Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Paulo May 2018
Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita?
Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa,
Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan
Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan

Andyan yung unang punas sa mukha **** pawisan
Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan
Unang pagbabago ng aking nararamdaman
Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan"

Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita
Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha
Ngunit ikaw ay aking naintindihan,
Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng  nakaraang hindi malimutan

Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya
Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan
Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana
Makita ko lang ung mga ngiti **** mahiwaga

Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala
Batid kong madaming nagmamahal sayo,
Kaya naman aking pagtingin ay lumayo
At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo

Gusto ko lang lagi **** tatandaan,
Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo,
Handang tumulong sa abot ng aking makakaya
Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema

Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday
Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan
Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan
Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan
Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan

Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang
Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang
Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot
Sana wag kang magbabago't wag makakalimot

Di nako aasang liliit ulit ang espasyo
Magbubukas ulit ang entablado
At makaka tapak sa inyong teritoryo
Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
Keithlyne Oct 2018
Tingin sa kanan at kaliwa ng pasilyo,
lalakarin ang dulo ng kahit wala ng  tayo.
Tingin mo saan ako dadalhin nito?
Pipilitin kahit sira na,
yan ang totoo.

Teka, iisip nalang ako ng bago,
yung mapapasaya ka kahit sa malayo,
Tutal doon nagmamahal ako kahit papaano.
halika sabayan mo naman ako.

Nakakatuwa sa unang hakbang diba?
Parang ayaw mo ng tapusin pa,
parang  sa bawat kapit hindi na bibitaw sa saya.
halika samahan mo ko, tara?

Mukang nasa kalagitnaan na ba?
Oh sadyang dama ko lang ang kaba.
Pangangamba'y nasa iyong mata.
Dito lang ako, Wag magalala

Nilamon ng dilim na nabalot.
Iniisip papaano na ako tatakbo sa takot.
Nasaan ka? bakit di na kita madama?
bumitaw kana pala.

Maliligaw magisa sa dilim.
Tanging tanglaw ang alala at lihim.
Abutin man ako ng takip-silim,
tiyak na ikaw padin ang isisgaw sa pang-anim.

Mahal,  masaya akong maglalakbay.
Mahal, hayaan **** ako'y mangalay
Mahal, naging totoo ang aking inalay
Mahal,  tanong ko lang,
Ikaw pa ba ay sasabay?

Oh tignan mo, layo na pala nito.
Kinaya kong wala ka dito. Mahirap, oo. Masakit? panigurado
pero sapat naman dahil dala ko ang iyong litrato.
cj Jul 2017
Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko
Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment
Sabi niya, “May umaga pa.”

Oo, tama siya.
Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo
Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi
At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin
At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga

Tama nga siya
Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw
At maliliwanagan sa realidad ng buhay
Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos

Tama nga rin siya
Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon
O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada
At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw

Tama nga siya
Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo
Dahil nakikita na sa kalendaryo niya

Oo, nakita niya lahat.
Alam niya ang nangyayari sa paligid
Bawat numero
Bawat halaga
Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta

Ngunit, magkaiba kami ng mundo

Oo, Sabi nga niya
May oras pa
May bukas pa
May umaga pa

Pero paano na ako?

Paano na ako?
Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw
At ang mga numero nito’y kupas na?
Paano na ang kalendaryo ko
Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan?
Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko
Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang
At ang langit ay puno ng alapaap?

Paano na ako?
Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo
At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo?

Kaya ito ako ngayon
Bumili ako ng bagong mga salamin
Binilhan ko ng baterya ang aking orasan
Bumili ako ng bagong kalendaryo
Binuksan ko din ang aking bintana

Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga

Naramdaman ko ang init ang araw
Gumagalaw na ang aking relo
Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo

Oo, tama nga siya
May umaga pa nga
Pero paano mo makikita ang umaga
Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa?

Bumangon ka
Maganda ang araw ngayon
Huwag **** sasayangin
Hanggang hapon lang iyon.
Marlo Cabrera Aug 2015
Siya ay parang ulan
Kay tagal **** hinintay
Sa panahon ng tag init,
Na sa pag dating nito
Ay maiibsan ang sakit

Na dala ng sunog
Sa iyong katawan.

Na dala ng init
Na nang gagaling sa kaniyang mga halik.

Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib
Pero siya padin ang iyong hinihimig.

Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo.
Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan.
Umaasang na siya'y iyong mahahawakan.
Pero wag kang magpaka tanga.

Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya.

Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan

Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari,

Siya ay pangpataba ng lupa.
Wag kang maging hadlang,
Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan.

Pero wag kang magalala.

Hindi ko ba nasabi sa iyo
Na ikay isang puno,
Na paparating na ang tag sibon.
At ngayon mo lang mapagtatanto
Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga,

"Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho"

"Halika tayo'y muling mag simula."
Ang ulan ay para sa mga halaman na atin ng nakalimutan, at inakalang patay na, pero mayroong pang tutubong bunga. Parang puno ng kalachuchi.
ESP Jan 2016
Salamat sa'yo, kaibigan
Pagkat ikaw ay laging nariyan
Kung dumating man galing kung saan
Laging magpapapansin, magpapatipa

Humihingi ng dispensa
Kung minsa'y hinahayaan kita
na makulong sa iyong tirahan
na parang walang ng pakinabang

Pasensya muli kung minsan
Nasa kalagitnaan tayo ng pagsasaya
Ay aking kitang bibitawan
At ako'y titingin sa iba

Salamat kaibigan dahil
kahit na ganito't ganito
ang nangyayari sa akin,
handa mo akong paligayahin

Salamat sa musikang iyong
ibinahagi, ating ikinasaya
Mga lirikong naisulat ay
may sariling tono na

Salamat kaibigan pagka't ikaw
ay laging nariyan
magpakailanman.
1.9.16
rom Aug 2017
limampung pulgada ang pagitan ng ating upuan
limampung pulgada na tila parang isang kilometro ang distansyang kinakailangang tahakin
upang maipatong ang braso sa pahirabang nakaumbok sa gitna ng ating luklukan,
kung saan ang iyong braso'y nakapatong rin.

apatnapung pulgada nang sumara ang ilaw kasabay ng aking mga mata
kung saan sinakop tayo ng karimlang mas madilim pa sa kalagitnaan ng takipsilim
ngunit ako'y nakatayo, naglalakad na patungo sa'yo –
mga kamay na kinakapkap ang malalambot na pulang ulo
sakaling ako'y mahulog dahil ang ninanais kong sumalo sa akin
ay apatnapung pulgada pa ang layo.

(tatlumpu, dalawampu, sampu)
bawat tapak na nanatiling tahimik, maingat.
(siyam, walo, pito)
natatanaw kita sa halip ng dilim kung saan wala talagang makita, makilala.
(anim, lima, apat)
para bang lahat ng puso sa silid ay nagsabayan sa pag sigaw.
(tatlo, dalawa, isa)
nasa tabi na ki–

bumukas ang mga ilaw, kasabay ng aking mga mata;
pumalakpak ang lahat.

Limampung pulgada pa rin ang pagitan ng ating upuan.
pulgada means inches.
Yesha Apr 2020
may isang natutulog sa kalye
walang sala, walang detalye
walang makain, walang tirahan
ngunit ikinulong tila'y makasalanan

"mahirap maging mahirap"
said ng mga matang nagpapaki-usap
nang gayo'y makahanap
ng pagkain sa pamilya'y maiharap

at ang isa'y pinaiimbestigahan
dahil umano sa ilegal na pamamaraan
ng pagtulong sa kanyang nasasakupan
kailan ba ito naging kasalanan?

o, Pilipinas, ika'y binabantaan
patagong tinatangay ang iyong kayamanan
mga anak mo'y pinahihirapan
sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan

o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas
ika'y inaapi, inaabuso nang marahas
waring pinaglalaruan ang batas
ng isang nag-aanyong taong hudas

halika't iyong ipaglaban
ang bansang ating sinilangan
basagin na ang iyong katahimikan
at h'wag hayaang manaig ang kasakiman

pakinggan, dam'hin, at tignan
h'wag ka munang lumiban
sapagkat kailangan ang iyong katapangan
sa umuusbong na digmaan
Isang Tulang tungkol sa Politika
rom Mar 2019
isa
sa loob ng isang bilyong magkakaibang sansinukob
kung saan nasa kalagitnaan pa rin natin ang poot ng langit
hahanapin ko ang kaisa-isang sansinukob
na tayo'y magkalapit
kahit na sa nalalabing mga mundo
ang aking pagsinta'y mananatili sa dilim

at kapag sa dinatnang sansinukob
ay tila hindi pa rin pinagtagpo
kakapit na lamang sa paniniwala na
may pinagbigyan ang langit na isang mundo
(kung saan ang puso mo ay kaya kong abutin)
at ipauubaya na lamang
ang aking mataimtim na panalangin
sa bulalakaw na darating
RV Aug 2015
Alayan lamang ng isang sulyap
Ang mga tahimik na patak
Ng ulan sa labas ng aking bintana
(At isantabi muna ang takot na sa anumang sandali ay babangga ang bus na 'yong sinasakyan sa kalagitnaan ng EDSA)
At masdan ang pagbugso ng mga bakas ng ulan sa dulo ng salamin

