Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa bawat hakbang ng paa, saan ka nga ba pupunta?
Kadiliman, takot at aba, yan ang siyang nadarama.
Anong mali? Anong masama sa lahat ginawa ko?
Bakit sa huli, iniwan pa din ako.

Tiwala sa sarili ay nawala.
Landas na tatahakin, tila naglahong bula
Sino pa kaya ang pagkakatiwalaan sa mundong ito?
Bakit kailangan na pagdaanan ang mga ito?

Mula sa malayo, ako'y iyong tanaw.
Luha, wala man, batid **** bibitaw.
Nadama mo ang aking damdaming tila manhid na
Manhid na nga ngunit sakit ay siya noong nadadama.

Luha ko'y pinawi, pinalitan mo ng ngiti.
Puso kong nasaktan, iningatan **** muli.
kamay kong kupkop, iyong hinawakan.
Niyakap akong sinasabi na hindi mo ko iiwan.

Araw, oras, panahon man ang lumipas na
Takot ay nawala maging sakit pati na luha
tiwala sa sarili muli kong naibalik
At ang makita ka ay siyang tangi kong pananabik.

Sandaling panahon, marahil, tama sila
Ngunit ang sandali'y sapat na para ang sugat ay maghilom na
Bakas ng nakaraan, kaya ko ng tawanan
Sapagka't pasalamat ako dahil ikaw ay nariyan.

Muli akong tumayo at lumakad at naglakbay
Batid kong di mag-isa, ikaw ay aking kaagapay
yakap mo't mga dasal sa akin ay nagpatatag
ikaw ang handog ng Diyos bilang kalasag

Salamat Mahal, ngayon ako'y maayos na.
Kaya pala dumilim para lang makita ka.
Kaya pala kailangan na ako'y masaktan
Upang malaman na ang tulad mo'y nandiyan
Nexus Aug 2019
Salitang sayo ko narinig
Pero kung iisipin, napakarami nating pwedeng matatagpuan at masusumpungan pero bakit nga ba tayo pa ang naging mag kakaibigan


Tayo'y pinagtagpo lang pala
at hindi itinadhana
Tayong dalaway patuloy na umaasa
Ngunit ngayon sabay na nasasaktan at
nag hahanap ng pag asa

Ang salitang
SANA
ngayoy  kaakibat sa bawat buntong hininga
Sana naghintay lang ako,
Sana mas nagging matapang akong mahalin ka at
harapin ang bukas ng walang pag aalinlangan,
Sana ikay pinaghawakan at ipinaglaban sa
tadhanang naghahamon
at
sa pagkakataong hindi nakiki ayon

Ginamit kong salita ay parang kalasag
Bilang pansalag sa naka umang katotohanan.
Isinulat ko ito upang pagmukhain akong matapang
Na mistulang  lumalaban ng walang pag aalilangan.


Tangapin na natin
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay sa atin ay naaayon
sa kung paano natin gusto
ito’y ating matatamo.

Kaya mahal paalam........
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
040120

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.

Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****,
“Ama, narito na ako.”

Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.

Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
112615 #9:55PM

Nakaadya ang pares na sisidlan
Tangan ang kalasag na paparaan
Bibigkis ang kapagalan
Isasaplot at pasasalamatan.

Ni walang maitulak-maikabig
Pagkat sumamo'y patungong Langit
Siya'y isasantabi,
Sa papag **isasalig ang sarili.
Goodnight Philippines! Goodnight World!
alvin guanlao Aug 2015
Huwag **** paunlakan
pagka't di naman ito ipinagtutulakan
huwag mo ring masamain
pagkat di lang naman ikaw ang puwedeng naisin

isa lamang siya sa mga mata,
na nakakakita kung ano man ang puwedeng mahalata
tingin ko mas dapat mo pa ngang ikasaya
pagkat sa iyo'y mayroong humahanga

ang binitiwan **** salita ay hindi puwedeng gumana sa isa
naniniwala akong nakaramdam ka din, kaya ka dumistansya
ngunit bakit mo pa ito kailangang ipahayag sa amin?
gayong walang kalasag na proprotekta sa kanyang damdamin.

ako'y hihingi ng tawad kung ika'y nasaktan
ngunit huwag **** ipagkait itong aking kahilingan,
na kung sa susunod ay muli mo itong maranasan,
maari bang huwag mo na itong lakasan?
031117

Iniibig Kita
Gaya ng panata ko sa Pilipinas
Ipagmamalaki saanmang dako Mo ipasayad
Ang minsang nalulumpo kong pagkatao
Buhat sa minsang ding pagmamataas ko.

