Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Glen Castillo Jul 2018
Balanseng pakikibaka,
Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin
Ng pang araw araw ko ding pagtira
Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya

Magkabilang panig na inaasahan ng lahat
Na sana'y magpantay ang timbangan
Ngunit ang katotohanan?
Likas nang mas mabigat ang kabila
Kaysa sa nasa kabila.

Lahat daw ay pantay pantay
Sabi ng matandang kasabihan
Ngunit para sa akin?
‘Yan ay isang malaking kalokohan

Wala pa namang naging malinaw na paliwanag
Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan
Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay.
Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang

Sa lipunang,
Kailanma'y hindi na magiging patas
Sa mundong,
Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas,
Sa daigdig,
Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin

Paano pang mag-aabot ang langit at lupa
Kung mananatiling bakante ang gitna
Kung ang biktima ay lalong inaakusahan
At ang may sala ay patuloy na hinahangaan

O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan
Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip?
Hanggang kailan tayo maaaring maidlip?
Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis?
Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis?
Tayo ba'y ang mga sigaw
Sa kwebang walang alingawngaw?
Hanggang kailan tayo magtitiis
Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
aennij Oct 2018
mababa man o mataas ang lipad,
nagiisa ka sa himpapawid.
sana ay iyong matupad,
layunin **** matuwid.

ikaw ang agila,
tanyag at sikat.
ikaw ay aking maalala,
'pagkat ikaw ay tapat.
tula para kay Hen. Gregorio del Pilar
JOJO C PINCA Nov 2017
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag mo’ng sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya.

Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera.

Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
Jose Remillan Oct 2013
Vous manquez tellement mauvais ce soir, mon bébé!
Vous souhaiter étaient là pour me tenir la main et de dire:*
"Vous pouvez le faire, ma ... "

Pinaghiwalay tayo ng himpapawid
at ng layunin **** itawid ang kahulugan
ng iyong buhay sa ibayong kalupaan.

Dahil alam nating muling hahalik ang luha
sa ating mga pisngi sa oras na agawin ka na
ng bitbit **** mga bitbitin, saglit tayong

humimpil sa huling kumpisal ng ating
damdamin: "Hindi ito paglisan. Tayo ay
pipisan sa isang katiyakan na ang pag-ibig,

kailanman, 'di tayo iiwan." Sino nga ba sa atin
ang patungo saan, saang lupalop at hangganan?
Hangganan ngang maituturing ang sinambit ng

ating puso: "Ce n'est pas quitte. Nous allons rester
dans la certitude que l'amour, pour toujours,
ne nous quittera jamais."
Para kay KHIWAI, ang aking pinakamamahal na kakawat at kababata.
Para kay MAMA BERN at sa kanyang BEBE.
Read more poems by Filipino poets at http://www.rabernalesliterature.com/

Quezon City, Philippines
October 2, 2013
kahel Nov 2016
Ano nga ba ang layunin ng oras?
Mas matimbang ba ito sa mga makikinang na alahas?
O mas mapula pa sa pag usbong ng mga sariwang rosas
Ito ba talaga ay nagbibigay lakas?

Hindi sapat ang pagluha upang makabawas
Para saluhin ang mga masasakit na hampas
At sa mga sugat na walang lunas
Na nag iiwan ng mga malulungkot na bakas

Kung saan lumaban at nakipagsapalaran ka naman ng patas
Ngunit pakiramdam mo sa bandang huli ay ikaw pa din ang olats
Dahil ba biglang bumida ang mga mapalinlang na ahas?
Na pumupulupot sa leeg na parang isang kwintas

At pumipigil sa mga kasinungalingang pwedeng ibigkas
At inaakalang wala ng pag-asa upang makaligtas
Kulang pa ba ang kinaing bigas?
Harapin ang mga ito ng walang kaba at di pag iwas

O kaya naman gawing posas para masiguradong walang takas
Sa mga bagay na iniingatan magkaroon ng maliliit na gasgas
Hirap tuloy matukoy kung ito ba ay pagkakataong maging swerte o malas
Pwedeng maghintay, wag ka nga lang masobrahan at baka di mamalayan na lumampas

Ang bawat segundo ay hindi tulad ng pera na basta lang winawaldas
Hinay-hinay lang dahil hindi na maibabalik ang bawat minuto na lumipas
Ang maganda dito ay wala itong sinusunod na anumang batas
Dahil ang oras ay isang pinakamumunting regalo na walang hinihinging katumbas
Na pwedeng i-alay sayo ng isang taong nagmamahal ng wagas
Sy Lilang Nov 2015
112715 #4:47PM

May linyang pahalang at patayo,
Ni hindi magpapatisod sa pising sinusuyo.
Sila’y liliko sa bawat espayo,
Bagkus Ako’y sa’yong puso ang tungo.

