Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan Carlo Ramos Oct 2016
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala
Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya
ikaw yung dating nagbibigay sigla
kaso unti untiang nabura.
Yung imahe mo na dating buo
na palitan ng mga linya na sobrang gulo
Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot
sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok.
Kumapit sa bisyo at doon nalugmok.
napaaway, nag maoy, at doon nasuntok.
Nasuntok ng katotohanan na wala kana
at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba
Pero maligaya ako na maligaya kana
kahit yung sarili kong ligayay mawawala na.
sa dinamidami ng ligaya sa tulang to
kabaligtaran ang nadarama ko.
kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
Ayin Azores Aug 2018
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.

Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.

Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?

Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.

Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.

Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.

Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”

At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.

At nahanap mo ako.

Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang  ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.

... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.


At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
ESP Oct 2015
Kung gustong magpatuloy
Burahin ang nararamdaman
Kung gustong mabuhay
Burahin siya sa iyong isipan

                                                   Tamang daan ay alam na alam na
                                                   ito na dapat ang ginagawa
                                                   pero pinipili pa ring maging masaya
                                                   kahit sa dulo alam naman nating talo na

Masaya pa bang ituturing,
Kung ang sakit ay nandoon rin?
Masaya ka bang ituturing,
Kung sa gabi'y mata mo ay lumuluha rin?

                                                 Tunay sa ligaya
                                                 Di talaga sa materyal na bagay makikita.
                                                 Mata ng iyong sinisinta na sa iyo nakatulala
                                                 Anong ligaya ang madarama.

Panandaliang ligaya nga naman
Panandalian lang ang lahat
Pang matagalang sakit at poot
Naman ang sa iyo'y idudulot

Hahayaan mo na lang ba na gano'n?

                                                  Kung ligaya ay minsang panandalian
                            Malamang lungkot at paghati ay panandalian lang din.
                Ngunit haba ng dulot ng ligaya ay di masusukat
     Lungkot na naramdaman ay tiyak malilimot mo na.


Tunay ngang pag-ibig ay magulo
                 Hindi ko maintindihan
                          Bakit kapag nasasaktan ka'y ayos lang?
                                Hindi ko maintindihan
                                      Kapag nama'y masaya ka, babawiin rin lang
                                 Hindi ko maintindihan
                   Maaari bang madali na lang ang lahat?

Pag-ibig ay talagang magulo
                 Pagkat kulay nito'y halo-halo.
                            Mundo ay napapaikot gamit ng pag-ibig na ito,
                                           Sabi nga ng maraming nakaranas na nito
                             Hindi ka matututo umibig
                  Kung di ka masasaktan.
         Sakit sa pag-ibig ay normal


Pagkat ikaw ay nagmamahal.
Written unconsciously by Patricia and I. She was thrilled by the stanza in my poem called Mula Lunes hanggang Linggo (which is posted here too) and she continued the last part with another context and then I answered back until we finally came up with this. That was fun!
M G Hsieh May 2016
Munting hiram na buhay,                             When will this rented
kelan pa yayaon?                                            lifetime pass?
Pina-walang kabuluhan                                Time has taken  
ang oras na lumipas.                                      the sense of things.
Panahon na sinaksi                                         I have witnessed
pawang di akin sarili.                                    what is not mine.

Kelan ang katapusan?                                    When will this end?
Sa oras ng pagtanggap                                   In accepting
ng tinig mo? Irog,                                            your voice? My dear,
ika'y aking kamatayan.                                   you are my death.

Ano ang pinangakong                                    Where is
payapa at galak,                                               peace and joy
kung puso'y sumisikap                                   if the heart still toils
sa inaasahang pangarap?                                towards it's endeavors?

Kelan mabubuksan                                          When will I unlock
ang pagkakataon ng pangakong                    the promise
ligaya mula sa kamay mo?                              from your hands?
Di pa sapat ang pagsunod?                             Is compliance not enough?

Asan na ang hinanap pangarap na ligaya,      Where is happiness
mula sa pawis, pagnanasa?                               sought with sweat and desire
Gawin ang lahat                                                  of risking all                
sa anumang konsekwnsya?                               no matter what?

Sino ako? Taong                                               Who am I? so presumptive
mapangahas sa sariling kalooban,                 of my own will,
ligaw sa ilang,                                                   lost in the wild,
lasing sa layaw,                                                  drunk for indulgence,
lulon sa kadiliman at kawalan.                        drowned into its depths.

ano ako sa Yo?                                                   what am i to You?
yapak.                                                      ­           footprints.
alabok.                                              ­                  dust.
pinag-duraang basura ng lansangan.            garbage spit in the street.

Ginawa mo aking kapalaran,                           You made me thus,
palayok at pinggan.                                           as a clay ***.
Sa yong kagustuhan                                          Transformed and used
tadhanang pupuntahan.                                    for what you forge.