At sana ay maalala mo ang bakas
Ng isang ulap na nag-alay nanaman ng kanyang sarili.
R.V.


II
And maybe one day you'll realize
That another cloud gave himself away
Again.
G A Lopez May 2020
"Mabuti pa sa loto may pag-asang manalo. 'Di tulad sa'yo imposible."

Napakaimposibleng mapa sakin ka
Wala pa akong napapatunayan sa mga mata ng masa
Ang pag-ibig ko sa iyo
Ay parang pagsusugal sa loto

Alam kong malabong ako'y manalo
Alam kong maaari akong matalo
Pagmamahal ko'y ipaparamdam sa iyo sa pamamagitan ng mga galaw ko
Sapagkat ako'y nauutal kapag ikaw na ang nasa harap ko.

"Prinsesa ka ako'y dukha. Sa TV lang naman kase may mangyayari."

Nakatira ka sa isang palasyo
Isang paraiso
Nababagay roon ang mga anghel na katulad mo
Wala pa man sa kalagitnaan ng digmaan, batid kong ako'y bigo.

Gusto kong mapunta sa ibang dimensyon ng mundo
Kung saan maaaring maging tayo
Ngunit mukhang tama nga sila
Sa telebisyon lamang nangyayaring magsama ang pulubi at prinsesa.

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh aking sinta. Pangarap lang kita."

Ilang ulit na akong sumubok na ipabatid sa iyo
Ilang ulit na rin akong nabigo.
Wala ng ibang paraan
Kundi lumisan

Nawa'y mahanap mo ang tamang tao para sa iyo
Hindi ka nararapat sa isang katulad ko
Tanggapin na lamang na tayo'y magkaiba
Hanggang pangarap lang kita.
POV ito ng lalake ;-) nakarelate lang ako sa Pangarap lang kita na kanta ng Parokya Ni Edgar kaya ginamit ko yung pamagat ng kanta nila bilang pamagat ng aking tula :)
rekojeth Jan 2017
Magsisimula ako nang hindi sa umpisa
Magsisimula ako kung nasaan ka
Magsisimula ako sa huli
Magsiisimula ako kung kailan hindi kana uuwi.
Nagsusulat ako hindi dahil gusto kitang ipabalik
Nagsusulat ako dahil gusto kitang ibalik
Sa dating princresa na kilala ko'ng ikaw.

Magsisimula ako sa huli
kung saan wala na talaga,
kung saan ako sayo ay umiibig pa,
at umiiyak habang sinusulat ang aking tula.
Sa huli kung saan gusto kitang ipabalik,
minsan naging desperado ako matikman lang uli ang iyong halik.

Susunod naman ay ang kalagitnaan
kung saan nating ginawa ag lahat ng mabuti
at masama,
dito tayo naging malungkot at masaya,
habang pag-ibig natin ay buo pa.

At mag tatapos ako sa pinaka-una
unang pag sabi mo na "mahal kita"
unang oras na sinabe mo na "hinahanap-hanap kita"
unang tikim ng iyong halik
unang tingin na iyong ibinalik.

Sana na aalala mo pa
noong tayo ay ag dadalawang isip pa
kung anong relasyon ba nating dalawa,
pero masaya tayo na nag sasabi sa isat-isa na "ito na talaga ,mahal kita".

