Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"langhap" poems
Langhap. Kumuha ako ng isa galing sa inalok **** kaha, Hinawakan ko 'to na tila bang nakasanayan ko na, Naka-ipit sa hintuturo at hinlalato, Nilagay sa aking labi, Hinihintay ang pagsindi mo nito, Nilapit ko ang sigarilyo sa sumasayaw na apoy upang magsalubong, Bago lumanghap, Ramdam ko ang puso kong kumakarera sa kaba Tila bang nagpupumiglas lumabas, Langhap. Ubo. Buga. Langhap. Ubo. Buga. Hawak ko ang isang kahang inaalok ko sa'yo, Nasa bulsa ko ang isa pa na uubusin pag-uwi, Kumuha ka ng isa, Sinindihan, Ako ang lumapit habang nakasabit sa'yong labi Na tila bang naghihintay kang sayawan ng apoy, Langhap. Buga. Langhap. Buga. Hawak ko ang kamay mo na tila bang ang tagal na natin nagsama, Nakakapit, ayaw bumitaw, parang dalawang bagay na ginawa para magsama Hinintay ang tamang oras, Nilapit ko ang sarili ko sa'yo, Umaasa na marinig mo ang tibok ng puso kong kalmado, Nagsalubong ang ating mga labi. Sa wakas, sa wakas. Buga. Lumipas ang ilang linggo, Tinigilan kita. Hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa sinabi nila na hindi ka nila gusto Sinabi nila na nahulog ako sa'yo ng husto Hindi ko alam na kasalanan na palang mag mahal ng sobra Isang buwan nakalipas, Hinahanap ka na ng kamay kong wala ng kinakapitan, Ng labi kong wala ng hinahalikan, Ng mga baga kong naghahanap ng usok na naging tama para sa kalusugan, Hinahanap kita. Tatlong taong nakalipas, Tumigil na akong maghanap. Buntong hininga. Tinanggihan ko ang isang sigarilyong nakalawit sa kahang inalok mo, Inipit ang aking mga labi, Pinigilan ang sarili, Pinigilan ang pagpapapumiglas ng puso kong hinahanap ka pa rin. Naglakad ako palayo, huminga ng hangin na tila bang bago pa rin sa'kin Sa wakas, Hindi na kita hinahanap. Sa wakas.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 4:41 AM UTC
Usok

Continue reading...
57
Oh napakasarap, langhap na langhap, Amoy **** ubod ng sarap, Na tila animo'y lasap na lasap Ang mala-Rosas **** humahalimuyak.
0
Dec 6, 2014
Dec 6, 2014 at 3:37 AM UTC
Rosas
Kailangan ko pa ba talaga ipamukha sayo yung mga pagkakataon na pinababalikat mo sa akin yung mga sandaling di ka makatayo sa sarili **** mga paa. Gayon pa man tiklop-tuhod akong tumatalima sayo kasi nga mulat ka sa pagiging bukas-palad ko. Ako naman pikit-matang nilulunok yung mga pride na meron ako kahit pa Alam Kong mapapasubo ako doon sa mga kamay na bakal kung saan hawak tayo sa leeg. eh Kasi nga kargo kita. Kahit ano pa mangyari hanggang sa Huli , ako pa din ang magsisilbing kinatawan mo ! mga binti at sandugo sa braso pati nga saradong kamao ang tinataya ko kahit wala yon sa aking plano Para lang mapugto at mapanuto ang bawat buntong hininga mo pero bakit tila yata Kulang pa rin aking panlabas na anatomiya Daig ko pa ang nananahan sa turok ng anestisya... Lamang-Loob ko ba ang siyang dapat na maialay o konsensya? Sabihin mo mang wala akong puso sa tuwinang pawis at luha ang aking batayan Kung bakit ang bigat sa aking pakiramdam na ikay nabibigo ng mga payo ko sayo na kinakasama ng yong kalooban marahil Kung minsan. Tulak ng bibig Kabig ng dibdib Hanggang kailan mo ako paninindigan ng aking mga balahibo sa balat ? Kapag huli na ba ang lahat ? Sana naman dumating na sa atin Yung mga araw at oras na ating aralin Mga hiblang gabuhok para wala na tayong susuyurin.. Kasi nagkakatotoo rin ang pahiwatig ng pulso at mga maseL,,, Di lang Anghel at kaluluwa ang pwedeng magmensahe ng mga dapat nating tulak-kabigin ! Ngayon sana Langhap mo na yung parirala kahit hindi buo ang diwa... Kasi..... may tainga ang Lupa may pakpak ang balita Bukas makalawa di ko na magagawa pang sa harapan mo na.. magsalubong ang mga kilay ko kasi... siguro tinik sa lalamunan mo ako kung ituring. Pero ang lahat ng pangugusap Kong ito ay talata na ngayon ng bawat kabanata na minsan ko nang pinalipad sa hangin bilang isang Pasaring. " sibuyas " ni : © solEmn oaSis The february 25 EDSA day commemoration written- 02-21-2024
0
Apr 13, 2024
Apr 13, 2024 at 1:56 AM UTC
" sibuyas "

35