Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stephanie Aug 2018
Para sa Pusong Iniwan
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Umuulan na naman pala
Basa na naman ang kalsada
Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana
Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom,
Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat
ang malungkot na gabi
Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi
Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita
Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito
Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya
Bumubuhos kasama ng mga luha
Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan
Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan.

Umaga na naman pala
Buti nalang nagising ng maaga
Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape
Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi
Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip
Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible
Heto na naman, panibagong araw
Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan
Hindi pa rin matanaw ang liwanag
Tinangay mo kasi
Sinama mo sa pag-alis
Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam

Tanghali na pala
Oras na ng kain.
At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain
At tulad ng dati, tumatanggi pa rin
Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain
Dun sa dati, sa paborito natin
Tanghalian na pala
Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin
Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin
Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo”
Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin

Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita

Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita
Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako
Natutuwa ako na kasama kita
Natutuwa ako na kausap kita
Natutuwa ako kasi akin ka
Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin
Natutuwa ako kasi magkasama tayo
Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali
Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita

Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita.


Matagal na rin pala.
At hindi na tulad ng dati
Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo
Ginawa kasi kitang mundo ko
Mahirap.
Masakit.
At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin
Mahirap.
Masakit.
Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin
Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal.
Ikaw yung nang-iwan
Ikaw yung sumuko
Ikaw yung bumitaw
At matagal na rin pala
Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo.

Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako

Matagal na rin pala
Mahirap pa rin.
Masakit pa rin.
Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na.
Para sarili ko naman yung palayain ko
Hindi naman siguro kailangang pilitin
Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko
Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan
Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan
Sisimulan ko na…..                makalimot.

Pero teka…


Umuulan na naman pala.
Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala


Maaalala na naman kita.
I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
Vanessa Escopin Feb 2016
Balang araw,
Hindi na ko masasaktan pag nakikita ko ang mga larawan nyong magkasama.
Balang araw,
Hindi na ko magseselos dahil lagi kayong magkasama.
Balang araw,
Ngingiti na lang ako pag makikita ko kayo.

Walang halong pait, selos at lungkot.

Dahil balang araw,
Hindi ko na rin kayo maaalala.
Hindi ko na kayo makikita.
Hindi na ko malulungkot dahil namimiss ko kayo.

Kasi una pa lang,
Kinalimutan nyo na ako.
Kinalimutan nyo ako, na kaibigan nyo noon.

Huwag kayong mag alala,
Hindi ko kayo makakalimutan dahil hindi ako madaling makalimot.
Pero darating din ang panahon na hinding-hindi na ko malulungkot dahil sa hindi ako naaalala ng mga kaibigan ko.

Balang araw mangyayari din yun. Balang araw.
Lagi kong nakikita ang mga kaibigan ko na magkasama. Malayo sila. At naiwan ako. Ang babaw ko para sa gantong bagay nagseselos at nalulungkot ako. Normal pa ba ako?
SHN Aug 2016
Naaalala mo pa ba?
Minsan din tayong naging masaya.
Nagsimula sa pagkakaibigan,
Nauwi sa walang pansinan.
Naaalala mo pa ba?
Mga panahong sabi natin ay tunay tayong magkaibigan,
Walang kamalay malay na mauuwi sa pagkakasakitan.
Naaalala mo pa ba?
Sabi mo noon maging ang mga bituin ay sumasangayon sa atin.
Ngunit hindi nila nasabi na hindi ka para sa akin.

Naaalala mo pa ba?
Mga kalokohang napag-uusapan,
Ngayon ay hindi magawa kahit banggitin ang iyong pangalan.
Naaala mo pa ba?
Sinabi kong lagi lang akong magiging andiyan,
Lingid sa aking kaalaman na ako pala ang maiiwan.
Naaalala mo pa ba?
Na minsan din tayong naging magkaibigan,
Sana hindi na lang nauwi sa pagmamahalan,
Marahil ngayon ay nagtatawanan.
Maaalala mo pa ba?
Kung ako'y nagawa mo nang iwan,
Siguro'y kailangan na ding kalimutan.
Maaalala mo pa ba?
Kung ikaw ay akin nang bibitawan,
Sapagkat pati ang ating pagkakaibigan ay iyo na atang nalimutan.
Maaalala mo pa ba?
Humihilingin na maalala mo parin sana.
Meynard Ilagan Jun 2017
Sana, bata na lang tayong lahat…

Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain
Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!”