Pinili ko'ng mag simula sa wakas at mag wakas simula.
Nang sa ganun ay kahit papano ay maramdaman ko'ng maging masaya
kahit alam kong patapos na ang aking tula.
mac azanes Oct 2017
Minsan nasabi ko nun sa sarili ko,na hindi na ako muling magsusulat pa.
Kasi pag ako humawak ng papel at lapis sa kalagitnaan ng gabi ibig sabihin na hindi ako masaya at nilalamon na ako ng lungkot hanggang awatin na ako ng araw sa umaga at sabihin na pumikit kana.
Pero sandali lang.
Hindi naman ako malungkot at hindi naman hating gabi ngayon. Maingay nga dito at heto ako gising na gising. Sumasabay sa ingay ng mundo.
Magsusulat ako para malaman mo kung ganu ka kahalaga. Yung kahit paulit ulit pa ok lang, kahit na di na tumugma ang mga letra at di ko makuha ang tamang talata.
itutuloy ko na to. Pano nga ba,na ang mga nasulat ko dati ay puro kabiguan at sakit sa damdamin ang tema,pano nga bang ako ay nilalamon ng gabi at awatin ng umaga.
Pano nga bang natapos ang mga araw na akala ko ay buwan na ang magiging araw.
Ou nga nagsimula ang lahat sa salitang di inakala.
Na ang pag ibig natin ay maihahalintulad sa mga eksena nang mga pelikula na hindi pa naipalabas sa sine o pelikula.
Nais ko lang malaman mo at ng mundo na umiikot sa mga masasakit at matatamis na salita kung ganu ka kahalaga.
Kung papaano mo tinapos ang mga gabi at araw na halos di ko na makilala ang aking sarili sa pagpapanggap para lang maging masaya.
Salamat sa pagpapadama ng tunay na kaligayan at halaga. salamat sa tunay na pamilya na iyong dala.
salamat sa mga simpleng bagay na lubos ko na kinasaya at salamat sa pagmamahal na walang katulad at dalisay simula pa nung umpisa.
May mga araw na ako din ay anlulungkot kahit pa tayo na,Hindi dahil may ginawa ka pero naqpapaisip lang talaga ako kung karapatdapat ba talaga ako sa isang katulad mo.
Pero salamat kasi ni minsan di mo pinadama na iba ka,kasi tayo nga naman ay iisa.
Nais ko lang din malaman mo kung ganu ako kasaya,na merong ikaw at ako at darating ang panahon ay ikaw ako at mga bata.
At nasasabik na din akong ikwento sa kanila kung panong ang ikaw ay umakyat sa pinakamatataas na kabundukan ng ating bansa.
Masaya ako na nagawa mo ang mga bagay na iyong pinangarap at aabutin naman nating dalawa ang ating pangarap na maging ISA.
jerely Aug 2015
Ukitin ang namumuong salita ng iyong pag-ibig
Wari'y ipikit ang iyong mga mata
Kung tadhana'y nakalaan,
Sa tamang oras at panahon.

Pagkat ang buwan at ang araw;
Ay namumukod tangi sa ulap
At hangga't maaaring tanaw ay abutin.

Silipin sa aking palad;
ang kapalarang mapaglaro.
Sa ihip ng hanging amihan
Ito'y dumaan man hanggang tanaw mo'y maabot sa kalagitnaan ng daigdig.
Yung tipong aanurin ka na ng karagatan.
Kahit umulan man o umaraw
Yung tipong paghihiwalayin kayo ng landas.
Pero sa kabila ng lahat,
ito'y babalik sa tamang panahon.


(English Translation)

Court The Heart

**Carve the coagulating words of your love.
As eyes closed,
Whether, destiny reserve the heart,
that fall in love at the right time.
Whereas the moon and the sun;
the only exceptional top of the skies &
As long as I could reach the scenery.

Glanced at my palm hands;
That playful act of fate.
As the breeze of the cooling air
Whisper the touching soul of yours,
Reaching as much as it could.
Between the World we knew it'll still hold you back from time to time.
&
Even if the ocean will drown us apart
Even if the sun shines nor we soak at the rain
&
Even if the path would break us apart,
Still we could turn back at the right time.
It took me to translate it into english though there are words that I need to change/adding it in my own way of translating the tagalog/filipino language.
Well one of my works that I enjoyed writing on :)

"Court" means way of getting his/her heart wins. It also means pursuing the person that you like.

