Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
36 Ang ikatlong pagsubok ay palamangan
Ng mga lamang-dagat na pahulihan

37 Paramihan sa tingin
Pabigatan sa timbangin

38 Ito ang pagsubok na itinadhana
Para sa magigng prinsipe sa tuwina

39 Sinasabing diwata’y tumutulong
Sa sinumang may pinkamaraming naikukulong

40 Sa kanilang lambat na inilalatag
Sa mga alon na sa dagat papag

41 Magsisimula ang hamon kapag umaga’y lumitaw
Magtatapos sa paglubog ng araw

42 Nang sabay-sabay bumalik ang tatlong lalaki
Si Agus ang may pinakamarami at mabigat na huli.

-06/24/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 147
President Snow May 2017
Pinangako ko noong gabing
Lumisan ka at akoy iyong iniwan,
Na hindi na muli ako maglilimbag
Ng kahit anong kanta o tula
Na naglalarawan ng mga nararamdaman ko sayo

Ngunit heto ka nanaman
Biglang lumitaw mula sa kawalan
Muling pinaparamdam ang dapat di ko na maramdaman
At muling ginugulo ang tahimik ko nang isipan.

Pinangako ko na hindi na muli ako magsusulat
Ngunit heto ako ngayon,
Nangangati ang mga kamay na muling humawak
Ng ballpen at gawin ang bagay na matagal ko nang kinalimutan—na hindi pa naman pala

Muling inilimbag ang mga sakit
Muling isinumbong sa papel ang mga hinanakit
Muling nagbabakasali na sa aking pagsusulat
Muling maghilom ang mga peklat

At sa wakas sa dinami dami ng kalyo
Na aking natamo
Sa aking mahabang pagsusulat,
Muling naghihilom ang mga sugat

Muling kakalimutan ka
At kapag biglang naalala
Muling maglilimbag at magsusulat
Susubok makalimot muli sa lahat
Lol.
JOJO C PINCA Nov 2017
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel

Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.

Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.

Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.

Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.

Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.

At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.

Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.

Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Uncle **” utang sa’yo ng Vietnam ang kanyang kalayaan,
Ikaw ang amang mapagpalaya na sa kanila ay gumabay.
Ikaw ang dakilang liwanag na sa kanila’y pumatnubay,
Kahit sa gitna ng laksang lumbay hindi mo sila pinabayaan.
Wala kang katulad sa buong Vietnam, ikaw ang bayaning tunay.

Sa ilalim ng iyong pamumuno walong taon ninyong nilabanan
Ang mga Pranses sa mga palayan, bundok at lansangan. At
Matapos ang walong taon ng nakakapagod na pakikibaka sa
Wakas ay napasuko ninyo ang mga kaaway.

Subalit di-naglaon lumitaw ang isang bagong kaaway,
Ang Estados Unidos na s’yang bagong halimaw na gustong
Humalili sa mga kolonyalistang Pranses. Lahat ng kalupitan
Sa inyo ay ipinadanas subalit sa udyok at impluwensya mo
Hindi kayo sumuko. Matapos ang labing-anim na taon ng
Madugong pakikipag-tuos natalo din ang dambuhalang kaaway.
Isa kang tunay na rebolusyunaryo na karapat-dapat na mamuno.

Subalit isa rin palang makata na sumusulat ng mga tula,
Mga tulang gumigising sa puso’t kaluluwa ng bayan.
Sumusulat ka ng mga tula habang nakahimpil sa gubat,
Habang pinapanood ang pag-aani ng palay at nung ikaw ay
Nabilanggo dun sa Tsina sa loob ng labing-apat na buwan.
Wala kang ibang kapiling kundi ang iyong mga tula.

Binasa ko kahapon ang mga tula mo, ramdam ko ang
Bawat mensahe nito. Alam ko na sa bawat paghalik ng pluma
Sa papel ay kasama nito ang kaluluwa mo at ang sigaw ng puso
Mo. Mga tulang rebolusyunaryo ang tema at dating.

Ang dahon at bulaklak ay tiyak na malalanta pero hindi ang iyong mga tula; mananatili itong buhay at naka-kintal sa puso ng Vietnam. Wala kana nga Uncle ** pero lalagi kang buhay sa puso ng mga kababayan mo at sa bawat puso ng makatang rebolusyunaryo na tulad mo.
Chanty P Mar 2019
Meron kang siya, meron pang isa
Paano pa magkakasiya?
Sa kwento ng buhay mo
May linya ba ako?

