Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kasama" poems
Sa loob ng sampung buwan marami mang pagsubok ang pinagdaanan nguni wala pa ring atrasan marami na rin ang pinagsamahan at naging magkakaibigan. Isang grupo ng kabataan, na nagkaroon ng isang magangdang samahan. Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya: kaya nila itong pagtagumpayan. Isang grupo ng kabataan na kung minsan ay may alitan pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan at tuloy na ulit ang kasiyahan. Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay isang **** ang na aming tagapatnubay na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay. **** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay. Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan. Kahit kailan ay hindi mo malilimutan. Salamat sa iyo aming **** na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo. Salamat po sa inyo mahal naming **** Salamat mo sa iyo mahal naming **** ng dahil sa inyo kami ay natuto. Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo. Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto. Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
0
Aug 8, 2015
Aug 8, 2015 at 10:37 AM UTC
Salamat Aming ****
Hindi ako marunong tumula Hindi ako marunong tumula Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika Ng tamang pagsulat Ng may tamang sukat Ng may tamang sukat ng salita Ng may tamang salita Hindi ako marunong tumula Dahil iniwasan kong gumawa ng isa Dahil ayoko ng konbensyunal Dahil ayoko ng sukat-sukat Dahil ayoko ng bilang-bilang Dahil ayokong nahihirapan Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko Hindi ako marunong tumula Dahil alam kong ang mga makata lamang Ang may kakayanang makapagsulat Silang mga nakapag-aral ng wika Silang mga matagal nang nagsusulat Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang Kasing bango ng mga bulaklak Kasing tingkad ng langit Kasing linaw ng mga tubig sa dagat Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin Hindi ako marunong tumula Kahit naririnig ko sa radyo Ang mga kantang binibigkas Ng mabibilis na mga bibig Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula Hindi ko inibig ang tumula Dahil alam ko sa aking sarili Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay Mga kwentong binibigyan ko ng buhay Na akala ko sa isip ko lang maninirahan Ngunit dumating ang araw Natulala sa isang bagong kwaderno Blangkong kwaderno Ni hindi ko alam Kung ano ang isusulat Walang maisip ni isa Maliban sa isa Ikaw Ikaw lang ang laman ng isip ko Nakapaglakbay patungo sa unang pahina Ang salitang aking hinahanap Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama Ng ka-tropa Ng ka-barangay Sunod-sunod silang nagsisidatingan Ikaw lang ang laman ng isip ko Ikaw na lagi kong kasa-kasama Ikaw na lagi kong gustong kasama Ikaw lang Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko At nagulat ang nanlalabong mata ko Tula na pala ang naisulat ko At nagsulat ako Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo Tungkol sa kung paano kita nagustuhan Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat Dahil magkaiba tayo ng gusto Nagsulat ako nang nagsulat Hanggang naisulat ko na pala Na mahal kita Hindi ako marunong tumula Ayaw kong gumawa noon ng tula Pero dahil sa'yo Marunong na akong gumawa ng tula Gumawa ako ng maraming tula May maikli May mahaba May hindi tapos May walang kwenta lang Halos lahat ay patungkol sa iyo Minsan sa buhay ko Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko Totoo Ang sarap palang gumawa ng tula Akala ko mahirap Akala ko laging may batayan Akala ko laging may sukat Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika Pero hindi pala May iba palang paraan Basta't may emosyon kang nararamdaman Mahalaga na may emosyon tulad ng Malungkot kasi hindi kita nakasama Mahalaga na may emosyon tulad ng Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa Mahalaga na may emosyon tulad ng Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat Katulad mo ako Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko Ikaw na siyang nagmamahal ng taong Hindi ka gusto Katulad mo ako na Nagsusulat ng laman ng puso mo Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo Marunong akong gumawa ng tula Ikaw ang may dahilan ng lahat Nasabi ko na sa'yo lahat Hindi pa pala lahat Marunong akong gumawa ng tula Pero hirap na hirap ako ngayon Dahil wala na akong maramdaman Wala na ang pinanghuhugutan Wala na yatang dapat paglaanan Wala na Habang isinisulat ko ito Wala akong emosyon Walang emosyong nararamdaman Sa'yo Tapos na ata ako sa'yo Wala na rin akong masulat para sa'yo Pero marunong akong magsulat ng tula Kaya Maghahanap na lang ulit ako Ng taong paglalaan ng mga salitang Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko Maghahanap ako Ng isang tulad mo Mahaba-haba na ang aking naisulat Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat Pero hindi ako marunong tumula.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Hindi ako marunong tumula

