Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Vincent Liberato Oct 2018
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay.

'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili.

Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan.

Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning.

Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
010717

(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.

Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.

Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.

Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.

Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.

At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.

Matulog ka na, Anak.

#010717 #SpokenWordsNiTatay
Eugene Oct 2015
Puso'y tumibok,
Hindi hinimok.
Kusang sumibol,
Hindi naghabol.
Naramdaman ang pintig,
Binuhay ang pag-ibig.


Nagmahal ng buong puso,
Umibig ng totoo.


Ngunit..

Hindi sinuklian.
Hindi ipinaglaban.
Ipinagpalit sa iba,
Iniwang mag-isa.
Luhaan ang mata,
Damdami'y nagdusa.


Piniga't sinaktan,
Nawalang saysay ang ipinaglaban.


Kaya...

Nagmukmok sa kuwarto,
Nagkulong, nagtago.
Sarili'y inilayo,
Nanlumo, tuliro.
Tulala't mga mata'y mugto,
Hindi kinakausap ibang tao.

Nabaliw, nagpakatanga.
Nagmahal na nga lang, nasaktan pa.


Subalit..

Buhay mo'y mahalaga.
Pamilya mo'y naririyan pa.
Sarili mo'y nilikha,
Nang isang Diyos na mapagpala.
Maging matatag ka,
Kalimutan ang sakit at magsimula.

Matuto ka,
Magbalik loob sa Kanya...
Lance Cecilia Jan 2016
Nilaliman ko ang hawak ko sa bulsa, wala na nga pala 'kong pera.
Mabilis akong naglakad patungo sa bughaw na sasakyan ko. 'Di ko ininda ang pabugso-bugsong ulan at bulong ng mahapding hangin. Bumubulwak ang tubig mula sa kanal at magiting na dinadaan ang palusong na kalsada papunta sa gusali.

Nilaliman ko ang hawak ko sa bulsa, at natuklasang wala ang susi ng kotse.

Matagal-tagal na rin akong nag-aaral sa lumang gusali ng Biology sa UP. Pangatlong taon ko na. Sa wakas, magtatapos din ako.
At saka mag-aaral ng medisina.
Unang girlfriend ko si Kaye, at napakahaba ng aming kwento. Nagkakilala kami noong bakasyon sa pagitan ng aking ikalawa at ikatlong taon sa mataas na paaralan. Hindi siya ang una kong babaeng nagustuhan.
Pero siya ang una kong minahal.
Nagsimula ang lahat sa aming pagiging magkaibigan, at nang lumaon, nahulog ako para sa kanya.
Alam kong mali yun, kasi may gusto siyang iba at may napupusuan din ako noon.

Pero binago niya ang lahat. Naging matalik kaming magkaibigan, hanggang sa ayun, nagkaaminan.
Walang nag-akalang magiging kami.
Nilaliman kong muli ang hawak sa bulsa. At saka pumanhik sa gusali, papunta sa aking silid.
Natagpuan ang susi ng kotse, sira, putol, puro gasgas at tila nabagsakan ng mabigat na bagay.
Badtrip, sabi ko.
Magko-commute ba na naman ako?
'Di nagtagal, nakaisip ako ng paraan.
Pinapunta ko si Kaye, total, may kotse naman siya.
Dumating si Kaye sa silid nang may malaking ngiti, isang ngiting tagumpay sa volleyball.
Bakas pa sa kanyang mga braso ang bakat ng tama ng bola ng volleyball. Namumula, pagod na pagod.

'Yun ang huling alaala ko.

Sabi ng doktor, nag-shutdown daw ang utak ko buhat ng matinding pagod, at nagkaroon ako ng amnesia.
Ayon sa kalendaryong iniabot sa'kin, humigit-kumulang 30 taong gulang na ako.
Wala akong ibang maalala kundi ang alala sa gusali ng Biochemistry.

Nilaliman ko ang hawak sa bulsa. Hinimas ko nang todo ang lalagyan, hinipo ang bawat sulok ng aking bulsa. Nakapa ko ang isang pirasong papel.

Dear Lorry,
Mahal kita.
Pero may mahal na 'kong iba.

Yun lang? Yun lang ba? Tapos na?
May nagawa ba 'kong masama?
Tiningnan ko ang aking mga braso.
Bakas pa rito ang mga bakat ng kutsilyo, namumula, puro peklat.
Sabi ng doktor, may suicidal tendencies daw ako. Aba pakialam niya!

