Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Heto na naman ako
Nag iisa sa silid
Na binubuo ng apat na pader

Naisipan kong umakyat
Masdan ang alapaap na binubuo ng tala
Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan;
Isang bote ng alak,
At isang bote ng gamot na walang mabuting maidudulot

Ang kamay ko ay napuno ng marka
Hindi itim
O asul
Pero pula

Sunod sunod na linya at paulit ulit
Ang mga marka ay nagsimulang dumugo

Napatingin ako sa ibaba
Ang mga halaman at lupa ay naghihintay sa aking pagbagsak
Sa buong buhay ko
Ngayon lang nagmukang malambot ang aspalto
Sy Lilang Jan 2017
011717 #SpokenWords

Sabi ko noon, hindi na ako magsusulat pa -- na hindi na ako mag-aalay ng tula para sayo. Na ang huling piyesa ng tula ay ipinalipas ko na rin noong isang taon, ipinatikom sa dagat na bumubura ng bawat larawang binigkis sa buhanginan -- noong isang taong napagmasdan ko ang pagbagsak ng bawat dahon ng alaalang dinumog at pinunit ng hangin.

Akala ko yun na ang huli, nang bigkasin ko sa mismong harapan mo ang bawat malayang mga tugmang naikatha buhat sa lalim ng sugat nang palihim na pag-ibig -- ngunit walang lihim na hindi nabubunyag kaya marapat na rin sigurong mailathala ang damdamin sa bawat dahong muling pausbong bagamat hindi ko pa rin alam kung aabutan ba ito ng taglagas.

Akala ko yun na ang huling pakikipagtagisan ko sa bawat salitang may mensahe ng pagbitaw. Akala ko kakayanin kong bumitaw agad, bumitaw nang kusa at tuluyan nang maihihimlay ang bawat tula sa mismong pinagtuyuan ng bawat dahong bumabagsak.

Ilang beses na kitang ipinaubaya sa Kanya pero paulit-ulit kang bumabalik -- ni hindi ko alam kung dapat bang sisihin ko ang tadhana o talagang kailangang kong tanggaping parte ito ng pagpapasakop at pagpapaayos ko sa Kanya. Paulit-ulit kitang kinatatagpo sa panaginip na halos magtaka ako kung bakit.

Napuno ng listahan ng ngalan mo ang mga petsa sa kalendaryo kung ilang beses kang naging bisita sa aking pagtulog at paghimbing. Hindi naman ako kumakatok sa aking unan at kumot para masilayan ka -- masilayan kung posible bang maharap kita at hindi na ako urong-sulong pa.

Paulit-ulit tayong ipinagtatagpo kung saan una tayong nagkita at nagbitaw ng mga pangakong uunahin natin Siya at doon din natapos ang bawat panimulang may matatamis at mabubulaklak na pagsasalarawan ng mga salitang "kung tayo'y tayo talaga." Pero paulit-ulit kitang hindi ipinagkakait sa Kanya kasi alam kong para sa Kanya ka naman at hindi ako ang makapagsasabing ang bukas ay laan para sa atin ng may iisang pintuan.

Hindi ko maaaring ilibing nang buhay ang bawat alaalang naging parte ng kung sino ako ngayon, mga nakaraang sabi nila'y dapat daw ay daanan ko lang at wag pagtambayan. At kung hihimayin ko ang bawat yugto, hindi ko alam kung kaya bang paluputan ang mga ito ng metaporang pampalasa sa bawat linya ng tula.

Hindi ko alam kung magkakasya ito sa puso **** ni minsa'y hindi mo nagawang pagbuksan. Inilatag ko na sa Kanya ang lahat kasama ang pagpapatawad ko sayo, kasama ang bawat panalangin ko para sa ikatataas Niya sa buhay mo -- mga panalanging para sa ikatatag ng pananampalataya mo, para sa ikalalalim ng relasyon at pundasyon mo sa Kanya.

At hindi, hindi ko lubos maisip na ganito ang paraan Niya para sa paghilom ko -- na mismong pinagtatagpi-tagpi niya ang bawat tauhan sa paligid ko para lang maharap kita.

Ilang beses akong umiwas na may sumbong sa kalangitan na sana nga dumating na ang panahon -- yung panahon na kaya ko na at kaya mo na rin. Nag-iwasan tayo na waring naglalaro ng Patintero at nakakapagod nga -- nakakapagod makipaglaro kasi hindi naman natin ninais na makipaghabulan sa wala na.

Pinili kong bitiwan ka pero hindi ko binitiwan ang paghihintay ko sayo -- naghihintay akong marinig lang mula sayo na ayos ka lang.

At oo, ayokong nakawin ang mga oras at sandali na laan para sa paglago mo sa Kanya. Noon pa man, yun na rin ang tanging dasal ko sa Kanya. At kahit sa pagbitaw natin nang paulit-ulit, mas minamahal ko Siya. Oo, mas matimbang ang pag-ibig Niya para sating dalawa kaya nga't mas mainam na mag-ipon na lamang hindi ng mga pangamba, bagkus ng mga panalanging kalugud-lugod sa Kanya pagkat iisa lang ang ating Ama.

At kahit pa, kahit pa hindi ko masuri sa aking sarili kung ito na ang huling piyesa, hindi pa rin ako bibitaw sa pagsusulat. Maubusan man ng pagdanak ng tinta ng aking pluma'y patuloy akong makapagsusulat.

At hindi matatapos ang mga tula na may ganitong pangwakas. Hindi ko rin alam kung kailan ito madudugtungan at kung dapat bang ihanay ko na sa ibang istilo ang bawat katha.

Gayunpaman, ang bawat tinta ng bawat kataga'y iisa lang ang diin -- isang mensaheng hindi ko kayang sambitin, hindi kayang sambitin nang harapan kaya't katulad ni Rizal, mas nanaisin kong ganito ang maging istilo ng mapagdamdaming paghihimagsik. Isang mensaheng hindi ko kayang bigyang pamagat at mananatiling isang alamat --- alamat na hindi ko wari kung makakarating ba sayo o hindi.
Sasarhan ko na ang plumang may umaapaw na pagbulong ng lahat, pagkat ngayon: ikaw naman sana ang magsulat. Ngayon, ikaw naman sana ang magbigay ng pamagat -- isang pamagat kung may "tayo" pa nga ba sa huling mga linya o tutuldukan na lang ba natin ito at lilikha ng panibagong kabanata.
Sy Lilang Jun 2014
Estranghero ang bawat numero
Arok kong ikaw iyon
Ang boses **** tila nasobrahan sa kape
Parang may giyera lang sa himpapawid.