Aking tanggap                                                    I accept
kawalan ng karapatan,                                      lost of rights,
pagsuko ng kalayaan,                                       surrendered freedom,
layag sa kagustuhan,                                         adrift from wants,

yaong kababaan.                                                and lowly.
Paglisan ng sarili, bihag                                    when i abandon myself, as Your
at lingkod mo,                                                      captive and servant
nawa'y malaya sa mundo.                                  may i be free of this world.
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
梅香 Jun 2018
alam kong napakabata ko pa
upang ibigin ng sobra
ang taong akala ko'y kaibigan ko lang,
na kahit kailan ay 'di ako binigyan ng daing.

labis na ligaya
ang natamo ko galing sakanya.
lahat ng maliligaya kong araw,
ala-ala namin ang nakasaklaw.

subalit ito'y kailangan kong itigil,
nang pati ang sarili ko'y aking natatakwil;
lalo na't ngayon ay aking napagtanto,
na ako lang pala ang nakadama ng ganito.
masakit, pero ito ang katotohanan ㅡ mag-isa akong umiibig sayo.
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Irah Joyce Dec 2015
Isa
Isang taong nasasaktan
Isang taong umaasa
Isang taong nagbigay tiwala
Sa isang taong kanyang pinaka mamahal
Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon
Isang magandang relasyon
Nasira ng isang sigalot
Isang pangakong bibitiwan
Ng isang pusong umaasa

Dalawa
Dalawang taong pinagtagpo
Dalawang taong nag-ibigan
Dalawang taong nagbigay kulay
Sa buhay ng isa't isa
Dalawang pusong pinag-isa
Dalawang labing nakangiti sa tuwina
Dalawang matang lumuluha
Dahil ang dalawa'y hindi na isa


Tatlo
Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya
Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa
Tatlong salita na nagbigay ligaya
Sa pusong tatlong taon ng umaasa
Kung may magmamahal pa ba?
Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na
Upang mapawi ang lungkot
at mapalitan ng ligaya
Tatlong masasakit na kataga
Ang naghiwalay ng landas ng dalawa


Apat
Apat na buwan ang hinintay
Bago makamtan ang matamis kong 'OO'
Apat, ang bilang ng letra
sa isang salitang tawag mo sa akin
Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin


Lima
Limang buwan tayong isa
Lima, ang sukat ng aking paa
Na lagi **** pinagtatawanan
Lima, ang bilang ng mga daliri ko
Na lagi **** hawak-hawak
Limang minutong yakap
madalas **** ibinibigay


Anim
Anim ang bilang ng letra
ng iyong pangalan
Anim ang dami ng nais **** alagang hayop
Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo
Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito:
Mahal pa rin kita


Pito
Pitong kontenenteng nais nating lakbayin
Pitong araw sa isang linggo
Mga araw na pinasaya mo ako
Pitong bilyong tao sa mundo
Ikaw ang pinili ko


Walo
Walo, isang numerong mahalaga sa'tin
Walo, isang numerong ginagamit
sa tuwing naglalambingan
Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a'
Wala, parang tanga


Siyam
Siyam ang araw ng kaarawan ko
Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo
Siyam katunong ng pangalan
ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos
Siyam and dami ng taon na bibilangin
bago matupad ang pangarap nating dalawa


Sampu*
Sampung taon mula ngayon
Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay
Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar
Sampung taon, maghihintay ako
Yan ang pangako ko
Sumapit na ang hating gabi,
Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway.
Gandang iyong taglay,
Sa aking diwa'y nananalaytay.

Ang saglit na pamamaalam sa takip silim
bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim.

Ang kaaya aya nyang ngiti,
Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita.

Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan.

... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
#matalinhaga #makata
Karl Allen Nov 2015
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.

Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.

Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.

Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.

Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.

Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.

Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
RL Canoy May 2019
Umiibig akong matapat ang puso,
sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo.
Dilag na bulaklak sa harding masamyo,
sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro.

Tinataglay nila’y mararangyang pakpak,
subalit ang nasa’y tanging halimuyak.
Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak,
sa mata ng iba’y isa lamang hamak.

Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba,
sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba.
O! ang saklap naman, umagos ang luha,
pagkat lumilihis ang ating tadhana.

At niring landas ta’y lalong pinaglayo,
nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo.
Buong taglay niya’y di tapat na puso, 
tanging hangad lamang ang kagandahan mo.

Sinta ko ano pa ang aking magawa,
kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na?
Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t,
panaho’y balikang ikaw’y malaya pa?

Bihag ka na ngayong walang kalayaan, 
hawak ang mundo mo ng lilong nilalang
Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan,
at ang yamang pakpak, dustang tinalian. 

Paano O! Sinta yaring abang buhay?
Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay.
Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay,
Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay.

Subalit nasa kong lumawig sa mundo,
sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko.
At ikaw O! Sintang namugad sa puso,
napanagimpan kong pinaghintay ako. 

Sa harap ng hirap na di masawata,
tanging asam ko’y lalaya ka Sinta.
At itong pagtiis ay alay ko Mutya,
mula sa puso kong nagdadaralita.

Maghihintay ako sa pagkakahugnos,
sa tanikala **** higpit na gumapos,
sa kalayaan na lubhang nabusabos,
at mariing dulot, galak na di lubos.

Ang aking paghintay akay ng pag-asa,
lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa.
At ang dukhang pusong batis ng dalita,
tila pinagyakap ang pag-asa’t luha.

O! aking minahal ako’y maghihintay,
kahit walang hanggang paglubog ng araw.
Magtitiis ako sa gabing mapanglaw,
hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway.

Yaong sinag nito’y ganap na tatapos, 
sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos.
Sinag na tutuyo sa luhang umagos, 
niring mga matang namumugtong lubos.

Yaong pamimitak ng mithing umaga,
araw na mabihis ng mga ligaya,
ang buhay kong abang tinigmak ng luha,
mula sa kandungan niring Gabing luksa.

Maghihintay ako sa gitna ng dusa, 
kapiling ang munting kislap ng pag-asa.
Magtitiis kahit sanlibong pagluha,
hanggang sa panahong muli kang lalaya.

Maghihintay akong di hadlang ang pagal, 
kahit ang panaho’y lalakad ng bagal.
Magtitiis ako pagkat isang tunay
itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal.

