"kaliwanag" poems
Hindi baga nakapagtataka
Ang mga salitang sinambit ni Eba
Nang kainin ni Adan
ang tanda ng kasalanan?
Hindi baga nakapagtataka
Ang mga salitang sinambit ni Adan
Nang una niyang nasilayan
ang ganda ni Eba
Na hinugot mula sa kanyang tadyang?
Hindi baga nakapagtataka
Sa kung paanong sa pag-ikot ng mundo
Ni minsan hindi nagtagpo ang araw at buwan?
Hindi baga nakapagtataka
Na sa dinami-dami ng tao sa mundo
Na sa paglipas ng dapit-hapon
At pagsikat ng araw
Natagpuan kita-
Sa isang araw na hindi inaasahan
Nakita
Nakilala
Nakasama
Hindi baga nakapagtataka
Sa kung papaanong ang bawat kaluluwa
Ay nagkakadaupang-palad
Ay nakakahanap
Ng mga kaluluwang mapagkakanlungan
Sa pag-ikot ng mundo
Sa paglipas ng panahon
Tulad ng atin-
Hindi ikaw yung ordinaryong babae
Sapagkat ang pagsabi sa babae ng ordinaryo
Ay parang pagmura sa isang santo
Sa iyong mga mata nakasillid
Ang isa pang babaeng
Nais kumawala
sa mundong kanyang kinagagalawan
Kimberly-
Pangalan mo’y hindi sayo lamang kumakanlong
Marami kang katulad
Pero ang pinagkaiba
Ikaw ay ikaw-
Sa kung paanong ang pangalan mo
Ay bumalot sa iyong katauhan
Sa kabutihan maging sa kasamaan
Isang babaeng naghahanap ng kasagutan
Sa mundo ng mga tanong
Na tila ba ang mga sagot ay hindi maapuhap
Na tila ba lahat ng ito’y
Nagtatago sa mata ng bawat isa
Na ang pagtitig sa mga ito’y hindi sapat upang matanto
Ang katotohanan na bumabalot sa atin
Sa iyong katauhan ay may nakabalot na sikreto
Isang misteryo na hindi ko kailan man malalaman
Ngunit kahit gaano man kadilim o kaliwanag
Hindi nito madadaig ang misteryo
Sa kung papaanong tayo’y nagkakilala
Sa isang panahon na pangkaraniwan lamang
Dalawang dekada-
Ang buhay mo sa mundo
Sa dalawampung taong paglipas
Maraming taong dumating
At marami ring umaalis
Binalot ng lungkot
Yinakap din ng saya
Ang iyong pagdating
Sa mundo ng kabagabagan
Pasalamat na lamang
Na sa paglipas ng lahat ng ito
Kaluluwa mo’y dagling naapuhap
Na parang liwananag sa kandilang papaupos
Maligayang Kaarawan, Mahal kong Kaibigan
R. L. Alcantara
Enero 28, 2015
Oct 26, 2015
Oct 26, 2015 at 10:35 AM UTC
Nang ‘di masilayan ang iyong mukha,
Ako’y tila ba nanlumo’t nanghina.
Salitang “mahal kita”,
Bakit ba ‘kay hirap sabihin?
Nakita ko ang iyong litrato,
Kailan pa naging ganoon kaliwanag ang mga ngiti mo?
Na para bang ito’y konektado,
At kumikislap ‘yan mga mata mo.
Abutin mo ang aking kamay,
Halina’t sabay tayong maglakbay,
Laban sa mundong puno ng lumbay,
Ikaw at ikaw pa rin,
Ang nais na makasama, habang buhay.
May 13, 2018
May 13, 2018 at 10:34 AM UTC