"Yung katext mo kanina," yan ang sagot mo
Akala mo siguro wala akong ideya
Sa pagkatao mo.

Naisip ko rin yun
Na tawagan ka mula sa hiram na numero
Nang masanay ang pandinig
Sa boses **** walang kalambing-lambing.

Wala naman tayong listahan
"Long time, no communication," pa ang sambit mo
Bakit ba at tila ako'y miss mo na?
Wala naman akong masasabi sa kabilang linya.

Nagsinungaling ako
Nang sabihin ko ang porsyento ng baterya
Hindi sa ayaw kitang kausapin
Bagkus, wala akong maisip na tamang salita
Hindi ako makapag-isip ng tama
Sana ang diwa ko'y kasama mo na lang.

Yung pangako mo'y biglang napako
Akala ko nga malapit na
At tila binibilang ko ang nasa kalendaryo
Ako'y bigong muli.

Tatlong taong lumipas
Pero walang kupas ang kahapon
Sigurado akong tanda mo pa ang lahat
Na ang kahapon nati'y
Kailanma'y hindi pa tinutuldukan.

Kung ang pahinang ito'y mali sa katotohanan
Isa lang ang panalangin ko sa kanya
Na itong damdaming mahimlay na lamang
Pagkat ang lugar nito ngayo'y
Nasa tamang kondisyon pa naman.

Ramdam ko ang paghanga mo
Hindi ako manhid na minsang inisip mo
Hindi mo naman sinubukan noon,
Ba't ba pilit **** nililimot na mayroon pang ngayon?

At kung ang bukas ay wala nang araw
Sana'y ang pag-ibig ay sinimulan na noon pa man
Hindi pa man ramdam ang tunay
Bagkus sana ngayo'y kontinwasyon na lamang.

Wag nating takbuhin ang lakbaying ito
Hayaang ang layag ay dalhin ng hangin
Nang hindi makontra ang tamang ihip nito
At sa bagyong paparating
Ay maging handa na tayo.

Kung papalarin na tayo'y maparoon
Sa dakong Norte kung saan ang tama'y nakatrono
Hayaan nating ang oras ang maging saksi
Hindi ang magka-ibayong lupa ang tumuon.

(6/3/2014 @xirlleelang)
Lavinia Martin Jan 2019
hindi naman ako isang makata.
ang pluma at isip ko’y di nagtutugma.
oo. minsan ay pinipilit kong bilangin ang mga letra
at pinipilipit ang utak sa isang salitang nasa dulo na ng aking dila.

ngunit, hindi ako isang makata.

hindi ako katulad ng mga nakikita mo sa mga libro
wala akong galing na kayang ipahiwatig ang mga salita sa magagarbong paraan
hindi maipalalabas ng pluma ko na ang pinakakinakatakot **** bagay...
isang rosas na kahit maganda’y kukurutin ang balat mo hanggang ika’y magkasugat at magdugo

hindi ako isang makata.

ang mga luha ko man ay sunod sunod na
at ang plumang hawak-hawak ko ay dumudulas na
gusto pa rin ilabas ng puso ko ang mga salitang naiisip nito:

“Ito ang tulang hindi bebenta.”

ito ang tulang hindi mo makikita sa papel na may pahina
ito ang tulang hindi mo pagaaksayahan ng pera
ito ang tulang hindi mo tatapusin basahin
ito ang tulang hindi mo aaralin

walang bilang ang mga linya at walang tugma ang mga salita
walang magagarbong salitang kailangan mo pang hanapin ang kahulugan
walang mababangong linya na tatatak sa’yong isipan
walang pangalan na agad agad **** matatandaan

hindi ba’t sinabi ko na sa iyo? ito ang tulang hindi bebenta.

bakit ba binabasa mo pa rin?
sinasayang mo lang oras mo.
sabagay, salamat na rin.
salamat sa oras mo.

pasasalamatan kita sa bilis **** pagtingin
pasasalamatan kita sa muntikan **** paglalim
ng pagiisip para intindihan ang tulang hindi bebenta
pero hahayaan mo ako

hahayaan mo ako na ituloy ang tulang ito
hahayaan mo ako na ilabas ang damdamin ko
hahayaan mo ako na hawakan pa rin ang pluma
hahayaan mo ako na magsulat at sumaya

kahit alam kong hindi mo babasahin
dahil natutunan ko nang pasayahin ang sarili ko
sa mga munting laro at paglikha ng mga istorya
na humuhukay ng isang malalim na bangin

natutunan ko nang tabunan ito uli ng lupa
gamit ang pluma na mauubos na ang tinta
pagkatapos ay didiligan ko ito gamit ang aking luha
hanggang sa unti-unting tubuan ito ng bunga

siguro sa pagdating ng panahon mayroon mang makakita...
mababasa niya ito ngunit hindi niya maiintindihan.
at mailalagay ito si isang museo
at pilit itong iintindihin

dahil kaibigan, ang mga pinakalumang bagay
kahit wala nang gamit
ay minsan ding nagkaroon ng halaga

kaya kaibigan, tinatapos ko na.
tinatapos ko na ang huling tula na hindi bebenta.
Non-sense I make at 1AM. Holds a lot of meaning.
poetnamasakit Oct 2015
Madalas naiisip ko…
‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko?
Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko?
Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko?
Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto..

“Pagod na ko”
Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako
“Pagod na ko”
Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko
“Pagod na ko”
Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko
“Pagod na ko”
Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko

Para akong bata na gustong mag-recite
Pero iba pinipili ng **** ko
Para akong pumapara ng jeep
Pero namimili ng pasahero ang drayber nito
Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo
Kahit na alam kong masasaktan lang ako

Umasa ako.
Pasensya na.
Kasalanan ko.

