Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Omniest Wanderer Oct 2018
Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti
Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi

Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob
Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok

Sabi nila'y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim
Ano nga bang nasa likod ng 'yong magagandang tanawin

Nais ko'y lumapit, ngunit papano ako bubwelo
Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro

Ako'y manlalawig, at tumatawag si Laguna
Mukha atang mahirap na'kong pigilan animo'y pumapatak na luha

Nananaginip binibigyan ka ng kwentas ba o singsing
Bagamat ikaw ay isang bituin, sayo'y wala akong hinihiling

Sapat na saking nakatingala, kahit tingin sa sarili ay kawawa
Sapat na saking malaman ang presensya ng isang tala

Ang nais ko lang naman ay magpamalas ng paghanga
At sana, sana ay paglapitin din tayo ng tadhana
Crissel Famorcan Mar 2017
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay
Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay,
Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay,
Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay.

Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit,
Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit
Mistulang preso nang kahirapan humagupit,
Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit

Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok?
Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok
Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok?
Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok.

Kung minsan ay talagang napapaisip ako
Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno?
Para ba mangurakot at magbalatkayo?
At hayaang maghirap ang sariling bansa ko?

Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata,
Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda
Hirap na mamamayan ang iyong makikita,
At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura

Nasaan na ang pondo ng ating bayan?
Bakit naghihirap ang mamamayan?
Katwira'y marami daw pinaggagastusan
Ang mga departamento ng pamahalaan

Isa daw dito ang 4p's kung tawagin
Na tumutulong daw sa mga kababayan natin,
Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din,
Sa halip na yung pamilyang walang makain.

Bakit katarungan ay hindi makita
Sa gobyerno ng bayan kong kawawa?
Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay,
Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay?

Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi,
Mga kurap ay laganap at plastic ang marami
Tapat na tao'y kanilang hinuhuli
At pamamalakad nila ang nais mamalagi

Kaya sana sa halalang papalapit,
Yung matitino naman ang ating ipalit
Mga tapat at di manggagamit
At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
kahel Jul 2016
Tanong nila bakit daw ako nagpupuyat. Sabi nila masama daw ang magpuyat.
Nakakadami daw ng pimple. Magkakasakit ka, at kung ano-ano pa. Pero may tanong din ako sa kanila.
Masama pa din ba magpuyat, magkaroon ng madaming pimple at magkasakit kung
Ang dahilan naman ng pagpupuyat mo ay para makausap ang taong mahal mo?
May mga bagay pala talaga na kahit masama ay nakakabuti din pala sayo minsan.

Lumalalim na ang gabi, lumalalim na din ang koneksyon nating dalawa.
Mga bagay na napagkekwentuhan ay dumarami.
Mga ngiti na sa aking labi ay dumadampi.
Mga lungkot na sa pagpapatawa mo ay napapawi.
Mga ilusyon ng nakalipas ay sa akin dumadalaw.

Mga ka-abnormalan mo na nakakahawa.
Pinatibok mo pati ang puso kong kawawa.
Mga pusa sa labas na ngawa ng ngawa.
Mga daga sa aking dibdib na kinikilig at nagwawala.
Kasabay ang ating walang humpay na pagtawa.

Mga araw na hindi nakakakain para lang ikaw ay
makausap ng matagal.
Ngunit pinupuno mo naman ang aking tiyan ng mga paru-paro ng walang angal.
Mga senyales na sana ito na ang sagot sa aking mga dasal.
Ipupusta na lahat kasama ang aking dangal.
Na ikaw at ako ay hanggang kasal.

Hindi ko namalayan na ako'y nahuhulog na pala sayo sa sobrang daldal.
Na tanging bukhambibig ko na lamang ay ang mga salitang balbal.
Sa sobrang kakaisip sayo habang naglalakad ay muntik pang mahulog sa kanal.
Nakakatawa pero wag sana ako masiraan ng bait at dalhin sa mental ospital.
Nagmamakaawa at nananampalataya sa nag-iisang banal.

Madaming bagay na magkapareho tayo. Sa pagkain, sa kalokohan, sa musika, sa mga bagay na kinaiinisan.
Kahit mismo sa pananalita ay gayang gaya. Tadhana na nga ba ito? Maniniwala na ba ako sa mga kathang-isip na iyong dulot?

Hindi ko alam, hahayaan ko na lamang na ako ang dalhin ng nararamdaman ko kung saan nito ako gustong dalhin.
At mas sigurado pa ako sa sigurado na walang ibang pupuntahan kundi palapit Sayo.
Sayo na siyang dahilan kung bakit ako nagpupuyat.
yzel Apr 2016
parang tayo...
madalas malabo ang koneksyon...
kaya kawawa ating relasyon...
JT Dayt Nov 2015
Salamat!

