"kaibiganin" poems
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Ayaw akong bitawan
Hindi ko magawang kalimutan
Kalunos lunos
Parang hayop na hindi
Makahanap ng tubig
At nakahandusay
Sa kanyang ina.
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Pinagtatawanan ang aking
Pagsusumikap.
Iniinsulto ang aking ngiti
Nagdudulot ng tagtuyot
Sa sanlibutan ng aking
Kaluluwa
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Nagtatago sa aking kuwarto
At lumalabas sa sarili niyang oras
May sariling bibliya na naglalaman
Ng kasinungalingan at kahayupan
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Unti-unti akong pinapalitan
Inoorasan, hinuhusgahan
Sinisiklaban ang aking
Mga panaginip
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Naglalayag sa dagat ng itim na araw
Pinipilipit ang aking mga laman loob
At pumpatay ng mga inosente
May trahedya na kumakapit
Say aking katawan
Pinipilit kong pakainin
Patahimikin, pagurin
Ngunit hindi magawang
Kaibiganin
Mar 28, 2021
Mar 28, 2021 at 9:19 AM UTC
Wag mo akong kaibiganin baka ika'y mahulog rin
Wag mo kong gustuhin mahirap akong intindihin
Wag mo na akong isama sa iyong mga dalangin
hindi ko rin gustong ako'y pinapanalangin
Wag kang aamin hindi kita kayang tanggapin
At kung maari wag mo akong mahalin
dahil di ko kakayanin.
May 27, 2017
May 27, 2017 at 5:09 AM UTC