Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katang" poems
"Paalam na mahal." Yan ang huling katang narinig ko mula sa iyong bibig, ang mga salita na tila mga kutsilyong namutawi sa aking dibdib. Naalala ko ang araw ng ating pagtatapos, ang sabay nating pagsaksi sa takipsilim, ang unti-unting pag-angat ng buwan, at ang paglangoy ng mga bituin na tila mga isda sa ating paningin. Mahal. Oo, mahal pa rin kita, ikaw ang natatanging tama sa aking mga pagkakamali, ikaw ang rason sa likod ng mga bakit, ikaw ang ngayon sa tanong na kailan. Oo, ikaw, ikaw na minahal ko ng matagal na panahon at ngayon ay nilisan ang piling ko, sana nakinig na lang ako sa nanay ko, sana binuksan ko ang tenga ko para sa mga sermon ng ate ko, at sana nakita ko ang mga babala tungkol sayo. Ang tanga-tanga ko. Oo, ang bobo ko, sana nakinig na lang ako sa mga payo ng kaibigan ko.
0
Aug 28, 2016
Aug 28, 2016 at 10:43 PM UTC
Paalam
-PARAAN Gusto ko ang paraan kung pano mo ko halikan Kung pano mo ako alagaan Gusto ko ang paraan na akin ka lang Na kahit sino walang makakadlang Gusto ko ang paraan na hawakan Hawakan na tila walang bitawan Gusto ko ang paraan na kayakap ka lang Habang nakapikit ang ating mata. Gusto ko ang paraan na pinagdamot mo Na para bang ako ay pag mamay ari mo Gusto ko ang paraan na nagmamahalan nagmamahalan na walang sawaan. Madami akong gusto na paraan Paraan na pinapangarap na maranasan Paraan na nais sayong maramdaman Paraan na kahit sino magugustuhan Ngunit ang lahat ng ito ay isang katang isip lamang Gawa gawa ng aking isip at kalooban Gawa gawa ko na ako lang ang nakakaalam Dahil ito lang ang tanging paraan..
0
Apr 3, 2017
Apr 3, 2017 at 7:31 AM UTC
PARAAN