Sa apoy nagpaliyab,
Sa puso ko'y nagpaalab,
Mistulang isang mitsa,
Nitong muling pagkamakata.
Ika'y aking kaibigan,
Naging sandigan,
Ngunit sa di inaasahan,
Ika'y nagustuhan.
Di ko sinasadya,
Itong kaginsa-ginsang paghanga,
Ngunit ngayon, huli na ang lahat,
Mula noong ako'y nagtapat.
Pagkat di ko kinaya,
Ako'y nahulog nang talaga,
Ika'y nagustuhan ko na,
Nang di ko inaakala.
Ito ang kasalukuyan,
Ito ang katotohanan,
Ang mundong ginagalawan,
Katoto ko, ako sayo'y may katanungan.
Pagkat walang magagawa ang paghihintay at pag-asa, ngunit ako'y isa ring duwag na minsa'y makapal ang mukha, di ko rin alam kung ika'y matatanong nga.