Continue reading...
129
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya. Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga. Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan. Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta. Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no? Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan. Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas. Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan. Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man” At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala. At nahanap mo ako. Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala. ... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang. At ngayon, sa unang pagkakataon. Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
0
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 1:35 AM UTC
Sa Wakas

15
Ilang oras na akong nagsusulat Ilang tinta at papel na ang nasayang Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya Ano pa ba ang dapat gawin? Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo? Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin Hindi ko alam kung ano at paano Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan? Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit? Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na Wala ng dahilan para magpatuloy Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon Hayaan ang sariling humilom Hindi ko alam kung gaano katagal Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
0
Dec 24, 2016
Dec 24, 2016 at 8:51 AM UTC
26

naglalaan pa rin ako ng panahon para pagmasdan ang mga lumang litrato sa mga status ko sa facebook, ikaw madalas ang nagiging inspirasyon ko, kung hindi man ikaw, mga karanasan ko mula sayo sa mga tanong ng mga kaibigan ko patungkol sa akin, ikaw ang pinagmumulan ng mga sagot ko lumilipas ang mga araw ng buwan at madalas kasama ng isip ko ang mga alalala mo sa mga lugar kung saan madalas ang kahapon sa bawat minsang nakakasama ka, nagiging abala ako sa paglimot sa mga salitang gaya ng katapangan at pagpapakatotoo minamasdan ko pa rin ang sakit na dulot ng pag-ibig, katapatan o katangahan sa lahat ng mga nakaraan, ikaw ang hindi lumipas nawala man ang pagtingin ko sayo, mananatili ang pag-ibig ko sayo, kasama.
0
May 6, 2015
May 6, 2015 at 12:09 AM UTC
ikaw. kasama...
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

121
Heto na naman ako Nag iisa sa silid Na binubuo ng apat na pader Naisipan kong umakyat Masdan ang alapaap na binubuo ng tala Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan; Isang bote ng alak, At isang bote ng gamot na walang mabuting maidudulot Ang kamay ko ay napuno ng marka Hindi itim O asul Pero pula Sunod sunod na linya at paulit ulit Ang mga marka ay nagsimulang dumugo Napatingin ako sa ibaba Ang mga halaman at lupa ay naghihintay sa aking pagbagsak Sa buong buhay ko Ngayon lang nagmukang malambot ang aspalto
0
Jul 26, 2017
Jul 26, 2017 at 6:13 AM UTC
Paalam na.
"Mahal na mahal kita" yan ang sabi mo ng minsang yakap mo ako. Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi. Pero bat ganito ang nararamdaman ko? May halong takot at pangamba. Oo mahal kita, mahal na makal kita. Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya, ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa. Natatakot ako na tuwing tinititigan kita na bukas ay wala ka na o baka, baka may mahal ka ng iba. Natatakot ako. Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba. Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata. na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba. Ayoko na... Gusto kitang yakapin at sabihing--- "Mahal wag mo akong iwan" Ngunit sasabihin mo "Mahal, ano nanaman ba yan?" Akala mo biro-biruan lang ang pag sabi ko nyan, pero isang matinik na takot ang nararamdaman. Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa. Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi ako'y nag-aalala sa lipi. Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati. Mahal, pasensya na kung ganito ang aking nadarama sa pang araw araw na kasama ka. Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama. Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na. Mahal na mahal kita... Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya. Hindi dahil sa may mahal ng iba. Kundi ako'y na tatakot na. Hindi ko alam ngunit sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga. Puro pag-aalala ang nadarama. Daladala sa mga minutong kasama ka sa gabing malamig, sa mga tanghaling mainit. sa muling pag-luhat pag-iyak. Sa pananabik sa iyong mga halik. Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin. Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba. Dahil aking nadarama may mas mahigit pa. Sa kaya kong alay sayo at ibigay sa pusong na nanamlay at nadudurog na kasing liit ng palay At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y Mayala ka na aking mahal, Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:13 AM UTC
Mahal na Mahal Kita

