"kayamanan" poems
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi
Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari
Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi
Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi?
Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan?
Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan?
Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa
Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa
Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan
Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran
Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan
Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan
Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal
Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman.
Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan
Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.
Aug 22, 2018
Aug 22, 2018 at 1:13 PM UTC
Kailan mo nasabing malaya ka na kung pati magulang mo ay hinihigpitan ka.
Anong kalayaan mayroon ka ba kung habambuhay ka namang nakatali sa punding bombilya.
Lahat ba kaya **** gawin upang maging malaya ka kung bawat paraang alam mo'y laging pumapalya?
Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng Kalayaan kung sa sarili mo'y hindi mo magawang lumaya?
Yelo lang ang malamig at hindi apoy na nagngangalit, kaya bakit hindi mo subukang maging malaya?
Aanhin mo ang kayamanan sa mundo kung watak-watak naman ang pamilyang kinalakihan mo?
Aabutin mo ba ang pangarap mo kahit ilang pana at sibat pa ang tumambad sa iyo?
Nasa iyong mga kamay ang kalayaang minimithi mo at ikaw ang tanging makagagawa lamang nito.
Jun 12, 2016
Jun 12, 2016 at 11:07 AM UTC
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?
Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.
Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok
Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan
Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban
Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod
Salamat sa Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos
Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin
Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan
Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman
Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:26 AM UTC
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.
Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitikan, mapalalawak at magagawang mahusay ng isang **** ang pagtuturo ng aaignaturang Filipino.
Maaaring maiakma ang iba't ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang interested ng mga mag-aaral at hawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at iba pa.
Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao.
Ang panitikan ay laging kasama sa kurikulum ng bawat paaralan bagamat ang bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng pagkakatulad ng mga ito: kuwentong bayan, kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at balagtasan. Naglalarawan ito sa kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, karanasan, pananampalataya at iba pa.
Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat, kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbagan at midya at paaraw sa modernisasyon at globalisasyon.
Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang banda at bawat bansa sa buong mundo. Kayamanang hindi mawawala.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:41 AM UTC
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.
pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.
sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.
hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
nandito lang ako.
Jun 19, 2015
Jun 19, 2015 at 2:33 AM UTC
Nilikha silang kaagapay ni Adan,
Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan,
Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan,
At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan.
Isa kang dakila at isang huwaran,
Isang ina at ilaw ng tahanan,
Mga anak mo'y iyong inaalagaan,
Winawasto ang bawat nilang kamalian.
Babae, ika'y kapita-pitagan.
Babae, ika'y hinahangaan,
Babae, ika'y karunungan,
Babae, ika'y kayamanan.
Katalinuhan mo'y lumalabas,
Katapangan mo'y naipamalas,
Kasikatan mo'y pumapaibabaw,
Kagandahan mo'y umaapaw.
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:30 AM UTC
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.
pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.
sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.
hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
nandito lang ako.
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:28 AM UTC
Ang edukasyon ay kayamanan na Hindi mananakaw ng sinuman. Napakahalaga ng edukasyon dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan.
Nasabi ko ito dahil sa panahon ngayon, karamihang natatanggap sa trabao ay ang mga nakapagtapos sa pag-aaral at ang trabahong ito ay nagsisilbing tulay tungo sa kanyang kaunlaran pati na rin sa pakikipagsabayan sa agos ng buhay.
Ang edukasyon ay susi sa pag-unlad upang makamit ang pag-unlad na ipinamamana ng ating sarili. Ito ang pundasyon natin upang makaahon sa kahirapan tungo sa tuluy-tuloy na kanlaran at kasaganahan na inaasam-asam natin at ng ating mahal na bayan.
Ang edukasyon ay sadyang mahalaga sa lahat, noon hanggang ngayon. Ito ang pinakamatibay na pundasyon ng isang tao. Ito rin ang maaari naging dalhin saanman rayo pumunta at walang sinumang makaaagaw into sa atin.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:39 AM UTC
Napatag na ang hindi mapatag ng
Sanlaksang idelohiya't pananampalataya.