Pumasok si Kaye sa aking kuwarto sa ospital. Hawak niya ang braso ng isang lalaki.

Doon ko lang napansin ang kuwarto ng aking tinutuluyan.
Puno ng sulat ang mga pader. Puno rin ng mga nagsasanay na nars at doktor, at pilit na iniintindi ang reklamo ng mga pasyenteng nakadungaw sa nakaidlip nilang kalawakan.

Hindi ko na kaya.
Ganoon na lang ba ang halaga ko kay Kaye, na ganun niya ako papalitan?

Kinuha ko ang bolpeng nakatengga sa mesang malapit sakin. 'Di ko na pinansin ang kirot ng IV at mga kung anu-ano pang nakasuksok na gamot saking sumusubok na pagalingin ang mas lalong sumasakit, kumikirot na kalagayan.
Isang 'di magamot na sakit ng damdamin, isang kirot na bumubulwak mula sa kanal na pinagdadaluyan ng aking pagmamahal.

Pagmamahal para sa babaeng nakita kong hawak ang braso ng isang lalaking 'di man lang ipinakilala sakin para man lang mapawi ang uhaw ko para mapasaya si Kaye.

Tinutok ko ang bolpen sa aking sarili.
Pinagsasaksak ko ang sar-
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Joseph Floreta Jul 2022
Sa gabing ito, isinulat ko ito para sayo.
Ito ang una’t huling sulat ng pagibig ko para sayo.
Hanggang sa mag tagpo tayong muli.
Dahil sa mga oras na ito’y wala na ako sayong tabi.
Nasa dakong malayo man ako’y, naririnig ko ang ‘yong lambing,
Kung papano mo ako’y tawagin at muling marinig kahit sa pag himbing.
Naalala ko pa kung papano mo ako awitan,
Awit mo nang una kang iniluwal sa sinapupunan,
Yun na nga siguro ang pinaka magandang kantang narinig namin ng iyong ina,
Parang himig ng isang anghel sa tuwi-tuwina.
Ang iyong iyak ay parang mga perlas na isinaboy sa kalawakan,
At bawat kinang ng bituwin ay makikita sa aming mga luha.

Isang gabi, nakaramdam ka ng sobrang pagod.
At hindi mo alam na nandoon ako,
Habang naabutan kitang natutulog sa mesa,
At kaya kinarga kita sa Aking mga bisig, At umiyak ka ng umiyak.
Na parang may masamang panaginip.
Nasa bisig kita nang gabing iyon,
At doon, nakatanggap ka ng pahinga,
Habang nasa malalim na pagkaka-tulog,
At sa wakas, narinig ko mula sa iyo
Ang pinakamagandang salita, “Papa,” naluluha ka.
Hindi ko man ito narinig hanggang sa ikaw ay nagdalaga,
Ibulong mo lang at ako’y parang isang hangin,
Na dadapo’t hahawak sa iyong pisngi.

Narinig na ng mga unan mo ang mga salitang dapat “ako”,
Dapat ako yung pinagsabihan mo nung una kang bumagsak sa skwela,
Nung una kang nagmahal, at umiyak sa pagkakadapa.
Ngunit narinig rin naman ng bawat sulok ng kuwarto mo
Ang mga ibinubulong ko noon sa iyo tuwing natutulog ka nung sanggol kapa,
Habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko
Ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong
Inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo,
na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka,
Tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw,
Kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit,
Sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang ngunit di ko narin maibabalik.

Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo,
Noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan ko ang lahat,
Noong una kong sinabing mahal kita at kahapon,
Ngayon o bukas at magpakailanman –
Ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan,
Na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat,
Ay sana manahimik ang kuwarto mo.
Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan
Ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo
Ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito
at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig
At susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig.
At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y
asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako kahit nasa kabilang dako.

Matulog ka na, Anak.
Dedicated to Mariss Rio and her Papa
Elizabeth Nov 2015
marami- rami akong di gusto sa aking sarili. Mga mata ko'y mahapdi, nagmamasid kahit na ba'y nakapupuwing

dumarami ang mga araw,
dumarami ang mga gabi-
dumidilim ang mga panaginip,
mga engkanto'y nananabik,
natututunang sa mundong ito,
marahil ako'y hindi sabik.

mga boses ng tao ay humihina,
palayo nang palayo-
mga mukha ng tao,
palabo nang palabo.
nararamdaman kong sumisikip ang aking isipan, paunti ng paunti ang mg nilalang na nasisilayan.

may mga araw na nais kong mawala na tila hangin,malimit **** maisip, ngunit dama mo ang hagip.

may mga araw na nais kong tumakbo na tila oras, madalas kung habulin, pero ni minsa'y hindi makaiiwas.

sana ay hindi nalang nabuo ang salitang sikreto,baka sakaling ako'y matuwa sa aking anino.

mga alaalang pilit na humihiyaw, matagal nang nagtago-
panay ang katok sa nakabukas kong kuwarto.