53
Parang kailan lang tayo'y nagkasama. Puno ng ngiti at maliligayang sandali. Madalas tayong magkausap, Chat sa gabi, text sa umaga. Magdamagang pag-uusap sa skype hanggang sa sumikat ulit ang araw. Kinaumagahan, nagtatanungan ng "May lakad ka ba?" "Gusto **** sumama?" "Tara, saan?" "Kahit saan, basta kasama ka." Minsan gusto kong tumigil ang pagtakbo ng oras tuwing magkausap at magkasama tayo, ang bilis kasi, kasing bilis ng pagtibok ng puso ko tuwing tinititigan mo ako sa mata. Di mo namamalayan ang pagtakbo ng oras 'pag masaya ka. Kasing bilis rin ng pagtakbo ng oras pagbabago ng atensyon na ibinigay mo. Ewan ko na lang ngayon, kung bakit kadalasan iniiwan mo na lang ko ng basta-basta. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung pwede pa nga lang makasama kita sa lahat ng oras, ginawa ko na. Pero hindi rin pwede kasi may kanya-kanya tayong buhay. Siguro minahal kita ng sobra-sobra kaya hindi ko nakita ang mgapagkukulang at pagkakamali ko. O kaya ay laro lang sa iyo ang lahat. Para kasing pinakilig mo lang ako saglit tapos iniwan mo ako kung kailan mahal na kita. Iniwan mo ako ng wala man lang sinabing dahilan.
0
Nov 11, 2014
Nov 11, 2014 at 4:11 PM UTC
Pagsuko
Nakakapagod ng maghintay, Ilang linggo na rin ang nakaraan, Pero lagi kong sinasanay Ang puso ko sa’yo. Iniisip na lang ang mga “baka” Ang  listahan ng bakang... Na baka may iba ka na Baka naipagpalit na ako Baka nagbago ka na Baka kinalimutan mo na ako, At higit sa lahat, baka nasanay ka na nawala ako. Baka ganito lang talaga ang ating wakas. Kasi nasanay na ako sa mga ganitong bagay, Kahit naman tawa at ngiti ang gusto **** iaalay, Luha ang makikita **** dumadaloy sa aking pisngi, Na minsa’y natago ko pa sa mga ngiti. Gusto mo akong maiwan sa tabi mo, Kung sa puso mo’y ako’y naging isang multo. Gusto mo akong maiwan sa tabi mo, Pero palayo lang tayo ng palayo, Gusto mo akong maiwan sa tabi mo, Pero nasaan na ikaw? Nasaan na ako? Nasaan na nga ba ang oras ng “tayo”? Gusto mo akong maiwan sa tabi mo, Pero wala kang ginagawa para tumabi pa ako sa’yo. Nasaan ba ang hustisya ng aking salitang may halaga? Na sa oras kung magbigay ka sa akin ay wala? A ‘yan na, sa sikat ng araw ng Abril, Nagtatapos na ang buwan, nasaan ka ba? Eto na naman ang ating mga mata, Hindi na naman tayo magkikita. Pinagkakaabalahan natin at hinihintay, O baka ako lang. Ako lang. Nawawala na ang mga dating salita na, “Mahal na mahal kita, At miss na miss na kita.” Kasi oo, nasanay ka na, At iniisip mo na, Nasanay na rin ako. Kung minsanang sabihin mo ito, Nagdududa na rin ako kasi nasanay ka na. Tunay nga ba na mahal mo ako? Tayo nga ba? O baka pangalan lang ito. "Us with benefits"? Bagong parirala ba ito? Tunay nga ba na ako ang iyong hinahanap? Na minsa’y wala ka sa aking tabi, Umiiyak na ako, nagwawala na, Mas pinili mo pang iligtas ang iba. Sinasabi mo sa akin na, “Alagaan mo ang sarili mo lagi ah.” Pero ano nga ba talaga ang sinasabi mo? Ikaw pa lang ang nagsabi sa akin na Mabuhay na wala ka. Masakit, hindi ba? Pero, hindi na ako  magdedepende lagi sa'yo. Natutunan ko na ang aking pagkakamali. Nasaan ka ba noong kailangan kita? Nasaan ang oras nating dalawa? Hinahanap kita, mahal kong multo. Patay na nga ba? Saan ang libingan? O baka hinahanap-hanap kung saan-saan, Kasi alam ko buhay pa ito. Naniniwala ako. Minsa’y umiyak sa mga gabi, Hanggang sa hindi na. Hindi na. Hindi ko nang ginusto na makita, Ang mga litrato mo sa akin.. Kasi namimiss lang talaga kita. ‘di ko mabitawan ang aking nadarama, Kasi malulunod ako sa isipan at luha, Kahit ano pa mangyari, hindi kita bibitawan. Hindi bibitawan ng basta-basta. Heto na naman, minumulto ako. Nasaan ka? Naririnig ko ang aking puso. Kung wala ka lagi sa aking tabi. Multo lamang ang kasama ko, Ang multo mo sa aking puso.
0
Apr 15, 2018
Apr 15, 2018 at 2:06 PM UTC
Multo

