Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
poetnamasakit Oct 2015
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”

Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”

Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”

Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”

Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko  ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..

Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin

Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta

Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko

“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin

Yung mga titig mo
Yung mga titig mo

Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo

Yung ikaw

Yung ako

Pero…
Yung akala kong may “tayo”

Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?

Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.
      Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitikan, mapalalawak at magagawang mahusay ng isang **** ang pagtuturo ng aaignaturang Filipino.
      Maaaring maiakma ang iba't ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang interested ng mga mag-aaral at hawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at iba pa.
      Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao.
      Ang panitikan ay laging kasama sa kurikulum ng bawat paaralan bagamat ang bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng pagkakatulad ng mga ito: kuwentong bayan, kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at balagtasan. Naglalarawan ito sa kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, karanasan, pananampalataya at iba pa.
      Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat, kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbagan at midya at paaraw sa modernisasyon at globalisasyon.
      Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang banda at bawat bansa sa buong mundo. Kayamanang hindi mawawala.
poetnamasakit Oct 2015
Madalas naiisip ko…
‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko?
Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko?
Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko?
Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto..

“Pagod na ko”
Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako
“Pagod na ko”
Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko
“Pagod na ko”
Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko
“Pagod na ko”
Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko

Para akong bata na gustong mag-recite
Pero iba pinipili ng **** ko
Para akong pumapara ng jeep
Pero namimili ng pasahero ang drayber nito
Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo
Kahit na alam kong masasaktan lang ako

Umasa ako.
Pasensya na.
Kasalanan ko.

Sabihan na nila akong tanga
Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko
Sabihan na nila akong mababaw
Dahil nahulog ako kaagad sayo
Sayo..
Sa mga simpleng kilos mo
Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo
Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo
Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko

Ako lang pala
Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to
Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito
Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo”
Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng
“ikaw at ako”
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school.
      Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan.
      Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos.
      Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya!
      Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late.
      Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko.
      Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa!
      ***** nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko.

      Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin.
      Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi.
      Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
Crissel Famorcan Jan 2018
Elementarya ako nang pinangarap kong maging manunulat,
Kaya't nagsikap ako at natutong magsulat
Ikatlong taon ko sa hayskul nang isulat ko ang kuwento nating dalawa
Kuwentong pinangarap ko pang maipa-imprenta
Kaya't pinaghusayan ko ang paglikha at pagdetalye
'Straight to the point' at walang mga pasakalye
Maraming natuwa sa bawat tulang alay ko sayo,
Pero sa lahat ng yun? Kritisismo at pangungutya ang isinusukli mo
Ngunit hindi ko inintindi iyon at patuloy akong sumulat,
Baka sakali.. isang araw,malay ko? mata mo'y mamulat
Mamulat sa pag-ibig na ibinibigay ko,
Baka isang araw,makita mo rin yung halaga ng mga regalo ko,
Baka isang araw, masuklian mo rin yung pagmamahal kong buo
Baka kasi wala ka lamang barya,
At nahahanap ng panukli kaya ka abala,
Kaya naghintay ako ng ilang taon,nagpakatanga..
Pero mukhang di na yata ako masusuklian pa
Kaya naisip kong makuntento sa kung anong meron tayong dalawa
Pagkakaibigan.
Pero di ko maiwasang masaktan
Sa tuwing magkukuwento ka o nagtatanong tungkol sa kanya,
Hinahayaan ko na lang at least nakakausap kita!
Kahit na yung paksa natin madalas,tungkol lang sa musika
Ayos lang! Basta nakakausap kita.
Kahit nagmumukha na akong tanga
Okay pa rin! Basta nakakausap kita.
Ngunit nakakapagod din maging tanga
Kaya mahal, ako'y magpapaalam na.

Sa paglapat nitong panulat sa aking kwaderno
Ay isusulat ko na ang huling bahagi ng ating kuwento,
Tutuldukan ko na ang mga huling pangungusap
At puputulin na ang mga ilusyon ko't pangarap
Dahil kung hindi'y lalo lang akong mahihirapan
Lalo lang akong masasaktan.
Makapal na ang libro,paubos na ang mga pahina
Nakakaumay ang kuwento na pinuno ng mga luha
Panahon na sinta ko upang mag umpisa akong muli,
Hindi ko na hihintayin ang hinihingi kong sukli
Pagkat panahon na rin upang sumaya akong muli.

