Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kha Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
kha Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
Donward Bughaw Apr 2019
Sino ka para limitahan ako
sa making kalayaan sa murang edad
na kung tutuusin ay
batbat pa ng pakikipagsapalaran?
Maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.

Sino ka?
Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay;
Akong sinasabing
'pag-asa ng' inyong 'bayan'
ngayon ba'y magiging
kalaban ng estado't pamahalaan,
nang batas ng taong
tutugis at pipiit sa akin
sa loob ng kulungang nakahandang pumatay
ng kinabukasan?
Ako dapat ay malaya,
malayang maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
Ang tulang ito ay base sa isyung pagbaba ng edad ng liyabilidad mula 15 hanggang 9 na taong gulang.
073016

Krimen ang kasinungalingan,
Baluti ay matatamis na salita
O biruang panlihis sa katotohanan.
Nagtitimbang mga katauhan
Sa payak na mga salitang binibitawan.

Hindi ako makahinga
Bagamat sariwa ang hangin --
Sariwa gaya ng mga alaalang tinubos ng dilim.
Pinili kong maging totoo sa silakbo ng puso,
Sa bawat mensahe'y, kaakibat nito
Ang mga panalanging gamutin yaon ng Ama.

Pag-ibig na nakarehas,
Pag-ibig na hindi nasambit
Bagkus binuhos ko kasabay ng pagluha.
At ngayo'y pag-amin ay hindi liham,
Ako'y tiyak na dadaloy ang kalayaan.

Kung may tanong ka,
Sagot ko ay "oo"
Dahil mahal kita
Dahil minahal kita.
Pinili kong tiisin ang sakit ng distanya,
Pinili kong hindi na balikan ang nayurak nang larawan.

Takot akong sumubok noon
Kaya nga nakikisabay lamang sayo.
Bagkus sa'yong paglisan,
Di waring pag-ibig mo'y tangay na rin hangin.
Parang nawala na lang,
Kaya't sabi mo'y sumuko ka na lamang.

Kailanma'y hindi kita sinukuan
Bagkus pinagdasal kitang tunay.
Pagkat yan ang dinig ko sa Maykapal
Na Siyang unang nagbihis sakin ng pagsinta.
Eugene Oct 2015
Isa kang dakila...

Sa bawat takdang araling
nais **** iparating,
Nakasalalay ang bawat marka
ng bawat estudyanteng
gustong matuto.

Bawat estudyanteng,
hinihimok mo at
tinutulungang pumasa,
nakapagninilay-nilay sila,
sa matayog na pangarap.

Isa kang dakila...

Sa matayog na pangarap
na sumisibol sa puso,
nang bawat mag-aaral,
ay kaakibat na kasiyahang,
hindi kailanman mabibili.

Hindi kailanman mabibili,
ng pilak at ginto,
ang karunungang iyong,
ipinunla't yumabong,
lumipad at naging matagumpay.

Isa kang dakilang...****.
Nexus Aug 2019
Salitang sayo ko narinig
Pero kung iisipin, napakarami nating pwedeng matatagpuan at masusumpungan pero bakit nga ba tayo pa ang naging mag kakaibigan


Tayo'y pinagtagpo lang pala
at hindi itinadhana
Tayong dalaway patuloy na umaasa
Ngunit ngayon sabay na nasasaktan at
nag hahanap ng pag asa

Ang salitang
SANA
ngayoy  kaakibat sa bawat buntong hininga
Sana naghintay lang ako,
Sana mas nagging matapang akong mahalin ka at
harapin ang bukas ng walang pag aalinlangan,
Sana ikay pinaghawakan at ipinaglaban sa
tadhanang naghahamon
at
sa pagkakataong hindi nakiki ayon

Ginamit kong salita ay parang kalasag
Bilang pansalag sa naka umang katotohanan.
Isinulat ko ito upang pagmukhain akong matapang
Na mistulang  lumalaban ng walang pag aalilangan.


Tangapin na natin
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay sa atin ay naaayon
sa kung paano natin gusto
ito’y ating matatamo.