Nung mabasa ko ang isinulat mo
Akala ang tinutukoy ay ako,
Nawala ako sa isang sandali
Isang sandaling nagbakasakali

Hinigop ako ng mga salita
Damdaming buhay lang sa mga letra
Nagsusumigaw at nais kumawala
Ngunit sa takot kumakalma

Mga imaheng sa isip ko'y rumagasa
Habang binabasa ang iyong tula
Mga pagkakataong tumutugma
Lumitaw sa aking alaala

May kwento ang isinulat para sa nagsulat
Meron din ang nagbasa sa nagpabasa
Mga kwento na maaring makasugat
Kung ang mga bida ay magkaiba

Meron kang siya, meron pang isa
Maari pa kayang sumama
Sa kwento ng buhay mo
Sana may kabanata - ang ikaw at ako
ACMP Oct 2015
Mainit-init na umusok-usok
Asukal, gatas, at kape aking hinahalo
Inihip ng onti at marahang hinigop  
Ng aking matikman ang lasa ay malabo
Kumuha ng asukal at inihalo
Nanaig ang tamis ngunit panlasa'y di kuntento
Kumuha ng gatas at inihalo
Nasamid naman sa tabang at dila'y napaso


Binaba ko ang tasa at mga mata'y natulala
Ramdam ang yamot sa aking tinimpla
Ako'y nagulat sa kapeng pinagmamasdan
Repleksyon ng iyong mukha biglang lumitaw
Ako'y napatingala, nariyan ka pala
Sabay hawak sa tasa at humigop ng bahagya
Bitbit ang ngiti sa muli kong pagtingala
Salamat dumating ka, tinama mo ang timpla.
HAN Jan 2018
Isang laban na parang sa Mactan.
Hahayan kahit na ako'y masugatan
Wag mo lamang akong iwan.

Handa makipapatayan
Sa kanya na aking naging kaagaw.
Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw

Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay.
Ilang siglo na ang ating nilakbay.
Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw

Talunan matapos ang labanan.
Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan.
Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw.

Uuwing luhaan,
Hahayaang kainin ng kalungkutan
Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
Have you ever tried to fight for someone until death but that someone already gave up? That someone has already been inlove to other?
Pusang Tahimik May 2020
Mabilis na bumabaha ang pagpatak ng bawat sandali
Bagamat bumubuhos ang takot at panghihina sa sugatang katawan
Pilit kong iniangat ang aking kanang kamay
Hawak ang kapirasong tangkay ng kahoy
Itinutok ko iyon sa bagay na nasa aking harapan
Magkahalo at magulo ang emosyong nagtatalo sa aking isip
Hindi ko maunawaan kung ito ay galit, takot, pagsisisi, panghihinayang o pagkasuklam.
Ngunit isa lamang ang nabuong hinahangad ko
Ang dalhin sa aking kamatayan ang bagay na ito!

Ngunit bumasag sa akin ang masakit na realidad
Ako'y mahinang nilalang at walang silbi!
At kahit punuin ko ang mundo ng aking luha
Hindi mababago ang katotohanang iyon!

Napakasakit at nainit na mahapding tumatagos sa aking puso
Ang katotohanang may kasabay na pangungutya at panlalait!
"Hanggang sa huli talunan pa rin ako...
Hanggang sa sarili kong panaginip napakahina ko pa rin"

Kasabay ng pag patak ng sandaling nawawala ang kamalayan
Bumukas ang itim na pintong lumitaw sa kawalan
Isang kabayong itim na may sakay na may dalang karit ang lumabas
Ako'y sinusundo na pala ni kamatayan

Ang liwanag sa aking paningin ay unti-unti nang napapaparam
At ang mga ala-alay bumabalik na tila namamaalam
Ang tanging hinihiling ay sana'y maka balik pa sa mundong ito.
Kung papalaring magising sa aking mundo bago ako pumarito.