76
Ang saya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip Ang saya matulog Para lang akong nahuhulog Nahuhulog sa ideyang tayo Pero di masasabihing totoo Pagtulog na mag-isa ka Sa panaginip kasama ka Naka-ngiti, Magkahawak ng kamay, Nakatawa. Pagkagising mag-isa ka. Nakahiga sa kama Malungkot, Walang kayakap, Marahil na nagdurusa. Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo, Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo. Naniwala at nagpaloko Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro Minsan gusto ko nalang matulog Kase nakakapagod na mahulog Mahulog sa kalungkutan Mahulog sa kasawian May oras na ayoko nang gumising, Sa tulog kong mahimbing. Dahil alam kong kapag ako'y namulat, Gugustuhin ko ulit sumulat. Sumulat ng aking nararamdaman, Sumulat ng bagay na ipinaparamdam, Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman. Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod Mapapagod sa nararamdaman Mapapagod sa katangahan Mapapagod sa kabiguan Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog Dahil malinaw na ito'y isang katangahan Sa susunod na pagtulog Sana hindi na ikaw ang laman Ng panaginip At Laman ng puso't isip Dahil masaya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 8:34 AM UTC
Tulog.
NOBYEMBRE 20, 2018 hugis pusong inukit sa munting puno nagbunga ng matamis itong pagsuyo sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako na tayo lang dalawa ang magkasundo ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig halina’t maging mainit ang dating lamig oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig, (sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani sa punong may lilim, kasama kita aking sinta wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
0
Nov 20, 2018
Nov 20, 2018 at 12:05 AM UTC
Puso Sa Puno
Aking damdamin, aking hinaing, Dahil sa mga saloobin, mga hiling, Bilang isang batang walang muwang, Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang. Nilalaman ng aking mga tula, Mga dinaramdam sa buhay kong payapa, Buhay kung saan ako naging malaya, Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha. Ang mga tula kong ito, Sumasalamin sa damdamin ko, Kaligayahan man o panibugho, O mga nararamdaman lamang nitong puso. Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan, Piniling may tugma ang hulihan, Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento, Linimitahan ang mga salitang ginamit ko. Mas gugustuhin kong itula na lamang, 'tong mga nais sabihing nakakahadlang, Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya, Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila. Dito, puso ang pinapairal, Paggamit ng utak matumal, Dahil ito ang pinto ng puso ko, Bintana ng damdamin ko, Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo, Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko, Lahat ng gustong makamit at gustong maabot, Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot. Ito ang mundo ko ng imahinasyon, Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon, Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari, Kahit na sa paningin ko, imposible. Ito ang aking naging takbuhan, Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan, Kasama sa panahon ng kaligayahan, At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan. Ako'y nasanay mag-isa kasama sya, Sa lahat ng oras na walang makakasama, Sa lahat ng oras na walang makausap na iba, Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata. Akin ang ideya, kanya ang paraan, Ako'y napalapit na, kinahiligan, Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan, Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan. Ito ang isa sa aking mga katauhan, Makatang pagsusulat ay naging takbuhan, Pagsusulat ang ginawang libangan, Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 11:09 AM UTC
Ang Tula ko

