, mga HIJO at HIJA DE PUTA sila.

Ang kanilang libangan ay ang pagalitan ang mga nasa ibaba nila.
Hindi sila kailanman pweding magkamali
at hindi nila tatanggapin ang kanilang naging pagkakamali.
Ang ipasa ang sisi d’yan sila dalubhasa na tila ba sanay na manggahasa,
manggahasa ng damdamin ng iba.
Ang paborito nilang motto ay ito “THE BOSS IS ALWAYS RIGHT”.

Mga bossing na saksakan ng kupal hindi pa kayo tamaan ng kidlat.
Sana bumuka ang lupa at lamunin kayong lahat.
Kung totoo ang aswang sana dagitin kayo ng mga manananggal.
Bakit kasi hindi pa kayo dukutin ng mga Tamawo?  

Ang mga katulad ninyo ang nagpapahirap sa buhay ng mga maliliit na tao. "You're adding insult to injury."
Dinadagdagan ninyo ang sugat sa kanilang mga dibdib.
Ipinamumukha ninyo lagi kung gaano lang sila kaliit.
Hindi kayo marunong umunawa at maawa
kasi ang alam lang ninyo ay ang mag-utos.
Puro lang pakinabang ang laman ng utak ninyo.

Hindi ninyo alam kung paano mabuhay ng marangal
kasi wala kayong dangal.
Salapi at posisyon ‘yan lang ang gusto ninyo.
Kapag hindi na ninyo napapakinabangan ang isang manggagawa
hindi na n’yo ito pinapansin,
walang pagsalang na inyong binabaliwala.
Eon Yol Sep 2017
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.

Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. umakyat.. tumakbo..

Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa..
Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw..
Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..

Dumating ka.

Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako.
Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at
Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.

Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.

Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..

Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.

Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..

At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.

Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap.
Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.

Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..

Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..

Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
Eugene Jan 2016
Kung  magsusulat ka, simulan mo.
Kung nasimulan mo na, tapusin mo.
Kapag natapos mo na, basahin mo.
Habang binabasa mo, intindihin mo.

Kapag naintindihan mo, itama mo ang mali.
Kapag naitama mo ang mali, isaayos mo.
Kapag naisaayos mo, basahin **** muli.
Kapag binasa mo ulit at natiyak na ang lahat,
Ibahagi mo at ilathala upang mabasa ng iba.

Sulat lang nang sulat.
Huwag matakot magkamali.
Ibigay mo ang iyong makakaya.
Ilabas mo ang iyong talento.
Huwag mo lamang kalimutang,
Pasalamatan ang Diyos...
Taltoy Apr 2017
Damdami'y naging tinta,
Pluma ng nadarama,
Ginamit nitong mga kamay,
Sa libro ng aking buhay.

Lahat ay may rason,
Lahat, kahit anong panahon,
Lahat ay may sinisimbolo,
Lahat, kahit di klaro.

Ang buhay ay nababalot ng misteryo,
Misteryong di malaman kung ano,
Sa mga ganitong palaisipan,
Katanungan ang magiging sandigan.

Maraming mga bagay ang di nauunawaan,
Maraming mga bagay ang gustong bigyan ng kasagutan,
Dahil hindi ko alam ang lahat sa mundo,
Ito ba'y kasalanan ko?

May limitasyon, mga pagkakamali,
May mga pagkukulang na di agad mapapawi,
Pagkat ako'y hamak na tao lamang,
Pwedeng magkamali, pwedeng malinlang.
O Diyos ko, akoy tulungan mo
jr May 2017
di ko alam
di ko alam
DI. KO. ALAM.
di ko kilala sarili ko
di ko alam kung ano hangganan ko
di ko alam kung may talento ba ko
di ko alam kung may silbi ba ko
di ko alam
baka wala
malamang wala
ang hirap mabuhay sa "di ko alam"
sa "baka"
ang hirap ng nakikita mo silang lahat, alam na kung saan sila magaling, kung saan hindi
pero bakit ako
ang alam ko lang sa sarili ko ay hindi ko kilala kung sino ako
kung ano kaya kong gawin
kung paano ako magalit
kung ano ba nararamdaman ko
kung bakit hanggang ngayon ang pinakanakakatakot kong kinakatakutan ay ang sarili ko
bakit di ko magawang pagtuunan ng pansin ang sarili ko
ni di ko kayang tagalan ng titig yung pagmumukha ko sa salamin
di ko kayang hayaan ang sarili kong matuto ng bagong bagay dahil takot ako
takot na takot sa mahusgahan
na malaman nila na wala akong kayang gawin
natatakot ako kasi pagtatawanan nila ako
takot na takot akong magkamali kasi alam ko wala na 'kong ginawang tama
ayaw ko na
ang hirap mabuhay sa "malamang"
sa "ewan ko"
sa "di ko alam"
pero mas mahirap mabuhay ng di mo alam kung ano silbi mo dito