Kwentong Panaginip - Umpisa ng Huli(Intro)

JGA
Story. Kwentong katha.
Pusang Tahimik Jun 2021
Nagbago na ang lahat
Lumitaw na rin ang tunay mo'ng balat
Tila katulad ng aklat
Na malayo ang istorya sa pamagat

Sa patibong mo'y muntik na akong kumagat
Ngunit kahit ganoon ako sayo'y naging tapat
Ikaw'y ay ahas na naghihintay na kumagat
At ang kamandag mo'y walang lunas na katapat

Ako sayo'y hindi pa ba sapat?
Turing ko'y iisa ang dugo sa ating mga ugat
Ngunit ang pangil mo'y sa leeg ko'y lumapat
Hindi mo na maibabalik kung ano man ang dapat.

-JGA
Taltoy Jun 2018
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.

Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.

Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.

S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?

At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.

Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.

Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.

Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
Taltoy May 2017
Puno ng ngiti,
Puno ng sigla,
Itong mga labi,
Na muling sumaya.

Sa bawat pag-uusap,
Di maipagkakaila ang sabik,
Tinig mo ang hinahanap,
Na sa mga tainga ko'y humalik.

Lumbay ay lumalala,
Dahil walang magawa,
Ngunit dahil sa'yo,
Nabubuo araw ko.

Sana ganito nalang araw-araw,
Ilang beses man lumubog ang araw,
Kahit ang buwan makailang ulit lumitaw,
Gusto kong saya muna ang mangibabaw.

Subalit di ko naman hawak ang lahat,
Kaya dito ako't nagpupuyat,
Isisiwalat ang mga gusto,
Na sana parating ganito.
Maria Jun 2017
Lumitaw sa kawalan
Anong pakay at dahilan

Tadhana ba ang nagtakda
Sa pagtatagpong biglaan

Panlabas na kaanyua'y estranghero
Ngunit sa kalooba'y tila pamilyar

Sino ang nagsasabi ng totoo
Ang isip na pumipigil sa paglapit

O ang pusong nais kumaway
Sa nagbabadyang pasakit?
Angel Oct 2018
Ika'y biglang lumitaw
Kung saan man sa aking isip
Inalala kung paano bumitaw,
Sa aking panaginip

Sino nga bang mag aakalang
Wala ka na sa aking piling
Ako ba ang nagkulang
O ikaw ay may iba ng hinihiling

Hindi mapigilang mapaisip
Kung ako pa rin ba,
Ang laman ng iyong damdamin
Tayong dalawa ngayon ay alaala na lang
Lecius Jan 2021
Yapos parin ako ng ala-ala ng isang madilim na hapon; tulala sa durungawan ng paborito nating kainan, at namamangha sa rumaragasang ulan.

Lubhang napakalamig ng hangin. Katawan ko na'y giniginaw subalit ayaw pa lisanin kan'yang upuan. Na para bang may hinihintay na biglang lumitaw mula sa kawalan.

Nag-babakasakali na ika'y mapadaan, huminto sa aking harapan. Mapakinggan muli mula sa bigat ng pag-patak ng ulan ang iyong tinig-- nais muling boses mo aking marinig.

Ngunit sa mga sandaling ito, habang lumalakas ang buhos ng ulan, malabo na nga kitang tuluyang mahagkan; sumilong kana sa panibagong kainan, na kung saan bago mo na paboritong puntahan-- kasama mo yong kasintahan.
64 Pagbalik ng mga salaring namangka
Mga kawal sumalubong sa kanila

65 Sila ay agad inusisa
Kung prinsipe nakita nila

66 Sila’y kalalayag mula ibang isla ang sabi
Pagkakita sa prinsipe’y tuwirang itinanggi

67 Subalit maya-maya’y may lumitaw na lalaki
At lubos nagulat ang mga nagkubli

68 Si Agus ay lalaki sa kanilang likuran
Sumigaw ito na dakpin ang mga iyan

69 Nagtangkang umiwas ang mga nagulalas
Nang maigapos, nagpumilit pumiglas

70 Matinding kaparusahan ang haharapin
Ng nahuling mga salarin.

-06/26/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 151
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian

86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay

87 Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot

88 Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong

89 Sa may tsimineya
‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita

90 Lumitaw, lumubog ang buwan
Paggising ng lahat kinabukasan

91 Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! Naglahong parang bula!

-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 139

— The End —