Mag-aabang sa bawat palapag,
Sana sa beranda’y, ikaw ang siyang umaga.
Sana sa kusina’y maihain ang tama –
Tamang timpla ng walang tagas na pagsinta.

Isasantabi Ko ang mga butil na balakid,
Hahaluin ang konkretong sabaw ay sirit ng pag-ibig.
Papalitadahan natin ang kisameng may bituin,
At doon tayo niningas ng panimulang may layunin.

Irog, ang puso Ko’y nasa hulog at hinog,
Kasingputi ng pinturang
pantapal sa putikan **** suot.
Nang minsang nilukot ang puso **** papel,
Ni hindi ito nayuraka’t nalumot sa lente Kong nasa lebel.

Hayaan **** iguhit Ko ang bukas,
Nang pundasyo’y uugat sa bato’t di patutumba.
Hubad at bitak-bitak ang luwad **** pagkatao,
Kaya’t di hahayaang kontratahin ng iba.
At sa akin sana’y magpaubaya ng “Oo”
Nang maging ako na ang butihin **** Arkitekto.
(Feat. Architecture, Courtship, Godly Relationship)
kingjay May 2019
Sa lugar na malawak
mga paa ay di magawang makatongtong at nanatili lumulutang
Pangyayari na di kailanman magaganap

Kathang isip ay isalin
sa gawa at nang maging
ang kaganapan sa imahinasyon matutupad
Magpursigi sa gusto
Imahinasyon ay totoo

Sa pamamagitan ng patpat ay gumuhit sa lupa ng larawan
kung ano ang nakikita sa harapan
ay sandalan ng likuran

Lalangin ang layunin
na sa buhay ay may kahalagahan
sa bisyo't sugal kung nahahalina
Dumikit sa dating landas at kasaysayan

Pagmamahal na maging mito
Isang buang, tumatahol na aso
Di na isasalin pa
sa wika na nasnaw ng dila
Maaalala muli ang pagmamahal na di nagmamaliw
JOJO C PINCA Nov 2017
“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.”
― Eleanor Roosevelt

May mga gabi na puno ng lumbay kung saan mapapait at puno ng lungkot ang mga ala-alang hatid nito. Madalas na hindi ka nito pinapatulog. May mga umaga naman na nagpapagunita sa mga dalita at mabibigat na salita. Minsan kahit sa init ng katanghalian ay nararamdaman mo ang matinding lamig – ang panlalamig na dulot ng takot, takot na harapin ang kawalang katiyakan ng bukas na darating.

Malaya kaba’ng talaga o baka naman nakatago lang ang iyong mga tanikala? Bumabangon sa umaga’t naghahanda para pumasok sa opisina na isa ring selda. Kumakain pero walang nalalasahan, tumatawa nga pero ang totoo ay nalulungkot, nabubuhay pero talo pa ang isang bangkay pagkat walang kabuhay-buhay. Nakikipagtalik ang katawan na hindi marunong tumangkilik.

Paano nga ba ang mabuhay nang wasto at hustong-husto? Yung puno ng pag-ibig at walang ligalig na sadyang matatag katulad sa isang kamalig. Nadidinig mo pa ba ang huni ng kuliglig sa ‘twing sasapit ang hapon? Ang buhay ng tao ay sadyang maligalig. Ang panaghoy ng mga walang kayang lumaban sa dagok ng malupit na kapalaran ay laging naririnig sa ‘twing kumakagat ang dilim.

Hindi lang minamasdan ang mga bulaklak, kailangan mo rin itong samyuin para mo mapahalagahan. Paano mo malalaman ang lalim ng dagat kung hindi mo ito sisisirin at ano’ng saysay ng taas ng bundok kung hindi mo ito aakyatin? Hindi sapat na sabihin na s’ya ay iyong iniibig, kailangan mo rin s’yang yakapin at halikan. Ganito mo dapat na ipagdiwang ang buhay.

