"kakailanganin" poems
Hihintayin ba kitang bumalik?
O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik?
Namimiss ang matatamis **** salitang
Kay sarap balik-balikan.
Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo,
Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo.
Puro s'ya lang 'to,
Pero paano naman ako?
Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo?
Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo.
Pakiramdaman ko'y parang hangin,
Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin.
Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak..
Sayo, nahulog na ako sa'yo.
Ano pang magagawa ko?
Ayun, nagpanggap lang naman ako
Na parang walang pake sayo.
Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod.
Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo.
Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo.
Ayoko namang maging ahas o linta
Na grabe kung makapulupot,
Grabe makasulot.
Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa.
Hindi ko alam kung babalik ka pa..
Pero, ito ang mensahe ko sayo
Sa oras na mag-krus ang landas natin
Gusto kong malaman mo
Na lahat nang nangyari pagitan satin
Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat.
-miss xEKIS
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:29 AM UTC
Hindi ba ko karapat dapat ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan.
Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang.
Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan.
Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y nasasaktan.
Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam.
Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip.
Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka.
Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka.
Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’.
Kung hindi ng aking sarili.
Jul 10, 2019
Jul 10, 2019 at 7:13 AM UTC
Isa kang manunula na karapat-dapat
magmahal at maging masaya.
Isa kang tula
Na may angking ganda
Na minsan ay hindi maintindihan
Kung hindi nilalaan ang oras upang pag-isipan
Minsan pinupuna ng iba
Dahil hindi sila nito pinapasaya
Hindi nila alam
Paano mahalin ang tula
Tanggapin ang lahat ng tayutay at salita nito
Na hindi na kailangan ng kapalit o salitang panibago
Wag kang makinig sa kanila
Ikaw ang tula at manunula
Ikaw ang may hawak ng sarili **** istorya
Ikaw ang magdedesisyon sa bawat salita, linya o stanza
Yakapin mo ang sarili **** ganda
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa iba
Ako’y tanging nagbabasa lamang
Nagmamahal at nagsusuporta
Kung kakailanganin **** humiram ng ilang salita mula sa akin
Wag kang magdalawang-isip na ako’y kausapin
Alam kong balang-araw, malayo ang iyong mararating
Kung hindi ka naniniwala, magtiwala ka lamang sa akin
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:58 AM UTC
Kurap.
Ng isang sandali
Para lamang siguraduhin na
Ating mga haplos sa bawat gabi
Ay hindi isang panaginip
O giliw, o akin
Kumurap muli - kahit paulit-ulit
Kumurap. Pumikit.
Hangga't kakailanganin
Hangga't sigurado na tayo
Sa ating mga hakbangin.
Pero aking giliw,
Alam kong alam natin
Na ang mga umaga natin
Ay hindi na madadatnan na magkatabi.
Mar 23, 2016
Mar 23, 2016 at 10:13 AM UTC
"Ayoko na. Pagod na ako."
Oo, parang tumigil ang mundo ko.
Sa isang iglap, nawala lahat.
Pagmamakaawa hindi naging sapat.
Siguro nga mali na kinilig ako
Noong unang beses kitang kinausap.
Kinabahan ako ng todo,
Kasi lahat ng naramdaman ko totoo.
Nikka, hindi mo naman ako masisisi.
Sino bang hindi mahahalina sayo?
Kahit siya na may galit at nasaktan,
Sinabi na sayo ako'y mapapamahal.
Masaya ako na nakilala kita.
Mabuti na siguro na malaya ka na.
Pero alam mo ba, sa loob ko may nagsasabi na sana sumugal ka sakin.
Hayaan mo, sakin nalang yun.
Isa akong sinungaling.
Napakarami kong kasalanan sayo.
Pero isa lang ang masisigurado ko,
Sobrang mahal na mahal kita.
Pangako na ako'y narito pa rin,
Kung kailan mo ako kakailanganin.
Kahit na sobrang alanganin,
Lahat ng pait at sakit ay kakayanin.
Alam mo? Tama siguro sila Juan.
Na dapat mag-move on na ako.
Pero hindi, sigurado ako sayo eh.
Baka sa kabilang buhay maging tayo.
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 1:01 PM UTC
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin,
Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin.
Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan,
Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo.
Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit,
Mga agam-agam at handusay ng lumbay.
Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan.
