Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"likhain" poems
Mundo'y kayganda, Puno ng hiwaga, Ng pasimulang likhain ng AMANG DAKILA!!! Ngayon ay saksihan, Ganda ng sanlibutan Di malirip na kagandahan at kayamanan, Na ibinigay sa atin ang karapatan. AMA NA DAKILA! Lahat kami ay pinag-pala, Sa aming kasalanan Ay nagpatawad ka! Nagbigay pag-asa sa kaluluwang dukha! Dukha sa Liwanag ng Iyong Ganda!! AMA NA DAKILA! kami ay Iyong pinag-pala, Binigyan ng pag-asa, sa Di malirip na pagkakasala!!! Sa ngalan ni JESUS NA IDINAKILA Dahil sa pagsunod sa AMANG DAKILA! Hindi nag-alinlangan Hanggang katapusan, AMA sana'y bigyan kami Ng pusong masunurin Pag-iisip na puno ng dunong Mula sa Iyong katwiran na puno ng katotohanan, JESUS na aming PANGINOON, Bahala kana po sa amin, na LIWANAG sa amin ng DIYOS!!! Kami ay Iyong dalhin, Upang AMA ay aming KAMTIN Hanggang sa katapusan ng aming Lakarin,!
0
Aug 19, 2014
Aug 19, 2014 at 12:37 AM UTC
AMA NA DAKILA.!!!
Sa gabing mapanglaw buwan ay lumitaw Aninag nya'y di makasilaw Sa mata kong mapagtanaw ilaw nya'y kinahanga At tila di bibitaw Sa aking pagtitingala Ng ulo ko sa ibabaw Ngunit sya'y isang buwan At akoy' isang ako Malayo, di malapitan At dampian sya'y malabo Tanging  pagtingala sa itaas Ng tahimik, sa malayo At likhain aking pantas Habang nakatingin sa ibayo
0
Aug 29, 2024
Aug 29, 2024 at 2:54 PM UTC
Buwan ko sa Alas Unsi ng Gabi By: Reviel Marc S. Dela Cruz