Mas ipagsisigawan kong
Ikaw ang kalakasan ko
Ang kalasag sa bawat oras
Na gusto ko nang huminto
Na gusto ko nang sumuko
Na gusto ko nang magpatalo.

Gaya ng aking panata
Sa bansang pinagsilangan ko
Mas paninindigan na Kita
At hindi ko dudungisan ang Ngalan Mo
Pagkat Ikaw ang tanging baluti ko --
Ang panatang alam kong
*Di ko kayang talikuran pa.
032316 #TagkawayanBeachToPPC #HawlingDay

Madaya ang dagat na tumatabi,
Umiiwas sa lalim na walang lebel.
Kung susukatin ang dipa ng pising ibinigkis,
Milya ang distansya ng berde't kayumanggi.

Pahiwatig ng hampas ng mga dahon,
Kanila ang lupang may paghuhumaling sa nayon.
Gayundin pala ang kurot
Ng latigong pakpak ang armas.

Hininga ay buhay
Sa baku-bakong daang
Nagmimintis sa tahanan.
Ilang gulong na kaya ang nagpatalyer?
At nausugan ng ilan pang mga panlupang sasakyan.

Napapagod ang likido ng Langit
Na siyang minsang lampas-lupang nagpakumbaba.
Napapagod ang Ilaw
Sa pagsirit ng kandilang hindi nauupos.
O ang mga ibong pumapagaspas
Sa ereng walang tiyak kung saan papadyak.

May mga kasuotang gula-gulanit,
Sila'y may mantsya't may kalakip na basbas.
Hindi maititikom ang pagsampal ng paa,
Mga paang piniling lumaya
Kahit tadtad sila ng kalyo.

Ganoon pala ang pagpihit ng duyang sandali lamang,
Ihihile ka nang saglit,
Sabay makikibaka sa panahong gusto niya.

Simple ang buhay,
Namamahinga't umiiling kadalasan.
Ni ayaw ang gintong luha,
Kalasag pala ng kanyang pagkatanda.
Walang silbi ang milya-milyang  layo
Ng ating destinasyon
Kung ating pag-ibig ay sing tigas ng
Batong marmol
Wala akong pakialam kong ako'y
Kanilang usigin
Tanging tibok ng puso ko ang
Aking diringgin.

Harangan man ng sibat at pana
Ang aking daraanan
Wala itong laban sapagkat
Pagmamahal ko sayo'y
Nagsisilbing kalasag na pang laban
Mahal na mahal kita ito'y iyong
Pakatandaan.

Hindi man tayo magkapilng ngayon
Sana'y lagi **** tatandaan
Nagkatao lang natin ang
Magkalayo
Ngunit hindi ang ating mga
......PUSO.....
LOVE IS NOT ABOUT HOW FAR YOU ARE...
Eunoia Aug 2017
Tinta at Papel ang aking kalasag,
Ipaglalaban kita mahal,
Gamit ang mga salita't letra,
Lulunurin kita sa mga tugma't tayutay,
Ganito kasi magmahal ang isang manunulat.
Lance Cecilia Dec 2015
nang dumating ako sa kalyeng puno ng alaala
pinagmasdan ang kalsadang bagong gawa
bakas pa rito ang pagdaan ng mga pison na pilit na pinapantay ang baku-bakong landas ng aking kinabukasan

