Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kabigat" poems
"Umuukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim", sabi nila. Kung ganon kabigat piliin ang pananahimik, Bakit tila kasalanan pa ang magsalita? Kung tunay na nagtagumpay ang ating mga bayani, Bakit hanggang ngayon binabayaran pa rin natin ang ating paglaya? Uukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim, ngunit papatayin ka ng hindi mo pagkilos.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 3:43 AM UTC
#002
Gusto kong hawakan ang mga kamay mo sa mga oras na natatakot ka sa ideyang baka mapagod ako sa'yo, gusto kong hawakan ang mga ito upang iparamdam sa'yo na mapagod man ako, mahal, magpapahinga lang ako pero babalik at babalik ako sa'yo. Hahalikan kita sa mga oras na nalulungkot ka pagkaraan ay ngingitian kita upang masiguro ko na magiging ayos lang ang lahat dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa bawat saya, sa bawat lungkot, sa bawat hinagpis, sa bawat araw, sa bawat oras, mahal, tutulungan kita sa bawat problemang maaari **** pagdaanan. Hayaan **** yakapin kita sa mga oras na para bang hindi mo na kayang hawakan sa mga palad mo ang mga problemang dinadala mo. Hayaan **** yakapin kita, gusto kong nasa mga bisig kita habang tinutulungan kitang dalhin sila. Mahal, lagi **** isaisip na hindi ako bibitaw gaano man kabigat ang mga dalahin na maaari **** ibigay sa akin. Hahaplusin ko ang mukha mo at sasabihin sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Problema lang sila, magkapareha tayo na nangakong kahit na anong unos, kalamidad, delubyo ang magdaan, hindi tayo susuko. Mahal ko, kayang-kaya nating pagdaanan ang lahat ng ito.
0
May 4, 2016
May 4, 2016 at 6:01 AM UTC
MESM, s01e04
ikaw ang ulan at ako ang hamak na daanan kahit gaano katagal o kahit gaano kabigat ang dala mo'y sa akin ka pa din hihimlay babagsak at mahuhulog ka pa din sa akin pupunan ang mala tagtuyot na panahon iaahon sa init ng mga sitwasyon at ngayon sa muli **** pagbagsak ay tandaang sasaluhin ka dahil ikaw ay ulan at ako ang hamak na daanan na kahit hindi man pareho ang pinagmulan ay paulit-ulit na sa akin ka hihimlay babagsak at hihimlay babagsak at walang hanggan na pagmamahalan.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 5:13 AM UTC
bagsakan