Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magawan" poems
Ako ay isang pulis, Natangal sa Serbisyo dahil sa paniniwala kong mali ang naging paghusga sa aking pagkatao, Naglingkod sa bayan ngunit nauwi ang aking paghihirap sa hindi tamang pagpataw ng parusa, Sa aking serbisyo, Sa aking pagkatao, at sa pangalan ko. Kayat nagawa ko ang desisyong ito, Wag niyo akong sisihin dahil tao lamang ako, Nasasaktan at humihingi ng katarungan sa sistemang di makatarungan ang dahilan, Sino ba naman ang matutuwang mapagbintangan, sa mga krimeng pinaniniwalaan kong di naman ako ang may kagagawan? Mga turista ang aking ginawang pananga, Dahil di naririnig ng binging sistema ang mensahe ng sarili nilang mamamayan, Kayat sila ang napili ko upang maintindi ako at magawan ng paraan, Bitbit ko ang aking baril, Hawak ko ang aking kutsilyo, Ngunit wala akong balak na gamitin ito upang masimulan ang pagkakagulo, Isa lang naman ang hiling ko, ANG MAPANSIN AKO NG BULOK NA SISTEMANG PINANGALINGAN KO.
0
Aug 24, 2010
Aug 24, 2010 at 3:46 PM UTC
In Mendoza’s Mind...
Di ko alam kung kaya ko pa Crush nga lang ba o Mahal na kita Kwento ko na ba o huwag na lang muna Ganto kasi yan teka lang wala pa kinikilig ka na Paano pa kaya kung maging tayo na Ang sweet ko diba ganyan talaga masanay ka na Kasi kapag tayo na daig mo pa nanalo sa lotto sa sobrang tuwa Araw araw susulatan kita ng tula Pero lahat ng ito hanggang salita ko lang pala Ako'y biglang nagising at natulala Nakita kang may kasama nang iba Pinipilit ngumiti kasi alam ko masaya ka na Ngayong kasama mo na siya At ako ngayon ay nagiisa Ang swerte niya kasi ikaw ang kasama niya Kung nasabi ko sana sayong gusto kita Baka sakali may tayo na Baka sakali mahal mo na pala ako sa susunod na umaga Sana hindi lang siya puro salita Sana magawan ka niya ng isang tula Sana daig mo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa Sana sweet siya sayo hanggang sa pagtanda ninyong dalawa Sana maiparamdam niya sayo na may kayo pa Promise hindi ko ikwekwento sa iba Na naging crush kita kaya sana mahalin ka niya Di ko alam kung kaya ko pa
0
Apr 11, 2019
Apr 11, 2019 at 1:40 PM UTC
For my "A"
ilang taon na ang nakalipas at wala akong naisulat na kahit na ano sa lahat ng nangyari, sa lungkot, sa ligaya, hindi ko magawan ng kahit simple lang na tula. parang naubusan ako, para bang naubos ako. pilit kong sinusubukan, ngunit napagod lamang ako. napagod piliting may maramdamang malalim, sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako karapatdapat makaramdam ng kahit ano. ngayong sa aking pagbalik, nais kong makasalubong ang dating ako. sana sa panahong ito, mahanap ko muli ang sarili ko.
0
Apr 5, 2021
Apr 5, 2021 at 12:31 PM UTC
part two