Panata ito ng kalawakan. Lilinisi't lilipulin
Yaong hindi umaayon sa itinakdang
Orden ng katutubong balanse ng ulan
At hangin, ng dagat at pagkamulat,
Ng lupa at pagtatangka. Hindi sasapat
Ang libu-libong bangkay na nakahundasay
Sa mga lansanga't simbahan dahil malaon
Nang naagnas na bangkay ang ating
Kamalayan. Malaon nang umahon si
Kamatayan sa anyo ng kasakiman sa
Kayamanan, at tayo bilang mga kalakal
Na nagpapatiwakal sa ngalan ng kaligayahan
Sa anyo ng kasaganaan. Hindi sasapat ang
Mga pagtangis ng mga ama't ina, ng mga
Anak at kapatid, dahil matagal nang
Tumatangis ang Inang unang naghandog ng
Paraiso sa atin. Saan nga ba tayo patungo?
"Tayo'y mga punong matayog ang pangarap,
Ngunit sa lupa'y laging nakaugat..."
Nov 13, 2013
Nov 13, 2013 at 5:43 AM UTC
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel
Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.
Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.
Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.
Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.
Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.
At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.
Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.
Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 1:25 AM UTC
Kayraming lubak, alon ay malakas
Tatagaan ang loob, sa daa'y maraming ahas
Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa
Pagtaas ng tubig sa sapa, sa'yo ay walang kakarga
Natural lang ang umiyak at magpapadayak
Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak
Minsan pa nga sa'yo ay maraming tatapak
Pero ang payo ko sa'yo, sumayaw at pumalakpak
Hindi ka baliw sa iyong gagawin
Ipakita ang galing at taas ng mithiin
Daan naman talaga minsa'y mahirap tahiin
Ngunit kapag umayaw, ika'y palpak na tatawagin
Matapos ang hirap, asahan mo ang sarap
Damhin ang lasap ng natupad na pangarap
Bawat pawis at dugo, kapalit ay karanasan at kamalayan
Na sa iyo ngayon ay magsisilbing kayamanan
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 4:15 PM UTC
Mga balang nagliliparan
Sa lahat ng panig nagpapalitan
Sa mga sandaling hindi mapigilan
Buhay ang binabayaran
Sigaw ng isa ay kalayaan
At ang kabila ay kayamanan
Sana'y mayroong hangganan
Hiling ng mga nasusugatan
Isusugal ang lahat upang makamit
Ang bagay na iginigiit
Nang puso na lahat ay ipagpapalit
Upang masumpungan ang mas lalo pang higit
Sa kalayaan ay walang pag-big
Dugo ang kanilang tubig
Armas ang kanilang bibig
Dahas ang nakasulat sa mga bisig
Ang pag kitil nga ba ang sagot
Sa lahat ng ating mga sigalot?
Tila ba lubusan nang nakalimot
At sa sanlibutan ay nagmistulang mga salot
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 1:57 PM UTC
"A spectre is haunting Europe"
- Communist Manifesto
Ang multong gumagala noon sa Europa ay hindi parin natatahimik. Hanggang ngayon ay patuloy itong gumagala at nanggagambala. Hindi n’ya pinatatahimik ang mga burgis at elitista. Kaya’t patuloy na nagsasabwatan ang ibat-ibang kapangyarihan sa lipunan upang labanan ang multong ito at hadlangan ang kanyang paggala. Ang mga lider ng relihiyon, ang mga kapitalista, ang mga namumuno sa gobyerno na panay oportunista, ang pasistang militar, ang pulisya pati na ang midya lahat sila ay nagsasamasama upang kalabanin ang multong gumagala.
Nasaan na ang tunay na partido ng mga manggagawa na kinakatawan ng multong gumagala? Nasaan na ang mga rebolusyunaryo at mga aktibista na kakalaban sa bulok na Sistema? Bakit hanggang ngayon ay namamayani parin ang naghaharing mapagsamantalang uri? Kinain na ba kayo ng maling sistema at ngayo’y naaagnas na rin?