Kaya mahal paalam........
011521

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
Sitan Sep 2019
bem
akoy isang lalaking hindi madasalin
hiniling sa diyos na ikay mapasakin
handa sa ano mang ating tahakin
pangako na ang lahat ay ating kakayanin

tulang puno ng pagmamahal nililikha
nagmula sa puso lahat ng mga salita
ngunit kaakibat ng salita ang gawa
kahit ano mangyari hindi magsasawa

handang magbago ang tulad kong tarantado
patunayan lang na hindi isang gago
sadyang mamahalin ka ng buong buo
mula nang ikay mahalin handang magbago

isang binibining kumbagay mala-sining
minimithing mapapunta sa aking piling
mapaano ibibigay lahat ng hiling
pangarap ikay katabi sa bawat gising

sa bawat kwento mo na puno ng pighati
gagawin ang lahat para ikay ngumiti
mga kwentuhan na umaabot ng gabi
ang pag-ibig sayo ay lalong tumitindi

marapatin na bigyan ng pagkakataon
pag-ibig sayo aabot habang panahon
akoy nagbago at handa ng patunayan
ikaw ang mahal mula noon hanggang ngayon

marami man kontra sa ating pagsasama
handa ng patunayan na ito ang tama
ang kasiyahan ay laging ipapadama
papalitan ng saya lahat ng drama

siguradong sayo ay hindi nagkamali
ikaw talaga ang minahal at pinili
mga oras na kasama ka di mapakali
akoy handang mag-antay sayo basta palli

tutuparin ang pangakong di ka sasaktan
ano man ang mangyari di kita iiwan
siguradong ikaw lang ang paglalaanan
ng tunay na pagmamahal magpakailanman

ibibigay lahat ng iyong pangangailangan
mapa gamit o prutas maliban sa pakwan
susuportahan ka kahit anong larangan
ipaparamdam tunay na pagmamahalan

pinakaminahal marahil ay ikaw
kagandahan tilay mga perlas na hikaw
pagmasdan at marahil ikay masisilaw
iyong kausapin paniguradong siya'y
sabaw

marahil ito na ang aking huling saknong
handang maghintay sa sagot mo sa aking tanong
paumanhin sa tula kong usad pagong
paninidigan ko lahat hanggang sa kabaong
Crissel Famorcan Oct 2017
Lumaki ako sa paniniwalang ang buhay ay isang kompetisyon,
Na dapat angat ka sa lahat sa anumang sitwasyon  
At sa anumang pagkakataon
Pagkat yun ang sukatan ng tinatawag na tagumpay
Isang bagay na hindi naman sa iyo habangbuhay
Pinalaki ako sa paniniwalang masama ang magkamali
Sa paniniwalang Hindi lahat ng  bagay dapat minamadali
Kaya magpahanggang ngayon ang mundong ginagalawan ko
Malaki ang pagkakaiba sa mundong mayroon kayo
Pagkat nabubuhay ako sa takot
Takot sa pagkakamaling maari Kong magawa
Takot na baka isang araw, mahila ako pababa
Takot na isang araw,  lahat ng meron ako,  Bigla na lang mawala
Na baka isang araw, magising na lang akong nakatulala
Hindi ko na alam ang gagawin  
Lakbayin ko ba'y makakaya ko pang tapusin?
Sa labing anim na taon ng aking  pamumuhay
Ang pinakamahirap kong ginawa: sa mundo'y makibagay
Pagkat sa bawat pagbabagong aking  nasasaksihan  
Kaakibat ang panibagong bigat sa kalooban  
Dahil takot akong bitiwan ang nakasanayang paniniwala
At ang takot na'to ang nagsisilbi kong tanikala
Tanikalang pumipigil sa aking paglago
At sa pag-angat ko'y pilit na nagpapahinto.
Alam kong balang araw,darating ang oras Mahahanap ko ang natatanging lunas
Para sa nagtatagong takot sa loob ko
At darating ang araw na makakalag ko rin ang tanikalang 'to!
kingjay Dec 2018
Puno ay tumatanda
Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga
Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa

Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo
Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto
Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga

Espiritung gala, isipin ang kalagayan
ng katawang lupaypay
Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan
Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan

Hawakan ang kamay na nanginginig
Matamlay na  anak Niya'y sa aruga salat
Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat
Habaan ang sandali na may hininga't sarap

Pawis na  nakabilad sa hamon ng buhay
Mararanasan ang init at pait
Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais
kaakibat ay lumbay

Paruparong itim magkatambal sa paglipad
May babala man huwag isaisip
Pusang tumawid sa harapan
Ibaling ang paningin
Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
solEmn oaSis Nov 2015
pahiwatig* _=
hayaan **** ang sumpong ng katahimikan ko
ang siyang maging gawi sa pag-sigaw ng puso ko
habang dumarampi sa iyo ang tatlong ihip ng hangin
sa tuwing ikaw ay nakaharap man o hindi sa salamin

bagamat ikaw nga at ako
magkabila man ang mundo
pinag-adya ng di sinasadyang destino
kagaya ng singsing na walang puno't dulo

dahil sa kahabaan ng lansangan
sa aking mga paglalakbay
lakbay-diwa kong tinatahak
kaibuturan ng hanap kong landas

kaakibat ng paalala **** may gabay
wag naman sanang maliligaw
itong puso kong pigil-hininga
**habang pinapakinggan-inaawit sa kanta.......
=_ himig
""" Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pag sumama ka sa aking biyahe
iaalay ko ang puso ko ohhhh...""" (by Josh Santana)
Crissel Famorcan Oct 2017
Sa wakas! Nariyan na ang matagal Kong hinintay
Sa mahabang panahon, mailalabas ko na ang tinatago Kong lumbay
Dumating na ang bagay na aking pinaghandaan
At yun ay ang pagbuhos ng maganda at malakas na ulan
Oo Alam Kong ****** kung pakikinggan
Pero epektibong pampagaan ng bigat kong nararamdaman
Nakatutuwa kasing pagmasdan ang nag uunahang patak nito sa lupa
Animo'y naghaharuta't naghahabulang mga bata
Maganda rin ditong isabay ang pagpatak ng mga luha
Pagkat sa ilalim nito, walang makakakita
Masayang pakinggan ang musikang gawa ng ulan
Na nagbibigay sa puso ko ng konting kapayapaan.
Ng konting katahimikan.
Ngunit sa paglisan ng bagay na minsang nagbigay sayo ng saya,
Kaakibat din ang epektong sadyang nakapangangamba
Pagkat sa pagtatapos ng ulan ay may baha
Sa pag alis ng mahal mo nama'y mayroong mga luha
Kung paanong sa bagyo ang bahay ay nasisira
At sa paghampas ng hangin, ang mga puno'y nagwawala
Ganoon din ang puso mo, ngunit wala kang magawa
Pagkat siya ang bumitaw sa higpit ng iyong kapit
Siya ang umayaw sa pilit **** paglapit
Siya ang sumuko sa pagmamahal ng tapat
Samantalang ikaw handa pa ring patawarin ang lahat.
Katangahan.
Yan ang pinairal mo sa matagal na panahon
Yan pa rin ba hanggang ngayon?
Imulat mo ang iyong mata
Sa pagpapanggap nila,huwag kang padadala.
rin May 2018
nakakatakot
na sarili'y kilalaning lubusan
dahil kasa-kasama'y pagkatao kong
maitim pa sa balahibo ng uwak;
dahil kaakibat nito'y
kausapin siya
at dinggin ang kanyang pakiusap
na siya'y isulat
kahit ayoko'y
ayoko na, ayoko na
ayoko na
ayokong isulat sadyang kataga
ngunit heto ako't sinulat pa rin siya
ayoko siyang pakinggan
ayoko na, ayoko na
ngunit heto ako't nagpatangay sa mga salita
naririnig ko aking mga sinusulat
malinaw pa sa'king mga mata
di kaya siguro nga'y mas mainam
kung siya nalang ang bahala?
baka nga kaya'y mas mainam
kung siya nalang ang bahala
kontrolin ang buhay kong tutal nama'y
lagi niyang pinapakialaman
siya nalang ang bahala
ayoko na, ayoko na
siya nalang ang bahala
kahit mapagpasiyahan pa niyang
mawala na kaming parehas
kung sa pagkawala sarili'y mahanap
at ayos lang ako ay malimutan ng lahat
naisulat ko naman siya.
a filipino poem i might translate soon bc my life ***** and i like feeling it more in my native tongue haaaaahha
Kurtlopez Mar 2021
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Sa dako paroon aking hinihintay ang pagsilay muli ng araw
Dahil ang bukas lagi may bagong pag asa
Wag magpakulong sa mga kasalukuyan ala ala
Patuloy na humayo at wag kalimutang lingunin ang bakas ng kahapon
Eugene Sep 2018
Kuntento na akong hanggang sa mga text na lamang ko maipaparamdam
na mahalin ka kahit alam kong kabundukan at karagatan ang sa atin ay namamagitan.
Kuntento na ako na kahit hindi tayo nagkikita nang personal,
alam ko sa sarili kong minahal kita kahit distansiya ang naging malaking hadlang.

