Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"karumaldumal" poems
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

Continue reading...
75
Naaawa ako saiyo, Binibini Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi. Ginahasa ka ng sarili **** pinuno Minulestya ka at pinagsamantalahan Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan. Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod Binigyan mo na ng palay at lupain Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin. Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain. Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi Pasensya ka na at sila ay naging makasarili Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis. Binibini, Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo Hustisyang malabo mo nang maabot Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
0
Mar 15, 2019
Mar 15, 2019 at 8:25 AM UTC
BINIBINI