Nang bumagsak ang Rusya at lumihis ang Tsina ay nagdiwang ang mga imperyalista. Akala nila ito na ang wakas nang paggala ng multo, subalit nabigo sila at nagmukhang mga asong hangal na kumakahol sa sariling suka. Pagkat nagpatuloy ang multo sa kanyang paggala at ibayong lagim ang kanyang dala-dala. Subalit bakit tanong nila?
Simple lang ang dahilan:
Hanggat laganap ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay hindi sila patatahimikin ng multong gumagala. Patuloy nitong uusigin ang budhi ng mga ganid at sakim sa kayamanan.
Hanggat ang biyaya ng lupa ay hindi nakakamtan ng lahat ng tao ay patuloy itong magmumulto.
Hanggat ang mga manggagawa ay hindi gumiginhawa hindi mananawa ang multo na magpaalala sa kanila na patuloy nilang igiit at ipaglaban ang kanilang mga karapatan na s’yang nararapat.
Patuloy na gumagala ang multo ng Komunismo na nagmula pa sa Europa kailanman hindi nito patatahimikin ang mga sakim sa yaman at sukaban sa kapangyarihan.
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 12:36 AM UTC
Alam ko naman anong kahihinatnan. Alam ko, alam na alam. ngunit bakit nagkakaganito?
Nasaan na yung tapang ko? ano nga ba ang kinakatakutan ko? ang di mo magutuhan? o ang mawala ka bilang aking kaibigan.
O Diyos ko wag naman sana. Mas mabuti pang mawalan ng pag-asa wag lang mawalan kaibigang makakasama.
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 12:03 AM UTC
*Araw araw ako'y naglalakbay
Sa jeepney at tryk, nakasakay
Madalas naglalakad sa tulay
Nakasilong sa dahong makukulay
Nang dumilat ang ulap at nagmasid
Aral sa buhay ko'y dumarami
Bilang ng tao at hilaw na kapatid
Ako'y saksi sa kanilang pasanin
Matatandang panot, hayop na pilay
Batang walang saplot, naka-bitay
Babaeng may sanggol na alay
Kumakatok, nanlilimos ng karamay
Binuksan nila ang mga mata ko
Sa katotohanang pilit tinatago
Mga bangungot sa bawat kanto
Nabubulunan sa hiram na piso
Sa bawa't yapak ng aking lakbay
Dama ang kayamanan ng tao
Higit pa sa laman ng aking bulsa
Ang gintong binuo sa katauhan ko*
Taya!
Oct 13, 2015
Oct 13, 2015 at 11:25 AM UTC
Mundo'y kayganda,
Puno ng hiwaga,
Ng pasimulang likhain
ng AMANG DAKILA!!!
Ngayon ay saksihan,
Ganda ng sanlibutan
Di malirip na kagandahan at kayamanan,
Na ibinigay sa atin ang karapatan.
AMA NA DAKILA!
Lahat kami ay pinag-pala,
Sa aming kasalanan
Ay nagpatawad ka!
Nagbigay pag-asa
sa kaluluwang dukha!
Dukha sa Liwanag
ng Iyong Ganda!!
AMA NA DAKILA!
kami ay Iyong pinag-pala,
Binigyan ng pag-asa, sa
Di malirip na pagkakasala!!!
Sa ngalan ni JESUS NA IDINAKILA
Dahil sa pagsunod sa AMANG DAKILA!
Hindi nag-alinlangan
Hanggang katapusan,
AMA sana'y bigyan kami
Ng pusong masunurin
Pag-iisip na puno ng dunong
Mula sa Iyong katwiran na puno ng katotohanan,
JESUS na aming PANGINOON,
Bahala kana po sa amin,
na LIWANAG sa amin ng DIYOS!!!
Kami ay Iyong dalhin,
Upang AMA ay aming KAMTIN
Hanggang sa katapusan ng aming Lakarin,!
