Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kukunwari" poems
Ang hirap simulan Hindi ko alam paano uumpisahan, Sisimulan ko sa hindi pag pansin, Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kaya ko Kaya kong mawala ka sa isip ko Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari Kunwari kaya ko Masaya ako na kaibigan kita Na kaibigan lang kita Masaya ako na kasama kita Kahit alam kong may mahal ka ng iba Sisimulan ko sa hindi pag pansin Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya Kunwari hindi ako nasasaktan Kunwari hindi ko nalang nakita, Kunwari wala tayong pagkaka intindihan, Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako, At kunwari, hindi ako nasasaktan Eto na ako at kinakaya ko Lahat ng sakit at pait na natatamasan Mawawala rin sa aking damdamin at isipan Wag mo akong kaawaan Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon Hindi mo ako minahal Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili At tila paulit ulit din akong sinasaksak Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso Sisimulan ko sa pag kukunwari Kunwari hindi ko nalang nakita Kunwari hindi ako nasasaktan Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
0
Dec 27, 2016
Dec 27, 2016 at 7:23 AM UTC
Kunwari
Isang linggo Isang daan at dalawang pu na oras. Mga salita mo'ng buo. Ang bumuo sa puso ko. Natakot ako na baka hindi ko masuklian Nakalimutan kung papaano. Umatras, umayaw, nag paalam ako. Nanatili ka. Sumugal ka. Sinabi ko, hindi ko pa kaya. Ayaw ko pa, pasensya na. 'Di ka na muling nag tanong. Unti-unti ng nawala Ang mga salita mo'ng bumubulong sa puso kong umaambon. Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong. "What went wrong?" Mga salitang lumabas sa bibig ko. Ang salita na gustong itanong sa'yo. "I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo. Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan. Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang. "Naiintindihan ko. Pasensya." 'yan lang ang mga salitang binitawan ko. Nagpaalam tayo sa isa't-isa. Paulit-ulit na paalam, pero bakit? Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina? Dumating ang Marso, Kinausap kita. Nagtawanan pa tayo. Kamustahan. Hanggang sa humingi ako ng patawad. Pinatawad mo ako. Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo? O huli na ba ang lahat? Limang oras tayo'ng nag-usap. Limang oras na nagkukulitan. Nakikinig ka pa rin sa'kin. Ganoon pa rin, parang walang nagbago. Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko. Kung pwede pa ba? Tinanong kita ulit. Paulit-ulit. Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng "Mahal kita" "Pasensya ka na. Meron na akong iba." "Mas mahal ko siya." "Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na." "I already have mine." "Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako." At yan ang mga sagot mo.
0
Mar 23, 2021
Mar 23, 2021 at 2:49 AM UTC
Jew

Continue reading...
49
Pag kukunwari nalang ang kayang gawin ngayon Pagkukunwaring walang narinig Walang nalaman Walang pakialam At hindi nasasaktan Pagkukunwaring ginagawa para d masaktan ang nararamdaman at para di masira ang saya ng pagkakaibigan Hanggang kailan magkukunwari Kung ikay ay d ko naman pag aari Hanggang kailan ko itatago ang aksidenteng nararamdaman Dahil plano koy huwag nalang ipaalam Mas okey pang ako ng ang masaktan Kesa tayo pang dalawa ang mahirapan
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 2:26 AM UTC
Pagkukunwari