Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"liwasan" poems
Naglalakad ako pauwi Ninanamnam ang hangin na pilit humahampas sa aking muka Tinitiis ang mga talaro na tila nasa paa ko Hinintay kita Doon sa tagpuan na sinabi nating pagtatagpuan Doon sa upuan sa tabi ng liwasan Doon sa “Dito ang lagi nating kitaan” Na ngayon ay “Siguro mas mabuti mo na akong iwanan” Kaya naglakad ako pauwi Nilibot ang mga pilak at bato sa kalsada Ang mga tutubi at mga langaw na kinakain ang aking kaluluwa Umaasa parin ako na darating ka Pero ang dumating ay ang pananamlay Ang kalungkutan Kinuha ako at itinago sakanyang mga braso Pilit akong kumalas at humiwalay Dinala niya ako sa kanyang tahanan Pinunit at ginahasa ang puso ko Naglalakad ako pauwi Hawak ang puso kong namumutla Ang utak kong kumikirot Hinintay kita
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 11:58 AM UTC
Naglalakad Ako Pauwi
Una kitang nasilayan Doon sa may liwasan Sa mga simpleng ngiti mo Napahanga agad ako Nagmamasid sa malayo Hinihintay ang sulyap mo Ngunit hanggang dito nalang, Ang pag tingin ko sa iyo pinapangarap kita Pero mundo'y tila'y mag kaiba
0
Feb 23, 2016
Feb 23, 2016 at 9:19 PM UTC
Kabaliktaran