Sana , bukas ay bakasyon na…

Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo.

Sana, pasko na lang bukas…

Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko.

Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan …

Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo.

Sana ikakasal na ako bukas…

Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo.

Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
-meynard
071812
Taltoy May 2017
Heto't nag-iisa,
Malungkot at walang kasama,
Hinahanap ang ligaya,
Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita.

Sapagkat hinahanap yung makakaagapay,
Sa mga panahong lumbay ang kaaway,
Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko,
Takot na ako'y limutin mo.

Ako sayo'y nangungulila,
Ang aking nag-iisang tala,
Ang hinahangad na makita,
Sa  gabing kay dakila.

Sayo, di gustong mawalay,
Ang laman ng damdamin kong tunay,
Ayaw kong ako'y mapang-iwanan,
Mapang-iwanan at makalimutan.

Ako'y  takot sa katotohanan,
Na sa buhay, walang pang walang hanggan,
Na ang lahat ay may katapusan,
Na ang lahat ay pwede kang iwan.

Walang magagawa, yung ang totoo,
Kaya damdaming ito'y itatago ko,
Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo,
Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
Dahil sayo'y napalapit na, di na gustong mawalay pa.
danie Oct 2017
Mahal na kilala kita sa simpleng haha
Minisage kita kahit di kita kilala
Sabi ko sayo hi ganda
Di ko inakalang mag rereply ka
Sabi mo salamat huh.
Sa simpleng batian tayo nag simula
Humaba ng humaba mga salita
Hanggang sa nakita ko
Ay hala mag kabirthday tayong dalawa
Mapag biro ang tadhana
Mas lalo akong naligaw sa bitag nya
Pero sa pag kaligaw ko nahanap kita
Sabay tayong na ligaw sa tamis ng tadhana
Tapos sabi mo mahal may sekreto ka
Mapag biro nga ang tadhana
Kasi kng gaanu katamis ang pag mamahal mo
Ganun din kasaklap ang katotohanang d pueding maging tayo
Di pueding maging tayo kasi may nakatali na sayo
Pero kinain ko ang lahat ng pait na to
At oo kasalanan ko
Ang dating maliit na biro ng tadhana
Naging libingan ko
Pero ayaw kong bumangon mula dito
Pinilit ko,pinilit mo at naging tayo
Kahit mapait pinilit natin na patamisin ito
At naging okay tayo
Ang saya nga ng birthday natin pareho
Sinupresa mo ako
At sa unang pag kakataon
Napag tanto ko na mahal mo nga ako
May pa cake kpa mahal at palobo
Tumulo ang luha ko
Kasi di ko inakala sa magiging masaya ako
Magiging masaya ang kaarawan ko
Kaya salamat sayo mahal ko
Pero habang tumatagal mahal
Mawawala na tayo
Halos di ko na maaninag ang iyong anino
Nalungkot ako
Pero bumalik ka mahal
At sinabi mo pabalik na siya
Ang nakatali sayo
Gumuho ang mundo ko
Ang dating hukay ngayon ang naging bangin
Wala ng takas sa sakit
Ang sabi mo aayusin mo mahal
Tataposin na ang dapat taposin
Pero paanu kng sa istoryang to
Ako ang pangalawa
Ako ang kirido
Ako ang maninira ng pamilya
At siya,sya ang una at ang pinakasalan mo sa harap ng dambana.
Mahal anu ang laban ko
Nasasaktan ako
At oo di ko pueding isisi sayo to
Kasi ginusto ko din naman.
Namalibing sa bangin na ito
Pinaglaruan tayo ng tadhana
Yung akala kong magiging masaya
Nasa binggit na ng kataposan nya
Ayaw ko man sana ipilit
Pero sa bawat hagupit ng sakit
Pangalan mo aking sinasambit
Mahal naririnig mo pa ba ako
Pag dumating siya panu na tayo
Maaalala mo pa kaya ang mga pangako mo
Na magiging masaya tayo
Kasi kung ganun kakainin ko na din ang pait na ito
Ou ako na bahala sa lahat ng pait
Basta mahal mangako ka
Di tayo aabot sa dulo
Pero paanu sakanya ka kasado
Ako,pangalawa lang ako
Nadudurog na ako
Gusto ko na sana taposin ito
Pero paanu kng mahal kita
Minamahal kita ng todo
Ngayon gusto mo palain ako...
Pero paanu kng sa bawat paalam mo
Sinasambit **** mahal mo ako
Mahal mo nga ba talaga ako
O mahal mo lng ako kasi binubou ko ang kulang niya sayo
Please kng aalis ka umalis ka lng
Kasi di applicable sa atin ang kng mag mahal ka ng dalawa piliin mo ang pangalawa kasi sa una pa lng nakatali kana.
Jeremiah Ramos Nov 2016
-
Sinabi ko sa sarili ko
Na huwag ka nang hanapin sa unang pagkakataong mapansin ko na nawala ka.
Ngunit nahanap pa rin kita.