Sabihan na nila akong tanga
Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko
Sabihan na nila akong mababaw
Dahil nahulog ako kaagad sayo
Sayo..
Sa mga simpleng kilos mo
Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo
Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo
Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko

Ako lang pala
Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to
Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito
Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo”
Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng
“ikaw at ako”
Sy Lilang Mar 2016
032116

Tutugon iyong kamay
Sa musikang natural na naririnig.
Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y
Turo na yan nila Ma'am at Sir --
Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso
At saka umawit ng Lupang Hinirang.

Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan,
Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta.
Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito,
Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo.

Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin.
Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas.
Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap.
At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa.
Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika?
O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang?
Para sa higit na salapi't oportunidad.

Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan?
Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa?
O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula?
Taglay mo pa ang pagmamahal,
Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan
At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo?

May kumpas pa ba sa puso mo
Ang kislap ng watawat?
Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito?
O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino?

Masasabi mo pa ba't matatayuan
Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?"
Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan?
Walang Pilipinas, kung walang Pilipino.
Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako,
Walang Pilipinas kung wala tayo.
Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
Sy Lilang Jan 2017
012817

Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap
Natangay man ng hanging habagat
Ito'y iyong ulitin
Pagkat sa kamay mo nakasalalay
Ang imahe na magsisilbing litrato
Ng iyong mapaglarong isip.

Kumpas ng kamay
Na tila nagpapagalaw ng mga butil
Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin
At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw
Sa madilim na kwarto
Na sya ring nagbibigay kulay
At naiisakatuparan ang mga munting nilikha
Sa ibat iba nitong linya.

Ngayon, ikaw ay dumating
Wag **** sasabihing huli na ang lahat
Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo,
Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip.

Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa
Dahil Diyos ang nagbigay ng talento
Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap.
Magdiwang dahil kagaya ko,
Siya ang magbubuo ng iyong pangarap.

Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw
Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag
At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya.

Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita
Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
(C) Mark Kenneth Dolom

Medyo in-edit ko lang.
Random Guy Oct 2019
Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya.
Linya mula sa kanta, linyang sasabihin sa kanya.
Linyang nalagpasan ko na simula noong minahal ko s'ya.
Linya ng pagkakaibigan.
Isang linyang hindi ko na makita,
simula noong makita ang iyong mga mata
Buhok na maganda.
Isang makabagong diwata,
Isang dyosang kukuha
bibihag
Mamahalin ng tuluyan.
kingjay Dec 2018
Yakapin ang suliranin ng muling pakikibaka
Bigat at layog ng bundok ay tiisin
Sa tuktok ay maghiyaw nang pagka-alwan
Sagot sa problema ay ang pangingibabaw sa bawat kapansanan

Buhawing humihigop ng munsing na pananalig
Madalian na hinihingi ang kapasiyahan
Sa pinto ng paglalayag
Isang pagsubok ang malakas na sigwa

Sa paglisan ng araw sa kalangitan
Sakripisyong di-maihahalintulad
Saksi ang mga bakaw
Tila pag-aasawa na nasa linya

Ang pagsasarili nito noong lumayo sa tahanan
Isinuko ang lahat nang bumukod
Sa pinangakuang liyag nakagapos
Bumago ang ihip ng Amihang hinahapo

Meron kasal-kasalan
Gantimpala ba ang matatanggap?
Nauuri sa hunghang na ehemplo
Sakim sa bagay na kinakaaliwan?
Neil Harbee Oct 2017
Panahon na
Panahon na para sumulat ako
Panahon na para ihayag ang nararamdaman ko
Panahon na para idaan sa tugmaan ang dahilan
Dahilan kung bakit ayon sa kanila ika’y aking nasaktan

Napakatxnga mo
Para kang gxgo
Sxraulo
Txrantado

Oo, minura kita kasi di kita kayang mahalin
Napakatxnga mo para ako ang piliin
Pipili ka nalang kasi ba’t ako pa
Oo, magmamahal tayo, pero di sa isa’t isa

Sige, balikan natin ang simula
Yung bago pa lang ako dito at mukha ako nung txnga
Yung kakalipat ko pa lang at wala pa akong kilala
Yung first day ko na walang kamuwang-muwang, padukot-dukot lang ng cellphone sa bulsa
Yung di mo naman sinasabi pero umabot sakin ang balita

Gusto mo ako, di kita gusto
Lumalapit ka, lumalayo ako
Nasaktan kita… hinayaan mo ako

Kung inakala mo wala akong pakialam, nagkakamali ka
Kung inakala mo mapaglaro lang ako, nagkakamali ka
Kung akala mo pinaasa lang kita, di ‘yon totoo
Ang dapat lang na malaman mo… Sinubukan ko
Sinubukan ko ang alin? Txngina alam mo na yon

Sabi nila natuturuan raw magmahal ang puso
Piliin mo yung nagmamahal sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
May kulang
Piliin mo yung may gusto sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
Uulitin ko, may kulang
Piliin mo yung may pagtingin sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
Pxta kayo kulang-kulang mga pinagsasasabi nyo


Natuturuan magmahal ang puso pero iba ang magtuturo
Natuturuan magmahal ang puso pero di ikaw ang gagawa nito
Oo, natuturuan magmahal ang puso pero ibang tao ang magpapatibok dito

Paano ko nalaman? Nasabi ko na, sinubukan ko
Sinubukan kong gustuhin ka pero di ko magawa
Pinilit na ibalik ang pagtingin pero hindi ko kaya
Talagang hanggang kaibigan lang tayo
Mali!
Hanggang kaibigan lang, walang tayo

