Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaligayahang" poems
Kay tagal kong hinahanap ang sarili,patuloy parin ang lungkot at nananatili Ang isip ko'y gulong gulo , Akala ko'y kalmado na ang lahat , subalit meron parin akong lagnat Sakit na habang buhay ng nasa aking katawan , kinakain paunti-unti hanggang ako'y magpaalam, Utak ko'y sirang sira na pinagsama ko kasi ang lungkot at saya Ang alak na ngayo'y aking muling tinikman ganun parin ang lasa , lasa ng kalungkutan, Mga taong aking nakilala , aking iniwanan para lang mahanap ang kaligayahang inaasam-asam Bumuti lang ako ng ilang porsyento , bagkus may mga bagay na hindi perpekto Dahil ang ugat ng ito ay nakatanim sa aking pagkatao , kaya't hanggang ngayon ako'y isang Preso.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 11:26 AM UTC
Taguan
Sa isang hardin ako ay may namataan Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan…. Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay Sukli nya’y ngiting may  kahalong lumbay At napansin ko ang pighati sa kanyang mata Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha… At sinambit nya… “Oh ang rosas na puno ng ganda Lahat sa kanya ay nahahalina Subaling akong palagi nyang kasama Ni minsan di nabigyan ng importansya" Dagdag nya... "Ako’y nanliliit sa aking sarili Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan Subalit sa malakas na ihip ng hangin Dulot ng bagyong kayhirap pahupain Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?” Oh kaibigan, akin na lang nasambit Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas. Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan? Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam? Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 6:06 AM UTC
Ang Matamlay na Dahon
Bakit nga ba sa lahat ng tao, ikaw? Bakit nga ba ikaw ang nangibabaw? Bakit ba sa bawat pagsulyap ko sayo, ako'y muntik nang matunaw? At sa bawat pagtitig mo, nasilaw sa liwanag 'tong mga balintataw. Boses na tila harana, Tawang tila musika, Buntung hiningang hele sa mga tenga, Pagtatapat na tila bomba. Pagpapalit-usap na tila kay kaswal, Puno ng tawa at mga pang-aasar, Biglang hinaluan ng istilo't mga diskarte, Upang mapaligaya ang napupusuang babae. Kaligayahang tila walang katapusan, Kailan ba darating ang hangganan? Saan nga ba umabot ang mga tawanan? Kinilig ba ang pusong nililigawan?
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 7:03 AM UTC
Kilig
Mata: Nakikita nila akong masaya kasi sa tuwing tititigan ako ay nangungusap na. Pero hindi nila alam na sa kasuluksulukan nito ay madilim na ang aking nakikita. Ilong: Amoy na amoy ko pa ang masasayang alaala ng kaligayahang noon ay aking nadarama. Ngunit, ngayon ay unti-unti nang bumabara ang mga sakit at pighating dulot ng aking pagdurusa. Tainga: Kay sarap pakinggan ang mga nanari-saring tiyempo, ritmo, at tonong iyong napapakinggan. Ikaw ay napapaindak pa at napapasayaw sa mga natamong kasiyahan. Subalit, binging-bingi ka na sa mga masasakit na salita sa iyo na tila wala ka ng kwenta. Bibig: Puring-puri mo ang mga nagawa mo para sa kanila at doon ay napagtanto **** may saysay ang bawat **** ginagawa. Ngunit, pilit mo na lamang ikinukubli ang mga masasakit na katagang nais **** ipabatid sa kanila dahil alam **** kapag ikaw ang nagsalita, mali pa rin sa pagkakaunawa nila.
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 3:54 PM UTC
Salamin ng Kasiyahan
Sa pagkagat ng takipsilim isa lang ang natatangi kong hiling, nawa'y sa agad na paghiga ay siyang agad ring mahimbing. 'pagkat ako'y sabik na ng labis na muli kang makapiling— hintayin mo aking sinta, sa tagpuan natin ako'y darating. Sa napakalaking puno tayong dalawa'y nagtagpo Tila nag-uusap ang ating isip at puso kahit hindi kumikibo, hindi ako makapagsalita sa kadahilanang dinadaga ang aking puso.. Sa pagsalubong mo sa akin, niyakap kita at hinalikan sa iyong noo. Mga luha mo'y nagsitulo mula sa'yong napakagandang mga mata, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang iyong napakaamong mukha.. Sadya namang hindi natin masukat ang kaligayahang nadarama, Hiniling ko na sana ang oras na iyon ay hindi na matapos pa. Muli sana akong lalapit para muli kang yakapin, ngunit sa aking pagkahimbing kinailangan ko nang gumising. Huwag mag-alala, aking sinta 'pagkat muli akong darating... sa aking susunod na mga panaginip ang oras ay atin nang susulitin.
0
Jun 6, 2020
Jun 6, 2020 at 11:27 PM UTC
Tagpuan
Bangkay na hindi maibaon, 'di pagtakhang walang pagkausad ngayon; Kung ang sarili'y hindi maiahon-- sa lungkot na dala ng kahapon. Pait sa likod ng bawat ngiti, 'di pagtakhang lungkot pa ri'y 'di maikubli. Pagsisisi'y inabot na ng pagkamuhi sa sarili'y pinagkait ang kaligayang pinili. Dumadaloy sa kaibuturan ang bawat sakit 'di pagtakhang sarili'y nilalatayan ng paulit-ulit. Iginumon sa pagkapighati't pait ng kahapong ibinabalik ng pilit. Kumawala't sumubok hulihin ang kaligayahang ipinatangay sa hangin.
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 3:07 AM UTC
Larawan