Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lumalakbay" poems
Ito ba'y sa tingin ng miyopia na sandangkal ang layo, gusto na kabigin? Pananaw na malabo, di malirip? O himig na kaagaw-agaw pandinig Musika sa katahimikang pandaigdig na lumilikha ng espasyo sa katotohanang di ibig? Paraan ng pagdarama sa mga bagay na umiiba? Pagkaganyak sa karaniwang obra maestra? Isang sulyap sa ningning ng maririkit na bituin na mapangrahuyo sa mga mata? Panggagaway sa sangkatauhan na walang makapag-aalis Payak subalit gumaganap nang paulit-ulit? Ito ba'y tumatawid sa dakong paglubog tungo sa pagsikat ng araw hilaga hanggang timog? Gumagabay sa paglikha ng sining ng mga pantas at pintor na inspirasyon ang guhit? Tumatalunton sa kinabukasan, lumalakbay sa kawalan hanggan tila mas matayog pa sa pag-asa? Ito ba ang matamis na kabiguan na ninais maranasan? Ginawang bagay na di alam ang kahihinatnan? O piling mga salita na nasnaw sa bibig, bulong sa hangin ng makatang nagtitiis? Kumukurap na liwanag sa karimlan na kung pagmasdan parang mamatay datapwat di kailanman naglalaho? Saglit na galak tulad ng mga nasa yaong pagdiriwang mapagbunyi ngunit di mapagmataas?
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 8:03 PM UTC
Ano ang Pag-ibig
Parang isang babasagin napakarupok ko sa iyong mga mata at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri. Marupok ako sa mga pasimpleng lambing na dumudurog sa malamig na puso. Sa balikat **** sinasandalan, sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan, napakahina ko. Natutuwa sa simpleng kwentuhan at kahit di mo pa subukan, dalang dala ako sa agos mo. Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw Marupok pati ang isip ko na laging lumalakbay papunta sayo, lumilipad sa kalawakan mo, ramdam ang grabidad na lalong humihila sa pusong tila nalalaglag na. Kaya ba? Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw ang marupok na ako?
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 10:14 PM UTC
Mahina ako sa isang Mahinang ikaw