Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalutasan" poems
Sa panaginip anaki'y nagliwaliw nakahanap ng pansamantalang aliw Lumikmo sa tumba-tumba Pikit ang mga mata, nag-iisip na kung ano ang mangyayari kapag ang lahat ay umayon Sa madilim na sulok ay inaalala mukha na walang bahid ng hapis ang hagap malaya't may kumpiyansa Wala sa huli ang susuyuin pagkatapos niya Kapag lumagpas na sa kabataang edad ang mga buhok ay mangamuti ang labi'y lumitak buti pa ang pagka-ulyanin ang unang gumanap sapagkat sa hilahil ay hirap Di-pangkaraniwan ang diwa Labas sa katotohanan huminggil ang wika ng isip Tulad ng hari sa luklukan pumapatnugot sa mga kabanata Ito'y kalutasan ng pagpapanibugho Tumataghoy sa loob, luha'y bumabalong Sa init ng dugo sa ugat ng puso, ang buhay nadudugtong Ang imahinasyon na tila sapala - walang limitasyon
0
Mar 14, 2019
Mar 14, 2019 at 11:33 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #65
Ikaw pala yan, yung taong palangiti at palaging masaya. Ikaw pala yan, yung taong kalungkutan ay halos hindi makita. Pero tila ba nagbago na yung taong nakasanayan nila. Saan napunta yung ngiting kayang makapagpasaya ng iba? Yung dating masigla at makulay, ngayo'y napapalibutan ng kadiliman. Tuwing babalikan ang kahapon, masasabing isa kang liwanag na walang hangganan. Ngunit anong nangyari at parang pagod na pagod ka? Hindi na nga ba maibabalik yung dating sobrang saya? Iyong mga mata ay napagod na, kakahanap sa kalutasan para sa iyong mga katanungan. Ang iyong boses ay halos mapaos na,  kakasagot sa mga katanungan na "ayos ka lang ba". Sa bawat gabi na ika'y nag-iisa, hindi mo man sabihin alam ko'y meron kang pangamba. Takot na baka bukas ikaw nalang mag-isa, o takot na baka sumuko ka nalang bigla. Hindi man tayo sobrang magkakilala, pero gusto ko lang sabihin na sana marunong ka din magpahinga. Walang masama kung ika'y magpapabida, pero huwag kalimutan na ikaw ay mas mahalaga. Bilang isang paalala, mga katagang ito'y aking iiwanan na. Ikaw na nagpapanggap, kamusta ka na?
0
Mar 27, 2020
Mar 27, 2020 at 2:33 AM UTC
Kamusta ka na?