Magiging totoo lang ako
Hindi ko ‘to ginusto. Pati ikaw
Di rin kita gusto
Sasaktan na kita kasi sasabihin na naman nila pinapaasa kita
Baka ikaw meron, pero ako walang pake sa sinasabi nila
May pake ako, sa’yo
May pake ako sa’yo kaya alam ko na di ako yung lalaki na nakatadhana para ibigin mo
Di kita gusto, at alam kong di mo na rin ako gugustuhin pag nakita mo to
Walang may alam kung kailan mo to makikita
Anong taon, pang-ilang dekada
Huling mga linya, kung binabasa mo to, alam mo na kung sino ka, pasensya na sinubukan ko pero wala talaga
At least kaibigan na kita
madrid Oct 2015
GISING!*
mainit na kape
natutumbang mga mata
nanghihinang katawan
isip ko'y nawawala
isang tinik ng ingay
agad ng napatingin
sa gawing banda roon
anong takot sa dilim
balik tayo sa mga salitang
mala-linya na ang ukit
sa utak kong sabaw
lahat sa paningin na'y marikit
maski nag-iisang ilaw
nagmumukha ng tutubi
pagkat sa pagdating ng bukas
bawal ang magkamali
ilang pahina nalang
kaya't konti pang tiis
minimithing tagumpay
aking makakamit
kaya't higop pa ng kape
puta*, dila ko pa'y nasunog
dasal na lamang ang katapat
maliban sa luha at uhog
kakayanin, kakayanin
hindi nais magtagal
habang sila'y nagsasaya
narito kang nag-aaral
kung ayaw **** maiwan
sa kwartong maputi
kasama ng demonyo
gisingin ang sarili
walang alay na magaganap
hindi maaaring ipabahala
bawal tayong magtawag
diyos-diyosan dito sa lupa
itong mga matang
bumibitaw, bumibitaw
sa gabing ito, walang susuko
maski budhi ko na'y sabaw
For the hell that is upon us.
Bianca Tanig Nov 2016
"hindi pa pala ako handa"

yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya
nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta

parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga,
tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila,
ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang
"nasanay na ata akong mag-isa"

parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya,
na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas,
ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama

oo, ilusyon
ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan
sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan
at susukuan,
tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan"

naalala tuloy nung minsang sinabi mo
na darating ang mga oras na magiging mahina ka
na baka maguluhan ka,
o matakot ka,

at sa mga pagkakataong 'yon,
ang sabi mo sa'kin,
sana 'wag kitang bibitawan
sana 'wag kitang  susukuan

sinubukan ko,
sinubukan ko naman
sinubukan kong ilaban
sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo,
kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo

ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan

na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo,
hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag;

bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa

manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso

hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin,
hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin,
tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban

hanggang dito na lang nga siguro tayo,

'hanggang dito nalang tayo",
tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito

na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo

salamat,
salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan

at sa pinaka-huling pagkakataon,
hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to
hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto

na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na,
handa nang magmahal muli ng buo at walang takot,

pakiusap,
yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin

kung sa panahong 'yon ay may natitira pa
akong puwang dyan sa puso mo,

pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo



"hanggang dito nalang tayo"
hanggang sa muli,
rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
Sy Lilang Jan 2017
013017

Hindi ako humihingi ng bago sayo
Pero inabutan mo ako ng blangkong papel
Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako
Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko.

Hindi ako humingi ng espayo sayo
Pero binigyan mo ako ng patlang --
Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot
Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin
O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko
Para lang may maisulat ako ngayon.

Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko
Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina --
Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba
Hindi ko alam kung ginusot mo na ba
O baka naman ipinadaan mo na sa apoy
At oo, natupok na ang lahat
Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata
Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado
Sa kung papaano ako nagsimula
O paano ako nagtapos sa piyesang iyon
Pero ang alam ko -- ayoko na.

Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa
At halukayin na naman ang nakaraan
Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok
Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan
Sasabay ang takot sa kulog
Sasabay ang galit sa kidlat
At wala -- wala na naman ako.

Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula --
Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat
Oo, hindi naman nabubura ang sakit
Pero kaya itong lagpasan
Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon
At hinilom na ang lahat --
Oo, napatawad na kita.

Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra
Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin
Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako
Ano raw bang meron sayo na minahal kita
May mas magmamahal pa raw sa akin
Mapapagod lang daw ako
Sasaktan mo lang daw ako.

Pero alam mo, iba ang sabi Niya --
Na patawarin kita
Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko
Na wag akong magtanim ng sama ng loob
Na pinalaya Niya na ako
Na higit na magtiwala ako sa Kanya
Na muli akong magtiwala sayo
Na wag akong matakot magmahal muli
Na wag akong matakot masaktan
Na lagi kitang ipanalangin.

Sa totoo lang, hindi ko alam
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan
Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal,
Wala akong masasagot sayo --
Basta, basta mahal kita
At mas mahal ko Siya --
Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
Jan Carlo Ramos Oct 2016
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala
Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya
ikaw yung dating nagbibigay sigla
kaso unti untiang nabura.
Yung imahe mo na dating buo
na palitan ng mga linya na sobrang gulo
Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot
sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok.
Kumapit sa bisyo at doon nalugmok.
napaaway, nag maoy, at doon nasuntok.
Nasuntok ng katotohanan na wala kana
at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba
Pero maligaya ako na maligaya kana
kahit yung sarili kong ligayay mawawala na.
sa dinamidami ng ligaya sa tulang to
kabaligtaran ang nadarama ko.
kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
Jo Organiza Nov 2019
Pila ka kagabhi-on ang mga nilabay,
Dughang natagak na gibalik ug tapok
sama sa mga sanina sa ukay-ukay;
gilibutan sa kahibulongan ug katingalaan,
nangitag bubong na akong masandigan;
nangitag mga pulong na arun akong madula-dulaan.
Utok na sige'g kahinuktok,
aduna ba'y buwak na wala'y tunok na makatusok?
Puno sa mga pangutana,
apan kini wala nimo tubaga.

Maaghop na pagduyan sa hangin,
Mangatik diay ang mga buwak?
sama sa usa ka tunokon na buwak;
mga tam-is na labtik sa ilang mga dila,
nagpagawas ug hapsay na mga sturya,
sama sa mga linya sa usa ka salida.
Twitter: @JoRaika
Susugod na sa bilang ng tatlo
Isa… Dalawa… Tatlo…
Sugod

Ang giyera ay nagsimula
Ilabas na ang mga baril at sandata
Ilabas na ang mga kanyon at bomba
Ang mga tauhan at ang mga preda

Magsisimula na ang giyera

GIYERA
Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino
Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa
At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang
Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik
At ngayon ay naiwan lang at tinangay na
Ninakaw ng mga dayuhan

Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan
Humanap ng iba sa paligid
At sa katiyakan ay nakahanap ka nga

Nahanap mo ang ingles
Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi
Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana
Kumuha ng puting pampintura
Kinulayan ang sarili
Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal
Pati na rin ang kulay ng sariling balat

Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na
Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita
Naisipan **** maglibot pa
At lumibot ka pa

Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng
“Hart Hart Saranghaeyo oppa”
Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel
At nag-aral ng wikang banyaga
Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin
Na kahit ikaw ay hindi makaintidi
Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa
Hindi ba?

