Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"madadagdagan" poems
Maaaring narito ka ngayon ang sakit na iyong naidulot ay pansamantala mo ring mapapawi. Muling maipipinta ang isang magandang ngiti sa aking mukha. Ngunit kasabay nito ay ang mas masakit pang parusa. Ika'y magbabalik at habang buhay akong lilisanin. Ang iyong alaalala ay matatakpan ng panibagong tagsibol. Ang sakit ay madadagdagan pa ng nag-uumapaw na damdamin. Mabuti pang ika'y hindi nagbalik nang sa gayon, hindi umasa ang mga tuyot na rosas na ito'y muli pang mamumulaklak.
0
Sep 2, 2013
Sep 2, 2013 at 12:23 PM UTC
Pagbabalik