j.r
faranight Apr 2020
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim,
hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit.
nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising.
ayoko na matulog ng magisa,
ayoko na sa dilim,
dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa.
mahilig ako sa kape at ingay,
na gumigising sa natutulog kong kaluluwa
at sa ingay na ramdam kong may karamay.
ngunit natikman ko ang gatas,
na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali.
ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan.
nakakataranta,
nakakakaba,
ang sikmura ko'y namimilit,
dibdib ay naninikip,
hindi ako makahinga,
hindi ko na makita ang liwanag,
hindi na ako makadama,
hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya,
nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi.
hindi na ko makadama,
at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan
malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim.
hindi ako nagiisa,
dahil andaming taong nasa paligid ko,
ngunit dama ko ang pagiisa.
Euphrosyne Feb 2020
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.

Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. Magsulat.. Bumangon...

Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa..
Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw..
Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..

Dumating ka.

Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako.
Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at
Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.

Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.

Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..

Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.

Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..

At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.

Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap.
Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.

Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..

Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..

Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
Salamat. Ikaw lamang nagpabuklat ng aking singkit na mata dahil sayo namulat anh mga mata ko na dapat akong magtino hindi lang dahil matanda na tayo kundi para sa kinabukasan ko rin. Salamat mahal ko.
Taltoy Mar 2018
Hinaharap, tadhana,
Kinabukasang sino ang maygawa?
Ano nga bang napapaloob,
Sa bugso ng damdaming may kidlat at kulog.

Lahat, balot ng katanungan,
Lahat, di nauunawaan,
Lahat, walang kasiguraduhan,
Mistulang ang lahat pagsisisihan.

Nakakatakot nga namang magkamali,
Mapait, mapupuno ka ng pighati,
Masusugatan, manghihinayang,
Sasabihing “kung di nalang sana nagpakamang-mang”.

Kabalighuan ba ang magbakasakali?
Ang paghingi sa’yong kamay ay isa bang pagkakamali?
Pagmamahal sayo’y di ba nagbunga ng maganda?
Damdamin ko ba’y nagpagulo sa isip mo sinta?

Ikaw ang nakakaalam nyan,
Ikaw, ang iyong puso’t isipan,
Ikaw ang magpapakalma,
Sa unos na kasalukuyang rumaragasa.
Joshua Feb 2019
Hindi naman masakit.
Hindi naman masakit malait-lait.
Kahit anong sabihin, iyo pa ring ipipilit.
Kumalma ka, wag ka munang magalit.

Hindi ako perpekto para hindi magkamali.
Hindi ako plastic, ayokong magkunwari.
Sana naniwala ka,
Sana inuna **** makinig, kesa manghusga.

Sarado ang bintana at pinto,
Sarado ang utak at puso mo,
Handa na akong sabihin,
Ayoko na, sigaw ng aking damdamin.

Kung kaya ko lang maging manhid,
Babalewalain ko ang sakit na 'yong hatid.
Hindi talaga laging panalo,
Lalo na kung ikaw na yung magpapatalo.

Itinapon mo ako, gaya ng bato,
Hinagis mo na parang wala lang sayo,
Alam mo,
Sana nga bato nalang ako,
Para di ko maramdaman
Kahit durog na durog na ako..
eyndinmncnll Aug 2023
Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata
Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin
Sa tuwing tayo ay magkasama
Anong saya aking nadarama

Di ko maipaliwanag
Sadyang aking mundo’y lumiliwanag
Ibubulong ko na lamang sa hangin
Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin

Aking mahal, sana ay ikaw na nga
Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda
Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin
Ikaw lamang ang aking mahal

Ikaw lamang ang aking minamahal
At ikaw lamang ang aking mamahalin
Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta
At wala nang iba pa

Hindi man kita kasama araw man o gabi
Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko
Ikaw lamang ang aking gustong makatabi
At sa iyo lamang umiikot aking mundo

Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan
Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan
Ito ang iyong pakatatandaan
Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan

Singdami nang mga tala ang mga taon
Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli
Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon
Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli

Sana ay pagbigyan ng panahon
Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi

Ikaw lamang ang aking mahal
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw lamang ang aking minamahal
Mula noon hanggang ngayon

Ikaw lamang ang aking mahal
Ang aking minamahal
At aking pipiliing mamahalin
Sana ay ako rin

— The End —