Maghihintay kahit dulong walang hanggan,
na pagdaralita’t mga kapanglawan
Kahit di tiyak kong muling sisilang,
ang bukang liwayway na tanging inasam.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
unknown Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Daniella Torino Jun 2017
Naaalala ko
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.

Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.
Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.

Tapos heto,
hinahanap pa rin
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan.

Ngunit,
ako'y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba.

Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at sasabihing:
“ikaw ang dulo, gitna, at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang ilang libong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.
Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.

Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
Cedric Feb 2019
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
Uanne Feb 2019
Araw na naman ng mga puso
Nakahanda na ang hukbo
ng mga damdaming nagsusumilakbo,
tila nag-aapoy na parang mga sulo.

Mga gimik na talaga namang pinaghandaan,
magkasamang pagsasaluhan
para mamaya'y may lambingan
sa ilalim ng mga tala at buwan.

Kay sarap sa pakiramdam
kapag alam **** may nariyan.
Hawak iyong kamay
habang kayo'y naglalakbay.

Mga mata'y nagtutugma
tanging ligaya ang nakikita.
Mga kaluluwang umaakma
sa hulmahan ng bawat isa.

Kahit mahirap tumaya
umaasa pa rin at naniniwala
na isang araw bigla na lang mawawala
pait na dala ng nakaraang kabanata.

Pero laging alalahanin
Na mas may higit na nagmamahal sa atin,
Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan,
dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan.

Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit
dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit
Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit
At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit.

Bago pa natin hingin at iusal
una na Niya tayong minahal.
Ito ang pagibig na di nauutal
walang takot at di nangangatal.

Patuloy lang sa pagmagmahal,
dahil ang pusong umiibig ng bukal
di kumukupas kailan man
kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
13 Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
-Corinthians 13:13

02.14.19

Happy Valentines Day! (Minsan masakit magmahal pero sige lang..)
Tayo lang naman ang magkasamang umukit ng hugis puso sa mga bituin,
magkahawak ang mga kamay habang nagkukuwentuhan ng mga pangarap at hangarin

Sana... hindi muna magtapos ang gabing ito
Kung magagawa kong banatin at pahabain pa ang oras para lamang mapatagal sa'yong piling

Ngunit kinaumagahan na nang ako'y magising...

Akap akap ang sarili, mabigat ang damdamin
Nagbuntong-hininga't bumulong nalang sa hangin

Hindi ko na alam kung ligaya pa ba ang tunay na hangad
Bakit ba lagi nalang ganito...
Sa panaginip, patuloy mo akong dinadalaw
Naniniwala ako sa salitang 'tayo' ngunit heto't nag-iisa na naman ako
Nagsimula sa "Tayo"
Nagtapos sa "Ako"

© Cyrille Octaviano, 2016

Walang pinagkaiba
Taltoy May 2017
Heto't nag-iisa,
Malungkot at walang kasama,
Hinahanap ang ligaya,
Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita.

Sapagkat hinahanap yung makakaagapay,
Sa mga panahong lumbay ang kaaway,
Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko,
Takot na ako'y limutin mo.

Ako sayo'y nangungulila,
Ang aking nag-iisang tala,
Ang hinahangad na makita,
Sa  gabing kay dakila.

Sayo, di gustong mawalay,
Ang laman ng damdamin kong tunay,
Ayaw kong ako'y mapang-iwanan,
Mapang-iwanan at makalimutan.

Ako'y  takot sa katotohanan,
Na sa buhay, walang pang walang hanggan,
Na ang lahat ay may katapusan,
Na ang lahat ay pwede kang iwan.

Walang magagawa, yung ang totoo,
Kaya damdaming ito'y itatago ko,
Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo,
Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
Dahil sayo'y napalapit na, di na gustong mawalay pa.
Katryna Sep 2018
sabihin mo saakin kung paano kita mamahalin
dahil minahal kita sa paraang hindi mo inaakala

sabihin mo saakin kung paano ko tatapusin ang mga sayo ay tapos na pero pilit paring pinagtatagpo ng tadhana

sabihin mo sa akin kung paano ko kakalimutan ang mga bagay
na halos ayoko ng maalala

sabihin mo saakin,

paano ko ililigtas ang relasyong tayo lang ang nakakakilala.
ang relasyong sa dilim lang maliwanag

relasyong hinuhusgahan ng lahat,
relasyong kasiyahan mo ang mas mahalaga.

sabihin mo saakin ang kongkretong solusyon,
sa mga desisyong hindi ako kasama

pero sa pandaliang ligaya,
kamay natin ang magkalapat sa tuwi-tuwina

sabihin mo,
sabihin mo na,

dahil pagod na akong angkinin ka sa tuwing may aagaw na iba.

sa tuwing sasabihin nya at tatanungin nya ako kung ako ay maligaya.

paano ko sasabihing tayo ay masaya,
kahit wala sa kama

ang simpleng yakap, oras nating dalawa ay mahalaga

paano ko sasabihin,
kung ikaw mismo hindi mo masabi
at mas piniling pagtakpan na lang ang lahat
at manatali

na ang kawalan ng salita ay manahan at bigla na lang mawala

hindi ka man pumipili pero alam ko,
sa kabila ng lahat ng ito.

kapag ang lahat ay tumalikod

lahat ay tumiklop

ako at ikaw,
mas pipiliin paring maglayo.

iwan ako,
iwan ka.

wala.