Hindi nagtagal ay nagsawa ka
Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan
Kaya’t naglakbay ka pa
Naglakbay ka hanggang sa wala
Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala

Napagod ka

Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo
Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap
Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay
Nasa’yo na mismo
Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa
Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang

Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo
Para mapigilan ang pagbabago
Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing
Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako
Itinatatak sa isip mo

Laging magiging sosyal ang banyaga
Laging magiging bulok ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang banyaga
Laging magiging bulok ang sariling wika

Nagtataka na ako sa iyo
Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado
Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado

Ano

nga ba ang pumipigil sa’yo

Handa na ako
Sa aking pagsuko

Pagsuko
Hindi dahil natalo ako
Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo
Isusuko ko na ang mga sandata
Isusuko ko na ang giyera

Inaanyayaan kita
Sabay sabay tayo
Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay
Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika

Buksan ang nakakandadong puso
At doon ay makikita mo ang sedula

Hawak ko na ang sedula

Hawak ko na ang sedula
Ng pagkabilanggo ng wikang filipino
Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago
Ang dating linya ay magbabago

Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika

Susuko na sa bilang ng tatlo
Isa. Dalawa. Tatlo.
Suko

Tapos na ang giyera
Abby Elbambo Jul 2016
Ang unang pahina:

Para sa kauna-unahang nilalang na mabubuo sa aking sinapupunan
Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang na ika’y aking papangalanang “tao”
Dahil alam kong dadating ang panahon na iyong susubukang alamin ang kahulugan ng itinatawag sa iyo
At nais ko na sa iyong paghahanap ay iyong maungkat ang balde-baldeng mga salitang nakalimutan na ng ating lipunan
Sabay nating tutuklasin kung sino ka nga ba sa isang mundong mapangdikta
Na sa bawat pagsabi ng “Magpakalalaki ka nga!”
Alam mo na upang maging isa ay kailangan **** maging tao muna
At sa unang araw na ika’y magpapaiyak ng sinuman sa ngalan ng “pagiging lalaki”,
Ay sisimulan ko ang pag-uukit ng mga linya sa iyong mga palad
Upang sa tuwing padadapuin ang kamay sa sinuman sa ngalan ng karahasan ay una kang masasaktan

Anak,
Gusto kong malaman mo na kahit di ko pa alam kung ano ang iyong paboritong kulay
Alam ko na ang nasa kaibuturan mo
Dahil tulad ko, ika’y isa rin lamang nilalang

Pupunuin ko ang kwarto mo ng libu-libong salamin
Dahil alam kong darating ang panahon na bubulungan ka ng kung anu-anong mga korporasyon na nagsasabing ika’y kulang pa
Kinukutsya ang bawat aspeto ng katawan **** di sakto sa kanilang imahe sayo
At nais ko na sa iyong pagising at pag-uwi ay di matatakasan ang tignan ang sarili sa salamin
Umaasang maaalala ang ipinangalan sa iyo ng nanay **** nakatayo rito ngayon

Tao,
Isang araw ay itatapon kita sa mundo
Hindi iiwan pero hahayaang mamili para sa sarili
Tandaan ang pangalan mo at unawain na hindi lahat ng likha ng tao ay tama

Balikan mo ako sa iyong unang galos.
This is a piece I wrote for my Theology class that tackled the distorted view of men in alcohol advertisments. It's also in Filipino--which is my native language.
George Andres Jul 2016
Nakita ko si Duterte
Nakita ko ang presidente
Nang bawian niya ng buhay ang isang residente
Siya ba ang nagbigay ng buhay na kahit walang laman
Pinipilit isalba ang hamak na katawan?
Pinipilit iukol lahat ng kagustuhan
Ang mamang iyon ay nais lamang ang kanyang tahanan
Nang bombahin ng trak ang barikada
Kinalabit ng pangulo
Makamandag na sandata’t lumabas ang punglo
Nasaksihan ng musmos ang pagsabog ng bungo

Nakita ko ang presidente
Sa pila PNR
Kung paanong tinusok niya ang bag na aking dala
At kung paanong ngumiti siya nang ako’y makaraan
At nang minsang ang tren, ako’y iwan
Sinamahan akong simpatyahan
Nang isang huli nalang ako na ay liban

Nakita ko ang presidente
Nang minsan akong pumunta sa palengke
Isang sanggol ang kanyang hinehele
Habang binibilang sukli ko sa bente
Nagkataong kulang pa ng siete
Itinulak niya ang isang bata
Binastos ang isang matanda
At isang babaeng di tinulungan sa dalahin
Binuska ang linya ng kanyang ipin

Nakita ko ang presidente
Nang bigyan niya ng tinapay ang isang pulubi
Nang hindi niya itinapon ang basura sa tabi-tabi
At sa kapwa matuwid siyang nagsilbi

Nakita ko ang presidente
Sa mata ng isang bata
Nagsisismulang isipin ang tama o mali
Kung sinong dapat idolohin
O kung dapat bang maging padalos-dalos at matulin

Tunay na siya ang salamin ng sambayanan
Ang piniling maging repleksyon ng paniniwala nati’t kakayahan
71216
Chanty P Mar 2019
Meron kang siya, meron pang isa
Paano pa magkakasiya?
Sa kwento ng buhay mo
May linya ba ako?

Nung mabasa ko ang isinulat mo
Akala ang tinutukoy ay ako,
Nawala ako sa isang sandali
Isang sandaling nagbakasakali

Hinigop ako ng mga salita
Damdaming buhay lang sa mga letra
Nagsusumigaw at nais kumawala
Ngunit sa takot kumakalma

Mga imaheng sa isip ko'y rumagasa
Habang binabasa ang iyong tula
Mga pagkakataong tumutugma
Lumitaw sa aking alaala

May kwento ang isinulat para sa nagsulat
Meron din ang nagbasa sa nagpabasa
Mga kwento na maaring makasugat
Kung ang mga bida ay magkaiba

Meron kang siya, meron pang isa
Maari pa kayang sumama
Sa kwento ng buhay mo
Sana may kabanata - ang ikaw at ako
Taltoy Sep 2017
Pareho bawat linya,
Tugma't sukat, iisa,
Ngunit aki'y naiba,
Sa linya, tugma'y wala.
Sy Lilang Apr 2016
041716

Naakit ako sa linyang pahalang at patayo,
Mga detalyeng pinira-piraso.
Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo
Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako.

