Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lasapin" poems
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Bastos? Aba hindi ah, ito ang pinaka angkop na tayutay patungkol sa buhay. Makinig ka lang at malalaman mo na ang gagawin kong paghahambing sa pagkakatulad ng buhay at pagtatalik ay totoo. Ganito yun: Libog – oo, kailangan mo ng matinding libog kung gusto **** maging maligaya sa buhay. Kailangan na punong-puno ng pagnanasa ang damdamin mo dahil kung hindi ay mababagot ka at mananamlay. Kailangan na lagyan mo ng libog kung ano man ang iyong ginagawa para ito magtagumpay. Romansa – lasapin mo ang bawat sandali ng iyong buhay na tulad sa isang gabi nang pagtatalik. Langhapin mo ang bango at baho nito para mo malasahan ang tunay na sarap. Pasukin – pasukin mo ang butas ng buhay mo masikip man o maluwang ito. Pag nasa loob kana ay umindayog ka nang husto ‘wag **** kalilimutang magtaas-baba sapagkat ganito ang buhay minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka. Pag nalampasan mo na ang ang lahat ng mga ito saka ka lang lalabasan ng ligaya sa puso mo.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 12:29 AM UTC
Ang Buhay ay Parang ***
Pumikit Lasapin ang bawat saglit na lumalangitngit ang pawis sa inyong balat na magkadikit. Huwag niyong ipagkait sa apat na sulok ng silid ang kanilang karapatan masilayan ang inyong pagmamahalang saglit Igapang mo ang iyong mga nananabik na daliri sa pambalot ng kanyang laman, Sa bawat segundong inuudyok at kinikililiti ang iyong kasiping isiping siya ay isang anghel na ipinadala ng diyos ng dilim ng silid Manampalataya Manalangin na ang sandaling maglapat ang iyong labi sa kanyang katawan ay pang-matagalan Na ang pagsamba mo sa kanyang katawan ay magiging makatarungan Iyong lubusin ang pag-halo ng laway at pawis Tumingin sa pagkinang ng namumuong asing itinuturing **** bituin dahil sa bawat paglamas ng inyong dila sa isa't-isa, dahil sa pagdurugo ng labi, dahil sa panggigil at kagutuman at libog ng katawan at isipan Hangga't siya'y nagugutom at uhaw sa maling pagmamahalan– Kumapit Hayaan ang sarili maipit sa kanyang bisig sa tuwing pipilipitin niya ang iyong isip gamit-gamit ang kanyang mga matang nanlilisik sa pagnanasa at tamis na kay pait Ang kanyang mga mata na nagpapakita ng kaluluwa na umiiyak dahil hindi kayo para sa isa't-isa Iyong nahihinuha na pareho lang kayong dalawa, parehong kumakapit sa ideya na ang pakikipagkantutan ay paraan para mahanap ang pag-ibig na bumabalot sa mundo't umaakap Umakap Panghawakan ang alapaap at huwag kang kukurap para masilayaan ang pamumuo ng mga ulap sa kanyang mga mata, Ang pagbaha ng inyong mga kalooban dahil sa pagragasa ng inyong kahayukan Ngunit wag kang magpahinga. Hayaan mo siya ang mauna sa pagpapahinga, Ito ay senyalis ng pagkapagod at pagsuko sa kasiyahan na inyong tinatamasa Masasabi **** masalimuot ang karanasan na ito kahit nilubos mo ang pagkakataon na kayo ay nag-indakan sa bawat sulok ng silid na madilim na sa pagtapos wala na kayong ibang magawa kung hindi– Huminga Huminga ng malalalim bago umalpas ang inyong kamunduang pangsandalian At sa pagwaglit ng iyong hanging ibinuga, tanggapin sa sarili na libog lang ang inyong nadama
0
Feb 2, 2017
Feb 2, 2017 at 2:09 PM UTC
Pumikit

Continue reading...