Ilang buwan na akong nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan

Ang dami ng bagay at tao ang ginamit mo para ako ay malinawan

Pero iba pa ring tinig ang aking pinapakinggan

Yung mensahe na ang nais sabihin na ika'y layuan



Kahapon natagpuan ko ang sagot sa katanungan

Ang puso ko ay parang yelong inilabas sa freezer at natunaw

Akala ko ang manhid ay forever nang hindi tatablan

Lalambot rin pala sa kalaunan


Salamat at hindi mo sinukuan ang tulad ko

Na walang ginawa kundi umiyak at isiping kawawa ako

Ang akala ko nga mensahe mo’y  tapos na

Ngayon ay may pahabol ka pa pala



Una ang sabi mo'y lumapit sa’yo at kausapin ka

Palalimin ang ating relasyon at ibigin ka

Ngayon pinaalala mo naman kung paanong mabuhay sa mundong ito

Na ikalulugod mo at ikabubuti ng tulad ko


Paano bang hindi ka mamahalin?

Eh ang dami mo nang ginawa para sa akin

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin

Iaalay nalang sayo ang buhay at damdamin

Salamat sa pag-ibig **** walang kapantay

Sa akin nagpapaalala na masarap ang mabuhay

Dahil mayroong nagmamahal ng tunay

Ang buhay niya para sa akin ay inialay
*note to God
theblndskr May 2017
Gusto ko ng isa
" Yun oh! Yung hawak ni
Manong nag-titinda. .
"
Itatali ko sa aking kamay
Habang lumilipad
Sa distansyang abot ko pa,
" Oo, yung color blue ah! "
Teka ilan nalang ba
Ang naipon kong barya?
" Hmm. . Aba aba, sobra pa kaya! "
Inipon ko 'to ng kay tagal
Mga baon na bigay ni nanay.

Itatali ko sa aking kamay,
Sabay naming babayuhin
Ang kalsada papuntang simbahan. .

" Sino yung umiiyak? "
Ahh, lumipad ang lobo niya.
Yung bata, kawawa naman. .
Kahit bilhan ulit ng Nanay,
Sige pa rin ang ngawa. .

" Ano nga bang meron sa lobo niya? "

" Bakit nga ba sila lumilipad? "

Ito yung lobong
Masarap tignan sa kalangitan
Di pwde itali ng matagal
Sasabit-sabit kung saan-saan
Kalaunan, puputok nalang.
Kaya sige, aking bibitawan na. .

"Sige lipaaaad! "
Diyan ka nababagay
Sa langit, tanaw ng madla
Malayo para aking silayan pa
Kinagagalak kong bitawan ka.

Pero wait diba uso,
Yung may kasamang sulat?
" Sigeee exciting, "
Lagyan natin para masaya :

                                 
     "  S a l a m a t .  "
Kurtlopez Oct 2020
Pinilit lumaban, ngunit sadyang nahirapan,
Isinuko sa tadhana,ang sitwasyong ‘di na tama,
‘Di na kailangan na itong emosyon ay mahirapan,
Kaya’t itong iyong kamay na hinahawakan,
ay kusa ko nang binitawan…

Kusa ko nang hinayaan.
Kusa ko nang pinabayaan…
sa hangin kung saan man,
ang kamay na ito’y ramdam ang kalayaan,
Ang kaginhawaan… ang kapayapaan.

Nagparaya, Nagpaubaya, Nagpalaya.
Bakit tila hirap akong ito’y maunawaan?
Tila hindi mapalagay itong puso’t isipan…
At tunay na umasa sa kamalian…
Kawalan ay tila tinakasan…
Balakid ay aking kinalimutan…
Naglakas loob dahil nasasaktan,
Ininda ang natatanging kahinaan,
At hinarap ang tatlong kalakasan.

NAGPARAYA
Sa tadhana ako’y nagparaya…
Nagparaya na sa kanya’y maging taya,
Nagparaya sa kanyang maging tanga,
At nagparaya sa larong kayduga.

NAGPAUBAYA
Nagpaubaya nang natatanging biyaya,
Nagpaubayang ang luha ay tumulo sa lupa,
Nagpaubayang ang puso ay magambala,
At lamunin ng takot sa muling pagkikita.

NAGPALAYA
Ang huli ngunit kaysakit na aking magagawa,
Nang umabot sa puntong ako’y nagpalaya,
Nagpalaya kahit nagmistula nang kawawa,
Ang pusong nagmahal lamang…
ngunit ‘di nakamit ang laya.
Kaya’t sa huling pagkakataong ako’y gagawa,
Nang aksyong sa salita ko ay aakma,
Ay yun ay ang panahong ako ay…
Nagparaya, Nagpaubaya, at Nagpalaya.
Eden Tucay Dec 2016
Ang tao pag naba-bad trip sa'yo ng walang makatarungang dahilan -- insecure yun or kulang sa pansin...pansinin mo at purihin...kawawa naman... Dahil sa kabila ng pagiging higit, mababa pa rin ang tingin sa sarili.
Clar Vernadine Apr 2020
Ngayon alam ko na ang tadhana,
ang dahilan ng paghanga,
ang dahilan ng paniniwala,
at ang dahilan kong bakit 'yung tayo nawala.