Nahanap kita sa katahimikan,
Ang bulong **** nagpagulo sa minsang kalmadong isip,
Dahil sa'yo nalaman ko hindi lang pala multo ang puwedeng nagpaparamdam sa dilim.
Naroon ka rin sa likod ng mga masasayang alaala.
Nahanap pa rin kita kahit ilang beses na akong nangakong magiging masaya muna ako.

May kanya-kanyang paglalarawan sa'yo ang iba't-ibang tao,
Maaring sa iba, isa kang demonyo, kathang-isip, salita, o isang panandaliang bisita.
Pero sa lahat ng bagay na inilarawan sa'yo, hindi ko alam kung bakit itinuring kitang kaibigan.

Dahil siguro tuwing pag-uwi ko, 'pag wala ng mga tao
kahit gaano man ako kasaya o kapagod,
nandiyan ka.

Nag-aabang, nag-aantay, naiinip
Hinihintay akong mag-kwento.

Ikaw ang tipo ng kaibigan na hinahanap-hanap din pagkatapos bitawan.
May mga araw na napagtatagumpayan kong huwag kang isipin ngunit may mga araw din na nagbabalik nanaman ako sa simula.
Dahil sa huli, ay uuwi din ako at hahanapin kang muli sa katahimikan.
At sa bawat paalam mo, muli nanaman kita maaalala

Minsan, napakahilig **** magtago tuwing kasama ko na ang mga kaibigan ko,
Pakiramdam ko rin naman wala silang balak na kilalanin o pakinggan tayo
Kaya patuloy ka lang magtago,
Hindi nila kailangan malaman na buhay ka,
Hindi nila kailangan malaman na nandiyan ka,
Hindi nila kailangan malaman na totoo ka.

Hindi ko alam kung kailan ka aalis,
Hindi ko alam kung gusto ba kitang umalis,
Pero kung sakaling dumating man ang araw na 'yon,
Huwag ka nang magpaalam pa.
Tula tungkol sa depresyon.
Charm Yap Oct 2011
Lumilipas ang araw, dumarating ang gabi
Di ko namamalayang malapit na ang sandali;
Ang araw na malapit na ang pagdating
Sa pag-alis ko, saan kaya ako makakatating?

Malayo man, hindi ko pa alam kung saan dapat puntahan
Ang ninanais ko parang mailap na naman;
Gusto kong marinig kung ano ang desisyon
O kahit ano man ang kanilang opinyon.

Maaalala ko sila kahit saan pa ako mapunta
Sila yung mga taong nagpakita sa akin ng pagpapahalaga;
Hindi madaling kalimutan ang mga taong ganoon
Walang halong plastik ang pinakikita nila mula noon.

