Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kasiguradohan" poems
Ako'y nahulog sa matatamis **** salita Hindi ko alam kung ako'y maniniwala Walang kasiguradohan kung san ba ito patungo Ngunit kailangan kong panindigan sapagkat ikay minahal ko Sa araw araw na pagpupuyatan nating dalawa malabong hindi mo ako magustuhan,diba? Sinabi mo pa nga na masaya kang kausap ako Kaya ako naman itong walang alam,nagpauto. Ilang buwan ang lumipas,ayos naman tayo. Ngunit hindi ko naman pala pansin na ika'y unti unting nawawala sa akin Wala akong alam kung bakit humantong sa ganito Yung masayang usapan naging malabong ugnayan. Nalaman ko nalang na iba na pala ang pinag kakaabalahan mo ngayon Yung dating ako lang yung nagpapasaya sayo,ngayon iba na Kaibigan,pinapalaya kita,hindi sa naging duwag ako kundi dahil minahal na kita Mahal na kita samantalang yung matalik na kaibigan ko ang minahal mo.
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 6:19 PM UTC
Malabong Usapan
bakit tayo umaasa? bakit ang dali nating maniwala sa bawat kataga nya? bakit ang dali nating kiligin sa bawat lambing nya? bakit ang dali nating lumambot sa bawat haplos nya? bakit ang dali nating magtiwala sa bawat pangako nya? bakit ang dali nating mahalin sya kahit wala namang kasiguradohan tayo'y mamahalin nya?
0
May 15, 2019
May 15, 2019 at 6:49 AM UTC
umaasa
Salamat dahil hindi moko hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya Hindi moko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang. Sa matatamis na ngiti na hanggang ngiti lamang Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang dahil duwag ako. Dahil andyan ka andito ako pinag dugtong lang ng isang mesa na para bang libo-libong distansyang mahirap abutin. Dahil hindi ko kayang tawirin dahil duwag ako oo duwag ako na harapin ka nakakapagod maniwala sa isang panaginip na baka balang araw mag dikit din ang ating mga daliri at mabatid ko sayo ang nararamdaman duwag ako pumaroon sa espasyong walang kasiguradohan pero napakatapang ko hinarap ko ang katotohanan nakakabit sa akin na andyan ka andito ako malayong-malayo itong paang pumipigil sa akin sa kaligayahanng hatid mo. hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natitigan ang mga mata mo. lagi ako nakapikit na hindi kayang imulat ang mga mata dahil duwag ako at ito ay isang pekeng pangarap.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 2:50 AM UTC
Duwag ako