48
Ito ay isang maligayang araw Dahil ito'y ang iyong kaarawan, Wag mo kalimutan ang iyong ilaw ikaw ang aming gabay sa daanan, HInding hindi ko makakalimutan Ang araw na tayo'y may kaligayahan, Memorya na ito'y aking ingatan 'Di mahalintulad ang kasiyahan Dahil sayo ako'y may natutunan Na wag **** tigilan ang kasiyahan, Ito din ang iyong pagsisisihan Parang araw na puno ng kariktan, Itong araw na ikaw ay masaya kahit isang lungkot, walang makita, Dapat ang iyong araw ay di masira Nakakasira sa iyong kay ganda, Walang sinuman ay isang perpekto Sa aking paningin ika'y kompleto, Hindi mo kailangang magpabago Dahil masaya na ako sa iyo, Masaya kami kapag kasama ka Na kalokohan **** nakakatuwa, Mga tuwaan na nakakahawa Na kinalalabasan ay himala, Ikaw pa din ang bituin sa dilim Nagbibigay sa taong may kulimlim, Ang mga tawanan na walang tigil Mga saya na madaling mapansin, Itong panahon ay muling aahon Walang rason para ika'y matakot, Walang panahon para tumalikod Dahil hindi ito ang iyong desisyon, Sana natuwa ka sa 'king regalo BInigay ko dito ang aking buo, Hindi kayang ikumpara sa ginto Dahil hindi ito isang trabaho, Ito'y ginawa ko sa aking gusto Na sana walang mangyaring magulo, Itong tula ay para lang sa iyo 'Di ko magawa para sa iba 'to. Dapat lahat ay palaging masaya Para walang madulot na problema, Ang panahon ay lalong gumaganda Kapag lahat may magandang balita, Ikaw ang may dulot ng kasiyahan Na punong puno ng kaligayahan, Hindi dapat itong pinagdudahan Parang araw tayo'y nagkakitaan, Walang saya kapag may kakulangan Dahil lahat ay walang kahulugan, Katulad ng masayang kaarawan Walang silbe kapag ika'y nawalan.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:04 AM UTC
Maligayang Kaarawan

52
Umaga na pala, Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw ‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig Tahan na Sta. Teresita,Tahan na, Bayan kong sakdal iniibig Matatapos din ang sigwa, Tutulay muli ang lunday sa sapa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 2:01 PM UTC
Sta. Teresita
* Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan. Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit. Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila. 4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-fuck u ka na pala. 4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon? 4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat. 4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto. 4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives. 4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie 5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan... 6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig. 7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito. 7/28/2016 - monologue at bugtungan "Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis "Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-) "Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network*
0
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 12:55 AM UTC
Hugot Lines

17
Kaibigan, halika at makinig, Sa storyang dapat **** marinig, Sana ako’y paniwalaan, Dahil hindi ito kathang-isip lamang. Habang ako’y nag-iisa, Habang hindi mo ako kasama, Dumidilim ang mundo, Sa pagdilim nito kasama pati buhay ko. Sa tuwing nakatingin sa mga tala, May mga boses na laging nang-aabala, Gusto ko silang tumahimik, Maalis ang mga aninong umaaligid. Tama na.... tama na... ayoko na, Patahimikin mo na sila. Tama na.... Nakikiusap ako, Tulungan, tulungan mo ako. Sa gabi man o umaga, Lungkot na hindi mawari ang nadarama, Noong araw na ako ay nawala, (sa aking pagkawala) Kasabay nito ang katahimikan nila. Sa pagtatapos ng aking kwento, Sana maunawaan mo, Na hindi ito kasabay ng panahon na lilipas din, Ito ay importante at dapat intindihin. Sa pag kupas ng mga larawan, Sa bawat kumpas ng alon sa dalampasigan, Kaibigan, ako’y lumisan sa mundo hindi dahil ginusto ko, Pero para sa ikatatahimik ko. Saklolo.
0
Feb 4, 2018
Feb 4, 2018 at 11:16 AM UTC
Saklolo.
Nang una kitang makita mahal na kita Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka na pa lang iba Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan Ako’y nanalangin na sana’y mahalin mo rin Upang di na masaktan ang puso kong nagmamahal din Alam kong Diyos ay mabait at aking hiling ay tupdin Kaya paggising sa umaga’y ikaw na aking katabi Ngunit isang araw nalaman mo Ang mahal mo ay may iba nang kasama Tumakbo ka at sa aki’y nagpunta Di alam ang gagawin Di rin alam ang sasabihin Sa aki’y panaginip lamang ang lahat ng nangyayari Ngunit paggising ko sinabi mo Mahal mo na ako at ako’y iyong-iyo sa buong buhay mo Ako’y nagulat sa iyong inasal Ngunit sa kabilang banda di mapapantayan ang sayang nadarama Pagka’t tayong dalawa ay iisa na
0
Aug 11, 2011
Aug 11, 2011 at 3:17 AM UTC
Pag-ibig ko sa'yo aking Kaibigan
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan. Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitikan, mapalalawak at magagawang mahusay ng isang **** ang pagtuturo ng aaignaturang Filipino. Maaaring maiakma ang iba't ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang interested ng mga mag-aaral at hawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at iba pa. Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao. Ang panitikan ay laging kasama sa kurikulum ng bawat paaralan bagamat ang bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng pagkakatulad ng mga ito: kuwentong bayan, kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at balagtasan. Naglalarawan ito sa kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, karanasan, pananampalataya at iba pa. Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat, kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbagan at midya at paaraw sa modernisasyon at globalisasyon. Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang banda at bawat bansa sa buong mundo. Kayamanang hindi mawawala.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:41 AM UTC
Panitikan, Kayamanan natin...