Malapit na.. kahit di ko pa iyon hintayin
Darating na yung panahon na ang isang lugar akin ng lilisanin;
Mga kasama, kaibigan, hindi ko makakalimutan
Isang muling pagpapaalam mula sa isang lilisan.
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Meruem Jul 2019
Sa tuwing maaalala ko ang mga sandali,
Na ikaw ay aking kapiling.
Hindi maipinta ang ngiti sa aking labi,
Abot kamay na ang langit na aking hiniling.

Mga panahong nandito ka pa,
Lahat ng palihim na yakap at halik.
Bawat luha at halakahak,
Iyong malambot na pingi'y aking hawak.

Ngunit tila hindi ko napangalagaan,
Unti-unting lumuwag ang pagkakapit.
Ating naging huling sandali'y sadyang mapait,
At alam kong hindi na maibabalik ang nakaraan.

Pero iyo sanang mawari,
Na ikaw ay namumukod tangi.
At hinding-hindi ko na kayang itanggi,
Ako sayo'y nangungulila, ayoko ng magkunwari.

Salamat sa pag-ibig mo,
Ito'y mananatili sa akin.
Salamat sa pag-ibig mo,
Ikaw lamang ang nakapagpadama.
July 30, 2019 - 06:04

"May taning ang ginawa. Pinili ang sariling sumaya.."

Fin.
LJ Feb 2018
hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya nakangiti
hindi ikaw ang unang una niyang maiisip
sa unang pagbukas ng kanyang mga matang nakapikit;
hindi ikaw ang kanyang unang kakausapin
sa tuwing siya'y masaya,
malungkot, nagdudusa, at nasasaktan
hindi rin ikaw ang unang taong kailangan niya
tuwing siya'y nakakaramdam ng pagiging mag-isa

hindi talaga 'ikaw.'

ang ikaw na palaging siya ang iniisip
unang pagmulat pa lang ng mata sa umaga
ang ikaw na bukambibig ang pangalan niya
kahit ang iba'y rinding rindi na
ang ikaw na palaging nag-aabang sa pinto
nagbabakasaling babalik siya
at ang ikaw na naghihintay
kahit nakakagago na

hindi rin ikaw, at hinding hindi magiging ikaw
ang 'siya' na gusto niya
ang siya na importante sa buhay niya
na kahit ano mang pagsubok, ay siya at siya pa rin
ang siya na palagi niyang binabati ng magandang umaga
ang siya na ang mundo niya
at ang siya na kahit kailan
ay hindi magiging ikaw

hindi ikaw,

hindi talaga ikaw ang huli niyang maiisip
bago niya ipikit muli ang kanyang mga mata
hindi ikaw ang masayang kaganapan na maaalala niya tuwing siya'y nalulungkot
at hindi ikaw ang isang pulang rosas na kanyang pinili sa hardin ng iba't ibang bulaklak

kahit kailan naman ay hindi naging ikaw
hindi naging ikaw ang "siya" at "tayo" na iniisip niya
hindi naging ikaw ang pinaplano niyang masayang panimula pagkatapos ng masakit na katapusan
hindi naging ikaw, at hindi magiging ikaw

dahil iba ang "ikaw" at "siya"
ang siya na pilit niyang kinukuha ang atensyon
at ikaw na pilit namang kinukuha ang atensyon na hindi para sayo.
Abby Elbambo Jul 2016
Ang unang pahina:

Para sa kauna-unahang nilalang na mabubuo sa aking sinapupunan
Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang na ika’y aking papangalanang “tao”
Dahil alam kong dadating ang panahon na iyong susubukang alamin ang kahulugan ng itinatawag sa iyo
At nais ko na sa iyong paghahanap ay iyong maungkat ang balde-baldeng mga salitang nakalimutan na ng ating lipunan
Sabay nating tutuklasin kung sino ka nga ba sa isang mundong mapangdikta
Na sa bawat pagsabi ng “Magpakalalaki ka nga!”
Alam mo na upang maging isa ay kailangan **** maging tao muna
At sa unang araw na ika’y magpapaiyak ng sinuman sa ngalan ng “pagiging lalaki”,
Ay sisimulan ko ang pag-uukit ng mga linya sa iyong mga palad
Upang sa tuwing padadapuin ang kamay sa sinuman sa ngalan ng karahasan ay una kang masasaktan

