Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magara" poems
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto. Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo. Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo. Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao. Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin. Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin. Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin. Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin. Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo. "Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao. Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero, Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito? Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin. Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin. Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin. Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin. Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo. Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo. Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo. Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho. Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon. Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon. Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon. Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon. Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita. Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa. Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba. Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita. Hindi ako gwapo, oo. Hindi ako maporma, oo. Hindi ako astig, oo. Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
"Ganito lang ako"

Continue reading...
32
Maaga kong nilisan ang lupang sakahan Tinahak ang lugar na maingay at magara, ito pala ang Maynila. ‘di napigilan ng tirik na araw ang aming pagkukumpulan. Nagkamayan kaming magkakabrad, Simula na ng himagsikan. Sariwa pa sa alala kung pa’no kami inagrabyado. Itinulak. Binugbog. Tinakot. Ginamitan ng dahas. Sa plano ng gobyerno kami pa rin pala ang talo. Paano pa kami mabubuhay kung wala ng lupang mapagtatamnan? Akala ko sa bundok o gubat lang may ahas -yun ay sa akala ko lang pala. Sa’ming magsasaka’y Kumukulapot ang putik Ngunit sa inyong mga nakabarong, animoy walang duming nakabahid. Sa inakala kong tubig lang ang maaaring idilig, Dugo pala nami’y pwede ring pumatik. Tila ba ang gobyerno’y namamanhid. Nasaan na ang pinangako nyong libreng abono? Ginawa nyo na bang pataba sa mga bulsa nyo!? Sa pagpunta ng mga imperyalistang bansa, Matutulugan pa ba kaming mga dukha? Makatatayo ako sa aking pagkakadapa Ngunit ang bayan kong nakalugmok , makakaahon pa kaya?
0
Jan 6, 2020
Jan 6, 2020 at 10:48 PM UTC
Buhay laban sa Palay
Yung mga tropa ko gumagawa ng tula Samantalang ako, lagi na lang naluluha. Nahikayat naman ako sa kanilang gawa Kaya heto ako ngayon, nagtitipa hangga't sa aking kaya. Kita ko yung saya sa kanila pyesa Pero bakit ako, pilit maging masaya? Eh bakit kasi ako nagawa? Kung hindi ko naman kayang gumawa ng tulang magara? Gago kasi naman parang tanga Lagi na lang ganito, wala na bang iba? Yung mga tropa ko ang galing gumawa ng tula Ngunit ako, hindi kayang isagawa.
0
Mar 2, 2020
Mar 2, 2020 at 8:03 AM UTC
Tropa