Pero hindi ito magawa ng isang tulad mo na alipin ng takot at sama ng loob. Kailangan kumawala ka sa anino ng nakaraan at ‘wag mabuhay sa hinaharap. ‘Hwag kang makipagtalik sa multo ng nakaraan dahil hindi ka lalabasan, puro luha lang ang tiyak na papatak sa iyong mga mata. Maging makasaysayan at makabuluhan ito ang dapat na maging layunin. Kalimutan ang kabiguan at maging masigasig, yakapin sa’yong bisig ang ngayon. Hawiin ang lambong ng gabing tumatakip sa paningin sapagkat ito’y nakakabulag.
Sa paglipas ng panahon at makabagong sibilisasyon, maituturing pa bang wikang pambansa ang wika natin ngayon?
      Ito ang malaking katanungan na naglalaro sa aking isipan. Tila binabagabag ang aking isipan sa aking mga nasisilayan. Kaguluhan, Hindi pagkakaunawaan at sari-saring hindi magagandang salita ang naglalaro sa nakararami. Bakit? Bakit patuloy pa rin tayo sa masamang gawain na ito?
      Ngunit ang wika ay walang ibang hinahangad kundi kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan dahil ang wika nation ay tunay na daang matuwid. Dahil ang wikang matuwid ay iisa lang ang layunin, ang bigyan ng tuwird at masaganang buhay ang bawat mamamayan.
      Balikan natin ang malaking katanungan, wika pa bang maituturing ang wikang pambansa ngayon?
      Tama! Wika pa ngang maituturing ang wika natin ngayon sapagkat ito ang nagbubuklod sa pusong wasak, pamilyang watak-watak at Pilipinong away at gulo ang dulot sa mundo.
      Ang wika ay matuwid tulad ng pag-ibig. Siya ang nagbibigay buhay sa mga Pilipinong katulad ko.
kahel Aug 2016
Para tayong nasa isang jeep,
May iba't ibang pupuntahan.
Mayroon doon sa malapit, sa kabilang kanto o sa dulo ng bayan.
Hindi magkakakilala pero iisa lang ang layunin.
Ang makarating sa pinaroroonan.

Para tayong nasa isang jeep,
May nagmamadali, may chill lang.
Naghihintayan at nagmamasid...
Kung sino ang unang magbabayad ng pamasahe.
Kung kanino i-aabot ang pamasahe.

Para tayong nasa isang jeep,
Ayaw umupo sa pwesto malapit sa driver dahil may instant trabaho na agad
Taga-abot. Taga-bigay.
Kailangan sumigaw para marinig.
Kumapit ng mabuti para hindi mahulog.

Para tayong nasa isang jeep na walang ibang ginawa kundi ang makipagtitigan.
Habang ang ating mga mata ay nag-uusap at nag-kikislapan.
Para tayong nasa isang jeep na handa makipagsiksikan para lang makauwi.
Habang ako, sayo ay wala ng espasyo .
Kasya pa ako pero mas pinili **** pasabitin na lang ako.

Na traffic lang tayo saglit bigla ka na lang pumara at sabay baba sa buhay ko.
Na parang nakalimutan mo ilagay sa bag ang baon mo
O kaya naman di ka sigurado sa direksyong patungo
Hindi ko na nakita ang mukha mo dahil sa kapal ng usok na buga ng tambutso
At hindi ko man lang naibalik sayo ang sukli mo,
Nahawakan ang mga kamay mo at napigilang maglaho.
May mga bagay na kailangan
Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan
Na ang dating buo ngayon ay sira na
Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na
Paulit ulit na binubulong ng aking isip

Maraming tanung sakin isip
Paano nga ba ? Anu nga ba?
Wala na bang pag asa ?
O kailangan ko nalang tanggapin
Na aking magulang ay wala na

Wala na??? Wala na ?? Wala na!!
Wala ng pag asa na maging isa muli
O hindi na ba ma bubuo muli
O kailangan kung tanggapin na Aking magulang ko ay may iba ng pamilya
Oo meron ng ibang pamilya !

Aking sambit sapagsapit ng pasko
Sabi ko kahit walang handa sa pasko
Basta buo ang pamilya masaya na ako
Pero nagkamali ako sapagkat ako'y mag isa nalang
Ito ang unang pasko na hindi tayo magkakasama
Ito ang unang pasko na ako lang mag isa.

Lagi mo sanang tandaan sakabila ng ulan meron bahaghari
Magkakaroon muli ng mga ngiti sa labi
Lage mo sanang tandaan iwan ka man ng iyong ama't ina
Ako'y nasa tabi mo na
Ako'y mananatili sayong piling

Handang sumagot sayong hiling
Ika'y manatili lamang sakin piling
At ako'y mananatiling sayong piling
Ang mga sinira ay aking bubuoing
Ang mga nawala ay aking hahanapin

Sapagkat nung Una pa man ito na aking layunin
Sakin lamang ay magtiwala at manalig
Buong puso sakin ay isalig
Hindi kita pagkukulangin
Patuloy kitang mamahalin

Ang iyong magulang aking gigisingin
Sa maling mga hangarin
Upang ibalik sa dating nitong layunin
Kung sa tao ito'y impossible
Sakin ay possible

Magkatiwala ka lang sakin
Lahat ay aking gagawin
Diyos ay may layunin.
Reign Mar 2018
Hindi ako si Carmelita Montecarlos,
Na nanggaling pa noong sinaunang panahon
Bagamat hindi rin ako si Carmela Isabella,
Na minahal ng maginoong Juanito Alfonso.