Anak,
Gusto kong malaman mo na kahit di ko pa alam kung ano ang iyong paboritong kulay
Alam ko na ang nasa kaibuturan mo
Dahil tulad ko, ika’y isa rin lamang nilalang

Pupunuin ko ang kwarto mo ng libu-libong salamin
Dahil alam kong darating ang panahon na bubulungan ka ng kung anu-anong mga korporasyon na nagsasabing ika’y kulang pa
Kinukutsya ang bawat aspeto ng katawan **** di sakto sa kanilang imahe sayo
At nais ko na sa iyong pagising at pag-uwi ay di matatakasan ang tignan ang sarili sa salamin
Umaasang maaalala ang ipinangalan sa iyo ng nanay **** nakatayo rito ngayon

Tao,
Isang araw ay itatapon kita sa mundo
Hindi iiwan pero hahayaang mamili para sa sarili
Tandaan ang pangalan mo at unawain na hindi lahat ng likha ng tao ay tama

Balikan mo ako sa iyong unang galos.
This is a piece I wrote for my Theology class that tackled the distorted view of men in alcohol advertisments. It's also in Filipino--which is my native language.
Sa tuwing naaalala ka,
Lungkot at pagsisisi lang ang palaging nadarama.

Hindi naman na dapat iniisip pa,
Ang mga nakaraan na lumipas na.

Bakit ba hindi ka makalimutan?,
Kailangan paba magharapan tayong muli upang tuluyan nang makawala sa nakaraan?.

Parehas naman nating hindi ginusto to,
Na humantong tayo sa ganito.

Masaya naman tayo noon, noong tayong dalawa ay nagmamahalan pa,
Nagkamali lang talaga tayo nang hindi natin sinasadya.

Pero parehas lang tayong nagkamali,
Kaya ito tayo ngayon nagsisisi sa huli.

Pinaghiwalay tayo ng tadhana,
Siguro dahil hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.

Hindi ko na rin kasi gusto ang trato mo sakin dati,
Kaya't ako na rin ang bumitaw sa huli.

Hindi ngalang pormal ang paghihiwalay nating dalawa,
Kaya't siguro nahihirapan parin akong huwag kang maalala.

Pero gumawa ako ng paraan para bawiin ka ulit kasi nagsisisi ako na iniwan kita,
Pero nalaman ko na may iba kana.

Lumipas ang mga araw, buwan, taon,
Nakalimutan ko nandin ang taong minahal ko noon.

Pero bakit hanggang ngayon kahit saang anggulo man tingnan,
Hindi ko parin mabura ang mga memorya ng nakaraan.

Ayoko na sanang maalala ang lahat noon,
Pero bakit gumagawa parin ng paraan ang utak ko para maalala lahat ang mga pagkakamali nating dalawa na nilipas na ng panahon?.

Gusto ko nang kalimutan ang kahit anong tungkol sayo,
Pero hindi ko alam kung saang paraan at paano.

Ni wala na akong nararamdaman sayo matagal na,
Pero bakit hanggang ngayon nahihirapan parin ang utak ko na kalimutan ka.

Sana dumating ang umaga na sa paggising ko kumpleto na ako,
Wala nang gumagambala sa utak at katauhan ko.

Na hindi na kita maiisip kahit kailan,
Na natutunan nadin kitang kalimutan.

Pero hanggang saan paba ang itatagal ng panahon?,
Hanggang kailan paba maaalala ang kahapon?.

