Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
J Apr 2017
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula,
Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba,
Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit,
Para sa isang taong magulo lagi ang isip.

Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali?
Paano mabago at maulit muli?
Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot,
Mga tanong na puno ng takot.

Tao lang naman ako hindi ba?
May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba,
Ang buong akala ko ay okay na ako,
Okay na ako..... Siguro.

Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan,
Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan.
Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos,
Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
Felice Apr 2019
ako'y walang boses, nakakulong at nakagapos
angking karuwagan ay pilit ko mang tinatapos
wasak na repleksyon ay ‘di na yata maaayos

katangi-tanging hiling ay nais mang isatinig
nawa'y poong maykapal, ito'y iyong madinig
sa nagdaang panahon na binabalot ng lamig

ang sariling kapansanan ay tila walang lunas
sa aking pagpikit ay iniibig kong kumaripas
sa mapait na ilusyon na hindi yata lumilipas
Princesa Ligera Aug 2020
Ala-ala na nga lang ba?
Ang makakapagpasaya.
Doon na lang ba tayo magkakasama?
Doon na lang ba tayo maayos?
Di na ba talaga maaayos?
Di na ba talaga maibabalik?

— The End —