Hindi ko alam kung kaya ko,
Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya?
Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw,
Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo
Sasahod at maghihintay.

Masisilayan ko ang pundasyon
Ang mga bakal na kinalawang
Sa bodegang inimbakan.
Pagkat malayo pa ang byahe,
Bagkus sinelyuhan ng langis
Ang may tagas ng pagbabago.

Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado
Nasa hulog ang mga poste
Gaya ng minsang banging tinalunan ko.
Ako'y malaya sa pagsilip
Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado.
Ramdam ko ang gaspang ng kahapon,
Ang kurba ng mga bakal na di patitibag
Sa kaibuturan ng pundasyong timplado.

Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw
Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba
Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa
At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga.

Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad
Isang dipa, dalawang dipa at higit pa
Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan.
Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga
Mga kahoy at bakal na matibay
Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima.

Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta
Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga
At sa gabing hamog ang yakap sa dilim,
Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat.
Tanging kumot ng grasya,
Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat.

Nakakaakit ang plano, maging itsura nito
Kaya nga magtiya-tiyaga ako,
Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo.
Hindi lang ako ang lalaban sa presyo,
Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo
Tataya ako, pagkat kliyente lang ako
At alam kong linya Mo yan,
Ikaw ang aking Arkitekto.
Sa aking pagiisa alaala mo'y aking kaulayaw

Ang dilim na bumabalot ay ang bisig mo

Ang dampi ng hangin ay ang marubdob **** halik

Hinahanap-hanap ko ang amoy mo

Ang marinig muli ang iyong halakhak

Maramdaman ang marahan **** paghinga

At ang init nitong kumikiliti sa aking leeg

Ang pakinggan ang musikang likha ng iyong dibdib

Sa marahan at maharot nitong pagkabog

Nilalangoy sa bawat tingin

Manaka-nakang mapapapikit

At ikaw nama'y patuloy sa pananaliksik

Lulunurin kita sa aking panunukso

Ikaw nama'y patuloy sa pagsuyo sa aking mga labi

Nilalaro ang guhit sa iyong palad

Inuukit ang ngalan at ang gabing iyon

Nakasanayan na ang paghagod sa iyong buhok

Linya ng pagngiti ay kabisado na

Hinaharana ako sa gitna ng dilim

Kay higpit ng iyong yakap

At ako'y napapasinghap

Bawat bahagi mo ay naging parte ko

At bawat parte ko ay naging bahagi mo

Tayo ay naging sanlaksa

Nanganak ng mga “ako”

Bumuo sa “tayo” ng uniberso



Maayos na ang kobrekama

Malamig ang titig nito

Punyal na tumatarak sa dibdib

Dugo ang bawat paghinga

Bakas ay nilamon na..

Tanging sa isip na lamang kita

makakasama sa tuwina

Nagngingitngit ang aking mga kamay

Mata ay pilit sinasara

Ang katotohana'y ikaw ay malayo na

Pinalaya.

Ikaw sana'y lumago

Ang dilim ang magkukubli sa pagluha

Ang hangin ang bibingi sa sakit

Humayon ka ng mag-isa.
HYA Aug 2017
Handa na ako
Na makipagkita sayo
Ngunit nakalimutan ko na
Sayo'y may nagmamay-ari pala

Unang tanong, bakit ngayon pa?
Kung kailan  masasabi ko sayo na
Noon palang ay mahal na kita
At hindi lang simple na mahalaga?

Patawad, ang bagal ko kasi
Sana ngayon sa buhay mo, ako'y parte
Hindi pa maibukas ang bunganga
Para sa tatlong simpleng salita:

'Sinta, minamahal kita'
Hanggang ngayon ay mahal parin kita
Paano ko nga ba makakalimutan ang katulad mo
Kung sa maraming taon, ikaw ang naging mundo ko?

Pangalawang tanong, nagsawa ka ba
Sa kahihintay sa mga katagang 'gusto kita?'
Mahal, sasabihin ko kahit huli na
Kahit alam kong walang mabubuong tayo nitong aking piyesa

Takot. Oo, nilunod ako ng takot
'Pag kasama ka, oras ay humihinto sa pag-ikot
Walang salita ang lumalabas sa aking bibig
Doon, napag-alaman ko na sayo pala'y umiibig

Ngunit, huli na
Sa pagiging tahimik, wala akong napala
Tinanong kita kung gusto mo rin ba ako
Sagot mo, "bakit ngayon mo lang sinabi to?"

Ngayon na ako'y nandito sa iyong harapan
Pangungusap, linya at taludtod ang nasa aking isipan
Subalit ang magagawa ko nalang ay ngumiti at tumango
Dahil kahit anong gawin, may nagmamay-ari na sayo
Inspired by '100 Tula Para Kay Stella'
Fidel, akin ka nalang please?
Isabelle Aug 2017
why can't it be the two of us...


Kasabay ng pagkawala ng mga linya
Sa saliw ng isang malungkot na musika
Muli na namang pumatak ang mga luha
Na unti- unting nagpalabo sa aking mga mata

Muli na namang tinatanong ang sarili
Bakit nga ba hindi,
Bakit nga ba hindi tayo?
Bakit nga ba walang tayo?

