Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kailanmay" poems
Pag-ibig na parang pagsikat ng araw Damdaming tila umaapaw Ito'y simoy ng hangin sa bukang liwayway Pag-ibig na sadyang walang kapantay Ito'y haplos sa dalampasigan ng mga alon Kasing ganda ng paghuni ng ibon Sadyang nakakabighani na parang bahaghari Ito'y walang sinumang pinipili Ito'y sinang ng tala sa gabing madilim Liwanag ng buwan sa kalangitang kulimlim Pagmamahal na sadyang kay tamis Damdaming hindi mo matitiis Ito'y rosas na bumubukadkad Wari mo'y ibon na lumilipad Sadyang kay ganda magmahal Pag-ibig na kailanmay magtatagal
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 10:42 AM UTC
Pag-ibig
Ito na nga ba ang huli Mapuputol na ba ang tali na naguugnay sating mali Pwede bang maulit pang muli? Ang hirap matanggap Mas lalong mahirap magpanggap Kahit anong takip halata pading hirap Ang mga sakit di ko na kaya pang humarap Humarap sa laro ng panahon at tadhana Nagtulong pa silang dalawa para sakin ipadama Ang sakit na tuwing ako ay madarapa Sugat mula tuhod tagos hanggang kaluluwa Malalim pa sa malalim ang iiwanan mo sakin Durog pa sa durog ang puso ko’y nag mistulang buhangin Di mo na gugustuhin pang kilalanin Sapagkat kailanmay di mo ako kayang piliin Noong ika'y nilalamig, ako ang iyong nagsilbing init Kapag takot ka sa bukas, ako sayo ang unang sisilip Ginawa ko naman ang lahat Pero bakit di pa din sapat .... kasi ika'y mawawala na Nawalan na ng gana ang tadhana Matapos nya akong bigyan ng pag asa Bigla bigla ka ring mawawala na Sana makabalik pa ako sa punto na hindi ko sinubukang matuto Mag-isip at gumawa ng tula para sayo Dahil wala namang magiging tayo Wala na bang bisa aking mga dalangin Tinatangay lang ba lahat ng hangin Ngayon mawawala na sakin Ang kailanma’y di naging akin.
0
May 23, 2017
May 23, 2017 at 9:40 PM UTC
"Kailanma'y Di Naging Akin"
Yang mga kamay mo ang lagi kong gusto mahawakan. Aalagaan kita at kailanmay di ka magagawang saktan. Sana hayaan mo kong ialay sayo itong puso ko. Manahalin ka nito ng lubos, pangako sayong-sayo ito. Etong puso kong handang isigaw sa mundo na mahal ka. Etong puso kong handang ipapaglaban ka. Nais ko malaman mo gusto kitang mahalin. Ang hirap lang kase hinde ko kaya sayong sabihin.
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 10:54 AM UTC
Bawat unang letra #1