Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maangkin" poems
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas? Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari? Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas Darating ang panahon, tayo'y magwawalay Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin Ganap ang dusang nasa akin Dahil ikaw ang aking hangin Ang aking araw, aking langit Aking tala at buwan sa dilim Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto? Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak Pakinggan na lamang sana ang aking pangako Kasal-kasalang pauso ay aking inako Wala man tayong mga saksi Basbas ng simbahan o pari Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata Akoy gagawa ng altar na aking sarili Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:21 AM UTC
PANATA NG BALIW NA PAG-IBIG

Continue reading...
64
Pagbasa at Pagsulat Bata pa lamang ay lubos ng namulat. Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat, Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat, Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat. Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin. Madami din akong kakayahan na nais maangkin, Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing. Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin? Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit. Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit. Naisip kong maging **** kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit. Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit. Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na. Siguro ako ay may isang malaking sumpa. Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya. Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:19 AM UTC
Pagbasa at Pagsulat
Dumaan man ang napahabang panahon, Lumipas man ang ilang libong taon, Itago man sa kailaliman ng kahapon, Uusli at sisibol ang mga tula ngayon. Ilang beses mo mang pigilan, Talunin sa iba't-ibang paraan, Mapa-asaynment o impromptu 'yan, Nagagawa ang tula ng may kahusayan. Sinong mag-aakalang ito'y nakatago? Sinong mag-aakalang ito'y para sayo? Sinong mag-aakalang ito'y hindi bato? Sinong mag-aakalang ito'y nasa puso? Isang libangan kung ito'y tuklasin. Isang adhikain kung ito'y susulatin. Isang liwanag kung ito'y susuriin. At isang kayamanang kailanma'y hindi maangkin.
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:46 AM UTC
TULA - Nakatagong Kayamanan
Ang aking mundo ay napakasaya, Ako’y namumuhay ng sama-sama, Ang galak at luha ay walang pinag-iba, Ginhawa at dusa’y tila iisa. Sa aking mundo ay wala nang gutom, Ang lahat ng sugat agad naghihilom, Wala nang maaapi pagka’t ako ang hukom, Hindi rin mamamatay ang matagal nang tikom. Lagi kang dumaraan na parang hangin, Ang iyong pagka-inggit ang aking napapansin, Pagka’t ang aking mundo’y inaasam mo rin, Ngunit ‘di mo maamin kaya’t hindi mo maangkin. Kung ang aking mundo ay puno ng ginto, At sayo’y basura, kasalana’t dugo, Ngayon mo isipin at nang iyong matanto Kung sino nga ba sa atin ang mas matino.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:44 AM UTC
"Mundo ng Baliw"
1. Kamay Heto, kung mararapatin lamang. Ipagkakatiwala ang sandali tungo sa laman ng salita. Heto, kung ipagdaramot lamang, at ipagsasawalang bahala ang dambana ng iyong katawan. 2. Kurba Kung abot-kamay lamang din naman ang buwan ay ipagdaramot na lamang ang natitirang liwanag. Sa palad ko nakahimlay ang talim ng iyong buto. Hindi na mangingiming pang ibalik pa sa tahimik na daluyong ng oras ang mga kamay na ito na walang pagpapatawad. 3. Mata May tupok na anghel na bagong hirang sa loob ng malaking puwang. Walang paglalagyan ng ligalig, marahang pagiingat lamang, kung tatanaw sa kabilang kuwarto ng halinghingan na para bang nagtatalik ang nais sa hindi maangkin nangungusap nang walang karampatang pagmamalabis.
0
Mar 26, 2016
Mar 26, 2016 at 11:36 PM UTC
Iilang Mga Parte
iisang panalangin puso'y maangkin ako sana'y ibigin.
0
Dec 4, 2013
Dec 4, 2013 at 1:05 AM UTC
Panalangin
Malaya kong isinulat Upang marinig Salitang bibihira ng sambitin Tanging sayo nais iparating Malaya kong binigkas Sintang giliw Upang ikaw ay lubos na mahalin Puso’y sayo lang tanging ibabaling Malaya kong ibibitaw Lahat ng nasaakin Sa sintang iisa lamang ang nais Puso’y maangkin Malaya kong namaalam Na ika’y makapiling Sa sintang giliw Na nais makamit
0
Jun 15, 2018
Jun 15, 2018 at 8:41 AM UTC
Sinta
Paano mangyayari ang atin? Kung imahinasyon lang ang iyong tingin sa akin? Gusto kitang kabigi at paibigin, Ngunit s'ya mismo ang nagpapigil sa'kin. Gustong lumayo upang hindi maangkin, Sapagkat ang puso ko'y gusto **** gamitin, Ngunit ayaw mo namang kumpletuhin. Ganito ka rin ba sa lahat? O sadyang nananaginip lang ako nang gising At inakalang ika'y mapapasa'kin? Gaano ba kahirap sabihin na akong gagamitin Upang s'ya'y mapasaiyo At ang puso ko nama'y malulumpo Ako ba'y nagpagamit At inisip na ginamit lang nang hindi ko ginusto? Ginusto ko rin naman diba? Ginusto kong umibig sayo kahit hindi ko alam kung ika'y totoo. -miss xEKIS
0
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:46 AM UTC
Kathang-isip