"kakaroon" poems
Imposible, malabo, walang tiyansa, ano pa? Anong salita pa ang mag lalarawan ng "tayong dalawa".
Parang pag kidlat at pag kulog habang tirik na tirik ang araw,
Parang pag kakaroon ng trentay dos na bilang sa kalendaryo,
Ang pag tubo ng rosas sa malamig na semento
At pag kakaron ng dagat sa isang malawak na disyerto.
Alam kong wala, walang pag asa.
Hindi maari.
Pero tulad ng pag tatagpo ng araw at buwan isang beses sa mahabang panahon.
May pinanghahawakan ako,
Isang araw, Balang araw
Pag tatagpuin tayo ng tadhana
Sa di inaasahang lugar at panahon.
Tibok nalang ng ating mga puso
ang mag didikta na tayo talaga,
ang naka laan para sa isat isa.
Nov 8, 2015
Nov 8, 2015 at 7:47 AM UTC
nakakatuwang isipin na ako pa din
ang 'yong sinisinta sa bawat oras na pumapatak
ang 'yong naiisip sa bawat awit na mariringgan
ang 'yong pampakalma sa tuwing lugmok na lugmok ka na
nakakatuwa isipin na tayo pa din
ang nais **** dala sa bawat tagumpay mo
ang nais **** makamtan kahit tila maglalaho na ang lahat
ang nais **** marinig sa bawat galaw at tibok ng 'yong puso
nakakatuwa isipin na ikaw pa din
ang kasama ko matapos ng masasamang nangyari
ang kasama ko sa bawat halakhak at pag hubog ng ngiti sa aking labi
ang kasama ko sa tuwing akong mag kakaroon ng panibagong biyaya
nakakatuwa nga talaga......
alalahanin ang masasaya nating memorya
humiling sa itaas na sana hanggang ngayo'y ganon parin
nakakatuwang isipin na hanggang ngayon eto ako
humihiling parin
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 4:55 AM UTC