Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kurbang" poems
Isa pang rason , Sa pag-usad Kurbang linya , katamtamang ruta Tunog ng kampana , ginising ang isip dati rati sumisilip , reyalidad na ang panaginip Tinagpi ang pisi , bagwis muling papagaspas Sanhi ng dahas naakit , uwak ay maghihiganti Paglubog ng araw , pagsikat ng dilim Sanay na kong bangkay , Nanghuhusga nalang ako kung sinong mamamatay Kamatayan ang aking katauhan Orasa at karit aking sandata Buhos ng lupa , Kalkulado ka Sa pagdaan ko , mananaginip ka
0
May 25, 2020
May 25, 2020 at 1:39 PM UTC
Kitil
Isang lukot na papel ang natutulog sa harap ng lampara Nagparamdam at hinila ako patayo sa aking kama Sa aking pagbuklat, nakita ko kung gaano nagkalasug-lasog ang mga letra Kung gaano nasaktan ang bawat linya Sa pagaakalang dito matatapos ang buong kabanata Sa pagaakalang naghihikahos na ang mga salita Kaya akin ng sisimulan ang huling talata Mahal nandito na ko sa likuran ng pahina Kung saan iginuguhit ko ang maganda **** pigura Kung saan hindi na kailangan ng matinding pagbubura Sa mga linyang lagpas-lagpas na Sa mga kurbang di perpekto ang pagkakagawa Ngunit pasensya na Pasensya na dahil gumagabi na At wala ng espasyo ang boses ko sa loob ng kartera Pasensya na dahil tuluyan ng napaos ang mga pantig sa huling kabanata Nagsawa na sa bawat pigurang ginuguhit Sa bawat salitang inuukit Kaya mahal patawad Hindi ko sinasadiyang mahalin ka gamit ang itim na tinta
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 4:30 AM UTC
ITIM NA TINTA