'di pa gaanong tuyo ang itim na aspaltong kalalagay lang
at sinusubukang takpan ang sementong 'di man lang nakatikim ng liwanag tulad ng aking puso
ang aking pusong sa bawat tibok ay binubuhusan ng malagkit na aspalto ng pagkalimot

at ang sementong balot na balot ng matigas at malutong na aspalto'y paulit-ulit na dinadaanan na tila walang pakialam sa kung gaano ba kasakit masagasaan nang paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit

hanggang sa magkawatak-watak ang aspaltong kalasag ng semento mula sa liwanag

at kung ito'y mangyari ay susubukan muling ayusin
at bubuhusan ng mainit na aspalto upang takpan ang mga sugat at butas na sumisilip sa liwanag

ngunit tulad ng pagdidilig sa patay na halaman o sa pagpilit na malimot ang minahal
ay imposible at walang katuturan
dahil ang nagagawa lamang ay baku-bakong kalsadang puno ng alaala
at kung pagmamasdan ang kalyeng bagong gawa
ay bakas ang paghihirap at pagpilit na ikubli ang itinatagong nakaraan
Taltoy May 2017
Ang digmaang ito,
Bakit nga ba sinuong ko?
Bakit pa ba ako pumasok?
Bakit ako lumahok?

Alam kong di tiyak,
Alam kong maaari akong umiyak,
Alam kong hindi magiging madali,
Alam ko kung ano ang mga maaari.

Walang kalasag ni sandata,
Wala akong ibang dala,
Kundi sarili at sarili ko lamang,
Sariling haharap sa mga pagsubok na nakaabang.

Kahit ano man, haharapin,
Kahit anong sakit, tatanggapin,
Haharapin ng walang takot,
Sisikaping lampasan kahit sa mundo ko pa'y bumalot.

Kaya aking pinaghandaan,
Bago pa sumulong sa labanan,
Dahil isa lamang sa dalawa ang maaari kong makamtan,
Ang husga: tagumpay o kabiguan.
Dahil yan ang katotohanang dapat tanggapin sa kahit anong laban, kahit sa pag-ibig man.
solEmn oaSis Mar 2022
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas
Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi
Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom
Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman.
samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag
mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan...
at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo
Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan
Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay.
Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw
Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw.
Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan.
Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan

Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman,
Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam !
Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang
Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos.
Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang...
Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang,
Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga..
Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog
Sukdol Nga Ba O Sakdal
Kung Dumatal At Kumintal
Ang Alimpuyo't Tagtuyot
Sa Panahon Ng Tagdahon

At Sa Di Kalayoan
Akin Ngang Naulinigan
Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan
Kung Saan Ang Aking Katayoan
Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan...
Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
biyayang hangin man ay di nakikita
sa tulong ng tinta ito ay kayang ipinta
Caryl Maluping Sep 2023
Sa panibagong yugto
may giyera ng dugo

Mga sigaw sa kaparangan
ikinubli sa kalasag ng karahasan

Kung ang tanglaw ng sulo'y ninanais ang digmaan
sigalot sa diwa'y hinahabing marahan

Titiisin ng talampakan ang init ng apoy
babatakin ng putik, lulubog sa kumunoy

Hanggang kailan titiisin ang hilahil ng tadhana?
pagal na ang mga paa't tuyo na ang mga luha

Kung ang dahas ng dapit-hapo'y patuloy na nasasaksihan
liwayway ng bukas, kailan kaya masisilayan?
This was inspired by the poem of General Antonio Luna in the 2015 film Heneral Luna
Pusang Tahimik Aug 2021
Ako ay mandirigma sa ibabaw ng lupa
Ang kalasag at baluti ko ay di nila makita
Ang aking pananggalan ay di magigiba
At ang aking tabak ay may talim na magkabila

Ako'y walang tigil sa pakikidigma
Sa mga kaaway na walang habas kung gumiba
Ng mga templong ang nais sa kaligayahan ay humiga
Mga templong di alam ang pakikidigma

Mga kalabang hindi mo nga makikita
Ngunit nasa harapan kung sarili ang nakikita
Hindi na siguro bago ang ganitong balita
Na ang kalaban sa harap ng salamin mo lang makikita

Dumarating ang araw na ako'y nadarapa
At ang palakol ay nakatutok sa katawan ko'ng nakahiga
Ngunit Ikaw ang pananggalan ko'ng di nga magigiba
Inaahon mo ako upang alisin ang putik sa pagkadapa.