Salamat sa lahat ng alaala
At pasensya na sa mga abala
Mahal ito na ang huli kong regalo
- Hindi ko na ibabalot pa
Pagkat alam kong wala ka rin namang pagpapahalaga
At sa huling pagkakataon,gusto kong malaman mo,
Na may isang AKO na minsang nagmahal sayo.
Ito na ang huling pahina ng ating libro
At sa pagsara ko dito,kasabay ang paglisan ko sa mundong ginagalawan mo.
Crissel Famorcan Mar 2018
Hahabi ng mga bagong tugma para sa bagong libro
Sa mga bagong pahina nito,may pag-ibig na kayang mabubuo?
O mga kasawian na naman ang tanging  isusulat ko?
Kalungkutan na naman ba ang uubos sa tinta ng aking pluma?
O sa malinis nitong papel,may pag-ibig nang magmamarka?
Maisulat ko kaya ang kuwentong inaasam
At sa matayog **** isipan,magawa ko itong ipaalam?
Posible kayang mapansin mo ang iaalay kong regalo
Kahit na ba di mo pa alam ang pangalan ko?
Wala naman kasi akong balak na magpakilala sa iyo!
Kahit madalas man tayong magkatagpo—
Magkakasya nalang sa mga nakaw na tingin
Sa mga simpleng sulyap na ginagawa ng palihim
Patuloy akong magmamasid mula sa malayo—
Malayo sa iyong tabi,
Pagtatagpi-tagpiin ang mga tugmang kapares ng iyong ngiti
Hindi ako lalapit at patuloy lang na magkukubli,
Pagkat alam kong kapag ika'y nakaramdam—
Wala akong magagawa kundi humulmang muli ng paalam.
shia Oct 2018
nang tayo'y sumilong at hinintay na tumigil ang ulan
sumilang ang panibagong pagbugso ng nararamdaman
mga pasimpleng sulyap na naging malalim na titigan
pagdikit ng kamay na sa huli din ay naghawakan
ang dating may inarte pa sa pagyayakapan
ngayon ang tanging hiling nalang ay ika'y mahagkan
nasanay na ang mga kamay sa kani-kanilang katawan
kung saan-saang bahagi ang nahahawakan
ano kaya ang dahilan?
tikom ang bibig, ang baso'y natabig
mga saloobin na lumalabas dati'y di naman dinig
ang mga mata na tila dagat, nag-iba ang kislap
ako nama'y mabilis na nalunod sa isang iglap
palaisipan pa rin sa akin kung pareho ba ang ating emosyon
ang tambalan nating bahagi lamang ng isang kuwentong piksyon
mother language. idk what to do, i just thought of one person and i said all these. di ko kasi sigurado kung aasa ba ako o magpapaasa.
111921

May mga gabing kukuha tayo ng pluma’t
Kakatha ng mga himig sa ating isipang
Itinuturing nating mga bala’t sandata
Laban sa mga nanghihimasok na mga ideolohiyang
Kumikitil sa ating nag-aalab na mga pangarap.

At may mga gabing
Isusulsi pa rin natin nang magdamagan
Ang mga alaalang pinunit ng kasaysayan.
At siguro nga’y wala na rin tayong
Ibang kuwentong maiaambag pa.
Marahil ang lahat ay maging tuldok
Bilang panimula’t pangwakas.

Kusa ang ating pagtiklop
Bagama’t manhid na tayo
Sa malamig na pag-ihip at pagsipol
Ng bumubugang panahon.

At maghahagilap pa rin tayo ng dahilan
Sa bawat puwang, sa bawat patlang
Na bumabalandra sa ating harapan
Sa bawat pagkabit sa araw
Na parang mga parol pagsapit ng kapaskuhan.

At siguro nga’y magugulat tayo
Sa paparating na sorpresa
Na hindi na tadhana ang may akda.
Na baka bukas o sa makalawa’y
Ibang lenggwahe na ang ating binibigkas
At ang ating mga kasuota’y
Mapupuno ng mga palamuting
Pinili at tunay ngang may basbas.

— The End —