29
Lasapin ang bunga ng paghihirap Puso, isip at kaluluwa lang naman Ang iyong nilaan para ikaw ay bigyan ng kaunting sahuran. Kung minsan, napapagod Ay, madalas nga palang pagod Ang katawan man ay bumabagsak Gagaling ka rin at Itutuloy ang paghihirap Sabi ko noong bata pa ako "Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko. Pagka't gusto kong pagalingin ang bawat maysakit na tao." Hanggang sa nagpagtanto **** Habang lumalaki Ni hindi naman pagiging doktor ang gusto mo paglaki Ako ay sinanay upang maging alipin Upang siyudad ng sikat na Politiko ay yumaman sa aming kamay Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad Nalilipad-lipad at napunta sa "tagapaglingkod ninyong totoo, kami ay kasangga ninyo." Sabi nga ng ilan ay Buhay ay sadyang gulong ng palad Hindi ako naniniwala dahil, ikaw mismo na nabubuhay ang siya lamang makapagsasabi at makapagdidikta ng iyong kapalaran Nasa iyong kamay ang kasagutan Kaya pakilusin na ang mga paa Buksan ang iyong mga mata Pakinggan ng iyong mga tenga ang bawat hinaing Ito ay magbabago rin kung bawat katawan ay kikilos sabay-sabay muling galawin Tayo ang sagot sa hirap na dinaranas Tayo rin mismo ang makapagbabago Ng kung ano mang ang nakasanayan Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil Tayo lamang Tayo lamang ang pagbabago.
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
"Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko"
Bukas Samahan mo ako Pagsapit ng takip-silim, Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula Tapos kukupas sa mga bituin. Samahan mo ako Sa tabi ng kalsada Kaharap ng mga naglalarong bata Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia At lasapin natin ang malamig na hangin Na humahaplos sa atin ng kay lambing. Halika, Balik tanawin nating ang nakaraan At mangarap ng mas malaki pa Para sa kinabukasan. Wala nang lihim na itatago, Walang kahinaan na ikakahiya. *Ikaw ay ngingiti. Ako ay tatawa.* Bukas.
0
Jan 29, 2014
Jan 29, 2014 at 10:38 PM UTC
Bukas.
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag **** sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya. Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera. Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
0
Nov 29, 2017
Nov 29, 2017 at 1:49 AM UTC
MICRO AGENDA

3
Kape tayo. Ano ba ang gusto **** timpla? Yung naka 3-in-1 nga ba? Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa? Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba? Pwede rin yung sweet, Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit. O kaya, yung purong-puro din? Yung matapang na at kaya kang gisingin sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin? Ano nga ba talaga gusto **** timpla? Eto, kape, asukal at iba pa. Ikaw na ang bahalang magtimpla. Dahan-dahan lang at 'wag madaliin, Bawat patak ay iyong lasapin. At sa tamang oras ay makukuha mo rin ang inaasam-asam ng iyung damdamin. Kahit matatagalan man ay ayos lang Kahit magkamali ay okay pa din naman, basta't makukuha mo yung lasang matagal mo nang inaasam-asam. At sa tamang panahon, yung mga tamis at paet ng kahapon ay hamak na magiging leksyon sa pagtimpla ng perpektong lasa. So ano, Tara kape?
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 8:31 AM UTC
Kape
Oras, Oras lang naman ang pagitan Ng pagsisisi at ng kasiyahan. Bawat pitik nitong orasan ay katumbas ng mga alaala nating di na pwedeng balikan. Bawat ngiti sa iyong mga mukha ay magsisilbing mga kayamanan ng mga alaala ng nakaraan na kailanman ay di mawawala sa aking mga isipan. Kaya't lasapin mo ang bawat oras na lumilipas, labanan mo ang mga balakid sa ating paligid, lampasan ang mga hadlang na dumaraan, at ipagpatuloy ang laban para sa iyong kinabukasan. (Time is our worst enemy, but it can be our greatest ally when used correctly)
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 7:40 AM UTC
Oras
Hinahaplos ko ang mga hita mo Ayaw kong matapos ang araw na 'to, Sapagka't ang sarap ng ganito Puno lang ng ligaya sa piling mo Inaabot ko ang diwa mo Inaabot mo rin ang diwa ko Nararamdaman natin ang bawat isa Sinusulit lang talaga ng may kusa Isipan ay malabong mabalisa Binubulong sa'yo ang mga salita Mahal kita sa puso't gawa Malayo lang, tila nakakaulila Idilat mo ang mga tulikap mo Ngiti ang sasalubong sa'yo Yakap ang sasalubong sa'kin Lahat sa'yo masarap lasapin
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 7:12 AM UTC
Lahat, Takas Reyalidad