Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mababalikan" poems
Matagal - tagal na rin noong ako'y iyong iniwan Ngunit hanggang ngayon ay umaasa pa ring mababalikan Sino nga ba ang unang nakalimot? Pagmamahalan ba nati'y napalitan na ng poot? Tahanan kong nagsilbing kanlungan Pagkahapo sayo'y naging pahingahan Maraming salamat sa taong nagdaan Lalaya ng muli sa gapos ng nakaraan
0
Feb 7, 2019
Feb 7, 2019 at 12:32 PM UTC
Gapos ng nakaraan
Bawat hakbang sa buhay na aking tinatamasa binibilang ko't, nag-aasam ika'y makasama; wari'y may 'sang tinig na nagsasabing hintayin ka dahil sa pangakong binitawan mo sa 'sang umaga. Ni walang bagay na maihahambing sa 'yo, sakripisyo't hinagpis, alay ko sa kahapong bigo: puso'y nangangamba, mababalikan pa ba kaya dahil sa pangakong tinatanghali na't, wala ka pa. Tambad sa 'king isipan, nag-iisang ikaw pawang pag-asang makita ka lang sa pagdungaw: isipa'y kaygulo kung nasaan ka na, aking sinta; ang pangakong dapit-hapon na't, batid na yaring mga luha.
0
Nov 17, 2011
Nov 17, 2011 at 8:44 PM UTC
Pangako
patawad sa mahal kong akala ko'y lumisan na sa paggunaw ng kaisipan sa mga bagay na pinipilit nitong takbuhan ngunit bumubulong ang puso gamit ang lirikong tayo lang ang nakaiintindi – mababalikan pa ba ang ritmong ito o mananatili na lamang sa kasalukuyang pintig?
0
Nov 22, 2018
Nov 22, 2018 at 10:11 AM UTC
liriko
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan na iyong napagdesisyunan naging mahirap sa umpisa—tanggaping tayong dalawa ay dumating na sa katapusan at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago; nandito na tayo sa huling pahina ng libro ngunit bakit nandito pa rin yung sakit? sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait; nasisiraan na ata ako ng bait naitanong na naman sarili kung bakit sa puso ko'y ikaw pa rin ang nakaukit?
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 1:03 PM UTC
nagugulumihanan
Patapos na ang taon!! Paano kaya tayo nakaabot sa sitwasyon na ito. Nitong nakalipas lang hinihiling na mawalay sa mundo to pero lumalaban ka parin, pagmasdan mo nandito ka parin nagpapatuloy ― Siguro bago natin salubongin ang panibagong taon ayusin at taposin ang mga problema ng nakaraan; Mahirap simulang ang bagong pahina kung ang luma pahina ay punit at di kumpleto. Nasabi mo na din to dati!! Magbabago na ako!! Sana bago natin ideklarang magbabago na tayo ngayong taon, nawa ay maayos muna natin ang mga gusot ng kahapon ̄ Isipin mo yon ang taon ay nakausad na pero nakakulong ka parin sa nakaraan; Hindi na natin mababalikan ang nakalipas pero pwede tayo magsimula ng panibago kaya tuloy lang. Simulan natin to na may kasamang kilos hindi lang puro salita at asa sa iba kundi matuto tayong tumayo sa mga sariling mga paa. Salamat sa mga tao nakasama natin dahil sila ang ating kasama pagtaas pa mula una at hanggang pagbaba, madadagan man o mabawasan sila ang mahalaga nandito ka parin. Sana magtuloy tuloy ang samahan hanggang sa panibagong pahina. Salubongin natin ang panibagong pahina na may kasamang pagtitiwala sa Diyos. Maligayang Bagong pahina, pag-asa, yugto at Taon.....
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 7:18 PM UTC
Untitled