*Tao po! Tao po!
Lev Rosario Mar 2021
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Ayaw akong bitawan
Hindi ko magawang kalimutan
Kalunos lunos
Parang hayop na hindi
Makahanap ng tubig
At nakahandusay
Sa kanyang ina.

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Pinagtatawanan ang aking
Pagsusumikap.
Iniinsulto ang aking ngiti
Nagdudulot ng tagtuyot
Sa sanlibutan ng aking
Kaluluwa

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Nagtatago sa aking kuwarto
At lumalabas sa sarili niyang oras
May sariling bibliya na naglalaman
Ng kasinungalingan at kahayupan

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Unti-unti akong pinapalitan
Inoorasan, hinuhusgahan
Sinisiklaban ang aking
Mga panaginip

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Naglalayag sa dagat ng itim na araw
Pinipilipit ang aking mga laman loob
At pumpatay ng mga inosente

May trahedya na kumakapit
Say aking katawan
Pinipilit kong pakainin
Patahimikin, pagurin
Ngunit hindi magawang
Kaibiganin
Kamay

Heto, kung mararapatin lamang.
Ipagkakatiwala ang sandali
tungo sa laman ng salita.
Heto, kung ipagdaramot lamang,
at ipagsasawalang bahala ang dambana
ng iyong katawan.

2. Kurba

Kung abot-kamay lamang din naman
ang buwan ay ipagdaramot na lamang
ang natitirang liwanag.
Sa palad ko nakahimlay
ang talim ng iyong buto.
Hindi na mangingiming pang ibalik pa
sa tahimik na daluyong ng oras
ang mga kamay na ito na walang pagpapatawad.

3. Mata*

May tupok na anghel na bagong hirang
sa loob ng malaking puwang.
Walang paglalagyan ng ligalig,
marahang pagiingat lamang,
kung tatanaw sa kabilang kuwarto ng halinghingan
na para bang nagtatalik ang nais
sa hindi maangkin

nangungusap nang walang karampatang pagmamalabis.
Eugene Aug 2017
Abalang-abala ka sa pagtitipa ng istoryang nais **** magawa. Hindi inalintana ang malamig na simoy ng hanging pumapasok mula sa bintana ng iyong silid.

Nasa kalagitnaan ka na ng iyong pagsusulat ng biglang namatay ang liwanag sa iyong silid. Napatigil ka at doon ay damang dama mo na ang lamig na nanunuot sa iyong balat.

Tinanggal mo ang iyong antipara at nagsimulang kumapa-kapa sa dingding upang matunton ang kinaroroonan iyong maliit na lampara.

Nagsimula ka nang magbilang mula sa sampu sa iyong isipan

Sampu.

Siyam.

Walo.

Pito.

Anim.

Lima.

Nasa panglima ka pa lamang nang may napansin kang liwanag na tumatagos sa iyong silid mula sa iyong bintana.

Apat.

Sinundan mo ang liwanag na iyon nang magbilang ka na ng...

Tatlo.

Dalawa.

Isa.

Sumigaw ka sa pagkagulat nang tumapat ka sa repleksiyon ng liwanag na iyon. Ang sigaw mo ay umabot sa buong silid mo hanggang sa inyong bahay. At doon ay narinig mo ang mga yabag na patakbo sa iyong silid.

Nang bumukas ang pintuan ng iyong kuwarto ay tumambad sa iyo ang liwanag. Tinanong ka ng iyong ina at kapatid.

"Akala naming kung ano na ang nangyari sa iyo e,"

"Repleksiyon mo lang pala ang nakita mo,"

"Natakot ka sa mukha mo?"

Pinigilan **** huwag tumawa nang mapalingon ka sa isang salaming kasing tangkad mo lamang at doon ay nakita mo ang iyong... Kawangis.
Vincent Liberato Feb 2019
Mangangata ako sa madaling
araw ng panggagalaiti, nang mga panahong mas malalim pa sa dagat, ang panghahaplos sa
kaluluwa na kinulang sa pagpapahinga at sa wakas: makakapagpahinga.