Jerelii
August 17, 2015
Copyright
AK na Makulay Nov 2019
Sa kasaysayan ng aking bukas na pagkamulat
Hindi lamang kaalamang pang-ibabaw kundi pati panloob nami’y binulabog
Hindi lang hinayaang sumakay sa bangka kundi pati pagsagwa’y itinuro
Binuksan ang inaakalang hindi na mahihigilap o matatagpuan man
Pero higit pang liwanag ang iyong ipinadama, at ipinahamon sa dilim na nagtuturo

Binusog mo kami ng kasaganaang higit pa sa inaasahan
Sa yakap ng pag-irog, pang-unawa at pagtuklas
Pamilyang naging karamay sa bawat hirap, gutom at pagsubok
Tunay na tahanan ng mga propeta, tunay na naging huwaran sa aming kalagitnaan
Hinubog mo kami ng may pagkakakilanlan buhat sa aming pagkakaiba’t iba

Kinalampag mo hindi lamang ang aming tenga, bibig at mata
Ngunit buong pandama nami’y iyong ginigising
Pati ang kaibuturan ng aming mga laman at buto
Inilubog kami sa karanasang nakakapagpabago
Upang konkretong sumaksi na may tapang at dangal

At dahil dito, sama-sama’t magkaagapay tayong kumikilos
Nakikiisa sa tanging layon ng Kristong sinusundan
Ang bukal ng kasaganaan at kahulugan ng buhay
Patuloy na bibigyang kulay at padadaluyin sa ugat’ dugo ng pakikibaka
Hayagang ipalalaganap at isasabog sa buong sangnilikha
Na may pagkilala sa Diyos na Buhay, ng Kasaysayan, Kaayusan, at Pag-ibig

Pagpupugay sa Tahanan ng mga Propeta, Union Theological Seminary!
Sa Sampung Dekada at Labindalwang Taon
“Masaganang Nananahan,
Buong Diwang Sumasaksi,
Bukas-palad na Naglilingkod!”
Isang Pagkilala sa Union Theological Seminary!
AK Tadiosa|October 20, 2019
Paulo May 2018
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita
Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo
Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago
Na para bang lagi akong tinutukso

O bakit ka ganyan, binibini?
Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi
Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi
Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan

Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan
Para **** niyanig ang mundo kong tahimik
Puso kong parang gustong muling umibig
Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit

Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari?
Mga bagay sa aking isipan na nawari
Hanggang tingin nalang ba ako sayo
Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido?

Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay
Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay
Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay
Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay

Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot
Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot
Unang hakbang ng puso mo'y maabot
Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan
Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan

Liligawan pati iyong mga magulang,
Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang
Sa Itsura man ako'y salat
Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
Eugene Aug 2017
Abalang-abala ka sa pagtitipa ng istoryang nais **** magawa. Hindi inalintana ang malamig na simoy ng hanging pumapasok mula sa bintana ng iyong silid.

Nasa kalagitnaan ka na ng iyong pagsusulat ng biglang namatay ang liwanag sa iyong silid. Napatigil ka at doon ay damang dama mo na ang lamig na nanunuot sa iyong balat.

Tinanggal mo ang iyong antipara at nagsimulang kumapa-kapa sa dingding upang matunton ang kinaroroonan iyong maliit na lampara.

Nagsimula ka nang magbilang mula sa sampu sa iyong isipan

Sampu.

Siyam.

Walo.

Pito.

Anim.

Lima.

Nasa panglima ka pa lamang nang may napansin kang liwanag na tumatagos sa iyong silid mula sa iyong bintana.

Apat.

Sinundan mo ang liwanag na iyon nang magbilang ka na ng...

Tatlo.

Dalawa.

Isa.

Sumigaw ka sa pagkagulat nang tumapat ka sa repleksiyon ng liwanag na iyon. Ang sigaw mo ay umabot sa buong silid mo hanggang sa inyong bahay. At doon ay narinig mo ang mga yabag na patakbo sa iyong silid.

Nang bumukas ang pintuan ng iyong kuwarto ay tumambad sa iyo ang liwanag. Tinanong ka ng iyong ina at kapatid.

"Akala naming kung ano na ang nangyari sa iyo e,"

"Repleksiyon mo lang pala ang nakita mo,"

"Natakot ka sa mukha mo?"

Pinigilan **** huwag tumawa nang mapalingon ka sa isang salaming kasing tangkad mo lamang at doon ay nakita mo ang iyong... Kawangis.
Claudee Mar 2017
Paano ba simulan ang isang tula?
O dapat ba ito'y hayaang ilapat ng tadhana.
Tulad ng isang gabing mahiwagang
May simula kahit di sinimulan, magkakawakas nang di winawakasan.

