"kinaroroonan" poems
Kinain ng kadiliman ang buong daigdig
Saksi ang mga kabundukan at karagatan
Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit
Nagkalat sa buong lupain ang pait
Ang sakit
Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian
Ang gabi'y hindi isang kaibigan
Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan
Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao
At oo
Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo
Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan
Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan
Ngunit lahat ng ito ay nakatago
Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko
Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto
Ipunin ang mga delubyo
Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo
Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao
At walang sinuman ang makakasaksi nito
Dahil ang dilim ay inipon ko
At ang buhay ay kikitilin
Ang hininga ay lalagutin
Ang sarili ay papatayin
At lalong walang makakasaksi na sinuman
Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan
Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan
At sa wakas
Nandito na ang wakas
Dec 28, 2017
Dec 28, 2017 at 8:57 AM UTC
Abalang-abala ka sa pagtitipa ng istoryang nais **** magawa. Hindi inalintana ang malamig na simoy ng hanging pumapasok mula sa bintana ng iyong silid.
Nasa kalagitnaan ka na ng iyong pagsusulat ng biglang namatay ang liwanag sa iyong silid. Napatigil ka at doon ay damang dama mo na ang lamig na nanunuot sa iyong balat.
Tinanggal mo ang iyong antipara at nagsimulang kumapa-kapa sa dingding upang matunton ang kinaroroonan iyong maliit na lampara.
Nagsimula ka nang magbilang mula sa sampu sa iyong isipan
Sampu.
Siyam.
Walo.
Pito.
Anim.
Lima.
Nasa panglima ka pa lamang nang may napansin kang liwanag na tumatagos sa iyong silid mula sa iyong bintana.
Apat.
Sinundan mo ang liwanag na iyon nang magbilang ka na ng...
Tatlo.
Dalawa.
Isa.
Sumigaw ka sa pagkagulat nang tumapat ka sa repleksiyon ng liwanag na iyon. Ang sigaw mo ay umabot sa buong silid mo hanggang sa inyong bahay. At doon ay narinig mo ang mga yabag na patakbo sa iyong silid.
Nang bumukas ang pintuan ng iyong kuwarto ay tumambad sa iyo ang liwanag. Tinanong ka ng iyong ina at kapatid.
"Akala naming kung ano na ang nangyari sa iyo e,"
"Repleksiyon mo lang pala ang nakita mo,"
"Natakot ka sa mukha mo?"
Pinigilan **** huwag tumawa nang mapalingon ka sa isang salaming kasing tangkad mo lamang at doon ay nakita mo ang iyong... Kawangis.
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 2:24 PM UTC
Biyaya:
Lumabas ako’t nanatili sa aking kinaroroonan.
Dinamdam ang bawat sandaling dumadaan,
Na para bang ang bawat segundo’y aking inaasam.
Isang halik mula sa langit at ako’y nanabik,
Isang halik sa sinag ng araw at ako’y napapapikit,
Isang halik mula sa hangin at aking linanghap.
Ang mga ito nama’y biyayang pruweba ng aking pagkabuhay.
Bawat halik mula sa langit ay parang nagpapaalala,
Ng mga bagay na sa atin dapat ay mahalaga.
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:15 AM UTC
Atras. Abante.
Mga paang hindi makampante.
Atras.
Natakot, nahiya.
Nangangapa mula sa paglaya.
Iniipon ang lahat ng lakas
para tuluyang iwan ang bakas
ng nakaraang namaalam na
sa lungkot, pait at sakit
na dulot ng patuloy na pagkapit.
Abante.
Uusad, lalayo.
Uunahan ang damdamin sa pagbugso.
Isang libo’t isang daang duda.
Animnapu’t isang segundo ng pag-asa.
Imumulat ang mga mata
Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang
Patungo sa ‘di alam kung saan.
Urong. Sulong.
Palalayain ang damdaming nakakulong.
Urong.
Nag-iisip, nagmumuni.
Tinatantyang muli ang sarili
kung ilalatag na ang lahat ng sandata
at ibubunyag ang mga stratehiya
sa laban ng buhay.
Handa ka na nga ba?
Natuto?
Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?
Sulong.
Lalaban, susugod.
Hindi alintana kung mapagod,
manalo o matalo.
Alinma’y hindi susuko.
Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata
sapagka't alam na kung saan pupunta.
Bawat hakbang ay kabisado
Patungo sa kinaroroonan mo.
At ako’y mananatili na...
sa’yo.