Ako, ang sisidlan ng kalatas na nagpaagos
sa rumaragasang ilog pagkatapos ipasok sa isang bote, sa pag-asang makararating sa iyo ito.

Ayaw ko nang bumalik ang kalatas na 'to, baka sa susunod na bumalik sa akin ito, ay naglalaman na ng bulgarang pagtugon ng pagkalas.

Ayaw ko na.

Manghihipo na lang ako sa gabi sa pamamagitan ng paggunita
sa mga alaala para sundan ang anino
na unti-unting nawawala sa kusina, sa kuwarto, sa kama, at sa hapag-kainan.

Sandali, may idadagdag pa pala ako, hindi ko kakayaning tanggapin ang pagtanggap na namamalikmata lamang ako,
habang naglalaho ang pangalan mo
sa kuwaderno ko.

Mawawala na lamang ang pagkamarahas
ng prosa o tula ko. Isasantabi muna kita sa mga susunod na tula o prosa, painda-indayog ang paksa, pero binabalik-balikan ka sa masusing pagsusuri ng konteksto.

Magiging humpak na lamang ang dating matunog na ikaw at ang dating laksa-laksang paglalarawan sa bawat pag-ikot at paggalaw mo, na maingat na sinusundan ng mga mata ko.

Sa kabila ng pagpipigil sa pagkatapos ng isang nakakainsultong nakakapagod na araw ay magsisilakbo muli ang damdamin, at 'di magpapaawat ang pintig na parang bumabalik ang mga mata sa unang pag-angat ng mga titig.

Mahal, mangangata na lamang ako hanggang umaga,
habang nginangata ako ng panggagalaiti
sa pagsapit ng umaga.
Kalawakan Sep 2020
Pumikit at humingang malalim,
Hindi alam kung ano ang iisipin.
Bigla tumulo ang mga luha,
Na hindi ko inakala.
Ang puso ko'y bumilis sa pagtibok,
Parang nakaramdam ng paglugmok.
Nagdarasal habang dahan-dahan sa pagpasok,
Sa isang madilim at may apat na sulok.
Ako'y napatigil ng ilang minuto,
At marahan na sinara ang pinto.
Ang mabilis na tibok ng puso parang ngayo'y hihinto,
Nadaramang sakit 'di maikubli sa loob nitong kuwarto.
Eugene Jan 2018
Pagkatapos kumain ay napansin ng ina ni Butchoy na agad itong pumanhik sa kaniyang kuwarto.

Dala ng pagkamausisa ay tinungo niya ang silid ng anak. Doon ay nakita niyang nagsusunog ito ng kilay gamit lamang ang isang pirasong kandila.

"Ang sipag naman ni Butchoy ko."

"Kailangan ko po mag-aral, 'Nay. Ayoko pong matulad sa ibang bata na palaboy-laboy at wala sa eskwela," aniya.

"Ganoon ba? Magbabago rin sila, anak" usisa ng ina.

"Kasi po ang batang tambay ay walang mararating sa buhay," sagot ni Butchoy. Napangiti na lamang ang ina.
Tamad man ito sa gawaing bahay, masipag naman sa pag-aaral.
MR Jun 2019
Sa isang madilim na kuwarto,
ako’y tila mahinhin at ang mga mata’y nakasarado. Nakahiga lamang at kalmado habang nakabalot sa kumot at tila binabangungot ng mga ala-alang ‘di ko malimot-limot nang iwan mo ako. Ang mga ala-alang ito’y kung makapang-asta saking isipa’y parang nagliliyab na apoy na pumapaso sa mga magagandang damdamin kong tila naitataboy.

Ngunit ngayon, tila nawala ang nagliliyab na apoy nang nalalampasan ko na ang lungkot, at tuluyang bumabangon at nililimot  ang mga ala-ala ng kahapon, sapagkat alam ko na ang mga masasamang kahapon ay ‘di pa ang dulo at hadlang upang ‘di ako makabangon.
Donward Bughaw Apr 2019
Anong tapang
mayroon ka
at kayang pumaslang
ng lamok—
mahihilo,

malalagpak sa lapag
na para bang
hinihila
ng dagsin pabagsak—
sa loob ng aking
magulong kuwarto.
Ang katol ay nakakapatay ng lamok. Tunay, nang mapatunayan ko ito isang gabi habang pinapanood ang umuusok na sinindihang piraso ng katol. Iilang lamok din ang nakita kong animo'y nahihilo matapos maamoy ang matapang na amoy nito.

— The End —