narating nanaman natin ang dulo.
for the Nth time. pano ba sumuko? sa pag taas ba ng dalawang kamay? sa pag amin ba ng "Sige, ako na ang may kasalanan" sa pagtanggap ba ng pagkatalo, sa pagsabi ba ng "teka, pagod na talaga ako" sa pag iyak ng balde baldeng luha o sa pag gising mo bigla, wala na. wala ka ng maramdaman kasi sobrang manhid mo na sa sakit at sakit na lang din ang solusyon para maramdaman **** teka, buhay ka pa. Ang gulo no? ganon din ung tula ko, ganon din ung puso ko, ung utak ko. Pasensya na sa gawa ko. Pakiramdam ko, ito na ung pinaka walang silbi kong gawa. Pero gusto ko lang ibahagi ang nararamdaman ko. Jusko po, ang hirap magmahal. hahahaha big deal ba, pasensya na kung alam nio lang ang sakit sakit na to the point na wala na akong kayang ilabas pero hinihingi pa rin ng mundo ang lahat lahat. Paano ba kasi sumuko? Makikinig na lang ako kay Sarah Geronimo.
Lanox Nov 2015
Do make it clear if breakfast is included. If not, make a disclaimer: "I am in the belief that you coming over is good. But that somehow this twisted world resulted in someone twisted as me. Who although enjoys the company of someone like you at this hour, cannot accommodate you past sleep. That you can choose to either leave before I doze off, or that in the morning you will readily accept if I can only open the door out for you. You can make yourself coffee. But know that I am wary of being with awake people while I am asleep, as I think you can easily understand."

There are two types of people in the world: the foodies and the cranky ones. I do not intend to be the latter.

Do make sure you expect only as your place can allow. You cannot hope for me to clean up the eye makeup that heavy drinking had caused to drip down my face when what you have is but a cracked mirror and a broken sink. I cannot fix myself up amid your chaos. I would have to look the part. Act the part. Smell the part. You either want me to receive you messy or put you back up. And I know there aren't too many choices, but still. You gotta make one.

Do say only words that you will not choose to forget the next day. Do not make promises of more future promises. Do not paint images of love, kindness, and honesty when we both know our story will only last as long as this night. This is not a contest on who'll be more unforgettable. We both know why we're here in the first place. We both remember too much.

Do consider the possibility that a sleepover may include only sleeping beside each other, but that it does not mean "nothing happened." A conversation can **** me up just as much, perhaps even more, than the real thing. You cannot share to me a universe that you expect me to pretend not knowing the next morning. You cannot accuse me of meddling when you've told me a story of how umbrellas scare the crap out of you and so every time it rains, I remember you. And so every time it rains, I text you, "Where are you?" not in the possessive way others do, but simply to make sure you are somewhere dry and not dying.

Do smile at me the next time I see you, even if we both know we've tried to avoid each other. I, only because I felt you were trying to avoid me first. Even if bitterness starts welling up, please do not look away. You perhaps may have been a mistake, and I may have been yours as well, but we've never been followers of others' ideas of what constitute a tragedy. My love, our love may to them look ugly, but we've agreed their beautiful ***** anyway. Every time they tell me you like a pretty thing, I always think you are being sarcastic. And that only I could see your sardonic point.

[Beer break]

At heto naman ang mga bagay na sana'y 'di mo gawin.

Kung ipagpipilitan mo ang kwarto mo, sana'y siguraduhin mo na mas malinis ito kaysa sa akin. Na 'di ka nakatira sa bahay ng mga magulang mo (dahil maingay ako at matatanda na tayo) o wala kang ibang kasama (sa parehong kadahilanan). Kung tatluhan ang hanap mo't 'di mo naman nakayang sabihin na may ibang babae na pala sa'yong kama ay mas mainam pang makipaglimahan ka na lamang gamit ang iyong mga daliri, mahal.

Wag mo ipagsabayan ang pagkain at ako. Alak at ako, pwede. Ngunit kung ikaw yung tipo na pinagsasabayan ang sarap ng dila't kalamnan, bibigyan kita ng ibang numerong tatawagan. Tayo'y Pilipino't kapag pagkain ang mapag-usapan, kasali ang tuyo, bagoong, balut, at itlog na maalat, mahal ko, seryoso ka bang maihahalo mo ang mga isip-isip na'to sa klase ng almusal na binabalak mo? Je ne suis pas Francais. My kisses will not make you think of food.

Wag mo akong ikalia. 'Di ko ikakahiya anong oras man akong lumabas mula sa'yong tahanan, basta lamang 'wag kang sumalungat kung ang tanging bukambibig ay galing ako sa kanya. Kung ako'y matingnan at mapansin ang biyak-biyak kong puso ngunit bakit nga ba 'di magawang mapalitan, kapag ba'y sinabi kong ito'y dahil sa'yo sana'y 'wag itatwa't angkinin **** minsan kasi'y nabanggit mo na ako . . .

Kaya't kaibigan, 'wag naman masyadong pikon 'pag ika'y na-friendzone, kinakausap ka pa rin naman, diba? 'Wag mo sabihing tunay ngang mas nana-isin mo ang trahedyang dulot ng malisyang 'di nabantayan. 'Wag mo sanang isipin na ang bawat pagpakita ko ng kahinaan ay pagtatawag na bigyang ligaya ang katawan kung masid mo namang lungkot ang siyang nakapaglapit sa'ting dalawa. Walang paghihiwalay sa pagkakaibigan, at kung sasabihin **** wala na tayo'y ipagkakalat ko na minsan nga'y naging tayo, pumili ka.

