Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinakapitang" poems
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga at marahang tinahak ang dausdos pababa, Dumampi siya sa malamig na agos ng batis, sumisigaw ng hapis habang tumatangis, Binagtas ang ‘di maiwasang larawan ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan, tumama sa mga batong nakaharang na umagaw sa diwa ng kaligayahan, Sumambulat ang isang malalim na bangin na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin, sumaboy ang pirapirasong damdamin ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:35 AM UTC
"Kasawiang 'di Maamin"
‘Para ** ‘Yan ang sambit ng mga pasahero sa t’wing sila’y magpapaalam. Magpapaalam sa tapat na tsuper, na sila’y nalalapit nang magpaalam. Ngunit sa kaso ko, ipapaalam ko sa’yo, Na ako’y magpapaalam na. Sa tinagal ng aking pagsabit sa dunggot nitong hawakan, Sa likod nitong pampasaherong dyip na sa kasagutan mo’y pupunta, Mas pipiliin kong bumitaw na lamang at masugatan. Kaysa patuloy na mangawit sa dulo ng dyip na iyong minamaneho, Tangay ang daan-daang mangingibig. Bawat isa, sabik sa patutunguhang destinasyon mo. Walang kaalam-alam na isa lamang ang maaring parangalan, Ng banayad at matamis **** ‘Oo.’ Ngunit sa bawat pagtapak sa silinyador ng jeep, Sa bawat pagpihit ng kambyo, Ang aking kamay, katawan, binti, at kaluluwa, ay unti-unting nawawalan ng sigla, Hanggang sa mabatid ng aking makitid na pag-unawa, Na ito na ang hangganan, at wala na akong kawala. Kaya bago ako bumitaw sa aking kinakapitang pulungan, Nais kong ipa-alam, na ako’y magpapaalam. Ibinuka ko ang aking nag-aatubiling bibig, at ang mga salitang nakulong sa aking lalamunan, tumakas at nagpaalam. "Para, para sa inyo… Ay hindi. Para sa’yo."
0
Jan 22, 2017
Jan 22, 2017 at 5:03 AM UTC
'Para' sa kanya