Palipasin na ang nakaraan,
Dahil para sa akin wala na iyong kahulugan.
This is based on what I've been thinking and based in my story. I hope you like it. Lovelots readers!
kingjay May 2019
Sa lugar na malawak
mga paa ay di magawang makatongtong at nanatili lumulutang
Pangyayari na di kailanman magaganap

Kathang isip ay isalin
sa gawa at nang maging
ang kaganapan sa imahinasyon matutupad
Magpursigi sa gusto
Imahinasyon ay totoo

Sa pamamagitan ng patpat ay gumuhit sa lupa ng larawan
kung ano ang nakikita sa harapan
ay sandalan ng likuran

Lalangin ang layunin
na sa buhay ay may kahalagahan
sa bisyo't sugal kung nahahalina
Dumikit sa dating landas at kasaysayan

Pagmamahal na maging mito
Isang buang, tumatahol na aso
Di na isasalin pa
sa wika na nasnaw ng dila
Maaalala muli ang pagmamahal na di nagmamaliw
Crissel Famorcan Dec 2017
Value.
Madalas lesson sa math at related sa piso
Pero minsan pwede rin naman nating  iugnay sa tao
Parang ako.
Matagal - tagal ko na ring hinahanap
yung halaga ko sa mundo
Ipinanganak ba ako para maging sino at ano?
Sa paglaki ko, dun ko natuklasan
Na ang halaga ng tao nakabatay sa sitwasyon
Yun bang kapag kailangan ka lang nila
Saka ibibigay yung hinihingi **** atensyon.
Yun bang kapag MAHALAGA KA LANG saka ka kukulitin
Yung kapag kailangan lang ng tulong mo saka nila hihingin
Kaya madalas tuloy napapaisip ako
Ni minsan kaya naging mahalaga ako?
O nagkaroon man lang kaya ng halaga
ang isang tulad ko
Dyan sa puso mo?
Alam kong wala ako sa lugar para itanong ang mga  bagay to
Kase una sa lahat, magkaibigan lang naman tayo
Pero pagod na akong itago yung nararamdaman ko
Pagod na akong Magsinungaling
At magsabi ng di naman totoo
pagod na akong lokohin ng paulit-ulit yung sarili ko
Pagod na pagod na ako.
Kaya sa mga sandaling ito
Sasabihin ko na ang lahat
Lahat ng nasa puso ko
At sana kahit saglit
pakinggan mo naman ako.
Sana lahat ng sasabihin ko
Tumatak dyan sa isip mo
At maging mahalaga
Yun bang paulit-ulit **** maaalala
Parang lyrics ng paborito **** kanta
Na maingat **** tinandaan at kinabisa
Para lang wag **** makalimutan
O makaligtaan.
Sana ganun din ako, maging mahalaga
Kahit  ilang minuto, ilang segundo
Ilang oras
Kahit saglit lang,
gusto kong maging mahalaga
Katulad nung paborito **** sapatos at damit
Na kahit luma na iniingatan **** pilit
Kase nga mahalaga
at ayaw **** mawala
Gusto kong maging Importante
Pero parang malabo at imposible naman yung mangyari
Kase kahit magkaroon man ako ng halaga
Yung puso mo naman, hawak na ng iba
Kaya heto ako,nilalabas ang nadarama
Sa pamamagitan ng mga tula
At sisiguraduhin Kong Hindi ito ang magiging una at huli Kong katha
Na tungkol sayo
Dahil habang nabubuhay ako
Lahat ng tula at akda na gagasin ko,
Exclusive lang para sayo.
Bea Dizon Jan 2017
Matanda na tayo
Ayaw na kitang hanapin
Sa mga lugar na wala ka
Sa mga bagay na hindi natin nagawa
Sa bawat gising
Na gusto kitang hagilapin
Halikan, yakapin
Bigla kong maaalala
Alas kwatro pa lamang
Maaga pa para umasa
Sa unan muna idadantay
Ang pagod kong kaluluwa
Bukas, baka kaya na ulit lumaban
Umaga na, iba naman
myONE Aug 2017
Pinipigilan ako ng pagprotekta sa'yo
Na lambingin ka tuwing maaalala kita
Gusto kitang kausapin sa tuwing namimiss kita
Pero hindi ko pwedeng gawin dahil baka awayin ka n'ya

Tinuturuan kitang kalimutan ako
Paunti-unti at nasasaktan ako
Pero paunti-unti 'ring nadudurog ang puso ko
Tuwing ginagawa kong tanggalin ako sa sistema mo