Tinadhana tayong magtagpo,
tinadhana ang salitang "tayo" para sa ikaw at ako.
Tinadhana tayong magbago.
Tinadhana rin tayo para sumuko.

Ganyan kagaling ang tadhana,
hindi mo alam kong mali ba o tama,
pasasayahin ka pero kaakibat ay luha.
Masakit man pero dapat paghirapan,
dahil di lahat ng relasyon napupunta sa kasiyahan,
'yong iba'y walang sawang kalungkutan.

Tanggapin na natin ang katotohanan
na magmamahal ka pero masasaktan ka,
magpapahalaga ka pero iiwanan ka rin niya,
pasasasayahin ka pero paaasahin ka.

Tanggapin na natin,
na wala talagang tamang relasyon sa inyong dalawa,
na magmumukha ka lang kawawa pag iniwan ka niya,
na magluluksa kana naman sa kaniyang pagkawala.

Tanggapin na natin,
ay oo nga pala di mo pa pala kayang tanggapin,
na 'yong dati niyong relasyo'y naging hangin,
kasabay nang pagguho ng inyong mga hangarin.

Hindi mo pa pala, kayang tanggapin
na matagal ka nang pinaglaruan,
at di naman talaga pagmamahal ang kaniyang naramdaman.
Pabalik balik
Urong sulong
Tila hindi umuubra ang usal at salita
Kapag nag isip ay lalo lang nagiging kawawa
Nakakabalisa ang kawalan ng gawa
Dahil sa takot ay nagpapakumbaba
Kumbaga ang tamis at tawa ay isinugal at isinawalang bahala
Sapagkat ang hindi pagharap sa takot ay masama

Pinilit kong humakbang palapit
Sinabayan ko ng dasal
Ngunit minsan mas mabilis ang paghakbang palayo o pagtakbo kaysa patungo sa tarantang nararamdaman ko
Sila nga ba ay mga pader na dapat kong banggain o sila ba'y mga haligi na nagtatanggol sa akin?
Gusto ko silang paslangin kahit na parang bahagi rin sa akin na mamamatay rin
Katakot takot ang pagkakatulad netong aking damdamin sa hindi pagiging malaya, sa pagiging mahaba lamang ng tanikala

Kinakain na ko ng aking isip at katawan,
Kahit na tiyan ko'y walang laman kundi kape at init ng laman,
Paano nga ba magsisimula?
Unti untiin o isang biglaang awitin, pag aklas sa panginginig,
Pagtuklap sa mga matang gising na nagkukunwaring sa pagtulog ay mahimbing,
Dahil totoo ang panganib kaya't natatakot ka sa maaaring mangyayari o sa hindi mo ginawa,
Ngunit sa pagitan ng sarili mo at takot na naninirahan sa iyong isip sino nga ba ang mas totoo at mas mahalaga,
Ang daga sa iyong dibdib o ang kaluluwa **** maga?
Wag isaalang alang ang bait sa ating mga sarili dahil ang hindi paggalaw kahit na ang diwa mo'y pagal ay pagtaya sa isang maling sugal.
Butch Decatoria May 2019
Now bold to keep hold
of child idle wishes,
when in all a boy's life
the bliss is true with kisses.
Verbose promises mostly misses.
&
What is corporeal is made real
in beloved eyes' appeal
yet just one is giving real deepnesses,
heaven half realized in their weaknesses.
&
A young sunken heart congeals.
Framed in little honest pictorial pieces.


(Can you see the furrowed brow
Consternation crinkles his babyface)
&
No kisses but fish lips in wallet sized b&w
No love lost boys of Indian summer nights
I see with my mind the questions wade
Discovery of Why oh why
“Kawawa mo” sadly see it on his face.
&
In wallet sized black and white, kids in
Photo booth time machine, young trysts
Proof of life, fake smiles in matte finish
Click click flash, wishful first kiss missed.
wizmorrison Jul 2019
Ako ngayon ay nalugmok
Sa sulok nagmumokmok,
Malalim na mga sugat
Sa kahapo’y idinulot.

Ako ngayon ay lumuha
Ngunit hindi ako kawawa,
Tumulo lamang ang luha
Babangon rin ng kusa.

Ako man ay nadapa
Iginapos sa tanikala,
Araw man ay mawala
Sisikat pa rin sa umaga.

Ako ngayon ay gagapang
Papalayo sa pampang,
Lilisanin ang hinanakit
Sa dibdib na kay sakit.

Ako ay magpapaalam na
Sa mga sugat na alibugha,
Magpapatuloy na ako
Kakayanin ko ang mga ito.

— The End —