At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito,
Sana'y manatili ka.
Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan,
Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya,
Manatili ka sana,
Manatili kahit panandalian.
Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan,
Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga.
Sapat sa akin ang pumarito,
Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko,
Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin,
Dito sa walang akin.
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:39 PM UTC
Mga alaalang patuloy na bumabalik
Mga bagay na alam nating masakit
Araw, buwan, at taon na kailaman ay di mauulit
Mga panahong sinubukang masulit
Ngumiti ng mapait
Baka sakaling mawala ang sakit
Na patuloy sumisira ng saya
Na humihila sayo pabalik upang di ka makalaya
Pilit na ipinasasawalang bahala
Dahil alam kong nagkamali ako sa aking mga inakala
Dahil kung sino pa yung hindi sumusuko
Sa huli Sila padin pala ang naloloko
Hindi madali mag mahal
Dahil kailangan mo matuto sumugal
Mas masakit ang kakailanganin harapin
Kaya’t sa ngayon sarili mo muna ang iyong isipin
Ngunit Kaya mo pa ba?
O susuko ka na?
Kasi yung taong pinaglalaban mo
May pinaglalaban ng iba..
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:29 AM UTC
Ganito Ang talento ng tinaguriang gagamba,
Ang Sabi ng iba Sila ay kakaiba
dahil nga sadyang
Ganyan Sila kahit
Hindi nasa manila.
Nag - aabang lang ng bibisita
Kahit nga ba bibihira
Ang may maggala
ay tiyak maaantala
Kapag napadpad sa animo'y ala bang tahanan na tahasang walang hagdan
Ngunit kabit-kabit eh
Ang kawit ng madidikit na bahagdan ng bawat hiblang malagu na.
Ni Ang hari ng kagubatan ay di siya nais magambala
Malaglag man sa Muntinlupa
Kagyat Silang ia-Angat Dami man ng hadlang,
tutulay lamang
Ang gagamba gamit Ang
sapot at mga galamay...
Ganon pa man Bigte man Ang pagtanaw ng Leon at tigre sa maliit na nilalang ...
Naka- Tungko lamang Ang kanilang matalim na pangil at angil
pagkat sa loob-loob nitong mababangis at hayok sa laman
ay mapag aalaman---
Ano nga naman
Ang kanilang mahihita
na Karne sa naglalambiting mga galamay
Wika nga sa payo ng dayo
Tinawag Silang Gagamba
sapagkat Ang sino Mang tao
sa kanya'y gagambala
Walang dudang mapapatingala
muna bago yumuko
Mabuti pa daw Ang mangilag
na Lang Sila sa maliliit na nilalang
O di kaya'y maige pa mangilog at magbaka sakali dun sa may Sapang Palay magawi at nang mapawi Ang Kalam at uhaw sa may kawayan .
Sabi naman ng iilan mabuti pa Ang dalanghita mula pa sa pagkabubot nito Hanggang sa maubod na nga sa pagkahinog ay masasabi na talaga namang may asim pa .
Lalo na para sa mga nagda
dalang-tao na minamatamis
ang pangangasim ay iyon ang prutas na ipanlulutas sa kanilang pananaghili .
Sa madaling salita
Ang magaling na Balita
Kakailanganin pa Ang pakpak
Kahit pa mag taingang-
kawali Ang lupa...
Dahil Ang tinutukoy ko sa aking pamagat ay walang iba kundi Ako !
At Ang munting Gagamba Ang siyang maituturing Kong Dambuhala
Kaya nga Ang paniniwalang imbes
trabaho Ang siyang lalapit sa akin...
Yaong mga sapot na bahay Ang
siyang dapat Kong hagilapin...
Kasi nga Ang mga spider web kung tawagin sa ingles...
Ay Ang siyang Lunas na walang dahas upang maging Isa sa kanila !
Silang mga empleyado na dati rin namang Isang sawi
Hanggang Ang mga hain na pain
sa magiging bitag na hayag
ay may kaakibat na kabalikat
Upang mapagtagumpayan Ang mapusok na pagsubok...
Nang sa gayon ay matupad Ang layon niya sa kaniyang mga kanayon na ...
Maging Isang sakdal
sa pagiging kambal
ng papremyo at Tropeyo !
Sep 14, 2024
Sep 14, 2024 at 1:52 PM UTC