Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinakasama" poems
Hustisya para sa amin, Pakinggan ang aming mga dalangin. Pera ang nagmistulang daan para mamulat sa katotohanan, Na ang aming kinakasama sa araw araw ay nagbabalat kayo. Ipinangako at ibibigay ang lahat para sa’yo, Ngunit nasaan na nga ba ang ito? Ngayon pinagsisihan na ang lahat, Marahil hindi na alam kung sino sa kanila ang tapat.
0
Jul 10, 2018
Jul 10, 2018 at 6:03 AM UTC
Kurapsyon
Sila na nagkasala Sila pa ang galit Kahit ikaw sana tong nabahala Dahil ikaw ay pinagpalit Dating tiwala ay sinira Nung kabit ay kanyang tinira Tapos ngayong nahuli Parang ikaw pa ang may mali Kesyo, bat ka raw nag eskandalo Sa harap pa ng pamilya Ng kinakasama Ng ASAWA Mo Siya pa ngayon ang galit Kasi ikaw daw ay nagbitaw ng mga salitang mapanakit Di ka naman daw sana ganyan dati Dahil dati kaw daw ay mabait Pero di ba nya mapagtanto Kung bakit ikaw ay nagkaganto Dahil sa labis na pangagago Na dinulot ng sariling asawa mo
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:27 PM UTC
Cheater
Kailangan ko pa ba talaga ipamukha sayo yung mga pagkakataon na pinababalikat mo sa akin yung mga sandaling di ka makatayo sa sarili **** mga paa. Gayon pa man tiklop-tuhod akong tumatalima sayo kasi nga mulat ka sa pagiging bukas-palad ko. Ako naman pikit-matang nilulunok yung mga pride na meron ako kahit pa Alam Kong mapapasubo ako doon sa mga kamay na bakal kung saan hawak tayo sa leeg. eh Kasi nga kargo kita. Kahit ano pa mangyari hanggang sa Huli , ako pa din ang magsisilbing kinatawan mo ! mga binti at sandugo sa braso pati nga saradong kamao ang tinataya ko kahit wala yon sa aking plano Para lang mapugto at mapanuto ang bawat buntong hininga mo pero bakit tila yata Kulang pa rin aking panlabas na anatomiya Daig ko pa ang nananahan sa turok ng anestisya... Lamang-Loob ko ba ang siyang dapat na maialay o konsensya? Sabihin mo mang wala akong puso sa tuwinang pawis at luha ang aking batayan Kung bakit ang bigat sa aking pakiramdam na ikay nabibigo ng mga payo ko sayo na kinakasama ng yong kalooban marahil Kung minsan. Tulak ng bibig Kabig ng dibdib Hanggang kailan mo ako paninindigan ng aking mga balahibo sa balat ? Kapag huli na ba ang lahat ? Sana naman dumating na sa atin Yung mga araw at oras na ating aralin Mga hiblang gabuhok para wala na tayong susuyurin.. Kasi nagkakatotoo rin ang pahiwatig ng pulso at mga maseL,,, Di lang Anghel at kaluluwa ang pwedeng magmensahe ng mga dapat nating tulak-kabigin ! Ngayon sana Langhap mo na yung parirala kahit hindi buo ang diwa... Kasi..... may tainga ang Lupa may pakpak ang balita Bukas makalawa di ko na magagawa pang sa harapan mo na.. magsalubong ang mga kilay ko kasi... siguro tinik sa lalamunan mo ako kung ituring. Pero ang lahat ng pangugusap Kong ito ay talata na ngayon ng bawat kabanata na minsan ko nang pinalipad sa hangin bilang isang Pasaring. " sibuyas " ni : © solEmn oaSis The february 25 EDSA day commemoration written- 02-21-2024
0
Apr 13, 2024
Apr 13, 2024 at 1:56 AM UTC
" sibuyas "

Continue reading...
35