At ang huli'y sana 'wag **** ipamimigay agad-agad ang sarili mo sa sinuman matapos sa'kin. Madali kang mahalin. Mabilis kang matutunang unawain. 'Di naman sa kita'y ina-angkin. Ang sa'kin lang ay sana'y 'wag **** pagsabayin ang lahat-lahat . . . ng dinarama. Hindi lahat handa na ika'y mahalin ng buong-buo, lalo pa't 'di isa-isa. Tuloy nagmimistulang halimaw sa ilalim ng katre, kahit sa katotohanan nama'y kapareho lang na minsan di'y naging musmos, kapwa walang alam, kapwa nangangapa, kapwa takot, ngunit patuloy pa ring sumusubok.

https://soundcloud.com/lanox-alfaro/the-dos-and-donts-of-1
I wrote this the night before hearing about the Paris attack. I thought of editing the French part out but decided to keep it, as a reminder to myself.
ZT Feb 2016
Maraming kainuman
Ngunit konti lang sa kanilay yong kaibigan
Ikaw nga ay seksi
Pero ito namay walang silbi
Kung sa pagdating ng gabi
Wala ka namang katabi

Kasi panandaliang ligaya lang pala ang kanilang habol
Sa kakaunting oras ginawa kalang palang pamparaos

Kasi katawan mo ay pwede nang e.ulam
Pero mukha mo ay parang kinulam

Sa kanyang katawan napapasabi sila,
"Uy, wow. Ang seksi"
Pero pagtingin sa mukha, panay sabi
"I'm fine. Thank you" dagdagn pa ng "sorry"
alvin guanlao Jul 2011
may diskusyon na galing sa nakaraan
tungkol sa pagsisisi sa naganap na hiwalayan
ang higit na pagmamahal ay sadyang maparaan
nagbalik itong muli ng di namamalayan

kung sa hinaharap ay walang kasiguraduhan
bubusugin kita ng pagibig sa kasalukuyan
at kung tayo at panahon ay magkasubukan
hihintayin kita upang sa dulo'y magkatuluyan

ang pagulit sa kawangis ng kahapon ay ligaya
ito ang dahilan sa sarap ng muling pagsasama
huwag maglilikot pagka't di na magagaya
ang inayos na daan papunta sa iisang kama

sa di mapigilang kabaliwan at kalokohan
sa dalas **** maubos ang aking pisi
at kahit hirap sa pagsunod sa aking kagustuhan
ikaw pa rin ang pipiliin at di magsisisi ♥
For your eyes only lang to mahal, wag mo na ipost sa wall mo ok? ^^
Jame Aug 2016
Paano ko ba sisimulan ang sulat na ito na iginagawa ko na naman para sa’yo?
Marami na akong naipon na mga sulat, sulat na punong-puno ng mga walang kwentang kasaysayan at letra na hindi ‘ko maigunita sa iyo
Bakit? Ewan ko, hindi ko alam, putangina may pakialam ka ba?
Hindi ko alam kung ibibigay ko sa’yo ang mga sulat na hindi ko natuluyang ibigay sa’yo dahil Una, hindi ko alam kung may pakialam ka pa sa mga salita ko
Ang aking mga salita na punong-puno ng galit, ng damdamin at pagmamahal
Kasi Pangalawa, noon, kahit walang kwenta ang aking mga sinasabi, ito’y tuluyan **** binibigyan ng halaga
Noon, kahit ako’y galit sa iyo at ika’y galit sa akin, nauubos ang iyong salita at hininga sa mga bagay na gusto kong marinig para lang tayo’y magkaayos
Noon, nakuntento tayo sa isa’t-isa kahit tayo’y naliligaw at nabubulag pa sa mundong ito na punong-puno ng kasinungalingan
Noon, ginagawa mo ang lahat para lang tayo ay magkita
Noon, pinupuno ko ang iyong mga araw nang ligaya at mga ngiting hanggang tenga
Noon, hinahayaan mo lang tayo’y maging masaya
Noon, ako’y sa iyo at ika’y akin
Noon, ika’y andito at wala doon
Noon, ako’y mahal mo at ika’y mahal ko
Naghahanap ng mga dahilan kung saan ako nagkulang, o kung saan ako nagkamali
Kung ito ba’y dahil sa aking pananamit o sa aking pananalita
Kung ito ba’y dahil hindi ako kagaya niya o sadyang nawala na lang talaga ang iyong mga nararamdaman bigla
Kaya inuulit ko, saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali?
Nagkulang ba ako sa higpit nang yakap at haplos?
Nagkulang ba ang aking mga boses sa pagsigaw sa mundo na mahal kita?
Nagkulang ba ako sa pagsuyo at sa aking pagamin ng mga kasalanan?
Nagkulang ba ako sa pagbuhos ng aking mga damdamin?
Nagkulang ba ako sa paglaban?
Nagkulang ba ako sa bilang ng araw na mawawala ka na?
Nagkulang ba ako sa halik?
Dahil sinta, kung alam ko lang ng mas maaga pa na ika’y hindi magtatagal, sana’y tinagalan ko ang aking mga halik at inagahan ang aking pagbitaw
Pero hindi,
Kaya ang nagbunga ngayo’y isang babae na katulad ko na
Ngayo’y nasasaktan at nalulunod sa sariling mga luha
Natatapilok sa sariling mga paa, dahil sa sariling katangahan
Ngayon, isang tanga na natalo at nakanganga
Ngayon, umaasa na lang ako sa isang idlap ng iyong mga mata
Ngayon, naghihintay na lang ako sa iyong pagpansin o pagtawag sa aking pangalan
Ngayon, nagbabakasakaling may halaga pa rin ako sa’yo
Ngayon, umaasang iniisip mo pa rin ako
Ngayon, nagbabakasakali na masaya ka na.
Masaya ka na sa kanya.
Masaya ka na sa piling ng iba.
Mas masaya ka na kesa aking nagawa.
Ngayon, nangangarap na lang na maging masaya
Ngayon, sinusubukang kalimutan ka
Pangatlo, dahil ngayon,
Mahal pa rin kita,
at wala ka na.
#tagalog #past #noon #ngayon #pagmamahal #love #filipinopoem
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
Allan Pangilinan Nov 2018
Sapagkat ngayon ay matututo tayo sa mga bagay na 'di natin maintindihan,
Kakapit tayo sa mga talinhagang kahit ang mga pilosopo ay hirap sa pagpapaliwanagan.
Susubok at susugal sa bukas na walang kasiguraduhan,
Sabay aasa sa pangako ng isang tunay na hinaharap na makakamtan.

