Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Levin Antukin Jun 2020
ilang beses mo itinatakda sa telepono
ang alarmang gigising sa 'yo kinaumagahan?
tipong ididilat mo na lamang ang mga mata,
magdadasal, babangon, iinom ng mainit na kape,
at wala nang iba.

sana ganoon din dito sa amin.

sa munting tahanan namin dito sa mandaluyong,
pinalaki kaming alerto sa wangwang ng mga bumbero.
ito ang alarmang gigising sa 'min
kahit kami'y mga gising na.
mapapipikit ang mga mata sa takot,
sabay takip ng tainga,
dahil sa sunod-sunod na sunog,
tanaw mula sa bintanang karatig ng kama.

paano nga ba matulog nang nakatatak sa isipan
ang sangkatutak na pamilyang walang matutulugan?
tag-ulan pa naman, maaaring bumaha.
at sa tanghali kinabukasan ay bilad sa lansangan.

paano nga ba matulog sa ugong ng mga trak
na kumakalampag sa dingding,
nanunuot ang alingawngaw sa balat?

paano nga ba matulog sa ilalim ng kahel na kalangitan?
takipsilim sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi.
kinain ng nagniningas na apoy ang orasan.

pribilehiyo na
ang tanungin ang sarili
kung paano ka gigising bukas

'pagkat paano nga ba sila matutulog?
15 Subalit si Prinsipe Sibo
Naitali na ang puso

16 Sa tulad din niyang maharlika
Na isa namang prinsesa

17 At ‘di magtatagal
Sila na’y ikakasal

18 Kahit pawang walang nadarama
Na pag-ibig sa isa’t isa

19 Sila’y sunud-sunuran lamang
Sa batas ng mga ninuno’t magulang

20 Ganoon talaga kapag maharlika
Ang pag-aasawa’y mariing itinatakda

21 Upang mapangalagaan
Dangal at riwasa ng angkan.

-06/16/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 129

— The End —