7
sa gabi ito nararamdaman ko ang lamig kung saan ang katawan ko ay nanginginig ang gabi na bilang lang ang natatamaan ng liwanag ng buwan sa daan nag lakad ako sa dilim para magpahangin at mag isip isip ng mga bagay na gumugulo at sumasagi sa utak ko ito ba mga bituin tinitingala ko ay totoo bang tinutupad ang hiling ng mga tao? o isa lang silang bagay na palamuti sa itaas ng kalawakan para maging matingkad ang mga gabi at mag bigay ng kislap sa itaas ng kalangitan para matawag itong maganda minsan naniwala ako sa kasabihan kapag nakita mo ito sa kalangitan kung saan ang pakiramdam mo ay hindi mo maintindihan. subukan mo ibulong sa bituin at pagkatapos sabihin mo dito ang mga gusto **** mag bago sa sitwasyon na naaayon sa kagustuhan mo at ibibigay at magkakatotoo sinubukan ko gawin ito ng mataimtim. sinabi ko na lahat ng aking hinanakit at sakit ibinulong ko ito sa mga bituin na may kasama pang luha baka sakali sakin ay maawa hiniling ko na sana ay bumalik ka. yakapin ako muli at hindi kana aalis pa hahawakan ang aking kamay at sasabihin sakin hindi mo kaya hiniling ko rin na sana sabihin **** mayroon tayo pa ilang gabi pa ang mga dumaan sinubukan ko mag lakad lakad sa madilim na daan at mag isip kung saan na ba napunta ang mga hiniling kung ito ba'y pagpapalain sakin o ito ba ay mababaliwala at mag lalaho lang din ng bula kasama ng mga hiling ko kung babalik ka pa ba napag tanto ko kaya hindi sinang ayunan ang aking mga hiling ay parehas tayong humiling sa bagay na ginusto na mangyari para satin ikaw na gusto **** bumalik sya at mahalin ka ulit ikaw na pinapangarap sya ikaw na sana hindi na ulit kayo maghihiwalay pa at ako na umaasa babalik kapa ako na nag hihintay at umaasa ako na humihiling pa ng pangalawang pagkatataon para mahalin. ako na sana ay piliin mo rin. nabaliwala ang lahat ng hiniling para sa ating dalawa. naisip ko na hindi naman natin kailangan ang mga bituin na to para hilingin ng mga bagay na gusto natin dahil tayo ang mga bituin sumabog sa kalangitan pagkatapos ng ating mga hiling para sa atin ay magpapasaya tayo ang mga bituin tutupad sa gusto natin mabago ang lahat tayo ang mga bituin noon ay nag ningning at nag sama pero mali ang tinalikdang daan tayo ang mga nawalang bituin sa kalangitan at pinag tagpo ng kapalaran at pagkakataon para hilingin sa bawat isa pero iba ang gustong makasama. tayo ang mga bituin na yon tayo ang mga bituin nag ningning noon tayo yon tayo ang bituin na yon.
0
Jan 12, 2019
Jan 12, 2019 at 8:24 AM UTC
Tayong dalawa ang nawawalang bituin sa langit