-JGA
here is something they do not teach
in school, that is why
    Juaniyo put a bandana around his head
in red and like a sturdy kalasag, he raised
    his hand high, championing all —
nobody shall strike this country with
    impunity.

Juaniyo was an anarchist — a decibel in the  voice of this nation, standing strong
   for the deprived, the voiceless,
    the pithless. this was inscrutable force
       awakened — they did not teach this
  in school. they taught us that we'd
    be winners, hotshots,
millionaires, tycoons, dogs and slaves to
    capitalists — this total equation
  they didn't tell us together with the
   suicides and the extra-judicial killings,
the limp democracy of the state,
     summary executions, the displaced
groups, shelterless mothers with children
   suckling their ******* while seeking
alms, the downfall of all economies

for Juaniyo, a hurled rock is the imperative as a thick wall of alloy
   and fiber glass drive him to the edge
of the street where somewhere in the periphery, a bombardier of water is waiting with a steady aim;

      they did not want their powers
challenged, they did not find it appealing that their oppressive authoritarian stance
    is put to the test and is at the verge
of being dismantled to be replaced by
   freer, egalitarian structures.

   Juaniyo leaves the class in total pursuit,
  heeds the call of heartland.
For my cousin, a propagandist for a rebellious group here in the Philippines.
Clara Mar 2022
Hayan nanaman sila,
Naglalayag muli ang mga mamamahayag,
Lagalag nanaman ang bandera ng pula, berde't asul
Sa gitna ng karagatan ng mga nauupos na katotohanan,
Ang hangin ng pagbabago ay muli nanamang umiihip,
Tulak-tulak ang bangkang ginawa mula sa diyaryo't mga pangarap,

At doon,
Sa islang pinanggalingan ng mga mamamahayag,
Kung saan ang mga tao'y kasali sa isang paligsahan ng mga bangkay,
Nakatayo sa sentro ang isang pulang bahay na nagmamatyag,
Sa kanyang pader nakaukit ang mga alituntunin ng larong maingay,

Mangyari lang daw na patayin ang nagsasayawang mga apoy na nagbibigay ilaw sa pagbabago,
Mangyari lang daw na patigilin ang pagkembot ng mga bewang sa kumpas ng isang ipinagbabawal na musika,
Mangyari lang daw na mangarap ngunit tumingala sa usok ng kanyang establisiyemento,
Mangyari lang daw na maglabas ng buntong hininga ngunit huwag sanang pagkamalang pamumulitika,

Sa nayong malapit sa dalampasigan ng isla,
Kung saan ang buhangin ay nananatili pang morena't hindi pula,
Matatanaw ang isang maliit na eskenita,
Kung saan naglalakad ang mga pudpod na paang naghahanap ng pag-asa,
Ang daang malubak ngunit binuo ng pinagtagpi-tagping mga proweba,
Ay mag tuturo sa daungan ng bangka ng mga sinabing peryodista,

Ngunit pagdating sa nasabing tagong lugar,
May mahabang pilang nag-aantay sa naturang bangka,
Wari'y lahat ng talampakan ng mga tao'y dumudugo ngunit hindi namumula,
Lahat ay may dalang maleta ngunit hindi naglalayas o nawawala,

Sila'y nakapila upang antayin ang bangka,
Hindi para sumama,
Kundi para maging kalasag ng isang malayang pagpapahayag,
Para maging tagapagtanggol ng isang katotohanang nararapat makita ng lahat ng mga nabigador,
Para mapatahimik, hindi lang ang lagim ng laro,
Kundi lahat ng mga bangkay na naiwan niyang nag iingay
The poem was written as an org entry during the ABS CBN shutdown in 2020.

— The End —