Pero ang sarap ulit-ulitin ng storyang makaluma pero pwedeng maging makabago.
Ang sarap magmahal kahit na hindi mo magawang makamit ang taong gusto mo.
Ang sarap niyang hagkan kahit ni isang yakap hindi maibigay ng tadhanang magulo.
Ang sarap isipin na sana lahat ng tao seryoso at totoo.

Pero gaya nga ng sabi ni Madam Olivia sa storyang ito.
Maari **** ibahin ang layunin ng tadhana
Dahil ang tadhana lamang talaga ang gugulo sa inyong storya.
Maari kang magmahal ng iba,
Pero ang puso mo? Kaya pa ba?

Isa lamang ang natutunan ko sa istoryang ito.
Ang lumaban at 'wag takbuhan ang anumang pagsubok na binibigay ng Diyos.
Ang lumaban sa pagmamahal hanggat may ipaglalaban.
Ang maging matatag at 'wag magpapalinlang sa tadhanang kalupitan.
Jun Lit Dec 2018
Nais kong humimlay
ang tibok ng puso
sa saliw ng taludturan
Subalit pipi ang mga daliri
sa pagdiin sa tipaan.
Mga hikbi’y nalulunod
sa naiwang bakas
naghihingalong daing
kalungkutang di-matawaran

Para na kitang anak, at maraming salamat
Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin
At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat
hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin

Narating mo ang rurok
At iyong hinawakan ang mga alapaap
ng iyong malaon nang pangarap
Sa musmos **** puso
namulaklak ang maliwanag
Sa isip na pinagpala
nagbunga ng pang-unawa,
karunungan at syensya’y para sa madla,
ipamahaging parang kawanggawa.  

Hinahanap ka ng mga kabag
na kinatakutan ng iba
ngunit iyong kinilala’t niyakap:
“Nasaan na si Kuya namin?
Bakit di pa dumarating?
Tutubusin niya kaming pawa
sa panganib ng pagkasira.”

Naghihintay mga bundok at gubat
May luklukan pa sa yungib
kung saan namamahinga ang malayang pangkat.
Subalit tahimik, walang sumasagot . . .
Puyat ka sa magdamag
ng buhay **** makulay at tampok.
Hindi ka sumasagot -
Naabot mo na pala ang tugatog.

          Magkaganun man, malayo pa ang layunin
          Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin
          Paalam kasama, kaibigan namin.
          Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
Dedicated to the memory of James de Villa Alvarez, 21 April 1991-08 December 2018, who perished while on fieldwork as a wildlife biologist on Mount Apo in Mindanao, The Philippines. The poem summarizes my appreciation for him as well as my feelings of sadness and great loss, he being a protege who we expected to continue our science and advocacies.
Dirk Salimus Sep 2018
Inyong pagindapatin na ihayag ko sa inyo ang buhay na may saysay
Ako'y hayaang ilahad ang karikitan at kagandahan ng bawat kulay
At ituro ang importansya at kahalagahan ng bawat bagay
Na sa hamak na samyo lamang ng aking pakiramdam nakabatay

O kaysarap gumising sa bawat araw na may panibagong diwa
Habang natatamasa,nalalasap,iyong dama ang kanyang awa
O kaysarap gumising na sa iyong labi'y may ngiti't tawa
At hindi luha sayong mga mata na tila walang tilang naglalawa

Kaysarap gumising habang ang araw ay unti unti nang sumisikat
Pakinggan ang nagsusumamong alon sa dalampasigan ng ating dagat
Pakinggan ang mga huni ng ibon na tila walang tigil umaawit
Masdan ang kagandahang na hamak **** kaalaman ay hindi malilirip

At hindi ba't kaysarap gumising na may layunin ka't mga pangarap
Na iyong batid na may paroroonan ka sa iyong hinaharap
Masarap gumising sa umaga para sa iyong mga sinisinta't minamahal
Dala dala ang kanilang kalinga,aruga,pagibig na nagtatagal