Aug 19, 2014
Aug 19, 2014 at 12:37 AM UTC
Ang aking hinahangaan,
Na tila langit at lupa ang aming pagitan
At kung ihahalintulad sa panahon ngayon kami ay tila ang mahirap at mayaman
Walang boses at makapangyarihan
Kung ihahalintulad naman sa panahon noon
Tila ang kastila at ang katipunan
Si lapu-lapu at magellan
At kung ihahalintulad naman sa bagay na sa buhay ay may kinalaman
Tila kami ang kasinungalingan at katotohanan
Kalungkutan at kasiyahan
Nagmamahal at nasasaktan
Kasamaan at kabutihan
Inosente at makasalanan
Basura at kayamanan
Digmaan at kapayapaan
Tao at kalikasan
Kaaway at kaibigan
Ibang tao at magulang
Kabobohan at katalinuhan
Bida at kalaban
Buhay at kamatayan
Liwanag at kadiliman
Kabundukan at karagatan
Kasaysayan at kinabukasan
Bibliya at Qur'an
Daigdig at kalawakan
Ang araw at ang buwan
Ganyan ka layo ang aming pagitan na tila ang tadhana ay di sang-ayon sa aming pagmamahalan,mahirap man tanggapin ang katotohanan na ako at ang aking hinahangaan ay malabong magkatuluyan😥
May 13, 2021
May 13, 2021 at 1:16 PM UTC
may isang natutulog sa kalye
walang sala, walang detalye
walang makain, walang tirahan
ngunit ikinulong tila'y makasalanan
"mahirap maging mahirap"
said ng mga matang nagpapaki-usap
nang gayo'y makahanap
ng pagkain sa pamilya'y maiharap
at ang isa'y pinaiimbestigahan
dahil umano sa ilegal na pamamaraan
ng pagtulong sa kanyang nasasakupan
kailan ba ito naging kasalanan?
o, Pilipinas, ika'y binabantaan
patagong tinatangay ang iyong kayamanan
mga anak mo'y pinahihirapan
sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan
o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas
ika'y inaapi, inaabuso nang marahas
waring pinaglalaruan ang batas
ng isang nag-aanyong taong hudas
halika't iyong ipaglaban
ang bansang ating sinilangan
basagin na ang iyong katahimikan
at h'wag hayaang manaig ang kasakiman
pakinggan, dam'hin, at tignan
h'wag ka munang lumiban
sapagkat kailangan ang iyong katapangan
sa umuusbong na digmaan
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.
Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?
Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.
Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.
Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.
Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.
Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Apr 12, 2017
Apr 12, 2017 at 12:18 PM UTC
.
madalas
tanging titik
ang nakalilok
sa iyong pagitan
at ng yaring
imposible --
walang gusot
tiwalang bali
kayamanan man
o maging tinik
ang nakakabunga
ng yaong nilalaman
sa kalibliban ng
iyong dibdib
.
© Frederick Kesner. All Rights Reserved.
Nov 26, 2010
Nov 26, 2010 at 4:11 AM UTC
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto.
Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo.
Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo.
Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao.
Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin.
Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin.
Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin.
Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin.
Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo.
"Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao.
Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero,
Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito?
Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin.
Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin.
Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin.
Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin.
Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo.
Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo.
Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo.
Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho.
Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon.
Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon.
Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon.
Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon.
Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita.
Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa.
Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba.
Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita.
Hindi ako gwapo, oo.
Hindi ako maporma, oo.
Hindi ako astig, oo.
Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
Ang lahat ay may umpisa,
Ang lahat ay may pinagmulan,
Kalungkutan man o ligaya,
Ang maaaring kahahantungan.
Sa bawat pagsubok na haharapin,
Tagumpay o kabiguan ang aabutin,
Ito'y pagsisikapan,
Kahit sakit man ay umulan.
Pero lahat ay gagawin,
Hanggang sa kayang abutin,
Hanggang sa huling patak ng dugo,
Ibubuhos hanggang sa huling yugto.
Tatanggapin ang kalalabasan,
Tatanggapin kahit ano man yan,
Kahit masaktan man,
Tatanggapin ng aking kalooban.
Dahil ito ang aking destinasyon,
Sa byahe ko kasama ka,
Sa panahong nakasama ka,
Ngayon, ang oras ko para bumaba.
Salamat aking sinta,
Salamat sa ligayang iyong dala,
Salamat, kahit ito'y panandalian,
Maraming salamat, aking kaibigan.
