Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kabuluhang" poems
Hindi naman ako galit Sayo'y hindi naman inis Katapatan ganon parin Kaibiga'y maramdamin Patawad unang sambit Nitong kaibigan ay hibik Paumanhin nawa'y kamtin Siyang aking panalangin Sama ng loob ang dulot Kaibigang aking nilimot Ngunit hindi nayayamot Mawala ka'y aking takot Tawanan laging naaalala Biruan nating masasaya Payo mo'y pumapayapa Ng pusong lagi lumuluha Sanay 'wag akong limutin Kaibigan nagtatampo din Gaya mo rin, may suliranin Araw-araw aking pasanin. Patawad kung nahirapan na ako ay pakisamahan Patawad kung di masiyahan na ako ay pakitunguhan Sanay huwag magsawa Laging may laan na unawa Kahit minsan nagagawa Sayo'y hindi na nakatutuwa Mga salitang akin nabitawan Pawang totoong kahulugan Subalit kaaway pinipigilan Ang pagbabagong inaasam Ngunit iyong laging tandaan Oh aking mahal na kaibigan Ikaw siyang kinasangkapan Upang tungkuli'y masumpungan Salamat sa Dios sa tulad mo Sa mabubuting aral at payo Ako'y walang kabuluhang tao Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
0
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 9:15 AM UTC
Kaibigang Tunay
sa ilalim ng mga dumaraang ulap, kasabay ng mga walang kabuluhang numero, ay hindi maglalahong panatilihin, ang ningning na ito para sa'yo, tulad ng liwanag ng buwan; minsan ay masela't matamis.
0
Sep 16, 2018
Sep 16, 2018 at 11:37 AM UTC
sarung bangi