Dahil ang damdamin ay nakaalpas na sa paghangad,
Ngayo'y may sinusundang tahakin na mas marapat.
Saya at ligaya para at ng sa iba sa isipa'y nailapat,
Mga naisin at mithiin ay nauunawaang hindi agad-agad.

Ngayon ay marapat na mabuhay sa kasalukuyan,
Damhin ang ligaya, kalungkutan, at lahat ng sa gitna'y mararamdaman,
Sa buhay, sarili natin ang ating tangan,
Balang araw, kung anuman, ay ating mahahagkan.
JK Cabresos Nov 2011
Pag-ibig na, nasa dulo nitong aking dunong
Sagutin mo na sana ang nag-iisa kong tanong:
Ikaw ang hamog sa t'wing pagbubukang-liwayway,
Tinig na nais maulinigan kapag ako'y nalulumbay.

Ika'y rosas na kaybangong samyuhin,
'Sang inaasam na panaginip na nais ulit-ulitin;
Hanging kay lamig damhin sa paglipas ng araw,
Ngunit 'sang alapaap naman na 'di ko halos matanaw.

Ika'y tulang muli't muli ay binabasa ng madla,
Na 'di makakalimutan; na 'di mabaon sa alaala
Tulang puno ng damdamin na ni 'di maipabatid,
Ngunit 'sang saknong naman na hindi magkatugma.

Mithiin ko'y mapansin mo na ang aking mga ginagawa:
Itong pag-ibig na nasa dulo ng aking ligaya,
Mithiin ko'y sagutin mo na ang tanong kong nag-iisa,
Nadarama mo rin ba ang lahat ng napaloob nitong aking tula?
© 2011
kingjay Aug 2019
Ilang ulan pa sa langit
Ang magwiwisik sa tumana
At para tumubo ang mga ipinunla
na harana
Sa isip aawitin upang dudungawin ng sinta

Mahal na prinsesa
Nakakawili kahit ang aparisyon
Umaantala sa paglakad
Dahilan para lumingon
Kahit matisod, sapat na ang lugod

Anong saya ang mabuhay na malaya
Ngunit kung papipiliin
Kalayaan o ang prinsesa
Magmistulan man na alipin
Walang kaparis pa rin ang ligaya

Ang nakalugay na buhok
Tila malambot kung salatin
Ang ngiting nagpapaindayog sa ulap at bituin
Ang kalawakan ay makipot
Kung ikumpara sa ibinungang panghuhumaling

Sa malabnaw na mata
Ay mananalamin
Kawangki ng perlas ng Pilipinas
Sadyang matimyas ang pagkayumi
Kalikasan na lihim
JOJO C PINCA Nov 2017
Bastos? Aba hindi ah, ito ang pinaka angkop na tayutay patungkol sa buhay. Makinig ka lang at malalaman mo na ang gagawin kong paghahambing sa pagkakatulad ng buhay at pagtatalik ay totoo. Ganito yun:

Libog – oo, kailangan mo ng matinding libog kung gusto **** maging maligaya sa buhay. Kailangan na punong-puno ng pagnanasa ang damdamin mo dahil kung hindi ay mababagot ka at mananamlay. Kailangan na lagyan mo ng libog kung ano man ang iyong ginagawa para ito magtagumpay.

Romansa – lasapin mo ang bawat sandali ng iyong buhay na tulad sa isang gabi nang pagtatalik. Langhapin mo ang bango at baho nito para mo malasahan ang tunay na sarap.

Pasukin – pasukin mo ang butas ng buhay mo masikip man o maluwang ito. Pag nasa loob kana ay umindayog ka nang husto ‘wag **** kalilimutang magtaas-baba sapagkat ganito ang buhay minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka.

Pag nalampasan mo na ang ang lahat ng mga ito saka ka lang lalabasan ng ligaya sa puso mo.
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go
aL Nov 2018
Ang saya ay kasama
Kahit na sa pagmasid na lamang
Sapat nang makita kang malaya
Pagmamahal nalang ay itago sa abang

Kung mapagkalooban pa man ng iyong pansin
Ako ay mas makasusumpong pa ng ligaya
Pagpatawad mo lamang naman sakin
Ay ang iisa at natatanging hiling ng aking esperanza

Sa iyong paglisan sa susunod na mga araw
May bagong makikilala't sa atensyon mo ay pupukaw
Samantalang ako'y patuloy na maghihitay pa
Sa aking puso't isip, ika'y dala dala
Sapagkat
.
.
.
.
.
iKaW LaNg ZaP@+ NaH. . . .
Jk
My name aint Ed but i am edgy
JAIDY Nov 2018
Noong una tayong magkita ramdam ko ang kaba,
Hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba,
Mga ngiti **** puno ng ligaya,
At ako'y balisa sa sobrang saya,
Sa wakas, Nakilala din kita,
Walang araw na hindi mo ako pinapasaya,
Lumipas ang ilang buwan,
At para bang may kakaiba akong nararamdaman,
Hindi ko alam, hindi ako sigurado,
Pero parang totoo,
Ako'y nahuhulog na saiyo,
Gusto kong magtapat sayo,
Pero inunahan mo ako,
At sinabe **** "Gusto kita"
Akala ko wala ng karugtong mayroon pa pala,
"Pero may mahal na akong iba."
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid,
Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip.
Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan,
Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan.
Ano ang pipiliin? Ano ang susundin?
Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin?
  
Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay,
Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan.
Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab,
Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan.
Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita,
"Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan,
Ang katotohanang wala kang paroroonan.
  
Ikaw na ninais ang siyang iginapos,
Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos.
Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay,
Aking tinalikuran pag-asang hinihintay.
Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan,
Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan.
Subalit matapos ang gabi ng panaginip,
Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit.
Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula,
Sa aking paglabas, kinatatakutan nila.  
  
Sa aking paglalakad sa mundong umiikot,
Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot.
Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid,
Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig.
"Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw,
Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw.
Nagpatiluhod at doon ay nagnilay,
Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay.
  
Isang katauhan ang nababalot sa liwanag,
Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay,
Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot,
Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot.
Supot na naglalaman ng buhanging Kristal,
Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya.
  
Kukunin ba kita at titikmang muli?
Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit?
Ano ang gagawin ng isipang sabog,
Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Simula ng makilala ka,
Buhay ko'y sumisigla,
Lagi akong masaya,
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya,
Aking pagsinta,
Bakit nga ba?

Naranasan ko ang mga pambihirang bagay,
Ang mundo ko'y naging makulay,
Binuhay mo ang diwa kong matamlay,

Ikaw ang aking lakas,
Pinakita mo ang aking magandang bukas,
Mula sa simula, gitna, dulo at wakas,
Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas,

Madapa man ako'y iyong hinawakan,
Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan,
Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan,
Ang mga puno't halaman,
Ang berdeng kagubatan,
Ang ganda ng kabundukan,
Lahat ng ito'y aking nasisilayan,
Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan,
Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan,
Daan tungo sa kaunlaran,
Ngunit ako'y nanghihinayang,
Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan,
Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan,
Di nila namamalayan,
Ika'y maaari nilang maging kaibigan,
Taglay mo ang naiibang kapangyarihan,
Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay,
Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay,
"Kempis "ka kung tawagin,
Ika'y,"Tagalog Christ"  naman para kay Ferdinand Blumentritt.


Alam kung di matatawaran,
Ang iyong kasiyahan,
Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan,
Mabuti kang sandigan!
Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan,
at di-natitinag na katwiran,

Mabuti kang larawan,
Nagsisilbing huwaran,
Magpakailanman!
Maipagmamalaki kahit saan,
Pangako ko ika'y aking dadalhin,
Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan,
Hanggang sa aking huling hantungan,
Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
Nakakalungkot isipin nakaka-unti na lamang sa mga kabataan ang nagbabasa ng aklat. Ang aklat ay magandang libangan na maghahatid sa atin sa rurok ng kaunlaran at tugatog ng tagumpay.
Argumentum Jul 2015
Paglalakbay

Nag-iisa, iniwan ng diwang naglakbay
patungo sa lugar ng kawalan
Naiinip, suya na magmasid
Sa paligid na pawang wala namang pinagpalit.

Kausap ang sarili,nakikibalita.
Baka sakaling may bagong malata.
Subalit naaagnas at walang katas.
Tuyo, upos at butas butas.

Humaplos baka sakaling may madama
Nakinig baka sakaling may maulinigan
Ngumanga baka sakaling may matikman
Na kaunting ligaya ng pawang mailap

Napukaw sa manhid na paligid
Nakinig sa saliw at lira Ng katahimikan
Lumasap ng malamyang putahe
Napalasap sa walang buhay na kalagaya
Pong Panugao Jan 2012
Paano nga ba sinusukat ang pag-ibig?
Ito ba'y depende sa tagal o oras nay ginugol?
O kaya'y sa dami ng regalong Natamo?
Ibig sabihin ba'y di mo ako minahal kahit paano?

Pinili kitang mahalin sa lahat ng nilalang
Hindi naman Ito isang karangalan Kung titignan
Ginusto kita kahit walang kasiguraduhan
Ginusto kita kahit pagtingi'y saakin lamang

Tama,oo sayo ito' ISA lamang Laro
Isang pagkakataong ang puso mo'y malibang,makalayo
Ako'y walang pangambang sumugod sa apoy
Sunog na tutupok sa aking puso't pagkatao

Lahat ng nangyari ay aking ginusto
Ang mapalapit sayo sa bawat segundo
Ang makilala ka sa anumang paraang alam ko
Ang maging bahagi ng buhay kahit saglit lamang Ito

Alam kong sa una, ikaw ay bukal na nagsabi
Hindi ikaw yung pumapasok sa isang relasyon
Na ako'y di dapat umasa sa iyong paglahok
Na ang pagmamahal na aking hinandog ay maibabalik ng lubos

Kahit paulit ulit sa isip ko'y sinasambit
Na ako'y di masasaktan ni katiting
Noong sinabi **** ako'y wag Munang mapalapit
Ang puso ko'y tumigil ng paulit ulit

Pinilit kong ngumiti Gaya ng pangako
Na ang iyong sagot ay matatAnggap ng lubos
Kahit pa ba ang luha ko'y dumadausgos
Ang aking puso ay hinawi ng unos

Gusto kita gusto kita bakit ba di mo makita
Matulungan lamang kita ako na ay masaya
Kundi man ako ang sayoy magpaligaya
Kung alam kong ikaw ay masaya puso ko'y panatag na

Bakit di mo ako pinayagan na sa iyoy umalalay
Ako'y gamitim **** saklay na gagabay sayong paa
Matulungan lang kita sukdulan na ang ligaya
Ngayon lahat ay wala na ako mgayoy nagiisa
Nexus Aug 2019
Kung isa-isahin ang nakaraan
simula no'ng ika'y aking niligawan
hanggang sa dumating ang kasalan,
maikukwento ko ng walang alinlangan
kung paano tayo nagsimula at nag ibigan.

hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay ay naaayon
sa kung paano natin gusto
at 'di lahat ay agad na natatamo.