Gusto kong makalimutan mo ako
At lumayo sa'yo ng di mo nalalaman
Umalis ng walang paalam
Kahit masakit, 'pag talagang kailangan

Isipin ka sa buong magdamag
Ang tanging pwede kong gawin
Dahil hindi kita maaaring lambingin
At sabi ng konsensya ko'y huwag

Aalis ako mahal sa panahong hindi mo iisiping mawawala na ako
Sa panahong masaya ka at maayos ka
Aalis akong hindi nagpapaalam
At hindi mo nalalaman

Masanay ka ng hindi ako dumarating
Sa ating tagpuan, sa ating pinag-usapan
Hindi mo na ako dapat hintayin
Sapagkat ako nama'y aalis din

Kapag hindi na ako sumisipot
Sa tagpuang sa akin ay ipinaabot
Masanay ka na mahal
Baka saglit na lang at 'di na magtagal

Dahil ang labis na pagmamahal ko sayo'y bawal
Kahit gusto kong makasama ka ng napakatagal
Lahat ng alaala **** meron ako
Ang laging nasa puso't isip ko
'Pag nalagot na ang hininga ko
Doon magtatapos ang lahat ng ito.
082917
miss na kita mahal
pero kailangan kong magpaalam
Eugene Dec 2018
Nakakubling Lungkot Sa Puso

Pilitin ko mang itago ang nararamdaman kong saya,
Nangingibabaw pa rin nang malaki ang nakakubling pangungulila.
Kahit sumilay man ang mga ngiti sa aking mukha,
Nakikita pa rin sa aking mga mata ang labis na pag-aalala.

Ano mang pilit kong magpakatatag at huwag pansinin ang bawat sumbat,
Muli pa ring nadarama sa puso ang pighati, pait, pagtitiis at sakit.
Naitatago man ng aking mga ngiti ang lahat ng pagdurusa't bigat,
Dadaloy pa rin ang mga luha at muling maaalala ang nakaraang mabibigat na habagat.

Kahit anong iwas ko, tinatangay pa rin ako ng isipan kung kamustahin sila.
Hindi ko kayang magsinungaling dahil sa puso ko ay mahal na mahal ko sila.
Ipagsawalang-bahala man ang bawat mga letrang nasa mensahe nila,
Mabubuo pa rin ito at mararamdaman ko ang nakaukit na mga salitang hinihintay ng puso sa tuwi-tuwina.

Sana ang lahat ng mga letrang naging salita ay totoo.
Sana ang lahat ng mga katagang nababasa ko ay galing sa kanilang mga puso.
Sana ang lahat ng mga litratong nakikita ko ay tunay at totoong-totoo.
At sana... mapanghawakan ng puso ko ang katotohanang hindi ko kayang mawalay pagkat sila ay naging bahagi ng bawat nakakubling lungkot sa aking puso.
Katryna May 2018
Tama na sa isang pirasong hikaw na lang kita maaalala
Habang ikaw suot ang 3 pirasong hikaw sa magkabila **** tenga.

Parang ikaw, ako at sya.
Kayo ang terno,
Ako ang naiiba.

Tama nang hikaw na lang ang gamitin kong palamuti sa tenga,
Kesa sa mga madudulas **** salita.

Dahil ang hikaw,
Mabilis alisin kapag ayaw na.
Mabilis alisin kapag nakakasugat na.
Mabilis linisan kapag narumihan na.
Pero ikaw, para kang butas sa tenga na mahirap ng pahilumin pa.

Magtataka pa ba?
Kung ako ulit ang luhaan,
Kasi kaya mo naman silang paikutin sa iyong mga salita
Tulad ko, naniwala naman sa paulit ulit **** litanya.