Kung saan sana'y di na nagtitigan kasing lalim ng kalawakan
Di na nagtawanan sa gitna ng Univ. Ave.
Mumunting pigurang di umiilag sa sasakyan
Ngunit patuloy ang pagbangga sa isa't isa.

Kung saan sana'y di na hinawakan itong kamay
Kung sa pagbitaw, mas matinding kapasuan.
At sa mata ng buwan, sa baba ng tulay sa Philcoa
Di na sana hinagkan na parang tayo'y sa isa't isa.

Paano nga ba sinisimulan ang isang tula?
Bakit ito'y mahirap kumpara sa pagwawakas?
Maaaring madaliin pag nais na
O basta na lang iwan sa kalagitnaan.

Pero ang mga tula, ay mga marka.
Itatago ko't babalik-balikan
Parang noong gabing tayo'y naglalakad
At andiyan ka pa.
02/08/17
jerely Dec 2015
Kung ikaw ay bulalakaw sa kalagitnaan ng daigdig. Wari'y ipikit ang mga matang nagsisimbolong liwanag sa aking paningin na sana'y marinig ko rin ang mga katagang mahal kita galing sa iyong bibig. Na sana balang araw ay darating yung araw na maging tayo magpawalang hanggan walang iwanan.
wish!
panalangin

jerelii
01.01.15
Copyright
George Andres Dec 2016
Nakalimot ako
Kung paanong magsulat
Ng isang akdang pampanitikan
Hindi ko na muli alam kung papaanong
Sisimulan o tatapusin o hahabiin
Ang kalagitnaan ng walang katapusang salita
Nakalimot ako
Naubusan ako ng tinta dahil
Nagmahal yata ng iba
Wala na akong papel sa buhay mo
O sa ibang taong
Taon-taon na lamang sa simula ng taon
Pinangarap kong makasama upang makita ang mga lumilipad na parol
Nakalimot ako
Sa nagdaang taon
Paano ko nga ba ikinulong ang sarili sa isang kahon
Nanatili roon ng mahabang panahon
Nagdugo ng mga letra para sa kanyang patron
Paano?
Paano ko naalala ang maliliit na bagay na nagdulot ng hapdi
At ibaling iyon sa papel na akala ko ay mayroon ako
Nakalimot akong kalimutan ka at ang iyong alaalang wala naman talaga
Kasi diba?
Hindi naman tayo magkakilala
Nakalimot ako kung sino ka
Isang taong hindi ko na nais kilalanin pa.
maligayang bagong taon
kahel Jun 2017
Napansin ko lang, parang ilang gabi nang nahihirapan matulog.
Malambot naman ang unan ko
Maluwag naman sa kamang hinihigaan
Makapal at mabango naman ang kumot
Malamig at tahimik din ang kwarto
Nasobrahan nanaman ba ko sa kape?
Hindi naman siguro pero bakit?


Antukin akong tao pero bakit ganito
Pero sa kalagitnaan ng kalituhan,
Sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan
Biglang sumagi sa isip ko, "Oo nga pala, wala naman ng ibang dahilan.."
Kundi Ikaw. Ang bida ng walang katapusang kwento.
Sa tuwing hihiga ako pagkatapos ng isang mahabang araw
Na nakakapagod kahit wala naman masyadong nangyari at nagawa


Muntik pang mapagalitan dahil gabi nanaman nakauwi
Nagbihis at dali-daling inayos ang higaan
Ayan na, sa wakas at dinadalaw na rin ako ng antok
Ngunit ayan ka na din bigla nalang eeksena parang sa pelikula
Bitbit ang mga pabaon **** ala-ala na nasa isang garapon
At magsisimula kang kumatok ng kumatok sa puso kong marupok
Sige na, papapasukin kita pero parang awa mo na


Bigyan mo naman ako ng isang mahimbing at mahabang tulog
Hayaan mo akong humiga, magpahinga at huminga
Ipagpatuloy ang pananaginip habang naka-nganga
Na kahit dito man lang, sa nilikhang mundo ay hindi tokis ang pag-ibig
Hihintayin kang mapagod maglakbay at magpasikot-sikot sa isipan ko.
Kahit na nakakainip. Pero wala, sanayan lang naman 'to.
Sanay ng pangarapin at mapaginipan ka,
Na hanggang pangarap lamang kita.
Joshua Feb 2019
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo.
Kasi wala lang, trip ko lang.
Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod.
Pero nag-McDo ako.

