Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maalamat" poems
unang latag ng lupa, nangabubuhay dahil sa tapak ng walang kamalay malay sa pinagdaanan nito. dala ang delusyon ng buhay kapalit para sa bayan, kapalit para sa kalayaan. lumamin, ay mahahayag ang luad tumutulad sa kulay ng dugo. alam ng bulaklak ito, kung sundan ang pinanggalingan magugulat sa makikita; ang kababayang kinalimutan ang kanilang madugong, matimbang, maalamat na mga pangalan; inalala ng halaman.                  sementeryo, bawat hakbang, walang respeto bawat hakbang, nadudumihan ang mga mukha ng (bayani) taksil (pinaglaban) trinaydor ang kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga sambayanang pilipino) tinubuang lupa                   sementeryo, kaya't malalim ang pananampalataya sino bang hindi maadwa, maawa? bawat segundo may dadasalan bumagsak; at lumalalim ang kulay ng pula.                  sementeryo, kaya't pagbagsak ng alas quatro ng umaga; nananahimik ang bayan. katahimikan para sa patay; walang sisigaw. ginagambala ang kapayapaan. sa ilalim ng lupa, ang katahimikan hindi makamtan. lahat sila'y gising, lahat sila'y                                                          sumisigaw.                  sementeryo, ang   tahanan       ko'y         sementeryo, kaya't manahimik at irespeto ang patay; ang mga mamayang madamdamin at malakas ngunit                                                         pinatahimik. tayong buhay                nananatiling patay. silang patay                nananatiling buhay. isang siklo. lalalumin lahat ng lupa ng hindi sa tamang oras; isisigaw ang K A R A P A T A N ! isisigaw ang M A L I ! isisigaw ang H U S T I S Y A ! H U S T I S Y A H U S T I S Y A H U S T ngunit walang makakarinig. ang nakabukang bibig mapupuno ng tinubuang lupa na tinaksil ang lahat ng katulad natin. walang makakarinig kahit buong daigdig                                                                           manahimik.
0
May 10, 2017
May 10, 2017 at 3:32 PM UTC
tahanan

Continue reading...
77
Kay tagal nating nakasama, Sa katunayan, mula pa noong umpisa, Hindi byo kami tinalikuran, Magkagulo man, di nyo kami iiwan. Kayo ang aming naging ilaw, Upang ang daang ito'y matanglaw, Aming sandigan at karamay, Lalo na sa mga pagsubok nitong buhay. Di kakayanin ng kahit anong kalatas, Matumbasan ang sakit na inyong dinanas, Kahit ilang beses pa magpasalamat, Sa mga sakripisyo nyo'y di sasapat. Ngunit ganyan nga naman talaga, Sa kasalukuya'y wala pa kaming magagawa, Ngunit sana, sa paglipas ng panahon, Umiba ang direksyon ng mga alon. Kasalukuya'y kami'y hanggang "salamat", Upang bigyang halaga ang pinagdaanan n'yong maalamat, Mga bagay na kayo at kayo lamang ang makapagbibigay, Katulad nitong tinatamasa naming buhay. Kaya sana tanggapin nyo itong aming handog, Galing sa'ming mga pagkataong kayo ang humubog, Ang aming pasasalamat na tunay, Para sa inyo, mga inang walang kapantay.
0
May 13, 2017
May 13, 2017 at 6:43 PM UTC
Ina