Ang kwentong di natin inakala,
Ay nasa huli na palang kabanata,
O kay rami kong natutunan,
Mula sa mga bagay na nagdaan.
Ito'y aking kayamanan,
Umabot man ang katandaan,
Itong karanasan,
Di matatanggal sa isipan.
Heto na ang huling pahina,
Huling pahina ng ating kabanata,
Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas,
Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas.
Ang kalatas ng aking paghanga.
Jul 14, 2017
Jul 14, 2017 at 9:36 AM UTC
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati
Bigyan sana nang malawak na karunungan
para makapagpasya sa huling hapon at hapunan
Paano isalaysay ang naganap
kung ang sinta ay laging hanap
Bihira kumain-nangangayayat
Nauutal sa una at panapos na pantig ng pangalan ng liyag
Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi
ng binata na kakilala't nanligaw
Ipinangalandakan ang kasikatan
Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay
Hindi tubo sa lugar-isang dayo
Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao
Batbat ng salapi ang anino
Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro
Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo
at nangyari nang biglaan
Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo
Saan ba tutungo?
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Dumaan man ang napahabang panahon,
Lumipas man ang ilang libong taon,
Itago man sa kailaliman ng kahapon,
Uusli at sisibol ang mga tula ngayon.
Ilang beses mo mang pigilan,
Talunin sa iba't-ibang paraan,
Mapa-asaynment o impromptu 'yan,
Nagagawa ang tula ng may kahusayan.
Sinong mag-aakalang ito'y nakatago?
Sinong mag-aakalang ito'y para sayo?
Sinong mag-aakalang ito'y hindi bato?
Sinong mag-aakalang ito'y nasa puso?
Isang libangan kung ito'y tuklasin.
Isang adhikain kung ito'y susulatin.
Isang liwanag kung ito'y susuriin.
At isang kayamanang kailanma'y hindi maangkin.
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:46 AM UTC
“Live as if you were to die tomorrow. Learn as if you were to live forever.”
― Mahatma Gandhi
Malaking bahay, maraming pera at katakot-takot na mamahaling mga bagay-bagay. Ito ang pangarap ng marami at pinagsusumikapan ng halos lahat ng taong nabubuhay. Kunsabagay walang masama sa mga ito, ika nga libre lang ang mangarap. Pero hindi lahat ay pinagpala, hindi lahat nagkakamit ng pangakong gantimpala. Kaya nga may mahirap at mayaman. Habang may mga nagpapala sa initan ng kalsada may mga naka-de-kwatro na salaula at mga mapang-upasala sa loob ng aircondition na ‘kwarto.
Masarap maging mayaman, yun bang masagana at hindi kinukulang. Yung kahit anong oras ay ‘pwede kang mag-abroad, o di kaya naman ay kumain sa mga mamahaling restaurants kahit anong oras mo mapag-tripan. Tapos pag summer time na syempre maliligo naman dun sa Boracay. Foam Party sa gabi at katakot’takot na sosyalan sa buong magdamag. Sarap talaga ng buhay ng isang mayaman. Pero anong halaga ng lahat ng mga ito? Madadala mo ba ang laksa-laksang karangyaan na tinipon mo? Diba hindi naman?
Karunungan, ito ang higit na mahalaga – higit pa sa kayamanan. Hindi katalinuhan na nakukuha sa mga aklat at natutunan sa mga mamahaling unibersidad. Ang maunawaan ang katuturan ng buhay mo yan ang importante sa lahat. Ang lubos na maunawaan ang mga hiwaga na nasa pagitan ng pagsilang at ng kamatayan ito ang tunay na kayamanan. Ang umibig at yakapin ang minamahal na parang hindi mo na makikita ang bukas. Katulad ito sa sanlibong sinag ng araw sa iyong puso. Ang makita ang paglaki ng iyong mga anak at makasama sila sa hapag tuwing oras na ng kainan. Ito ang mga tunay na yaman na walang katapat na halaga. Ito ang mga bagay na dapat nating pagsumikapan na makamtan.
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 1:58 AM UTC