Noong panahong yun,
Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth."
Pahalagahan ang sarili, mahalin.
Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan.
Kaya ayun, nagwakas, natuldukan.
Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba
Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan.

Umorder na ko ng fries at Big Mac
Syempre kasama ang paborito kong McFloat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya
Nung nagtanong ka
"May nakaupo na po ba?"
Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha
Umiling nalang ako.
Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo.
Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo.

Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin.
Bigla atang lumamig ng hangin
Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin.

Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan.

Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal
sa araw-araw na paggising ko.
Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy
Kasi makasama ka lang enjoy na ako.
Ikaw yung chicken fillet na
sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako.
Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa
sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo.
At para kang gravy ng McDo
na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako.

Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo.
Masaya akong sumama kasi minsan lang yun.
Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko.
Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako.
Nagpresenta kang ikaw na o-order
At ako nang bahala sa uupuan.
Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang
Nakaramdam na ko ng kalungkutan.
Natakot ako bigla sa di malamang dahilan.

Buti dumating ka na, at
Buti nakangiti ka.
Ngunit ako ay nagtaka na
Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa.
Agad **** sinabi saken na saglit lang,
May pupuntahan ka lang.

Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo.
Pero nagulat ako
Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo.
"Hindi pa pala ako handa."
Nakasulat sa sticky note na nilagay mo.
Di ko alam ano ibig **** sabihin
Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin.
Mahal, sabi mo saglit.
Pero bakit hindi ka na bumalik?
Iniwan mo na ako.
Iniwan mo gamit ang isang sticky note,
Kasama ang favorite kong McFloat.
jerely Oct 2018
patak ng ulan
sumasabay sa ihip ng hangin
panahon na hindi mo inaasahan
mga pangyayaring bigla na lang dumarating
sa ulap na nangingiusap
ang tanging alam
ay kung ano ang laman ng nararamdaman
puso ba ang paiiralin o ang utak na nangingibabaw
mga pinagdaanan **** karanasan
ito ba ay magsisilbing liwanag sa kalagitnaan ng dilim?
o hanggang dito na lang ba sa paghahanap ng kapalaran sa buhay,
na parang kay tagal
mo man itong inaasam-asam
na makamit muli
tagumpay
ang matitikman sa mga labing
nag uuumapaw
sa kasiyahan
at sa
busilak **** puso
na kay lambot pa ng isang monay
na hindi mapapantayan ng kung
ano mang yaman
na hindi matutumbasan
ng kung ano-anong bagay
ikaw ay bukid tanging yaman

tapat at totoo
sa sariling bayan
huwag **** kalilimutan
ang iyong kinagisnan
jerelii
sept, 2018
copyright
reyftamayo Jul 2020
naglalaro ang maliliit na alon
sa batuhan
kasabay ay paulit-ulit na pagtalbog
sa kalagitnaan
tinatangay ng mapagbirong hangin
hanggang sa ulap
lumilikha ng kislap at palakpak
naroon lang
ang unos
ang kinatatakutang delubyo
sigwa
pinagsamang ingay at katahimikan
magkatipan
bawat isa ay nagkakaisa
paikot
pabulusok
ang mababangis na luha
kanyang dinadala
kasunod ay payapang umaga
JOJO C PINCA Nov 2017
Kaninang umaga
Habang hithit ko
Ang nagbabagang yosi
Ay naalala ko
Ang lumipas na tag-araw.
Kalagitnaan ng Abril 2017
Maalinsangan ang umaga
Nang ako’y magising
Matapos ang isang gabing
walang pagkahimbing.
Sa sala at maging sa lamesa
Namagitan ang isang
Mahabang katahimikan
Walang usapan, Walang kibuan
Isang nakakainis na pakiramdaman.
Nung sumapit na ang tanghali
Mas mainit pa sa nakasalang na kawali
Ang init ng nakakapugnaw
na putang-inang araw.
Pero kakaiba ang tag-araw na ito
Sa gitna ng matinding init
Akoy giniginaw
May Malaria? Wala s’yempre
Pero ako’y giniginaw.
Giniginaw ako sa tindi
ng panlalamig mo sa akin.
Kaninang umaga habang nagyoyosi
Sa pagitan ng usok at buntong-hininga
Naalala ko ang lumipas na tag-araw.
K Jul 2019
Huwag mo 'ko hintayin sa dulo,
kitain mo ako sa kalagitnaan.
Sabayan mo ako.
araw pa 'ba kita?

— The End —