Apr 26, 2018
Apr 26, 2018 at 10:54 PM UTC
Sa isang maliit na pasilyo, ikaw ay dumaan. Napansin ang isang animo ay silid-aklatan. Dala ng iyong pagka-mausisa ay tinungo mo ang silid ng walang pag-aalinlangan.
Marahan **** binuksan ang pinto. Dinig na dinig mo ang tila langitngit nito hanggang sa makapasok ka. Sa loob ay tumambad sa iyo ang nanari-saring mga imaheng minsan mo lamang nakita.
Iginagala mo ang iyong paningin nang mga oras na iyon nang biglang umandap-andap ang liwanag sa dilaw na bombilyang naroon. Nakaramdam ka ng panlalamig. Nagsitayuan ang mga balahibo mo sa batok, kamay at paa.
Takot at kaba ay pumailanlang at agad **** tinungo ang pintuan ngunit, hindi mo na iyon mabuksan.
Ilang sandali pa ay napatitig ka sa isang aparador na kasing tangkad mo lamang. Naririnig ng iyong mga tainga ang tunog na may kumaluskos sa loob.
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang naglakad ang iyong mga paa sa kinaroroonan niyon. Kusang hinawakan ng iyong dalawang kamay ang hugis putol na sanga ng kahoy na hawakan ng aparador.
Nang iyong mabuksan ay bigla ka na lamang nilamon papasok sa loob hanggang sa sumara ito at hindi ka na nakalabas.
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 1:54 PM UTC
Pumapatak na naman ang ulan
Hindi ko alam kung hanggang kailan
Titigil ang malakas na pagbuhos nito
Dahil nais ko ng umalis, nais ko ng lumakad papalayo
Kaya sana huminto na ang ulan
Para ako na'y malayang lumisan
Ayoko ng manatili pa rito sa aking kinaroroonan
Dahil sa mga matang mapanghusga
Kaya sana nama'y huminto kana at makisama
Maglalakad lang ako palayo
Palayo kung saan malayo sa mga tao
Pangako pag ako na'y nakalayo
Hinding hindi ko na hihilingin pang ika'y huminto
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 10:57 PM UTC
Isang tahimik na panalangin.
Habang ang mundo’y nagkakagulo.
Hinahanap ang paraiso
Sa lugar na puno ng mga armado.
Maaari bang ako’y sagipin?
Sa madilim na kwartong akin kinaroroonan.
Tunog ng baril at wala humpay na pagsabog ang akin hele sa gabing malalim.
Nasan si inay?
Nasan si itay?
Ang katawan nila ay kasing lamig ng yelo.
Hindi na sila nagsasalita.
Hindi na sila gumagalaw.
Tulog na ba sila?
Maaari bang ako’y sagipin?
Sa bangungot na sa akin ay kumakain.
Sana sa akin pagising isa maliwanag na kinabukasan
Ang sumalubong sa akin.
Oct 8, 2017
Oct 8, 2017 at 12:04 PM UTC
Anong iyong pinagmamadali
Malawak ang daan at ikaw lang ang katabi
Rinig ang bawat galaw ng ibon sa langit
Ang pagaspas ng hangin
Bigyan mo ng kaunting panahon
Ang pagtingin sa kinaroroonan mo
Hayaang bigyan ng kahulugan ang paglapit
Sa bawat segundo ng oras na binigay satin
Jan 12, 2018
Jan 12, 2018 at 5:39 AM UTC
64 Apat na araw bago ang kasalan
Pagsubok sabay sa magkasintahan
65 Kailangan nilang manghuli
Ng mahiwagang bubuli
66 Ito ay may mga kulay na mapusyaw
At may pakpak na parang sa langaw
67 ‘Di pangkaraniwan ang haba
Pinagsamang tatlong buwaya
68 Ito ay malayang pagala-gala
Sa kagubatang kinaroroonan nila
69 Kumakain lamang ng buko
Mailap at takot sa tao
70 Ngunit takip-silim na’y dumaan
Hindi man lamang namataan.
-06/19/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:54 PM UTC
22 Paggising ng lahat pagkatapos
Mga bisig nila’y iginapos
23 Wala nang nagtangkang pumiglas
Dahil mga Amazona’y marami’t malakas
24 Kadiliman ay hindi alintana
Patungo sa lambak sila’y ipinarada
25 Malalim na ang gabi
Nang makarating sa paroroonan ang mga nakatali
26 Mayroon palang kuweba
Sa lambak na kinaroroonan nila
27 Ang mga Amazona’y pumili
Ng ililigtas na lalaki
28 Napili ang binatang pinakagwapo
Na ang katawan ay matipuno.
-07/23/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:04 PM UTC