Hindi ko alam ang mararamdaman
Sa tunog ng iyong pangalan
Mga ala ala ay bumabalik
Parang sinasaksak aking dibdib

Akala ko okay na ako
Akala ko lang pala
Akala ko tanggap ko
Hindi pa pala

Muling nagtatanong sa sarili
Ano ba ang aking mali
Patuloy ang pagtulo ng mga luha
Sa indak ng malungkot na musika

Kailan kaya magiging payapa
Ang pusong mas durog pa sa paminta?
Malungkot lang talaga ako ngayon. Trying hard sa tagalog poem.
Stephanie Sep 2018
Walang Pamagat
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Malumanay ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan
Sumasabay pa tong nakakabinging katahimikan
At ako? Nandito sa loob ng apat na sulok ng munti kong silid
Kabisado ko na ang bawat detalye ng kwartong ito ngunit ito parin, nagmamasid
Na para bang nasa ibang lugar ako, nangingilala, nagtataka
Tulad ng kung paanong maraming tanong ang gumagambala sa katahimikan ng sandali
Mga tanong na habang pilit kong hinahanapan ng sagot ay mas lalo lamang nagpapaalala sayo
Sayo at kung anong meron tayo… noon
Para ka rin palang kwarto ko.
Kilala kita, kabisado ko na ang takbo ng isip mo
Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling kapag sinabi **** “okay lang ako”
Alam ko kung ano yung mga tugtuging hinahanap-hanap ng pandinig mo
Alam ko kung paano magniningning ang mga mata mo kapag nakakakita ka ng cute na aso
Alam ko dahil inalam ko, alam ko dahil ipinaalam mo, alam ko dahil ginusto kong malaman
Kilala kita, kabisado ko ang bawat tibok ng puso mo
Pero muli, para ka rin palang kwarto ko
Na kahit gaano kita kakilala at kakabisado, naguguluhan pa rin ako
Nangingilala;
Nagtataka;
Dahil kahit naging malapit ka sa akin ay tila parang napakalayo mo pa rin
At kahit gaano kita kakabisado ay hindi ko pa rin alam ang kasagutan mo sa mga  tanong na iniwan mo sa akin kasabay ng pag-alis mo sa buhay ko:

bakit.

Bakit ka pumasok sa nananahimik kong buhay para pasiglahin ito at sa huli ay iwan ako?
Bakit mo ipinadama sa akin na importante ako para lang isang araw ay ipadama na wala na kong halaga sayo?
Bakit mo ako nilapitan nang may ningning sa mapupungay **** mata at matamis na ngiti sa iyong mga labi?
Bakit mo ipinaulit-ulit ng bigkas ang pangalan ko na hanggang ngayon ay musika sa akin?
Bakit ka nagpakilala para lang sa huli ay limutin?
Bakit ka lumapit sa akin na parang isang apoy na nagbigay liwanag ngunit siya rin palang tutupok sa akin?
Bakit ka dumating sa buhay ko para lamang sa huli ay lumisan?

Ang daming bakit pero iisang bakit lang ang gusto kong sagutin mo.

Bakit mo ako iniwan ng biglaan?

At hindi naman ako tanga.
Alam ko na iba tayong dalawa.
Sabihin mo nga sa akin kung paano ko hindi bibigyan ng pansin ang sigaw ng mga kilos **** sinasabing espesyal ako?
Paano kung sabihin ko sayong pinakinggan ko ang bulong ng puso mo noong unang beses na inaya mo akong kumain sa labas?
Paano kung sabihin ko sayo na narinig ko ang pangalan ko sa pagitan ng pagpintig ng pulso mo noong inabot mo ang mga kamay ko?
Paano kung naiintindihan ko ang ibig sabihin ng mga biro **** nagpapahiwatig na ako ang gusto mo?
At paano kung sabihin ko sayo na nakita ko ang nakaukit na ‘mahal kita’ sa ningning ng mga mata mo sa tuwing magkasama tayo?

Hindi naman ako tanga.

Alam mo ba? Tayo ang tulang ito.

– walang pamagat

Kumbaga sa linya ng isang kanta ay “oo nga pala, hindi nga pala tayo”
Na katulad ng isang pelikula, hindi lahat ay nagtatapos sa happy ending
At katulad ng isang nobela, masaya man o malungkot, lahat ay nagtatapos

Sa lahat ng nobela, itong sa atin yung kuwento na hindi naisulat ngunit nagtapos
Natapos ngunit walang paalam

Kahit wala tayong pamagat, gusto kong pahalagahan ito
Dahil ito yung meron tayo.
Medyo magulo pero ito, tignan mo, naisingit ko na yung salitang “tayo”

Sayang.

Sana kumapit ka pa.

Naiisip ko pa rin gabi-gabi kung bakit ka lumayo
Patawad, naaalala pa rin kita kahit hindi ko naisin
Patawad, umaasa pa rin ako na babalik pa sa dati ang lahat
Dahil naniniwala pa rin ako na nobela tayo
At hindi pa nagtapos ang kuwento noong huling beses na humakbang ako palayo at hindi ka nagsayang ng segundo para lumingon sa direksyong tinahak ko

Naghihintay ako.

Mali pala ang pagkakagamit ko ng mga salita.

Wala pa tayong pamagat

Ngunit malay mo balang araw ay magkaroon din at habang hindi pa dumadating ang araw na iyon, ipipikit ko ang mga mata at ibubulong sa hangin na…

sana malaman mo na mahal din kita.
twenty-six Nov 2018
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan
ang mga ngiti **** umaabot sa buwan
ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan
ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan

puso't isip ko'y nagtatalo
ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako
hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko
ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao

ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa
ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha
bawat umaga'y unti unting nanghihina
bawat gabi'y unti unting hindi makahinga

gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa
ngunit oras na para ako'y magpaalam na
huwag ka na mag-alala
malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa

hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya
sa huling linya na ito
paalam na,
aking sinta.
oras na siguro.
Random Guy Jan 14
ang hirap mamatayan
ng sigla mula sa dating kinahiligan
pagkanta, pagsusulat
at iba pa
at mas mahirap
bumuhay ng namamatay na sigla
dahil ang oras ay limitado
kahati ang responsibilidad sa mundo
at ang dating nagniningas ay humihina na
lalong hindi naging mas madali
gumawa ng orihinal
na bumabase sa gusto ng lipunan
o tumatalima sa kasalukuyan
o bumabagay sa kapaligiran
nawa sa mga taong nakukulangan ng apoy
ay bumuhos ang mala-gasolinang inspirasyon
at matapos na ang mga kanta
mga kwento, liriko
pagpinta
at mga blangkong espasyo
na nag-aasam ng yakap
mula sa mga letra, kulay, linya
at kung ano pa mang ekspresyon na galing sayo
dahil ang matapos ang mga ito
ay hindi mo inutang sa mga taong mapangmata
nandiskrimina at nanghusga
ito'y para mabuo ka
muli
www.soundcloud.com/wildepick
www.wattpad.com/user/wildepick
Edelyn Galvez Oct 2016
Sa mata’y mababasa ang ‘di nakikita
Sa dila’y nakabitin ang mga salita