87
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig? Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito. Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko, Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo, 'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula Hindi pa rin ba sapat, na nakilala kita? Para maintindihan ang pag-ibig? Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula. Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan, Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam. Hindi ako makahinga, Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong, Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig? Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating. Kung ang pag-ibig ba ay... Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon? Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo. Ang pag-ibig ba ay... Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay? Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap? Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan. Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig. Natakot ka at nabighani. Ang pag-ibig ba ay... Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses? Ang mga guhit sa braso mo? Ang mga natuyong luha mo? Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan? Natatakot ako, Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan, Mapapagod ako at susuko. Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro, Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko, Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan. Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig, Limang beses akong nagkamali. Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig, Ang ano, bakit, kailan, at paano. Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan. Pangako, Sa sandaling maramdaman natin 'to. Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
0
Jun 27, 2016
Jun 27, 2016 at 6:32 AM UTC
Higit Pa Sa Pag-ibig

45
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

72
Lumaki akong namulat na may pagkakaisa, Pagkakaisang hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Kahit mailap man noong pagbubuklurin ang kapwa, Nananaig pa rin ito kasama ang pagkakawang-gawa. Isang simpleng salita, malalim naman ang kahulugan. Maihahalintulad sa bigkis ng laksa ng magigiting na sandatahan. Sama-samang lumalaban para sa kapakanan ng bayan, Upang maisulong ang kabutihan, hatid ay kapayapaan. Ngunit bakit ngayon, pagkakaisa ay kay ilap? Parang ilaw sa kabaret, bihira **** mahapuhap. Takot na ang iba, kinalimutan pang mahagilap, Dahil nakaharang ang mga buwaya, tinakpan ang pangarap. Huwag nating hayaang ito ay tuluyang maglaho. Alisin ang pangamba, buhayin ang karapatang pantao. Magkaisa sa isang diwa ng maka-masang pagbabago, Nang mailigtas pati ang mga inosenteng bilanggo.
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:56 AM UTC
Pagkakaisa
Kay tuling lumipas ang isang taon at ngayon ay panibagong buwan na naman ng Enero. Isang hamon para sa akin ang baguhin ang nakasanayan ko tatlong dekada na ang nakalilipas -- ang maging masaya para sa sarili ko. At sisimulan ko ito sa paggawa ng saranggola. Kasama ko sa paggawa at pagpapalipad nito ay ang aking nakababatang kapatid na ngayon ay labingtatlong taong gulang na. "Ang galing mo namang gumawa. Ang laki na nang ipinagbago mo a! Dati ang tamad mo, ngayon masipag ka na sa paggawa ng saranggola," napahagikgik pa ako nang tuksuhin ko siya. "Kuya, ang pagbabago ay hindi lamang sa isang laruan o bagay nagsisimula. Dapat sa sarili rin. Kaya kung may mga bagay kang baguhin sa sarili mo, simulan mo sa libangan gaya nitong paggawa ng saranggola. Kung saan nais ng puso **** maging maligaya ay doon ka," malalim ang kaniyang tinuran pero natuwa ako dahil may katuturan ang kaniyang mga salita. Nang matapos naming gawin ito ay umakyat na kami sa pinakamataas na parte ng aming bukid dahil doon ay malakas ang hangin. "Isa. Dalawa. Tatlo. Takbo na kuya! Takbo!" ngiting-nigiti ako habang tumatakbo paakyat ng bukid upang paliparin ang saranggolang hugis bituing gawa naming. Nang nakakalipad na ito ay hindi pa rin mawala sa aking mga labi ang ngiti. Nasabi ko na lamang sa aking sarili ang mga katagang, "Simula pa lamang ito ng pagbabago sa aking sarili. Sisikapin ko at paninindigan ko ang panata ko na maging masaya hanggang sa huling hininga ng aking buhay. Gaya ng saranggolang matayog ang lipad ay magagawa ko ring lumipad paitaas maabot lamang ang tunay na pinapangarap ko at tunay na maging maligaya habambuhay."
0
Jan 13, 2018
Jan 13, 2018 at 9:06 AM UTC
Saranggola

8