Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lamon" poems
Sarili mo lang ang palaging iniisip mo,
 Samantalang siya ay nakatuon sa kapakanan mo, Hindi umiikot sa iyo ang mundo,
 Katulad ng hindi masusunod ang lahat ng iyong gusto. Ayusin mo ako, pagmamakaawa mo,
 Hindi mo ba alam na siya yaring nababasag ang pagkatao?
 Bawat haginit, bawat piraso,
 Buuin mo ako, iyan ang utos mo. Wala kang mararating kung sarili mo lang ang iisipin, Para kang isang pating na kahit anong lamon ay tila gutom pa rin,
 Paano kang mabubuo kung ang kahapo'y binabalikan mo,
 Bakit hindi mo subukang tumingin sa kung anong nasa harap mo? Aking kaibigan, wag kang magpakahangal,
 Sa larangan ng pag-ibig ay walang mahahalal,
 Kung ika'y makasarili, walang magtatagal,
 Puso'y mawawasak, dila'y laging mauutal. Tulungan mo akong buuin ang sarili ko,
 Ikaw ang kailangan ko, ang siyang wika mo, 
Hindi magtatagumpay, pagkat sarili'y hinihimlay,
 Sa bakas ng kahapon ika'y ayaw maglubay. Ito na ang huling tulang isusulat para sa iyo,
 Kung hindi mo pa rin bubuksan ang isip mo'y bahala ka na sa buhay mo,
 Aking kaibigan, isipin mo ang kaniyang kapakanan, Huwag mo na sanang hintayin na ikaw ang siyang mawalan.
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:51 AM UTC
Aking payo.
Kumalabit dugo'y dumilig kasama ang nangilid na patak ng luha at sa kabila ay sa usok ng bakal nakangiti Mga Gintong ihinagis sa mga buwaya at babuyan Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam Wala na ngang pagkaalam Basta kain lang, lamon lang. Umuusok sa dami ng nakisakay Mga pekeng tagapalakpak nakakabasag na halakhak Mga nakakakita, nabubulag sa tila Pyesta ng de-kalabit Iyak di marinig sa mga manhid na nakamasid Tago, takip, tagpi itinuring na tama ang mga mali Teka, karapatan mo’y imamali panandali? at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli? Binalot ng tama kunwari at sana huwag ka nang magtaka Huwag n’yo kaming gawing tanga! Sa ngayo'y mananahimik sandali Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan? kaya matutong maghintay sandali, madali . . .
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 9:46 PM UTC
MANAHIMIK SANDALI