Salitang ‘di gumagalaw ngunit gustong kumawala
Salitang madaming sinasabi ngunit walang magawa

Naintindihan, naiintindihan at maiintindihan pa kaya?
Kung pagbabasa sa pagitan ng mga linya’y di magawa?
Timothy Adams Apr 2016
busy ka ba?
ganito ko naiisip magsimula
ikaw muna ang iniisip ko
tutal, kagabi pa kita iniisip

can we hangout?
sunod na linya 'yan
kaso, iba ang *can
sa would
would you agree?
would you hangout with me?

magpapaturo sana ako sa photoshop.
nagpalusot pa 'ko
ikaw naman talaga ang sadya ko
matutuwa ka kayang makita ako
dahil kahit hindi pa kita nakikita
iniisip pa lang kita
natutuwa na ako

<backspace><backspace><backspace>

*hi J
Ako'y humakbang, bitbit ang damdaming puno ng kalituhan
Nilakbay ko ito kasama ng aking mga paang nabibigatan
Binibilang kung ilang tao ang nadaratnan
Kagaya ko rin kaya sila?

Mahirap tumakas sa mga bagay na pilit na humahabol sa'yo
Mahirap maghanap sa mga bagay na nakatago
Hindi ko nga alam kung ano na tong ginagawa ko
Tatakas ba ako? O mananatili sa di mawaring yugto.

Tumahak uli ang aking mga paa
Rinig ang bawat tunog na likha
Ngunit hindi ito tulad ng dati
Hindi ko na kabisado ang mga tandaan
Tinatapakan ko na rin ang mga nadaraanang linya sa daan

Oo, hindi ito tulad ng dati
Pero eto na, nandito na ako
Sa wakas nakarating na rin ako

Humanap ako ng angkop na puwesto
Ako'y umupo at minasdan ang paligid na gulong-gulo
Hinanap ko ang bakas sa mga silid
Ikaw pa rin ang naiisip
Litong-litong-lito na ako.

Pilit kong tinatakasan ang gulo
Pumunta ako sa ibang lugar, nag ibayo
Ngunit isang malaking kamalian pala ang lahat
Hindi ko pala to matatakasan sa simpleng pag ibayo lamang
Dahil ito'y kasama ko
Kasama ko ang aking tinatakasan
Ang sarili ko
Dahil ika'y nakatira pa rin sa aking puso

At ngayon ako'y nasa kawalan, pilit pa ring kinakalimutan ang nakaraan
JOJO C PINCA Nov 2017
SAPAT BA ANG MGA SALITA SA SINAPUPUNAN NG IYONG GUNITA?
MERON BANG PATINIG NA MARIRINIG SA IYONG TINIG?
ANG IYONG MGA UNLAPI HINDI KAYA SILA MAPIPI?
KUNG SA TINGIN MO AY MATIBAY ANG IYONG PANULAT, SIGE MAGPATULOY KA,
PATUNAYAN MO NA IKAW AY ILOG NA HINDI RIN NAMAN NATUTUYO.

ITALA MO SA TALA ANG IYONG MGA ALA-ALA
AT HUGUTIN MO SA IYONG DIBDIB
ANG MGA LINYA NA MAPANG-ANYAYA
NANG SUMAYA NAMAN KAHIT ANG MGA NAPANGANYAYA.

HAYAAN MO NA ANG IYONG PANULAT
AY MAGSILBING PISIL SA PUSO NG LINSIL
NANG SA GAYON AY HINDI NA S’YA MAKAPANIIL.

SAKBIBI KA MAN NG LUNGKOT
NOO MO’Y WAG SANANG MANGUNOT
YAKAPIN MO ANG IYONG MGA TULA
UPANG HINDI KA MABUGNOT.

MAKABAGONG MAKATA
HANDA KA BANG MAMANATA
UPANG HINDI MAGMUKHANG DELATA?
Zen billena Aug 6
Maligayang kaarawan
sa prinsesang di malapitan
Sa dami ba namn ng hadlang
Mas mainam bang sumuko nalang?

Sa layo ng iyong tingin
Akoy humihiling sa hangin
Na kahit sulyap lang makatikim.
Ilang beses ako nag paramdam,
Medyo masakit lang kasi di mo ramdam.

Di ko lam kung kulang o sobra,
isa lang ang sigurado mahal kita
lagpas langit pa.
Oras oras minuminuto
segusegundo..
oo ikaw ang nasa isip ko

Lagi hinihiling na sana nasa isip mo din
Kung sa iba'y di ka mahalaga
saakin ikay prinsesa.
Sa lihim kung nakasulat sa baybaying letra
ang ibig sabihin nun ay mahal kita.

Sa huling linya ng tula na to
gusto ko lang sambitin sayo .
Maligayang kaarawan prinsesa ko.
Bente kwatro ng pebrero.
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
Isinulat ko ito hindi para mabasa mo
Ito ay paalala sa sarili ko
Kung anong meron tayo
Na hanggang dito lamang ako

Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga
Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana
Hanggang sa pagtanda ay makakasama
Kabiyak sa Hirap at ginhawa

Ngunit sa kabilang banda
Realidad ay sa aki'y bumabangga
Ako ay kaibigan lang pala
At hindi maaaring lumagpas sa linya

Hindi ko alam kung bakit ikaw
Ang sa atensiyon ko ay pumukaw
Sa puso ko ay umagaw
At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw

Sinusubukan kong sayo ay lumayo
Ngunit Ako'y pinapangiti mo
Mabigat na araw ko ay humahayo
Araw ko'y muli **** kinumpleto

At heto nanaman ako
Gusto ko tayo pero mukhang malayo
Imposibleng maging Ikaw at ako
Iyong mga mata'y nasa kabilang dako

Hanggang dito lamang at aking lilimitahan
Upang Hindi masaktan
Sa sampal ng katotohanan
At magising na lamang kinabukasan

Makita kang masaya at masigla
At sa akin ay ibinabalita
Ang natagpuang pagibig sa iba
At makita kung gaano kayo kaligaya

Wala na akong ibang hiling pa
Na tunay na pagibig ay iyong makamit na
Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina
Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira

— The End —