Ako,
Ikaw ang lang ang iisa kong piraso ng hikaw ko sa tenga.
Naka twerka at di na aalisin pa.
Random Guy Oct 2019
ako
at ikaw
ay parang
araw
at buwan
di kailanman magtatagpo
ng madalas
ngunit sana
malaman ****
kahit ang araw at buwan
ay minsan ding nagtagpo
duyog
at habang buhay kong maaalala
ang minsang pagdampi
ng aking kamay sayo
ng ulo mo sa balikat ko
matakpan man
ng liwanag ang dilim
o ng dilim ang liwanag
hindi kailanman maalis sa aking alaala
ang duyog nating dalawa
Jay Co Nov 2019
Siguro, maaari natin makalimutan ang mga taong nanakit sa atin o ang mga nakaraan natin na hindi maganda.

Pero, hindi mo ito basta-basta makakalimutan dahil may pain kang naranasan.

Maaaring sinaktan ka ng bf/gf mo o kaya naman may mga bagay na nangyari sayo hindi maganda.

Oo maari natin to makalimutan pangsamantala, marami tayong paraan kung paano tayo mag move on sa isang bagay, pero babalik at babalik yung mga nakaraan mo.

Hindi na siya ganun kasakit gaya ng dati. Na naranasan mo. Maaalala mo, Oo, kapag na alala mo ang nga bagay na hindi magandang nangyari sa'yo,  itatawa mo nalang. Yong pain nawala na.

Ang atin mga nakaraan ay puno ng mga alala, maaaring ito ay hindi maganda o kaya naman masasayang alala.  Sa mundo marami tayong pinag dadaanan. Masasaya at masasakit.
Manunula T Apr 2018
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!
#pagmamahal at Panganib
Taltoy Jun 2018
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.

Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.

Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.

S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?

At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.

Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.

Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.

Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
Masarap na Pangakong atin ay napagkasunduan tuparin hangang dulo.
Pangakong sa atin ay nag nagbibigay saya,
Pangakong sa atin ay nagpakilig talaga,
Pangakong pinanghahawakan na akala hangang dulo,
Pangakong sa una ay pilit tinutupad,
Pangakong sa Una lang pala,
Kasi ngayon yung mga Pangakong atin ay napag kasunduan sakit lang pala ang dala.
Pangakong sa tuwing maaalala ay nag bibigay na lang nang lungkot sa puso ng bawat isa,
Pangakong  nagbibigay sakit sa Damdaming nating dalawa,
Pangakong sa alaala na lang pala
Pangakong Ngayon ay Binitawan mo na,
Pangakong hindi naging sapat para manatili ka sa tabi ko at mahalin ako hangang dulo,
at ang  pinakamasakit na Pangako,
Pangako sa isat isa na ngayon ay Tinutupad mo na sa Iba.
Rem Oct 2018
Naaalala ko pa
ang sandaling
sinigaw mo sa mundo
pagmamahalan ay kailanman
di magbabago
Sabay hawak sa aking mga kamay
Habang nanonood sa paglubog ng araw
sa Pagsapit ng dilim
patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit
at hindi bumibitiw
Sa gabing mga bituin ay nagniningning
na kayang kaya kong ikumpara
sa iyong mga ngiti
na kailanman di mo pinakita sa kanila
na tanging akin lamang
at hindi maaagaw ng iba

Naaalala ko pa
Ang mga pangakong
narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana
na tanging kamatayan lamang
ang makakapaghiwalay sa ating dalawa
at nakita mo ang mga tumutulo kong luha
na labis na di makapaniwala
na ang babaeng nasa harap ko
ang babaeng mahal ko
ang babaeng hinintay ko
ang babaeng pinangarap ko
ay ang babaeng pakakasalan ko


Maaalala mo pa kaya
kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo
na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago
kahit wala na ang kamay
na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit
kung bakit bumitiw
mga gabing dadaan
na magpapaalala sa iyong ngiti
kung gaano kahapdi
at kung gaano kasakit
na ang babaeng mahal ko
ang babaeng hinintay ko
Ang babaeng pinangarap ko
Ang babaeng nangako
at sumigaw sa mundo
Na ang pag ibig natin ay walang hanggan
pero bakit andito tayo sa dulo
mararamdaman mo
ang kaba at lungkot sa puso ko
ang isip kong di magkandaugaga
kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama
simula sa unang pagkikita
sa pagsambit ng mahal kita
At mamahalin kita
kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta

— The End —