Ngunit...

Bakit tila ba ang pagiging kuntento ko ay may kaakibat na kaba sa aking kaibuturan?
Nagsasabi ka ba ng katotohanan o ang mga hinabi **** salita ay pawang walang katotohanan?
Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing ikaw ay nag-aalinlangan
sa mga tanong kong naghihintay lamang ng iyong mga kasagutan?

Bakit hindi mo sabihin na lamang na ikaw at ako ay hanggang dito na lang?
Bakit hindi mo sabihin ang mga katagang wala namang tayo kahit noon pa man?
Bakit hindi mo sabihin sa akin na ako ay bahagi na lamang ng iyong nakaraan
at pinuputol mo na ang ano mang sa atin ay namagitan?
Clar Vernadine Apr 2020
Ngayon alam ko na ang tadhana,
ang dahilan ng paghanga,
ang dahilan ng paniniwala,
at ang dahilan kong bakit 'yung tayo nawala.

Tinadhana tayong magtagpo,
tinadhana ang salitang "tayo" para sa ikaw at ako.
Tinadhana tayong magbago.
Tinadhana rin tayo para sumuko.

Ganyan kagaling ang tadhana,
hindi mo alam kong mali ba o tama,
pasasayahin ka pero kaakibat ay luha.
Masakit man pero dapat paghirapan,
dahil di lahat ng relasyon napupunta sa kasiyahan,
'yong iba'y walang sawang kalungkutan.

Tanggapin na natin ang katotohanan
na magmamahal ka pero masasaktan ka,
magpapahalaga ka pero iiwanan ka rin niya,
pasasasayahin ka pero paaasahin ka.

Tanggapin na natin,
na wala talagang tamang relasyon sa inyong dalawa,
na magmumukha ka lang kawawa pag iniwan ka niya,
na magluluksa kana naman sa kaniyang pagkawala.

Tanggapin na natin,
ay oo nga pala di mo pa pala kayang tanggapin,
na 'yong dati niyong relasyo'y naging hangin,
kasabay nang pagguho ng inyong mga hangarin.

Hindi mo pa pala, kayang tanggapin
na matagal ka nang pinaglaruan,
at di naman talaga pagmamahal ang kaniyang naramdaman.
Pag-ibig kong tunay, sayo inialay
                                             o irog kong mahal    
                                             na siyang aking buhay pag-ibig ko
                                             Sayo ay di maglalaho sapagkat
                                             minamahal kitang totoo.
                                             Ngunit bakit mo ako sinaktan ng lubos
kulang ba ang pag-ibig na ibinuhos?
Ngunit bakit kailangan mo aking iwanan,
Saan nagkulang at ika'y nagkaganyan?
Puso ko'y nagdurusa at umiiyak
Dahil sa sakit na aking kaakibat
Nasan ka na upang punasan ang luha,
Na tumutulo dahil sa sakit na nadarama
Nais kong ibalik lumipas na taon
Upang hilumin ang sugat ng kahapon
ngunit maibaalik pa ba ang noon
Kung baon na sa limit ngayon?

— The End —