Subukan **** pumikit,alalahanin ang mga alaalang nananatili **** sandigan
Mga rason, mga batayan, at iyong mga dahilan sa iyong patuloy na paglaban
Ngayon dumilat ka,sabihin mo sa mga mata ko,na ikaw ay nahihirapan na
Sabihin mo sa aking kung anong dahilan,para ikaw ay sumuko pa

Dahil lahat ng mga ito ay sayo at sayo'y nagtitiwala at patuloy na umaasa
Wag **** hayaan malinlang ka ng nakikita ng iyong mga mata
Wag **** pahintulutan pa pigilan ka ng mga bulong sayong magkabilang tainga
At hayaang manaig ang iyong puso at kung ano ang ninanais nitong talaga

Kaya bumangon ka,tumayo,tumingkayad at masdan ang ating mundo
Sandaigdiga'y ngumingiti,bumabati,lumulundag,kumakaway sa harapan mo
Iilan pa lamang yang mga patotoo,iilan pa ba ang iyong iniibig?
Na akin pang sabihin at nang ikaw,ikaw,at ikaw rin. kasama ko, ay manalig

Para sa mga hindi pa kumbinsido,ito'y para sa inyo:

Isigaw mo,Umiyak ka,humagulgol sa aking harapan,at kahit ako'y yakapin pa
Alam kong di mo na kailangan,pero kung kailanga'y ipapaalala ko sayo ang iyong halaga
Ipaparamdam ko na ang mundong ito'y kailangan ka,Bigyan ang mundo ng tanaw
At sabihin mo sa akin kung bakit kaysarap gumising sa bawat araw
Spoken poetry I made for a friend
Ang Crim. sa puso ko ay parang Hathoria ng Encantadia
Pula ang simbolong kulay nila
Narito ang pinakamaraming lipi sa Encapsudia
Hitik sa mga nais maging mandirigma

Ang Crim. sa puso ko ay parang Zerg sa Starcraft na laro
Pula ang sagisag na kulay ng mga ito
Layunin nila ang magtanggol at magserbisyo
Kung ang Zerg para sa kanilang imperyo – ang mga pulis para sa kanilang estado

Ang Crim. sa puso ko ang nagmulat sa akin
Na ang mga alagad ng batas ay dapat idolohin
Higit sa paggalang, sila ay karapat-dapat huwaranin
Sapagkat nais nila ay maglingkod at prumotekta sa atin

Ang Crim. sa puso ko ay parang Zerg at Hathoria
Dito ko nabatid ang matinding puwersa
Nag-aalab na layunin para sa kapwa, nagpupuyos na mithiin para sa bansa
Salamat sa mga taga-Crim. na aking nakasama!

-10/23/2017
(Dumarao)
*a tribute to Crim. of CapSU-Dumarao
My Poem No. 558
Azumi Rabulan Jun 2020
Para bang isinilang tayo mundo
upang umibig
at mabigo nang paulit-ulit.
Virgel T Zantua Aug 2020
Huwag mo ng dagdagan ang bigat
At baka hindi ko na mabuhat
Mga sinasabi mo'y salungat
Sa mga nakasulat sa aklat...

Ano ba talaga ang layunin
Walang tigil kung ako'y inisin
Nakakalito kung iisipin
Wag selos ang iyong pairalin...

At bakit ka nga ba nagagalit
Ano ba ang iyong hinanakit
Dahil ba sa hindi mo napilit
Ang pagmamahal mo sa may sabit...

Pagkatao mo'y nakakatakot
Ang kaisipan mo ay baluktot
Kahit sino ay napapaikot
Sa daldal ng dila **** kulikot...

Ano ang gusto **** patunayan?
Na ikaw ay angat sa lipunan
Ang anino mo'y may kayabangan
Ngunit natatakot sa harapan...

Ano man ang gawin kung pag-iwas
Di niya ako pinapalampas
Sa mga kwento na walang basbas
Sinisira ang isipang wagas...

Sa katotohana'y sumasabay
Upang pagbabago'y maging tunay
Ayoko na ng magulong buhay
Tumigil ka at magnilay nilay...
Ako ay isang Heran
Oras ng kadakilaan
Ay aking babalikan!

Ako ay isang Heran
Basbas ng kalangitan
Ay aking panghahawakan!

Ako ay isang Heran
Layunin ng isipan
Ay aking paninindigan!

Ako ay isang Heran
Nakamit na karangalan
Ay aking ipaglalaban!

-12/02/2014
(Dumarao)
*palaban mood
My Poem No. 285

— The End —