Unang kita palang, napaibig na ako
Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo
walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako

sa isang tulad mo
puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido.

sa isang tulad mo puso ko'y
nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido.

Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit

Palapit ng palapit,
ang titig,  
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik
at ayaw ng mapapikit,

Akoy nag aasam at humihiling
sa panginoon
at biglang kanyang  dininig

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling

Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit
pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit

Palapit ng palapit,
ang titig,  
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit,

Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon
at biglang kanyang  dininig

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling.

dumating ka sa mundo
ko’t iyong niyanig
pinukaw ng iyong tinig

“Happiness Happiness Happiness”

Ang tinig na aking narinig
at napatulala at napatitig

Biglang nag usisa sa sarili nagtanong,
Paano ko ba mapapaliwanag
ang  hiwaga nitong pagmamahal na
kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa

Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala
linalaro sa panaginip

ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo

tuluyang hinamon ang matapang na puso
Hindi ka na malulumbay,

kapag nasisilayan ko ang iyong labi,
may taglay na ngiti
Pagod koy napawi,

limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi
kaya wag mag madali
pagkat atin ang sandali

At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo

andito na ang iyong
Sandalang Balikat
Na hindi madadaan sa gulat

Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay

Habang may ibinubulong
ang boses ****  malumanay

Umalis ng walang plano,
walang dala kundi ang puso.
pero saan nga ba patungo?

Bawat hakbang ng paa,
bawat hininga,
ninanamnam para sa ikasisiya
pero saan nga ba patungo?

Ramdam ang pagod
kinailangan ng tumukod
ngunit hindi susuko.
pero saan ba talaga patungo?

Marami ng nadaanan at natambayan
Pero di naman kaianaman

Hangang sa dumating na sa dulo na
ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo

Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay

Andito na ako

Sa unang pag kakataon
Sa araw ng mga puso  
Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo

Bungkos ng  rosas ay para sa iyo
Sa masayang araw at hanging maaya,

ang sinugong puso’y sumasaiyo
at ito’y magsasabing

Sa tuwa at dusa,
Hirap at ginhawa
Sarap at ligaya

Ang
“Balentayns”
Ko’y ikaw

Walang iba! ! ! ! !
Subukan naman
leeannejjang Jun 2015
Parang ulan na pumapatak,
Mga luha sa iyong mata'y tagaktak,
Gusto ko man itong punasan,
Dahil ikaw ay sinaktan,
Sa taong pinili mo,
Akala mo'y hindi ka iiwan.

Minsan ikaw'y lumapit sa akin,
Tinanong kung anong tingin,
Sa babae sa malayo nakaupo,
Na tila diwata sa iyong puso.

Pinilit ko ngumiti,
Tinago ng pilit,
Mga luha nagbabantang mahulog,
Dahil ang puso ko'y nadurog.

Umaasa isang araw ako'y masilayan,
Kahit kaunti sulyap lang ako'y maliligahayan,
Ngunit tila totoo nga,
Ang sinabi ng matatanda,
"Kung para sa'yo iha, ito'y kusang lalapit."

Kaya ngyon akin mahal,
Ikaw'y aking iiwan,
Pupunta sa kawalan,
Kung saan ang puso ko'y doon daan,
Para mahanap ang tunay na ligaya,
Sa piling ng iba.
Saksi ang buwan at mga bitwin
sa araw ng tayo'y nagkakilala.
Bawa't kilos at galaw,
at tinginan ng mga mata.

Saksi ang bawa't taong nakapansin
ng lambing ng pag-uusap
at kay lagkit ng mga tingin.

Saksi ang mga nanood sa entablado
kung pano mo siya napatawa
sa isang eksenang sa script eh wala.

Saksi ang mga ****'t ka-eskwela
sa isang pag-kakaibigang
puno ng kalokohan at saya.

Saksi ang mga kasama't kaibigan
kung paano nag-simula
ang di-inaasahang pag-iibigan.

Saksi ang mga kapamilya't ka-opisina
ang isang pag-sasamang
puno ng hirap at ligaya.

Saksi sila ng mga away at tampuhan
na pilit nating nilampasan.

Saksi ang buong mundo
sa lahat ng gulong nadaanan,
pero isang Saksi ang gumawa ng paraan.

Naging Saksi ang Diyos ng mga
pangakong binitawan,
na di kailanma'y maghihiwalay anoman ang pagdaraanan.  

Kaya’t narito akong muli
para tumupad ng pangako.
Na buong buhay kang pagsisilbihan, mamahalin at
di kailanman pa’y susuko.

- July 8, 2010
Gea Venise Oct 2020
Ang mabuhay ay ang hanapin ang ligayang hindi matatagpuan kung hindi payapa ang diwa.

Ang mabuhay ay ang panatilihing payapa ang diwang hindi makakamtan kung walang ligaya.

— The End —